LOGINFirst night
“MASYADO ka yatang nasiyahan sa wedding dress mo. Hindi ka man lang nagpalit,” narinig kong komento nito sa akin. Nananahimik ako rito ay hayan na naman siya. Stupid ba siya? Paano ako makakapagpalit kung wala man lang akong damit sa condo niya? At isa pa, hindi ko rin alam kung may extra banyo pa siya! Ayoko namang abalahin sila sa kuwarto nila. Kung may nangyari man sa kanila. Psh. Masyado akong napagod ngayong araw. Naubos ang energy ko. Hinilig ko na lang ang aking sarili sa headrest ng sofa at pumikit. Ang sakit din ng paa ko. “Hey!” sigaw niya at nainis ako sa kaniyang boses. I took a deep breath. “I will sleep here. Just go to your room,” walang buhay na sambit ko at nakapikit pa rin ako. Sobrang bigat sa katawan. “You didn’t change your dress,” aniya sa malamig na boses. Stupid nga siya. “Wala akong damit. Remember, basta mo na lang ako inuwi rito sa unit mo at kasama mo pa kanina ang babaeng iyon. Alangan na isturbuhin ko kayo sa kung ano man ang ginawa niyo roon sa kuwarto mo?” malamig na tanong ko. Napatiim bagang na naman siya, na mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Wala kaming ginawa,” pahayag niya na as if paniwalaan ko siya. “Really? Gusto mong paniwalaan kita na wala kayong ginawa? Ang tagal niyo sa loob at alam kong ayaw mo sa kasal na ito. Pero sana nirespeto mo naman ako.” “I told you wala kaming ginawa! Nag-usap lang kami! Yes, ayoko sa iyo pero hindi ko gagawin iyang naiisip mong malisya sa amin ni Arjana,” sabi niya at habang tinititigan ko ang malamig na pagkislap ng kaniyang mga mata ay nababasa kong nagsasabi siya ng totoo. He can’t blame me, nakita ko mismo nang harap-harapan ang paghahalikan nila. “Hindi kita pipigilan sa mga bagay na gusto mong gawin. Just don’t cheat in front of me, dahil iba akong magalit, Dervon,” sabi ko pa. Ilang beses na gumalaw ang adams apple niya at nag-iwas siya nang tingin. Napailing na lamang ako nang makita ko ang pag-walk out niya. Muli akong sumandal sa sofa at napahilot sa aking sentido. Muli akong bumuntong-hininga at inabot ko ang cell phone ko. Tinawagan ko na lamang ang sekretarya ko. “Yes, Madam?” mabilis na sagot niya mula sa kabilang linya. “Puwede bang pakidala rito ang trolley ko, Bud? Just ask my mom,” pakikisuyo ko. “Nasa condo ako ng asawa ko and bring my medicine too. Make it faster, please.” “Yes, Madam. Wait a minute,” he said before he hang out the phone. Minamasahe ko na ang kaliwang braso ko nang bumalik si Dervon. May bitbit na siyang something sa kamay niya. Iniwas ko naman agad ang tingin ko. “Change your dress now.” Nagulat pa ako nang may biglang malambot na bagay ang tumilapon sa mukha ko. Tinanggal ko ito at itinaas upang makita, isang malaking white shirt and shorts boxer. “Thanks for this,” mahinang saad ko at dahan-dahan akong tumayo. Napapitlag naman ako nang may nag-door bell at ang magaling kong asawa ay dali-daling lumapit sa pinto. Bumalik siguro ang babae niya kaya atat na atat siyang pagbuksan ito. I rolled my eyes. “Who are you?” narinig kong tanong ni Dervon. Hindi yata ang babae niya ang bumalik, kaya malamig ang pakikitungo niya sa kung sino man ang bisita niya. Napailing ako as I walked towards the door and I saw my secretary. “Oh, Bud.” Napatingin pa ako sa screen ng phone ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nandito na agad siya. “Good evening, Madam. Good evening, Sir,” magalang na bati ni Bud. Pormal din ang ekspresyon ng mukha niya, mahirap basahin kung hindi mo siya kilala. Nararamdaman ko ang palipat-lipat na titig ng asawa ko sa amin. “Ang bilis mo namang makapunta rito,” mahinang komento ko. Nang mapasulyap ako sa katabi ko ay halos magbuhol na ang kaniyang makapal na kilay. “Because you said so.” Napataas ang kilay ko sa kaniyang tinuran. “Here’s your clothes, Madam. Bumili na rin po ako ng medicine niyo and your foods.” Itinaas pa niya ang dala niyang paperbag para makita ko ito. “Thank you.” Kinuha ko na sa kaniya ang pinabili ko. Kahit hindi ko sinabi ang address ay malalaman niya kaagad. He’s the best secretary after all. “You can come in, Bud,” pag-aaya ko at tinaasan pa ako ng kilay ni Dervon. Na siya itong may-ari ng condo pero nag-aaya ako ng ibang tao. Hindi lang sekretarya ko si Bud. Kaibigan ko rin naman ito. “Ah, hindi na, Madam. Maybe next time,” pagtanggi niya at alam ko naman na hindi siya papasok sa loob. Nagpaalam na rin siya sa amin, tumango na lamang ako bilang tugon. Dervon closed the door and he turned his face to me with his curious looks. "Who is he by the way?” he asked me. Curious nga siya masyado. “My secretary.” “Lalaki?” Pinagtaasan pa niya ako ng kilay. Na tila hindi siya makapaniwala, na lalaki nga ang secretary ko. “Got the problem with that?” Ginaya ko rin ang pagtaas niya ng kilay. “And what is Bud?” Ang kulit! “ used to call him, Bud.” “An endearment, I see.” Napatango siya at wala pa ring ekspresyon ang guwapo niyang mukha. Ang hirap basahin kung ano man ang iniisip niya ngayon. “Where is your bathroom? Makikigamit ako.” “In my room,” agaran na sagot niya at inilahad pa niya ang kaniyang kamay para ituro ang pinto. Nauna siyang naglakad patungo roon kaya sumunod naman ako. Mamaya niyan ay sisigawan na naman niya ako. Nang makapasok naman ako sa loob ay puro black lahat ang nakita ko. The wall and his things. Mahilig siya sa color black at organize ang mga gamit niya rito. Napatingin ako sa malaking kama. Wala akong nakitang something. Maayos ang bedsheet, maski ang unan at kumot. Tumingin pa ako sa trash bin at wala rin akong nakita na bakas ng kanilang ginamit. Nasagot naman ang tanong ko kung ano ang kanilang ginawa kanina. Sa coffee table niya ay may dalawang mug doon. Tsk, mabuti pa sila ay nagkape. Ako? Nasa sala lang at hindi pa niya ako pinakain kanina. Sa isang pinto naman ay pumasok siya roon at wala talaga siyang pakialam sa akin. Napakasuplado niya. May nakita akong isang pinto at pumasok na roon, pero mali ang napasukan ko. Walk-in-closet niya pala ito. Akala ko naman ay banyo na. Curious ako kung ano-ano ba ang mga kagamitan niya rito, kaya naman imbis na lumabas na ako ay mas pumasok pa ako sa loob. Nakita ko ang maraming coat and his white longsleeves, black slacks. May naka-hunger na limang laboratory coat. Binuksan ko ang isang cabinet at nakita ko ang marami niyang boxer dito. Oh my... Binuksan ko pa ang pangalawang cabinet at mga belt naman niya ang nasa loob nito. “Branded lahat,” sambit ko saka ako lumabas para hanapin na ang banyo. Baka rin kasi maabutan pa niya ako. Baka sabihin niyang pakialamera ako sa mga bagay na hindi naman sa akin. Malaki ang banyo niya at nandoon ang toiletries niya. Inilapag ko muna sa sasabitan ang damit na binigay sa akin ng asawa ko, saka ako lumapit sa may sink at tumalikod sa half sized mirror. Hinawakan ko ang zipper ko sa likod, mahirap ibaba iyon lalo na kung isang kamay lang ang gamit ko. Dahan-dahan ko lang itong binaba. Kainis. Dito pa ako matatagalan. Napapikit pa ako kasi hindi ko talaga kayang ibaba. Napaigtad pa ako nang may humawak sa zipper ng wedding dress ko at walang kahirap-hirap niyang ibinaba iyon. Ramdam ko pa ang mainit na kamay niya na pasimpleng dumadampi sa balat ko sa likuran. Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa batok ko. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Pagkatapos niyang ibaba ang zipper nito ay naramdaman kong dumistansya na siya sa akin. “T-Thank you,” mahinang sambit ko bagamat nauutal at hindi naman siya sumagot. Tahimik na naglakad lang siya palabas. Parang doon ko lang naalala na huminga, sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko. Humakbang ako palapit sa shower at naligo na rin ako. Hindi ko alam kung umabot ba ako ng isa o dalawang oras sa bathroom. Nahirapan pa kasi ako na magsuot ng damit, lalo pa na shirt ito. I only wear my blouse, sleeveless and coat. Mini-skirt and not pants. Doon ako komportable at mas madali sa akin ang magsuot ng ganoon. Paminsan-minsan din akong nagsusuot ng jeans. “Why do you have this?” Muntik na akong mapatalon, dahil sa gulat nang marinig ko ang malamig niyang boses. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong hawak-hawak na niya ang pain reliever ko. Naninimbang na tiningnan niya ako at naghihintay talaga sa isasagot ko. “Nothing,” tipid na sagot ko at basta ko na lamang kinuha ang aking gamot na mula sa kamay niya. Lumabas na rin ako sa kaniyang silid at tinungo ang kitchen niya. Hinalungkat ko ang dala ni Bud. He is my personal private secretary. Bonney Uzen Del mundo ang full name niya, in short Bud. He’s my trusted person I ever had at parang best friend ko na rin naman siya kung ituring. May sarili na rin siyang pamilya. Guwapo? Yes, literal na guwapo siya at aakalain mong isa siyang modelo na may maganda ang pangangatawan. Well, guwapo rin naman ang asawa ko. Matangkad at mestizo. Makapal ang kilay at parang mahihipnotismo ka sa paraan ng kaniyang pagtitig. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Guwapo nga pero gago naman. Lumapit ako sa ref at binuksan ito, kinuha ko ang pitcher at nagsalin ng tubig sa baso. Isang sandwich lang ang kinain ko at uminom na ako ng gamot ko. Pagkatapos ko ay hinugasan ko na ang basong nagamit ko at lumabas na sa mini kitchen. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ng asawa ko at naabutan ko siyang nakasandal sa headboard ng kama. “What are you doing here?” tanong niya nang makita ako. "Matutulog.” “I only have one room and you can sleep in the living room instead,” seryosong saad niya at kumunot ang aking noo. “W-What? Why? Hindi ba tayo magtatabi sa pagtulog?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Seriously? Patutulugin niya ako sa living room niya? May kama ba roon? Eh, puro mga sofa lang ’yon! My goodness! “Who told you that? Sinusuwerte ka naman yata. Sa living room ka matutulog,” mariin na sambit niya at binato pa niya ako ng unan. Hindi ko ito nasalo, dahil sa gulat kaya tumama pa sa mukha ko. Dahil sa lakas nang impact nito ay napaatras pa ako. Tahimik na pinulot ko na lang ito at lumabas na sa loob ng kuwarto niya. Wala talaga siyang kuwentang asawa. Ang sarap niyang bangasan. I walked towards the sofa and I placed the pillow on it. Maingat na humiga ako at inilagay ko ang aking kaliwang braso sa may tiyan ko. I rested my left hand on my forehead at mariin na pumikit. I took a deep breath. This is our first night bilang bagong mag-asawa, pero matutulog pa yata ako sa living room niya. Ang bad ng lalaking napangasawa ko. Iba na siya sa dating DV na nakilala ko. My husband is a fvcking heartless. Hindi ko namalayan na dinala na pala ako nang kaantukan ko sa madiliman. Dahil na rin siguro sa pagod. *** “WHAT the hell, Dervon Veins Avelino?! Pinatulog mo ang asawa mo rito sa living room?!” Nagising ako kinaumagahan, dahil sa malakas na tinig ng isang babae. Nakahiga ako sa sofa at nakapikit pa. Gustong-gusto ko nang bumangon, pero masyado pang mabigat ang talukap ng mga mata ko at mabigat din ang aking katawan. “Ate, don’t shout!” narinig kong saad naman ni Dervon. Ate? Ate niya? “Then explain this! Bakit dito sa living room natulog ang asawa mo?! Bakit dito ko siya nadatnan sa halip na sa loob ng kuwarto mo?! Explain this everything or else makaaabot ito kay Dad!” sigaw pa rin ng babae at ramdam ko na nasa malapit lang silang dalawa. “Because I want to,” balewalang sagot ng asawa ko. “Dervon, she’s your wife—” “Sa papel, sa papel lang, Ate. Yes, kinasal nga kami for real, pero sa papel lang kaming kasal.” “Kahit na! She deserve respect from you! Kapatid, galangin mo naman ang asawa mo! I know that our parents forced you to marry her. Dervon, she’s your wife, kahit na sabi mo kasal kayo sa papel. Hindi ganyan ang pagpapalaki sa ’yo ng mga magulang natin. Every women deserve a respect! Always remember that!” Kahit hindi ko nakikita ang kausap niya ay alam ko na namumula na siya ngayon sa galit. “I don’t like her,” walang buhay na sabi niya lang at parang pinipiga ang puso ko. “Damn it! Asawa mo pa rin siya! Kung malalaman ito nina Mom at Dad, tiyak na magagalit sila sa ’yo. Hindi ganyan ang mag-asawa. Keep that in mind, she’s the part of our family now. She’s now important to us. Tratuhin mo naman nang maayos ang asawa mo, hindi na siya ibang tao para sa ’yo. Pareho kayong force marriage, Dervon, but you are lucky to have her! Isipin mo ako, kapatid. Kung ako ang nasa sitwasyon ng asawa mo. Ano ba ang mararamdaman mo ngayon? Magagalit at masasaktan ka rin, ’di ba?” “Pero magkaiba kayo.” “Alam mo ba na maraming nanghihinayang? Maraming naghahabol diyan sa asawa mo, Dervon! Tapos sa iyo pa siya ikinasal, eh wala ka namang kuwenta!” At ano raw ang sinabi niya? Maraming naghahabol sa akin? “Really? But she’s heartless and ruthless, ate. Bakit maraming nagkakagusto sa kaniya?” Tss. Bakit parang nang-aasar lang siya? Baka siya ang heartless. “You’re wrong, little brother, she’s kind and amazing woman. I hate you for that, bastard!” Dahan-dahan na rin akong bumangon at nang makita ko na ang babae ay roon ko lang siya nakilala. Siya nga si Diana Helen Avelino, ang eldest daughter ng mga in-laws ko at ang nakatatandang kapatid ng aking asawa. “My poor, Aurora. Gising ka na! I really hate you, Dervon!” Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Masuyong hinaplos niya ang pisngi ko. Napangiti ako kahit siya ay lumuluha na. “Ate D,” sambit ko sa pangalan niya. “Yes, I am. My dear Aurora.”Chapter 48“What’s your name?” mahinang tanong ng isang lalaki, sa babaeng kausap niya sa mga oras na ito.“I’m... Margarita,” napapaos ang boses na sagot nito sa kaniya.“Margarita?” Natawa siya nang mahina, though wala naman talagang mali sa pangalan nito. Maganda naman iyon. “Why, Margarita?”“’Cause I’m drunk… so, so drunk. I drank a margarita, alright?”sagot nito. Napapikit pa ito, halata ngang lasing na. Wala na sa sarili nitong poise ang dalaga.“Oh, I see. Sa kalasingan mo ay hindi mo na maalala ang pangalan mo.” Napahalakhak pa siya, dahil natutuwa siya sa tinuran ng babae. “Pero bakit ka ba nagpakalasing, ha?”“Because...I’m so mad!” sigaw nito, may kasama pang pagturo sa kung saan.“Kanino ka ba galit?” he asked, bigla siyang na-curious sa dalaga.“Kay DV.”“DV? Who is he?”“He’s my uhm...” Ipinilig pa nito ang ulo. Alam niyang nahihilo na talaga ito.“Ano ba ang ginawa sa ’yo ng DV na ’yon, Margarita?" “K-kuwentuhan na lang kita. I was once a neurologist, and I even went
Chapter 29: Revelation No.1 Drunk & MargaritaSOMEONE’S POV “Arjana...” tawag ko sa asawa ko na ngayon ay nakaupo sa mahabang sofa, at hinihimas-himas ang kaniyang malaking tiyan. Nilingon niya.“What is it, baby?” malambing na tanong niya.“Come here...” marahan na utos ko at nginitian niya ako ng matamis, saka siya lumapit sa akin. Pagkalapit niya ay inalalayan ko siyang makaupo sa sofa, dito mismo sa tabi ko. Nakangiti kong hinaplos ang malaking umbok ng tiyan niya. Naglalambing na niyakap niya ako, at humilig siya sa balikat ko. “Ilang buwan na lang manganganak ka na.”“Yup, sayang wala ka roon.” Napangisi ako. “Why would you be sad? Your lover is there anyway.”“Why are you doing this, huh?”“Because I want Aurora Pearls Crizanto, who happens to be the wife of your damn man!”“I hate you! Basta after this plan! Maghihiwalay na tayo at makukuha mo na ang babaeng iyon!” sigaw at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.“Watch your words. She has a name, my Aurora.” Mariin na hinawaka
Chapter 46Tumingin ako sa lalaki, kanina pa niya ako ginagalit, e.“Mali. Baril,” pagtatama ko.“What? Parehas lang naman iyon ah,” mahinang tugon niya, at mapaklang tumawa ako, isang tawang may bigat ng banta.“Idiot, tinanong kita sa ating wika kaya sasagot ka rin ng Tagalog! Wala ka sa America, dude,” mariin kong sagot, ang tinig ko may halong galit at pagmamaliit.“Madam, put your gun down, please,” yumanig ang boses ni Leo, pilit na humihiling habang naglalakad papalapit.“Alam mo, Mr. Captain Cleton, bobo ka. Sabi mo isa akong suspect? Then Leo and Bud are also suspects kasi hindi sila umalis sa tabi ko. Ashton Earl Cleton, mag-imbestiga ka pa nang mabuti at alamin mo kung sino talaga ang kriminal, hindi iyong maghihinala ka lang. And are you out of your mind, huh? He’s my Vice President! Do you think I have a plan to kill him, gayong ang ganda ng performance niya—kahit pa sugarol at manloloko siya?” mariin kong sambit, sabay ibinalik ang baril sa likod ko.“At iyon ang unang e
Chapter 45: Surrender HINDI ko na hinintay pang may dumating na pulis sa bahay namin. Bago pa man nila ako arestuhin, ako na mismo ang lumapit at sumuko. Kung ano man ang paratang sa akin ay sige haharapin ko. Taas-noo, at matapang kong tatanggapin ang kung ano mang katanungan nila tungkol sa krimen na ako raw ang may gawa. Tsk.Tahimik ang paligid nang dumating ako sa istasyon, kasama ko naman si Bud. Walang nag-utos sa akin, walang sapilitang tumulak. Ako mismo ang nagbukas ng pinto at huminga nang malalim bago pumasok. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin sa akin—mga matang nagtataka kung bakit isang katulad ko ang kusang loob na pumapasok sa lugar na karaniwang iniiwasan ng mga may kasalanan.Ang kaso, iyong pulis na in-charge sa kaso ko ay pinainit ang ulo ko. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi niya.“What the fuck did you say?!” sigaw ko, hindi na ako kalmado sa lagay na ’yan, at kinuwelyuhan ko na nga ang lalaki.“Madam, calm down!” sita sa akin ni Bud, pero hindi ko siya pinans
Chapter 44AURORANagising ako kinaumagahan, dahil sa mahinang pag-iyak ni Dervon. Kala ko panaginip lang, pero totoo pala. Boses niya ang naririnig ko, kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko.Sumikip ang dibdib ko nang makita kong nakayakap siya nang mahigpit sa akin at paulit-ulit na sinasabi ang, “I’m sorry…”Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry. Biglaan naman yata, at hindi ko pa ito in-expect. Nanaginip ba siya? Sinapian ng iyakin na esprito? Because knowing him, hindi naman siya iyakin, e.“I’m sorry… I-I’m really sorry… sorry…” Humarap ako sa kaniya at mabilis naman siyang umupo, kasabay na tinakpan ang mukha niya, gamit ang kaniyang malaking palad.Parang bata kung umiyak, ah.“Bakit ka nagso-sorry? Ang aga-aga, ah,” tanong ko, bahagyang nanginginig ang boses. Kasi nga bagong gising pa ako.“I’m sorry… Ang tanga-tanga ko lang kasi... Sorry,” aniya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Kanina pa yata siya umiiyak.He closed his eyes at masaganang lumalandas
Chapter 27: Criminal “THE Fvck?!” That was her collection? And oh God! I remember it now! Hindi pala ito koleksyon ng bracelet. Maraming pendant lang siya, pero iisang bracelet lang din. And she’s my Ate Ape... S-Siya nga… “What have you done, Avelino?” bulong ko sa sarili ko, nanginginig pa ang mga kamay ko.Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang mga litrato namin, mula pa noong first day ko sa school. Shit! S-siya pala ang kasa-kasama ko dati…Bigla kong naramdaman ang pagbigat ng dibdib ko, sumikip ito, at bumalik sa isip ko ang mga ginagawa ko sa kaniya noon. Lahat ng alaala na bigla ko na lang nakalimutan. THIRD PERSON’S POV“Ate Ape! Babalik ka, ha? Babalik ka po, ha?” halos maiyak na tanong ni Dervon sa batang babae, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses niya.“Of course, my Deeyvey. I’ll be back, at pagbalik ko…” natatawang sambit ni Ate Ape habang hinahaplos ang buhok niya. “Dapat matangkad ka na at binatang-binata na.”“Pero matagal po ba?” inosente niyang tanong,







