Share

Chapter 3

Thank God I was able to calm myself and didn't lost my consciousness but I know that Im not okay. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

"Hey, Are you okay? You look pale and sick." Nag-alalang sabi ni Verxia.

"You look okay awhile ago.... What happen? Bigla ka bang nahilo? or what?" Napailing ako at pinunasan ang noo ko na puno na ng pawis.

"Shet girl ang husky ng boses nya. Alam mo ba yung feeling na kakagising nyu lang tapos mago-good morning sya sayo." Rinig kong sabi ng sa likod namin at sabay pa silang kinilig.

'Kapag yan ang kasama mo di kana magigising'

"Girl ikaw na." Nagulat ako at biglang napatayo pero agad ring napaupo dahil walang lakas ang mga paa ko.

"Shocks okay ka lang ba?" Sabi nito at napahawak sa braso ko, mukhang alalayan pa ata ako.

Lahat napatingin sa akin kaya napayuko ako sa hiya at agad na pumunta sa gitna kahit na nanginginig ang mga paa ko.

"Hi... I-Im Takira Mendez." Nauutal kong pakilala

Gosh nakakahiya....

"Are you sick Ms. Mendez?" Napapitlag ako sa gulat ng magsalita sya.

"No Sir." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya, bakit parang ang lapit niya. Before ako tumayo sa gitna sinigurado kong malayo ako sa kanya.

"How about your age? Recreation? Talent? Dreams?" Tanong ng mga nasa unahan.

"It's okay you can take your seat now Ms. Mendes." Dali dali akong bumalik sa upuan para ikalam sarili ko.

"Unfair naman." Rinig kong bulong ng iba.

"Ganda talaga ng boses ni Sir gusto ko rin matanong ng 'Are you okay kiana?" Kinikilig nitong sabi.

Pagkatapos magpakilala ng lahat ay sya naman ang nagpakilala. How can a person act freely like they didn't murder someone.

"What if you tell us how to kill a person." Bulong ko.

"Ms. Mendez Are you listening? You want to say something?" Napaayos ako ng upo at agad na umiling, di ko naiwasang napatingin sa mga mata nito.

Napakuyom ako ng kamay dahil parang hinihila ako nito at di ko maalis ang mga tingin.

"Attention seeker." Thanks for that at nawala ang pagkatitig ko sa kanya.

Nilingon ko ang nagsalita nun at iirap na sana ng napatigil ito at napanganga.

Pagkatapos nitong magpakilala ay nagdiscuss ito sa about sa mga subjects namin at ng mga schedules namin.

Pagdating ng lunch time ay hinila ako ni Verxia kaya sumunod na lang ako since wala naman akong kilala sa loob ng room.

"Ang saya kapag first day pa lang no? kasi wala masyadong ginagawa, chill chill lang." Sabi nito habang kumakain.

"Bawi naman kapag katapusan ng semester, stress sa dami ng pinapagawa."

"Ano ka ba wag mo na munang isipin ang mga ganyan, malayo pa yun at saka 3rd day pa daw magpapalit palit ng teachers." Napatango tango lang ako habang nagsasalita ito

"Alam mo girl kung lalaki lang ako niligawan na kita baka nga pakasalan agad kita." Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Bakit naiba agad yung topic?" Tanong ko.

"Sorry girl ang ganda mo kasi, alam mo yung nakakainis na ganda? yung di kaya pantayan kaya ka napag uusapan ng kaklase natin eh." Napakunot noo ako sa sinabi nito.

"Napag uusapan?" Tanong ko.

"Oo nga girl di mo ba pansin? At isa pa ilang beses ka natawag ni Sir which is super nakakainggit, grabe ka!" Sabi nito at hinampas ang balikat ko.

"Anong maganda doon?" Tanong ko, napatigil ito at sinamaan ako ng tingin.

"Manhid ka ba o shunga lang? Alam mo naman si Sir delisciouso at super handsome dagdag mo pa yung nakakalaglag panty niyang boses. Malamang maraming inis sayo kasi gusto rin nila mapansin si Sir pero aminin lahat tayo may crush na kay sir ngayon." Kinikilig nitong sabi.

"Ang definition ba ng crush ay takot at galit na nararamdaman mo sa tao?" Tanong ko. Natigil ang pagde-daydream nito at nawala ang ngiti.

"Ha?" Tanging natanong lang nito.

"Wala, ubusin mo na pagkain mo malapit ng magtime." Sabi ko at tinuro ang pagkain nito kaya napatingin rin sya sa pagkain nya na di pa nakakalahati dahil puro ito kwento at salita.

"Alam mo ba yung different stages and kinds of beauty?" Napabuntong hininga ako dahil may ibang topic na naman ito.

"May mga ganun pa ba?" Tanong ko. Nagulat ako ng hinampas ulit ako nito sa balikat.

"Ano ka ba girl, syempre meron!" Sabi nito at uminom ng tubig, nagsign pa ito ng wait.

"Una yung simple at natural lang." Napataas ako ng kilay at tumango na lang ulit.

"Cute, pretty, sexy, effortless, georgeous, stunning—"

"Gawa gawa mo lang yan pare-pareho lang naman lahat yan." Pagpipigil ko rito

"Hindi no! Level 1, 2, 3 and so on kasi yun." Pagde-depensa nito.

"Pretty, georgeous, and stunning have the same meaning. There's no comparison about that, kapag maganda, maganda ka equal lahat, walang may lamang." Sabi ko.

"I strongly disagree! At lahat mag-aagree sa akin." Napangiwi ako sa sinabi at medyo naguluhan.

"Alam mo kung bakit? Dahil sayo beh!"

"Oh bakit ako agad? Wala akong kinalaman diyan." Bakit naman ako ang rason? Walangya nanahimik ako dito.

"Alam mo kung anong level ka? Andun ka sa taas beh pang-ethereal beauty kahit sino itabi sayo walang lalamang sa ganda mo, aware ka ba sa ganda na meron ka?" Sabi nito at inirapan ako.

"Nakakain ba yung kagandahan? Nabibigyan ka ba ng pera niyan? Gaganda ba ang buhay kapag maganda? Mawawala ba ang lahat ng problema kapag maganda? Hindi diba?" Napanganga ito sa sinabi ko.

"Galit ka ba sa mundo? Ang negative mo naman, chill ka lang pwede?" Sabi nito at lumamon, buti naman at kumain na ulit.

"Bakit kaya tumigil kana sa pagsasalita diyan at tapusin mo na yang pagkain mo para makabalik na tayo sa room." Inis kong sabi.

"Asus namiss mo naman agad si Sir." Sinamaan ko ito ng tingin pero ngumiti lang ito at sumubo ulit.

"By the way you mention earlier na 23 kana diba?" Tumango ako, di pa ba to titigil? Malapit ng magtime eh.

"Kung ganun nagstop ka sa pag-aaral bumalik ka?" Tanong nito.

"Nagstop ako, mahabang kwento." Sabi ko at nag ayos na para makaalis na kami kaagad.

Nang makabalik kami sa room ay nandoon na sya habang may ginagawa sa laptop nito.

"Hello po Sir." Bati ng iba na kasabay namin sa pagpasok kaya napatingin ito sa amin, napabilis tuloy ang lakad ko papunta sa upuan ko.

"Ang sungit ni Sir pero okay lang gwapo naman" Sabi nina Kiana at humagikgik na parang kinikilig.

Saktong 1 ng hapon ng makumpleto kami sa room. Akala ko mag-aactivity kami since yun ang sinabi niya kaninang umaga pero biglang nagsabi ito na magvo-vote daw kami para sa class officer kaya biglang nag ingay yung iba. Hindi ko alam kung bakit gustong gustong mga students ang mga ganun.

"Lugi tayo dito sis halos lahat sila magka-klase noon, paano tayo makakasabay?" Nakasimangot nitong reklamo.

"Bakit gusto mo bang maging officer sa room? Pwede namang magself nominate." Sabi ko rito.

"Akala ko pa naman sasabihin mo, 'wag kang mag-alala ino-nominate kita" Sabi nito at tinignan ako ng masama kaya napatawa ako. Kung pwede nga ayokong magsalita for the whole sem eh.

"Sir unahin po natin yung secretary para may magsusulat sa whiteboard." Sabi nung bida bida naming kaklase.

"Go ahead." Walang pakialam nitong sabi. Bato ba sya o robot? Mukhang pinilit lang ata to para magturo kasi mukhang wala syang gana at walang pakialam sa lahat.

Nagsimula tuloy nagkagulo ang lahat sa pagboto dahil di sya nag-aasisst. "Darina come and write something on the board." Napatigil ang lahat at napatingin kay Darina na hindi man lang nanominate kanina.

"S-sir ako po?" Nagtataka nitong sabi pero tumayo pa rin. Inabot nito ang marker mula kay Sir at tumayo sa harap ng board.

"Sakto naman pinili ni Sir maganda yang sulat ni Darina pero di lang masyado nagpa-participate." Rinig kong bulong ng iba.

"Give the marker to Theia." Sabi nito pagkatapos magsulat ni Darina. Tuwang tuwa naman si Theia dahil nanominate sya kanina ng iba. I guess isa sya sa mga kaibigan ni Kiana.

Nagsulat rin ito sa board at todo ngiti na binalik kay sir ang marker. Sunod na nagsulat ay si Kirito, yung japanese na lalaki na kaklase namin.

"Vote nyu yubg deserving ha, hindi yung dahil lang sa sikat sya sa room." Malakas na sabi ng nasa unahan na babae.

"True." Agree naman agad si Verxia.

"Maganda lahat sulat nila pero mas malinis tignan kay Darina." Sabi ni Verxia, totoo naman sinabi niya kaya si Darina ang binoto namin.

Sikat si Kirito sa boys at mukhang maraming kaibigan kaya halos lahat ng boys ay bumoto kay Kirito, nahati naman boto ng girls kay Darina at Theia kaya ang nanalo ay si Kirito.

"Sayang mas maganda sana kung si Darina ang nanalo." Reklamo ni Verxia.

Naghiyawan yung mga boys ng manalo si Kirito at pinagtulakan nila sa gitna.

"Okay, Let's go with the president guys." Sabi ni Kirito at nagsulat sa board.

"Kiana na agad yan! Sya na president since Grade 10 pa lang eh." Sabi ng iba.

"Magaling sa lahat yan Sir lalo na sa pagsakay." Sabi ng grupo nito at saka sila nagtawanan.

"Hey, that's not true." Napamake face si Verxia dahil sa arte ng boses ni Kiana.

"Verxia will be the president of the class." Natahimik ang lahat at napatanong pa yung iba kung sino si Verxia.

Si Verxia naman na gulat na gulat din ay napaturo pa sa sarili. " Verxia was a student council in her previous school so I guess she was the best candidate for the class president." Hindi nakaimik yung iba at napatango na lang.

"Okay si Sir na nagsabi kaya ilagay ko na si Verxia sa president." Sabi ni Kirito

"F*ck ang sakit." Reklamo ko dahil mapipiga na ni Verxia ang braso ko.

"Girl president daw ako, magpapa-ayuda na ba ako?" Biro nito kaya natawa ako.

"Pumunta kana sa gitna." Sabi ko na lang. Nag iinarte pa itong tumayo pero todo ngiti naman ng nasa gitna na.

"Well I just wanna say something in regards of this position because some of you might not like the idea that I gain this position through our professor but yes it's true that I am a student council and I am a vice president for like 2 years so rest assured that I can be the best president." Napangiwi ako dahil mukhang call center ito.

Nagpatuloy yung botohan nila, g na g silang lahat samantalang yung prof walang paki sa gilid at nakaharap lang sa laptop.

"Okay guys labas mga Ms. Universe dyan, muse na tayo!" Nagulat ako dahil bigla itong napatingin sa akin, napaiwas ako at tumingin kina Verxia na nakatingin rin sa akin, parang biglang may dumaan na anghel dahil natahimik silang lahat.

"Kailangan pa bang botohan yan? Wag na kayong ma-pride at insecure aminin nang yan naman talaga pinakamaganda dito." Sabi ni Aisha na treasurer.

"And so? We need to choose na kaedad lang natin no, gurang na yan malamang at mas angat ganda niya kasi mature na eh." Napatingin ako kay Theia dahil sa sinabi nito.

"Hey does the maturity can tell who's the prettiest? Even a 40 years kung mas maganda sayo, shut up ka na lang!" Nagulat ako sa sigaw ni Verxia, kitang kita sa mukha nito ang inis.

"Ngayon ko lang narinig na basehan na pala ang edad sa pagiging maganda." Sabi ni Pia.

"They're right Theia, Let's vote Kira for the muse." Mahinang sabi ni Kiana at ngumiti sa akin, ramdam ko naman ang pagiging plastic nito kahit ngumiti pa siya.

Gusto ko sanang mag-object pero nahihiya akong magtaas ng kamay.

"Okay Takira Mendez for the position of muse." Sabi ni Verxia.

"T-teka..." Tumahimik na lang ako at di na tinuloy ang pagtaas ng kamay.

"Okay guys last na—"

"Go back to your seat and prepare for the activity, Verxia come here." Natigilan ang lahat at nagkatinginan. Narinig ko pa ang bulungan ng iba pero bumalik din sa upuan.

Mabilis lang ang naging oras at uwian na, dali dali kong inayos ang mga gamit ko para makauwi agad sa bahay.

"Nagmamadali? Tara fishball muna sa labas libre ko." Sabi ni Verxia. Napailing agad ako dahil maaga ang duty ni Leny ngayon, kailangan ko agad umuwi.

"Eto naman first day natin ngayon at saka isa pa ikaw lang frenny ko dito ayoko pa kasing umuwi." Nakasimangot nitong sabi.

"Sorry talaga Verxia pero—"

"Come on Verxia you can come with us, wag mong pilitin ang mga matatanda na, marami na yang responsibilidad aa buhay malay mo may anak pa yan uuwian kaya nagmamadali." Napahigpit ang hawak ko sa bag at nilingon sila.

"Oo nga naman, intindihin mo na lang ang mga mommies na." Dagdag pa ni Myka.

"Hey girls stop that, Im so sorry for that Kira." Sabi nito at ngumiti ng plastic.

"Come on girls, Let's go." Nagtawanan pa ang mga ito bago umalis.

"Sh*t pasalamat sila nandito pa si Sir naku masasabunutan ko talaga ang mga yan, mas mukha pa nga silang mommies." Gigil na sabi ni Verxia.

"Hayaan mo na, tara sabay na tayong lumabas ng campus." Sabi ko.

Pasimpleng tumingin ako sa kanya bago lumabas ng room pero nagulat ako ng tumayo ito at sumunod sa amin.

"Ms. Mendez." Bigla akong kinabahan at napakapit sa braso ni Verxia.

"Y-yes Sir?" Kinakabahan kong sabi ng hindi siya nililingon.

"You drop your wallet." Agad akong napatingin sa sahig at nandun nga ang wallet ko.

"Ay hala sorry sorry, thank you po Sir." Wala sa sariling sabi ko at napatingin sa kanya.

Inayos nito ang salamin sa mga mata niya at saka umalis na, nakahinga ako ng maluwag ng mawala na siya sa paningin ko.

Pinulot ko ang wallet ko at nilagay sa bag ko at saka tumingin kay Verxia na nakataas ang kilay habang nakatingin rin sa akin.

"Mag ex ba kayo?"

Comments (10)
goodnovel comment avatar
Irene Haguimit
more update po plzzzz
goodnovel comment avatar
Josie Gratil
more update please
goodnovel comment avatar
Josie Gratil
more update please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status