Future husband
AURORA’s POV @A.P.C. MALL NAKASANDAL lang ako sa pader ng A.P.C Mall at tahimik na nanonood sa isang saleslady at sa isang customer na nag-uusap sa mga oras na ito. “Miss! Puwede bang ayusin mo ulit ang shoes na ’yan? Kanina lang ako nag-aayos niyan, eh! Tapos gagalawin mo lang lahat? Umalis ka na lang dito sa A.P.C mall, kung hindi ka naman bibili!” pasigaw na sambit ng saleslady sa customer niya, the saleslady doesn’t have the right to shouted her customer in that way. She should know her place... “Eh, Miss, kaya nga sinusuot ko para naman makasigurado ako na kasya ba sa akin o hindi,” the customer reasoned out. Pero nasa mukha na nito ang iritasyon sa saleslady. “Ano ba ang silbi ng size mo?! Titingnan mo lang naman ang size!” malakas ang boses na sabi ng saleslady. May point siya pero mali naman ang sigawan ang customer niya. Saka isa pa, responsibilidad ng isang saleslady ang e-entertain nang maayos ang customer niya at responsibilidad din niya ang ayusin ang nagulong shoes kung nagulo nga ito ng mga customer namin. But she still has no right to shout at our customer. “Alam mo, ikaw! Ang tabas ng dila mo! Saleslady ka lang naman dito, ah!” pagalit na saad ng customer at napamaywang na ito. Hindi na nakapagtimpi pa ang customer at nasagad na ang pasensya nito sa kanya. Katulad ng aking inaasahan. “Pakialam mo ba, ha?!” pasigaw na tanong naman niya habang nakapamaywang na rin. “Where’s your manager?!” nagagalit na tanong nito at kitang-kita sa hitsura nito ang galit. Lumapit na ako sa dalawa, tumingin pa ako sa paligid. Maraming customers at saleslady ang nanonood. Naabala ang karamihan dahil sa sigawan nila. Ang iba ay napapahinto talaga sa mga ginagawa nila para lamang makiusyoso. “What’s going on here?” malamig na tanong ko sa kanila at binalingan ako ng empleyado ko, she even raised her eyebrows at me. “None of your business!” sigaw niya sa akin at may narinig pa ako na napamura sa paligid. Hindi niya ako kilala pero may mga iilan ding nakikilala ako. I took a deep breath and I looked at the girl with my bored eyes. “It”s my business, Miss saleslady, what”s your name?” kalmadong tanong ko sa kanya at seryoso ko siyang tiningnan. Walang emosyon. “Why are you asking my name?” supladang balik na tanong niya sa akin at napailing ako sa mga inaakto niya ngayon. May nakalimutan siya at ngayon ay ituturo ko sa kanya kung ano iyon. “I think, you’re just a new employee here,” sambit ko at nagtipa sa keyboard ng phone ko. Wala pang limang segundo ay nasagot na ito mula sa kabilang linya. “Yes, Madam? M-May I help you?” nauutal na tanong ng secretary ko over the phone. “May I have the biodata of our new employees at APC mall? Here at the second floor, shoes section. I need this now ASAP. I’ll just give you ten minutes,” seryosong sambit ko at hindi ko inalis ang tingin ko sa babae. “Who are you?” tanong niya sa akin, kalmado na ang boses niya ngayon. “You know what, Miss saleslady, anytime ay puwede kang tanggalin sa trabaho mo,” sabi ko at napa-cross arms ako. “So, what?” Napahawak ako sa sentido ko. Tsk! Pinapainit niya talaga ang ulo ko! “Madam, here’s the copies.” Napalingon ako sa nagsalita and I looked at my expensive wristwatch. “Nine minutes and thirty two seconds, not bad,” sambit ko at kinuha ang copies na dala-dala niya, ayon sa pinauutos ko sa kanya. “Hmm... What’s your name again, Miss saleslady?” tanong ko at inabala ang sarili sa paghahanap ng biodata niya. “A-Andrea Crabo po...” mahinang sagot niya. Siguro natakot na siya sa akin kaya sinabi na niya ang kanyang pangalan. Ganyan nga, matakot ka sa akin. Walang kahit sino man ang lumalaban sa katulad ko. Partida takot sa akin lahat ang mga tauhan ko. Ikaw pa kaya? Na kay bago-bago mo lang? “Andrea Crabo, here I found it. According to the biodata you submitted to HR, your requirements you didn’t even go to college and didn’t finish two years of senior high school. You only made it to grade 10. I’m right you’re just a new employee here and today is your first day on the job,” naiiling na sabi ko at bumuntong-hininga. Ibinalik ko ang folder sa katabi ko at mataman kong tiningnan ang saleslady. “I see. You didn’t read the rules, aren’t you? Miss Crabo, ang trabaho ng isang saleslady na kagaya mo ay responsibilidad niya ang mag-entertain nang maayos sa customer niya at responsibilidad din niya ang mag-aayos ng stocks, products and etcera kapag nagulo ito ng mga customer natin. That’s your work as a saleslady. Hindi ’yong mang-aaway ka ng customer natin dahil sa init ng ulo mo. Ano ang silbi ng trabaho mo bilang saleslady kung wala ka namang galang at tamad-tamad kang ayusin ang mga bagay na nagulo na? Pati siguro ang buhay mo na hindi mo kayang ayusin ay nagugulo rin,” malamig at seryosong sambit ko sa kanya. Napangisi ako nang makita ko siyang nanginginig na sa takot at para na siyang nabuhusan ng maraming suka sa mukha dahil sa pagkaputla niya. Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa labi. Nasisiyahan ako sa nakikita ko ngayon. “Wala ka na ngang pinag-aralan, wala ka pang respeto. Tinanggap ka nang maayos, binigyan ng magandang trabaho kahit na grade 10 lang ang naabot mo,” malamig na sambit ko at pati ako ay nasagad na ang pasensiya ko sa babaeng walang pinag-aralan na ito. “S-Sino po ba kayo, Ma’am?” Tsk! “I am Aurora Pearls Crizanto and Miss Crabo... You’re fired!” sigaw ko sa kanya, halos mapugto ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng boses ko. Tumalikod ako at akmang hahakbang na sana nang napatigil ako ng may humawak sa magkabilang binti ko. “Madam! Please, please! Huwag ninyo po akong tanggalin sa trabaho! Parang awa niyo na po, Madam!” naiiyak na pagmamakaawa niya sa akin. Isa sa mga employees ko ang hindi ko gusto, iyong walang respeto at hindi sumusunod sa rules. Kung minsan ka lang palpak, tanggal ka na agad sa trabaho mo. Isa ring advantage ng A.P.C Mall, na nag-h-hired kami ng unfinishing studies. College level, high school level or maski grade 1 ka pa lang basta may respeto ka at marunong makisama sa mga customers. Hindi kami magdadalawang isip na tanggapin ka sa trabaho. Pero kung ang ugali mo ay kasing ugali ng babaeng ito, disqualified ka na agad. Umuwi ka na lang sa bahay ninyo at magpahinga. “M-Madam parang awa ninyo na p-po. Hindi ko na po uulitin, huwag ninyo na po akong tanggalin... M-May sakit po ang Tatay ko. K-Kailangan ko po ang trabaho na ito, Madam...” “My decision is final,” mariin at maawtoridad na sambit ko. Sana sa una pa lang ay alam na niya ang consequences na mangyayari sa kanya if she broke the rules. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa paa ko at taas noong naglakad palayo ro’n. Naramdaman ko naman na sumunod na sa akin ang secretary ko. Napahinto lang ako nang may biglang humarang sa dinaraanan namin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa humarang sa amin. “Move,” mariin at malamig na utos ko. Pero ni hindi siya sumunod sa utos ko. Iniangat ko ang tingin ko at nagulat pa ako. Damn! What an handsome guy he is? Sumikdo naman ang tibok ng puso ko at parang lalabas ito dahil sa bilis ng pintig nito. What the hell was that? “Problem?” malamig na tanong ko sa lalaking humarang sa akin at pinakitaan ko talaga siya nang nagagalit na emosyon. Maski siya ay madilim din ang mukha. Mahirap basahin. "You know what, you don’t have the right to judge your employee like that. Mababa man ang pinag-aralan niya ay hindi mo siya dapat pagsasabihan ng mga ganoon. Nagkamali man siya sa trabaho niya ay dapat sana bigyan mo na lang siya ng babala. Hindi iyong tatanggalin mo siya agad sa trabaho niya. Ikaw ang may-ari at ikaw ang boss, kaya dapat ikaw ang makaiintindi sa mga nakabababa sa ’yo. You know what too, educated ka man ay wala ka ring respeto. Mas masahol ka pa sa walang pinag-aralan. Pathetic woman, daig mo pa ang ignorante sa mundong ito. You are heartless and ruthless boss," mahabang litanya niya sa akin at tinalikuran ako bigla. I’m speechless... “What the hell was that?!” gulat na tanong ko na may kasama pang pagmumura at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at tainga ko dahil sa galit. “Eh, Madam, na MU yata,” ani secretary ko. Pumihit ako paharap sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. “What MU?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Misunderstanding po, Madam,” magalang na sagot naman niya sa akin. “How dare him for judging me too like that?!” galit na sigaw ko at napa-poker face lang ang secretary ko. “Did you know that fvcking idiot?!” pagalit na tanong ko pero sa mahinang boses lang. Nagsimula na kaming maglakad at naiinis pa rin ako sa lalaking iyon. “Yes, Madam, he’s your future husband.” Napatigil ako at humarap ulit sa kanya. “You mean... Dervon Veins Avelino?” hindi makapaniwalang tanong ko sa secretary ko at namimilog ang mga mata ko. “Sad to say, yes, Madam...” Oh, my God! Sira na yata ang reputasyon ko sa future husband ko! What did I do?! Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha niya! Siya pala si Dervon Veins!Chapter 7: Emergency SA KALAGITNAAN nang pagkukuwento namin ni Haze ay saka naman umepal ang matalik niyang kaibigan.“Haze!” sigaw ni DV sa pangalan ni Haze at bigay todo ang pagtawag niya. Halatang mainit pa ang ulo.“Whay?” tila bored na tugon naman ng kasama ko at tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa buhangin. May dumikit pa sa shorts niya, pero hindi siya nag-abalang tanggalin iyon. Dahil naglahad siya ng kamay sa akin.Tinanggap ko naman ang kaniyang kamay at inalalayan niya akong tumayo, saka lang niya pinagpagan ang shorts niya. Kaya iyon din ang ginawa ko.Kasama pa rin ni DV iyong babae na nagngangalan na Arjana. Parang isang linta kung makakapit sa braso ng aking asawa. Siguro sa ngayon ay hinahayaan ko pa silang gawin iyan sa aking harapan. Ngunit darating ang araw ay magagawa ko rin silang paghiwalayin.Tiningnan ko si DV na ang atensyon niya sana ay nasa best friend niya. Mabilis na sinulyapan niya lang ako, bago niya ito sinagot.“Samahan mo muna si Arjana. Ipasyal
Be strongPUMIKIT ako at huminga nang malalim. Naguguluhan ako at hindi talaga ako ganito. I’m not crying over someone; I genuinely don’t care about them. My well-being is all I care about, and of course kasama na roon ang pamilyang mayroon ako. Hindi rin naman ako mahina.“Hey, Aurora!” Nagulat naman nang may tumawag sa akin.Nang tingnan ko ito ay si Hajinn lang pala. Kumaway pa siya sa ’kin, bago siya umupo sa tabi ko. “Bakit ka sumunod? Iniwan mo roon ang kaibigan mo?” tanong ko sa kaniya. Magaan ang loob ko kay Haze. Siguro dahil ibang-iba ang ugali niya compared sa asawa ko.“Hayaan mo na silang dalawa. Magsama silang mga baliw,” aniya at ngumiti na naman siya. Kaya lumabas na naman ang asset niya sa magkabilang pisngi. Ang dimple niya mismo. “Okay ka lang ba?” “Huwag mo akong kaawaan,” malamig na sambit ko at tumingin sa asul na karagatan.“Tinatanong lang kita kung okay ka lang. Hindi kita kinakawawa, ha. Hindi mo nga ako pinansin kanina. Nagmukha akong baliw habang kinakaus
The ownerDERVON’S POVNASA Paradise Island na kami at hinayaan ko na ang babaeng iyon na mag-check in sa sarili niyang hotel room. Pero hindi pa rin ako nakatulog kagabi, dahil naririnig ko ang mga babala ng ate ko.Kaya umagang-umaga ay pumunta na ako sa information desk para sana magtanong. “Miss, may naka-check in ba rito na ang pangalan ay Aurora Pearls Avelino?” tanong ko sa babae.“I’m sorry, Sir. Pero bawal po iyon. Hindi po kami basta-basta nagbibigay ng information tungkol sa guest namin. Isa po iyon sa rule namin,” magalang na pahayag naman niya.Ngunit hindi ako mapakali kapag hindi ko alam kung nandito siya. Mamaya niyan ay malalaman pa ng kapatid ko. Ako ang mapapahamak.“Please, Miss. I just want to know. This is really important,” pakiusap ko para pagbigyan niya sana ako.“Hindi po talaga puwede, Sir,” umiiling na sabi niya.“She’s my wife, nagkaroon kasi kami nang tampuhan kagabi kaya umalis agad siya,” pagdadahilan ko na mukhang naawa na rin siya sa akin. Kaya Pinag
Paradise islandATE D volunteer to cooked our breakfast early in the morning, kaya sabay-sabay kaming kumain nang agahan.Tahimik lang nakaupo sa tabi ko ang aking asawa at nasa harapan naman naming nakaupo ang nakatatanda niyang kapatid.Nakaiilang kumain, dahil masyadong tahimik, lalo na kanina nag-aaway silang magkapatid. Dahil lang sa akin.Hindi ako makapaniwala na kapatid pala ni Ate D si Dervon. Kilala ko na kasi siya, mabait siya at malambing. Kaya nagulat ako na magkapatid pala sila. Parang ang labo kasi, ang layo ng ugali nila. Nakilala ko lang naman siya dahil sa aking ama.“By the way, may place na ba kayong napili para sa honeymoon niyo?” biglaang tanong niya at nasamid naman sa iniinom niyang juice si Dervon. Mukhang kalmado na ngayon si Ate D. Nabawasan na rin yata ang init ng ulo niya. “Ate, ano ba? Kumakain pa tayo ng agahan. Don’t bring up the topic. Can we just eat?” iritadong saad niya sa kaniyang kapatid. Hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. “Really, Dervon?
First night“MASYADO ka yatang nasiyahan sa wedding dress mo. Hindi ka man lang nagpalit,” narinig kong komento nito sa akin. Nananahimik ako rito ay hayan na naman siya.Stupid ba siya? Paano ako makakapagpalit kung wala man lang akong damit sa condo niya? At isa pa, hindi ko rin alam kung may extra banyo pa siya!Ayoko namang abalahin sila sa kuwarto nila. Kung may nangyari man sa kanila. Psh.Masyado akong napagod ngayong araw. Naubos ang energy ko. Hinilig ko na lang ang aking sarili sa headrest ng sofa at pumikit. Ang sakit din ng paa ko.“Hey!” sigaw niya at nainis ako sa kaniyang boses. I took a deep breath.“I will sleep here. Just go to your room,” walang buhay na sambit ko at nakapikit pa rin ako. Sobrang bigat sa katawan.“You didn’t change your dress,” aniya sa malamig na boses. Stupid nga siya.“Wala akong damit. Remember, basta mo na lang ako inuwi rito sa unit mo at kasama mo pa kanina ang babaeng iyon. Alangan na isturbuhin ko kayo sa kung ano man ang ginawa niyo roon
Her first tearsMABILIS naasikaso ang lahat sa amin ng Avelino family. Sa tulong na rin ng connection ng papa ko at mas lumaki pa yata ang galit sa akin ni Dervon, nang makilala niya ako bilang future wife niya. Lalo nang ikasal kami na agad-agaran.Pagkatapos ng kasal namin ni Veins ay kaagad na niya akong inilayo roon at hinila papuntang parking lot.“Hey, wait up! Dahan-dahan naman. Mataas ang heels ko!” reklamo ko, pero parang wala lang sa kaniya kung magkandarapa na ako sa kahihila niya at hindi niya talaga ako pinapansin. Dedma lang siya.Huminto kami sa pulang kotse at marahas na tinulak ako papasok sa loob. Napaka-gentleman naman niya! Note the sarcasm, please!“Tsk.” Suplado talaga siya.“Ouch!” impit na daing ko at napasubsob ako sa upuan nito. Ang sakit!Napapikit pa ako nang pabagsak niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya. What the fvck is his problem?!Mabilis na umikot naman siya at pumasok sa driver seat at mabilis niya ring pinausad ang kaniyang kotse, kasabay na pi