Her first tears
MABILIS naasikaso ang lahat sa amin ng Avelino family. Sa tulong na rin ng connection ng papa ko at mas lumaki pa yata ang galit sa akin ni Dervon, nang makilala niya ako bilang future wife niya. Lalo nang ikasal kami na agad-agaran. Pagkatapos ng kasal namin ni Veins ay kaagad na niya akong inilayo roon at hinila papuntang parking lot. “Hey, wait up! Dahan-dahan naman. Mataas ang heels ko!” reklamo ko, pero parang wala lang sa kaniya kung magkandarapa na ako sa kahihila niya at hindi niya talaga ako pinapansin. Dedma lang siya. Huminto kami sa pulang kotse at marahas na tinulak ako papasok sa loob. Napaka-gentleman naman niya! Note the sarcasm, please! “Tsk.” Suplado talaga siya. “Ouch!” impit na daing ko at napasubsob ako sa upuan nito. Ang sakit! Napapikit pa ako nang pabagsak niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya. What the fvck is his problem?! Mabilis na umikot naman siya at pumasok sa driver seat at mabilis niya ring pinausad ang kaniyang kotse, kasabay na pinaharurot na niya ito palayo. “Hey, slow down!” sigaw ko at dali-daling ikinabit ang seatbelt ko. Natakot ako ro’n, ah! Fvck him! Nang maayos ko na ang pagsuot ng seatbelt ko ay napatingin ako sa labas ng bintana. “Holly shit!” malutong na mura ko, for Pete’s sake halos hindi na makita ang dinaraanan namin, dahil sa mabilis na pagmamaneho niya. “Can you shut up?!” he shouted at me. “Mababangga tayo. Bagalan mo naman!” “The hell I care?!” Nagtatagis ang bagang niya, sa sobrang galit sa ’kin. “Damn you, Dervon Veins Avelino!” I cursed him. “Don’t fucking curse me, woman!” “What’s wrong with you?” tanong ko na hindi naman siya nag-abalang sumagot. Mayamaya pa ay hininto niya ang kotse sa tapat ng Avelino Condominiums. Napapitlag ako nang marahas na bumukas ang pinto sa shotgun seat at mukha ni Veins ang nakita ko. “Get out!” Hindi agad ako nakagalaw, dahil sa pagkabigla kaya marahas na hinawakan niya ang braso ko at hinatak na ako pababa. “Veins! Ano ba?! Nasasaktan ako!” sigaw ko, pero para siyang bingi at dire-diretso lang ang paglalakad namin. Naramdaman ko ang paghapdi sa aking braso, tiningnan ko naman ito at namumula na nga. Bakas ang kaniyang kamay sa balat ko. Dahil maputi ako ay halata ang pamumula niyon. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Nabasa agad ang aking pisngi. Alam kong ayaw niya sa ’kin. Ayaw niyang maikasal, pero wala siyang choice. Kagustuhan naman ito ng parents niya and I know, my girlfriend siya. May Mahal na siyang iba. Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala kami sa elevator at hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko. “Veins, let go of my hand,” mahinang sambit ko. “Don’t call me by my second name!” Hinila na naman niya ang aking kamay. Puro hatak na lang ang ginagawa niya at ramdam ko ang galit sa paraan ng kaniyang paghawak. Pumasok na kami sa condo niya at sa sofa niya ako mismo tinulak. Napasubsob pa nga ako. “Veins?” Napatingin ako sa babaeng tumawag sa asawa ko. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig at hindi na ako nakagalaw pa mula sa aking kinauupuan. “Arjana,” tawag naman ni Veins at lumapit siya sa babae. Walang sere-seremonyang siniil niya ito ng halik sa labi. Mabilis namang pinulupot ng babae ang mga braso niya sa leeg ni Veins. Damn it! Ito siguro ang girlfriend ng asawa ko! Hindi ko alam kung bakit nanikip ang aking dibdib. Nag-iwas na ako nang tingin na baka may makita pa akong kababalaghan. Nanghihinang umupo ako sa sahig at napahilamos ako sa aking mukha gamit ang mga palad ko. What’s wrong with me? Bakit ako nasasaktan? Bakit ba ako nagkakaganito? Parang may matulis na bagay ang bumaon sa dibdib ko. Nasasaktan ba ako? Kasi ang asawa ko ay may kahalikang ibang babae? At ang mas masaklap pa ay iyong babaeng mahal na mahal ng aking asawa. Bakit hindi ka lumaban? May karapatan ka naman, ’di ba? Ani ng maliit na boses sa isip ko. How? Eh, alam kong talo ako sa babaeng iyon. He belongs to you, he’s your husband and you can do anything you want to him. May karapatan ka, dahil kasal kayo. The hell! Tumayo ako at bumalik sa living room pero napahinto rin ako. Wala akong naririnig na ingay at parang natatakot akong makita kung may ginagawa ba sila o wala. Pero basta, natatakot ako. Dahan-dahan na akong napaatras. Kung may ginagawa man sila ay ayoko nang makita pa. Kahit sa ganoon lang, kahit iyon lang ay hindi ko na maisip pa na kayang-kaya akong pagtaksilan ng asawa ko nang harap-harapan. Nanginginig ang aking mga kamay na binuksan ko ang pinto at lumabas na rin ako. Hindi ko kayang magtagal sa lugar na ito kung alam kong nandito ang babae niya. “Napakademonyo niya kung makikipag-sex siya sa babaeng iyon!” nagngingitngit na sambit ko. Pinindot ko ang elevator at dali-daling pumasok. I’m still wearing my fvcking wedding dress! Buwesit! Nagmumukha akong baliw sa ayos ko. Dapat kasi ay diretso kami sa reception after the wedding at magpapalit pa ako ng dress, pero wala. Umalis agad kami. Magsasara na sana ang elevator nang biglang may kamay na pumigil no’n, and I saw my fvcking husband! Tiningnan niya ako na puno ng galit at napalitan din iyon ng walang emosyon at parang any moment ay kakatayin na niya ako ng buhay. “Saan ka pupunta?” malamig at mariin na tanong niya sa akin. Napaigtad na naman ako nang hawak-hawak na naman niya ang aking pulso. Nang hindi ko siya sinagot ay bahagyang hinila niya ako palapit sa kaniya. “Shit! Bitiwan mo ang kamay ko, masakit!” sigaw ko at pilit na tinatanggal ko ang kamay niya. Take the fucking note! Iyon pang kamay ko na dating nagka-injure ang hinawakan niya! Iyong kamay ko na na paminsan-minsan ko na lang nagagalaw. Yeah, right! Hindi ko na nararamdaman, pero ramdam ko ang kuko niyang nakabaon sa balat ko. “Hindi ka puwedeng umalis na lang nang hindi ko sinasabi.” Ibinalik niya ako sa loob ng unit niya at wala na naman akong nagawa pa. “Let go of my hand, Ve—Dervon!” At kaya naman pala ayaw niyang tinatawag ko siya sa second name niya. Kasi ang babae niya ang tumatawag no’n sa kaniya. Napapitlag ako nang malakas na isinandal niya ako sa nakasarang pinto. Mariin ang pagtitig niya sa mukha ko. “Aurora Pearls Crizanto-Avelino my wife. My fucking wife! Itatak mo ito sa kukote mo. Kung ano man ang ginagawa ko ay wala kang karapatang pigilan ako, wala kang karapatan sa ano mang gagawin ko sa buhay ko. In short, my business is my only business and you’re out with that. Wala kang karapatan sa akin. Iyan ang palagi mong tandaan,” mariin na babala niya. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Dervon? Ako? Wala akong karapatan sa iyo? You are my husband—” “Sa papel lang. Asawa mo lang ako sa papel at huwag mo ring kalimutan, that we’re just married in convenience. Fix marriage. Kaya huwag kang mag-assume na magiging mabait ako sa ’yo. I love Arjana and she’s my girlfriend and you? You’re just my wife, sa papel. Sa papel lang.” Inangat niya ang mukha ko gamit lang sa paghawak niya sa aking panga. Sa higpit nito ay halos hindi ako makahinga. Siguro, naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Kaya nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Mabilis siyang napabitaw at napatitig siya sa kamay niya. May tumulong luha ko roon. Ilang saglit pa ay tinalikuran na niya ako. Parang nauupos na kandila ang aking katawan at napadausdos na lang ako sa sahig. Naipikit ko ang aking mata. Asawa ko lang siya sa papel? At wala akong karapatan sa kaniya? Let’s see kung wala talaga akong karapatan sa sa ’yo, my dear husband. Bumaba ang tingin ko sa kaliwang kamay ko. Iniangat ko ito pataas pero agad namang bumagsak sa paa ko. Fvck this life! *** TAHIMIK na nakaupo lang ako rito sa sofa. Hindi ko sinubukan pang umalis dahil baka magalit na naman siya. Wala rin akong alam kung ano ang ginagawa nila sa kuwarto. Napabuntong-hininga na lamang ako. I shook my head at bakit kaya may imahe akong nakikita na ayaw ko namang masaksihan na ginagawa nila? I took a deep breath again. Kalaunan ay lumabas din ang dalawang iyon. Mariin ko silang tinitigan, may pag-aakusa. “I’m sorry, baby. I can’t sleep with you, tonight. Umuwi kasi si daddy sa bahay. Bukas na lang, okay?” malambing na pagpapaalam nito sa asawa ko. Naikuyom ko ang aking kamao pero agad ding nag-iwas nang tingin nang makita kong tumingkayad pa siya, para lang halikan si Dervon sa labi nito. “It’s okay, baby. Bukas na lang.” Malambing talaga siya sa babaeng ito. Sa akin, masyado siyang marahas. “Okay, bye, I love you.” “I love you, too.” Damn this heart! Bakit ganito na lang kung tumibok ang puso ko? At grabe ’yong sakit, ah. Ang tagal kong nag-stay sa sala. Hindi pa nga ako nakapagpalit ng damit at kanina pa kumakalam ang sikmura ko.Chapter 42Kinabukasan ay nagising ako nang makaramdam ng ginhawa. Pagkamulat ko pa lang, mukha ng asawa ko ang nakita ko.Nakaunan siya sa braso ko at mahigpit na nakayakap sa baywang ko. Isang mabilis na pagtibok ng puso ang naramdaman ko.She’s really beautiful.Sinapo ko ang pisngi niya. Makinis iyon, malambot at mainit. “Aurora...” I uttered her name. Hindi siya nagising sa ginawa ko. Nanatili lang siyang nakapikit, dahil sa lalim ng tulog niya.Tumingin ako sa paligid. Hindi pamilyar ang kuwarto. Hindi ko alam kung sino ang nagdala rito sa akin. Yellow at brown ang kulay ng pinta ng mga pader, at maraming mamahaling kagamitan na nagpapakita na hindi ito ordinaryong silid. Na-curious ako. Bakit ako nandito? Ano ba ang nangyari kagabi? At si Aurora ba talaga ang kasama ko?Tiningnan ko saglit ang asawa ko, at maingat ko siyang pinaunan at kinumutan. Kumirot ng kaunti ang puso ko, ito ang unang beses na ginawa ko ito. Tumayo ako at tiningnan ang buong kuwarto hanggang napako ang ti
Chapter 41: The real Ape“Dervon, what's up, buddy? I invite your wife.”Nasa isang private bar kami ni Haze, isang lugar na puno ng ilaw, ingay, at amoy ng alak. Napatigil ako sa pag-inom at napalingon sa kaniya. Agad kong sinundan ang direksyon ng tingin niya, at doon ko nakita ang aking asawa, kasama ang PI niyang si Leo Veins. Sumikip bigla ang dibdib ko nang makita ko ulit siya. As usual kasama pa rin niya ang mga lalaking iyan.“Hey, Mrs. Ave—madam! Come here!” tawag ni Haze. Kahit nakainom ay halatang mataas ang tolerance ng isang ito.Tahimik na lumapit sa amin si Aurora, marahan at maingat ang bawat hakbang na para bang ayaw niyang mapansin ako. Sinusubukan kong hulihin ang tingin niya, umaasang magtatama ang mga mata namin kahit sandali, pero hindi iyon nangyari.“Congratulations pala, Aurora! I saw your interview yesterday. That was awesome!” masayang sambit ni Haze habang nagtatapik pa sa mesa. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Interview? Ano naman iyon at kailan naman na
Chapter 40Ngunit mahigpit ko pa rin siyang niyakap. Ilang beses naman niya akong pinaghahampas sa dibdib at hagulgol lang ang naririnig ko. Bakit parang masakit sa tenga? At bakit kumikirot ang parte ng puso ko? Hindi ko na talaga naiintindihan pa ang nararamdaman ko.“I hate you!” Napapikit ako nang maramdaman ang kamay niya na mahigpit na humahawak sa damit ko. “M-mahal kita, m-mahal na mahal... alam mo ba? My mommy blamed me na kung p-pumunta raw ako noon kay papa baka buhay pa raw ito... i-inuna ko kasi, inuna kita dahil mahal kita.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko at niyakap niya ako nang mahigpit... tila ayaw niya akong pakawalan.“G-Gusto kong umiyak noong namatay si papa... Gustong-gusto ko, at gusto ko ikaw ang yakap ko at ikaw ang makakita ng kahinaan ko kasi... mahal kita... Gusto kong i-comfort mo ako, sasabihin mong okay lang, tanggapin na lang natin ang kapalaran ni papa, pero... nasaan
Chapter 39: Her agony Tahimik kaming kumakain ng panghapunan sa labas. Ramdam ang awkward na atmosphere sa paligid, walang nagsasalita, at tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig.Paglingon ko sa tapat, nasalubong ko ang malamig na titig niya. Pero mabilis din siyang umiwas ng tingin.“Veins,” tawag sa akin ni Arjana, hindi ako kumilos. Ni hindi ko siya nilingon, dahil ang asawa ko mismo ang nakatingin sa kaniya ngayon.Nang mapansin ko na tumayo si Aurora at bigla siyang tumalikod ay sumabay rin si Zafrael. Maski ako ay napatayo, dahil kanina pa talaga ako nagtitimpi sa inis.“Ako na,” mariin na sabi ko sa lalaki. Nakipagtigasan din siya sa akin.“Ako na. Asikasuhin mo na lang siya,” sabi niya sabay tingin kay Arjana. Na alam kong nagagalit na ito sa ’kin, pero wala akong pakialam.“Dito ka na lang. She’s my wife, and I have the right,” mariin na saad ko.“Let him go, Zaf,” sabat ni Haze. Hinila niya ito paupo.Naglakad na ako palayo, habang tinatawag pa ako ni Arjana. Hindi k
Chapter 38“Isa ka pa, Andrey.”“Nag-distribute kami ng pagkain kanina, tapos may mga nakasama na rin kaming mga bata sa drawing corner. Hindi lang puro saya itong ginagawa namin, doc. Ginagawa rin namin ’yong part namin,” walang emosyon na sabi ng PI ng asawa ko.“Sa nakikita ko ay wala naman talaga kayong ginagawa,” mariin kong sambit. “Bakit, gusto ninyo ba ang asawa ko?”Natahimik sila. Napatingin sa akin sina Leo at Zafrael, halata ang iritasyon. Si Haze naman ay nakangisi pa rin, parang natutuwa sa gulong nabuo. Kasi ngayon lang ako nagkaganito.“Dervon, huwag kang magbintang kung kanino-kanino,” putol ni Leo, tumayo siya mula sa mesa. “Kung mahal ang pinag-uusapan, dapat ikaw ang tinatanong diyan. Kasi kung totoong mahal mo ang asawa mo, hindi ka sana nag-cheat sa kaniya.”Humakbang ako palapit sa kaniya. “Sino ka ba? Hindi ba private investigator ka lang niya? Pero ano ang ginagawa mo rito?”Umigting ang panga niya at mas lumapit din siya sa akin, alam ko na pareho na naming p
Chapter 37: Win her backNAGING busy kami buong araw sa medical mission. Sunod-sunod ang dumating na mga bata at matatanda para magpa-check up. Ang ilan ay naghihintay sa pila, may mga batang umiiyak habang kinukuhanan ng vital signs ng mga nurse, at may mga doctor namang abala sa pagtuturo ng basic health care. Lahat ay kumikilos, bawat sulok ng orphanage at ng garden sa labas ay puno ng ingay ng mga tao.Dahil sa dami ng ginagawa, nawaglit sa isipan ko ang tungkol kay Ape. Nakaupo kami ni Arjana sa bench sa garden, kung saan may kaunting katahimikan kumpara sa loob. Amoy ko pa ang halimuyak ng mga bulaklak na tanim ng mga madre.“Baby… I want orange.” Napatingin ako kay Arjana nang magsalita siya.Nakaupo kami sa bench sa labas lang ng orphanage, sa may garden. Mahinang ihip ng hangin ang dumadampi at maririnig ang tawanan ng mga bata sa loob.Hindi ko sana siya papansinin, pero dahil sa kalagayan niya ngayon ay wala akong choice.“Okay, stay here. Kukuha lang ako,” pagpapaalam ko s