Share

Chapter 4

He f*cking murdered me tapos sasabihin niya mag-ex kami? Mukha bang may something sa amin!?

Inis na binuksan ko ang pinto ng bahay at padabog na umupo. "Oh anyare sayo? Bakit parang gigil at inis ka diyan?" Tanong ni Leny habang nagm-make up, nag iba ito ng pwesto at humarap sa akin.

"Magtatanong pa lang ako kung kamusta araw mo eh pero ganyan na agad bungad mo kakapasok mo lang ng bahay." Sabi nito.

"Itigil mo muna yan dahil siguradong magugulat ka sa sasabihin ko." Napatigil nga ito at tumingin sa akin.

"He's my professor." Napakurap kurap ito at mukhang di nagets ang sinabi ko.

"Anong meron sa professor mo?" Tanong nito.

"Please don't freak out but my professor is the rapist."Mahinang sabi ko na ikinasinghap nito. Nagulat ako ng bigla itong tumayo at nagsuot ng jacket.

"Iwan ko muna sayo tong cellphone ko, kapag tumawag si boss sabihin mo masakit p*ke ko kaya di muna ako papasok." Napangiwi ako sa bastos ng bibig nito.

"Teka saan ka pupunta?" Naguguluhan kong tanong at pinigilan itong lumabas.

"Pupuntahan ang matandang panot na yun, siguradong di pa nakakaalis ng campus yun dahil uugod ugod na sya!" Galit nitong sigaw at binawi ang kamay at saka nagmartsa palabas.

"Leny sandali!" Sigaw ko at hinabol ito sa labas.

"Leny teka awat muna okay? Kalma lang muna tayo wag tayong padalos dalos, kilala mo naman siguro kung sino ang susugurin mo diba? Una sa lahat kapag pumunta ka ng school at nandun pa siya? Anong gagawin mo—"

"Sasaksakin ang malaki niyang tiyan at puputulin ko ang t*ti niya!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Leny lalo na't nasa harap ko pa siya. Pinagtitinginan na kami ng kapitbahay dahil sa lakas ng boses niya.

"Please Leny kumalma ka muna, pag isipan mo nga yang gagawin mo wag ka namang padalos dalos." Kinakabahan kong sabi.

Nagpasalamat ako ng bumalik ito sa loob, sinundan ko ito at umupo sa harapan niya. Tahimik lang ito kaya di na muna ako nagsalita, alam kong pinapakalma niya sarili niya kaya hinayaan ko na muna ito.

"Anong plano mo ngayon?" Mahinahon nitong sabi.

"Lumipat ka ng school tulungan kita kahit ano pa yan, teka okay ka lang ba ngayon? Nakilala ka ba niya? Kinausap ka ba? Anong ginawa niya sayo?" Sunod sunod na tanong nito at tanging pag iling lang ang sagot ko.

"Wala akong plano na lumipat ng school Leny, mahirap ng mag enroll ngayon lalo na't nag umpisa na yung klase at isa pa yun na yung pinakalapit dito." Sabi ko.

"Wag kang mag alala ako magbibigay budget para sa pamasahe mo at magagawan natin yan ng paraan ang paglipat mo ng school yung iba nga nag eenroll na kahit 2 weeks na nagstart yung klase." Napailing ako

"Leny salamat sa concern mo pero may pamilya kang sinusuportahan, marami kang kapatid na pinapaaral kaya wag na, kaya ko to Leny kilala moko." Napatitig ito sa akin at napabuntong hininga.

"Malakas ka lang sa labas Kira pero alam kong di mo kaya diyan sa loob mo. Alam kong natigil na ang pag iyak mo tuwing gabi pero babalik at babalik ang masamang memorya na iyon kapag nakikita mo siya araw araw."

"Hindi Leny alam kong kaya ko siyang harapin araw araw at isa pa mukhang di niya ako nakilala."

"Aba possible yan sa dami dami ba namang babae na pinatay na nila alam kong di nila namumukhaan ang nga biktima nila pero kahit sa gandang meron ka alam mong pag-iinteresan ka pa rin ng matandang panot na iyon." Natawa ako dahil gigil na gigil ang mukha nito.

"I think iiba ang pagtingin mo sa kanya kapag nakita mo na siya baka nga magustuhan mo pa siya."

"Ha! Impossible yan sa laki ng galit ko sa kanila dahil sa ginawa nila sayo kapag nagkaroon ako ng pagkakataon puputulin ko talaga ang t*ti niya!" Napangiwi ako sa sinabi nito.

"Makangiwi to akala mo naman di pa sanay sa akin, hoy dai! mula pagkabata magkakilala na tayo kaya wag mokong ngiwi ngiwian diyan." Natawa ako at napairap.

"Basta hindi siya matanda Leny, I think he's 30 at kahit na. labag sa kalooban ko 10 siya sa lahat except sa ugali."

"Totoo! 10? as in 10 talaga? Totoo ba yan? Gosh! bigla tuloy ako nacurious sa itsura niya, ikaw ba naman nagbigay ng 10 eh ang taas ng standard mo."

"Ang oa mo nagsasabi lang naman ako ng totoo and please don't forget na he's a rapist kahit na ano pa ang mukha niya mamatay tao pa rin siya."

"Alam ko sis pero 10 rin ba talong niya?" Tinignan ko ito ng masama na ikinatawa lang niya.

"Baka kasi sarap ang ikinamatay nyu kasi nga wala namang sugat ang mga nababalitaan na namamatay na babae."

"Ewan ko sayo bahala ka diyan, magbibihis na ako at ikaw ipagpatuloy mo na diyan ang pagkukulay sa mukha kasi mukha ka namang coloring book." Sabi ko at umalis na.

"Aba gagang to nang insulto pa! Pasalamat ka maganda lahat sayo maliban sa ugali." Hindi ko na ito pinansin at pumasok na sa kwarto. Nakita kong natutulog si Akiea, katabi nito si Aki na nagbabasa habang nagpa-paypay sa kapatid.

"Aki may fan naman bakit di mo paandarin at baka mangalay yang kamay mo." Napatingin ito sa akin at ngumiti.

"Ate—" Napahinto ito at napatakip ng bibig dahil napalakas ang boses nito. Tumingin ito sa kapatid na di naman nagising sa ingay niya.

"That's okay Aki kailangan na rin magising Akiea at baka kapag gabi na siya magising eh mahihirapan akong patulugin yan mamaya." Sabi ko.

"Kailan po natin sisimulan yung pagsell sa store ate?" Tanong nito.

"Hmm... siguro sa susunod na linggo kasi marami pa akong ayusin before natin mabuksan yung store bakit excited kana ba magtinda?"

"No po baka kasi maubos na ni kiea ang mga candy before pa maopen yung store." Nanlaki ang mata ko dahil mukhang nagpadala na naman si Leny sa pagmamakaawa ng batang pasaway na to.

"Did she ate a lot today?" Tanong ko na ikinaiwas ng tingin nito.

"N-no..." Napabuntong hininga ako at di na nagtanong pa

Pagkatapos kong magbihis ay sakto namang paggising ni Akiea at umiyak pa nga...

"Why are you crying?" Tanong ko at tinabihan ito. Tumigil ito sa pag-ngawa at napakurap kurap sa harapan ko. Kumuha ako ng suklay at inayos ang buhok nito.

"Malaki kana Akiea, need mo ng magstop ng cry everytime you wake up." Sabi ko rito at tinalian ang buhok nito.

"Alam mo naman hanap ka lang naman niyan palagi kapag nagigising yan kaya automatic iyak kapag di ka nakikita sa tuwing nagigising yan, pahingi ng perfume ha." Sabat ni Leny na pumasok ng kwarto.

"Nga pala nakalimutan ko magsabi wala na pala tayong bigas kaya di pa ako nakakapagsaing." Dagdag nito

"Okay lang bibili ako mamaya, maaga pa naman ingat ka."

"Sige sige, may konting chicken curry pa nga pala doon, kasya pa siguro sa inyong tatlo para sa hapunan kaya wag ka nang bumili ng ulam. Alis nako baby girl." Hinalikan nito sa noo si Akiea at ginulo naman nito ang buhok ni Aki bago umalis.

"Aki bibili ako ng bigas isasama ko si Akiea, ikaw?" Napatingin ito sa akin at saka sa mga laruan ni Akiea na nasa sahig ng kwarto.

"I need to clean this so I'll just stay here, Ate." Napangiti ako at binuhat na si Akiea.

Pagkatapos kong bumili ng bigas ay nagpumilit pa si Akiea na pumasok kami sa 7/11 para bumili ng ice cream kaya pinagbigyan ko na lang dahil di ito titigil hangga't di nabibigay ang gusto.

"Gago high ka lang ata eh, ilang babae ba tinira mo ngayon at nagha-hallucinate ka."

"Tang*na mo sa dami dami ng babae na binigay natin kay master sya lang yung kakaiba ang ganda kaya di ko makalimutan ang mukha niya at sure akong siya ang nakita ko sa campus."

Kumuha ng ice cream si Akiea at binigay sa akin kaya binayaran ko na sa counter. "Here baby." Napangiti ito at agad na binuksan ang ice cream, hinawakan ko ang isang kamay nito at bubuksan na sana ang pinto ng may nauna sa akin.

"Mauna kana Miss—" Nanlaki ang mata ko ng makita si Sanji at Connor sa harapan ko. Natulala ang dalawa sa harapan ko kaya agad kong binuhat si Akiea at nagmamadaling umalis, pasalamat ako ng may dumaan agad na trycicle kaya nakasakay kami agad, muntik ko ng mabitawan ang bigas dahil sa pagmamadali ko.

"Why are we in rush, Ate?" Tanong ni Akiea na busy sa pagkain ng ice cream.

"Kasi marami pa akong gagawin sa bahay."Sagot ko na lang.

Hindi mawala wala sa isip ko ang mukha ni Sanji at Connor, yung takot ko ay bumalik pero nangingibabaw sa damdamin ko ngayon ang galit kaya di ako makapagtrabaho ng maayos. Muntik nakong makabasag ng pinggan kanina dahil di maayos ang isipan ko.

Nakita nila ako sa campus, ibig sabihin nag-aaral rin sila doon. May posibilidad na makikita ko rin sila at kapag nangyari na makasulubong ko sila ulit......

Napahilamos ako ng mukha at napaupo sa kama. Anong gagawin ko? Lilipat ng school? Pero mahihirapan ako kung sakali.

Titigil? Bibitawan ko ba ang isa sa mga pangarap ko para lang maiwasan ko sila? Hindi pwede, kailangan kong makapagtapos para sa mga kapatid ko.

The next day I wake so early sa di ko alam na dahilan. Hindi pa nakakauwi si Leny kaya naman naligo na ako at nag ayos agad. Ininit ko lang naiwang kanin kagabi at nagluto ng hotdog at itlog. Nang magising si Aki ay nagmamadali na akong umalis pagkatapos ko siyang pakainin at baka biglang magising si Akiea at baka mahirapan akong umalis kung sakali.

Nang makarating sa school ay marami ng student na naglalakad papasok sa campus, as expected kapag unang semester, maaga pa ang mga estudyante at excited pumasok.

"Kiraaaaaa...!" Napatigil ako at napalingon sa tumawag sa akin.

"Ang aga mo ah." Bati ko ng makalapit ito.

"Hiyang hiya sayo girl, nauna kang nakapasok sa campus kaya mas maaga ka." Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"You know what di talaga ako naniniwala na 23 kana like look at you girl mas bata ka pa tignan sa akin at saka same height lang tayo hihi..." Hindi ko alam kung pinuri ba niya ako ininsulto pero tama naman siya magkasingtangkad lang kami.

"May kuya ka ba? Magpapalahi lang ako." Sabi nito at tumawa ng malakas.

Napangiwi ako at binilisan ang paglalakad para maiwan ito.

"Uy si pres pala to eh good morning President." Bati ng mga kaklase namin na nakasabay namin sa elevator.

"Mga walanghiya, goodmorning pres daw pero kay Kira nakatingin." Sabi ni Verxia at umirap, ngumiti na lang ako at umiwas ng tingin.

"Kira may boyfriend kana daw ba, tanong ni Kirito."

"Hoy bakit ako? Kayo ang tanong ng tanong sa akin ng bagay na yan eh." Depensa naman ni Kirito.

"Sus denial si bro oh buong araw nakatingin ka lang kay Kira eh."

"Bakit kayo, hindi?" Inis nitong sabi na ikinatawa ng iba.

"Tumahimik nga kayo, ang ingay nyu at saka wag nyung pakialaman ang bestfriend ko, mga babaero kayo eh." Inis na sabi ni Verxia.

"Eto naman inis agad si Pres, sige ka mabilis pumuti buhok mo niyan."

"Tigilan moko josh at baka masungalngal kita."

"Hayaan mo na Verxia, normal lang ang crush at saka mga bata pa sila." Sabi ko na lang.

"T*ngina bata!?" Nagulat ako sa reaction nila at kinabahan.

"Bata ka pa raw bro..." Napakagat ako ng labi dahil mukhang nainsulto ko sila.

Ngumiti lang si Kirito at pinauna kami sa paglabas ng elevator. "Inlove na nga ang g*go." Rinig ko pang sabi ng isa.

Malapit na kami sa room ng makarinig kami ng tawa mula sa loob. "Ang saya naman nila, ang aga aga pa." Sambit ni Verxia.

Napatigil kami sa pagpasok ng makita namin si Kiara na nakaupo sa mesa ni Sir, litaw na litaw ang makinis nitong legs. Bakit parang di normal yung haba ng palda niya? Dahil ba sa nakaupo lang ito.

Tumawa ito na parang kilig na kilig at hinampas pa ang braso ng mamatay tao naming professor.

"Good morning Si...ir." Akward na bati ni Verxia, tumikhim si Verxia at umalis sa pagkakaupo sa mesa.

"Oh good morning guys ang aga nyu ah." Nakangiting bati nito pero ang mga mata nito ay nasa akin lang. I don't know what to react when she smirk at me. Napataas ako ng kilay at parang matatawa. What's up with her?

"Luh parang tanga akala mo naman naungusan ka niya sa ganda." Bulong ni Verxia.

Hindi ako sumagot at pumasok na lang sa loob at umupo. " Good morning Kira ang aga mo rin ngayon." Nagulat ako ng kinausap ako nito.

"Yeah, good morning." Sabi ko na lang. Ngumiti ito at umupo na rin. Napatingin ako sa palda nito at lumiit nga ito kesa kahapon.

"Seems like everyone's already here. Let's start our day with a prayer."

Hala! Nagdadasal rin pala ang demonyo.

"Verxia." Nanlaki ang mata ni Verxia at tinuro pa ang sarili.

"Lead the prayer." Natawa ako sa mukha nito sa sinabi ni Sir..... Killer.

Tumikhim si Verxia at pumunta sa gitna.

"Okay guys close your eyes, walang titingin sa akin, kapag may bumukas ang mata siya ang magle-lead bukas." Agad na sabi ni Verxia na ikinatawa ng iba.

Napayuko ako at pumikit ng magsimula na si Verxia, di ko alam pero parant may tumitingin sa akin kaya napamulat ako ng mata, nakapikit naman ang lahat kaya pipikit na sana ulit ako ng mapadako ang tingin ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makitang titig na titig ito sa akin, di ko alam pero di ko maalis ang tingin ko dito, parang hinihigop nito ang lakas ko at di ako makagalaw.

"Amen." Napasagap ako ng hangin at agad na umupo. Nagcheck ito ng attendance at nagdiscuss ng konti at nagbigay ng pre-test.

"Verxia give me your paper." Nanlaki ang mga matang napatingin si Verxia kay Sir... Killer.

"Sir? Bakit ako agad? Hindi pa nga po ako tapos nasa 35 pa lang po ako." Natataranta nitong sabi. Nakita kong napatingin sa amin si Kiana.

"Okay, give me your once your done." Sabi nito.

"Sir, How about mine? Malapit na akong matapos." Malanding sabi ni Kiana.

"That's great but I need Verxia's paper." Nawala ang ngiti nito at tumango na lang.

"Nagsisi tuloy akong maging president parang nakikita ko na ang future ko beh, mas-stress ata ako ng bongga sa kanya." Bulong nito.

Nang matapos kami sa pre-test ay nagpa-activity ito. Magdraw daw kami ng isang bagay na makakapag-describe ng personality namin at i-explain sa gitna. Nakatulala lang ako sa paper ko at di alam ang i-guguhit at saka ayokong mag-explain mamaya.

Laking pasasalamat ko ng mag-time na at di pa natatapos ang iba sa paguhit, samatalang ako di man lang nagalaw ang bond paper ko.

"Girl mauna kana cafeteria ha, tawag pa ako ni Sir eh." Inis nitong sabi kaya tumango na lang ako. Ayoko pa namang maglakad sa cafeteria ng mag isa.

"Hi." Napatingin ako sa gilid ko at napatingala pa dahil ang tangkad ni Kirito. Napatingin ako sa singkit nitong mata. It reminds me of someone.

"Hi." Mahinang sabi ko. Nakita ko sa gilid ang masamang tingin ni Kiana sa akin.

Pumasok ako ng elevator kasama ang iba.

"Uyy kasama ni Kirito ang crush nya oh!" Kantyaw ng iba. Napailing na lang ako dahil di talaga mawala ang mga crush sa mga highschool student.

"Cafeteria ka rin?" Tanong nito sa akin kaya tumango ako.

"Sama kana sa amin, libre kitang drinks." Naghiyawan ang iba sa sinabi nito.

"Sorry hihintayin ko pa kasi si Verxia."

"Aray basted si Kirito!" Natawa lang ito sa kantyaw ng iba.

"It's okay." Nakangiting sabi nito, napaiwas ako ng tingin dahil may kakaiba sa mga mata nito kapag tumitingin sa akin.

Agad akong naghanap ng pwesto para sa amin ni Verxia at bibili na sana ng pagkain ng may nakita ko ulit sila. Agad akong tumalikod at tumakbo palabas ng cafeteria.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status