NABITIWAN NI AMANDA ang hinihilang maleta nang makita niya si Wendy na hinahalikan sa mga labi nito ang kanyang asawa. Gulong-gulo ang utak niya sa mga nangyayaring ito.
At si Genis, waring enjoy na enjoy itong masaksihan niya ang pakikipaghalikan nito kay Wendy. Hindi niya magawang gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay may mga punyal na tumatarak sa kanyang dibdib habang nakamasid sa dalawa.
“A-Anong nangyayari?” Sa wakas ay nagawa niyang itanong sa mga ito matapos ng ilang minutong pagkalito at pagkabigla, ang kanyang mga mata ay nagpapalipat-lipat sa mukha ni Wendy at ni Genis.
“Ano ba sa palagay mo?” Tanong ni Wendy sa kanya saka nakangising tiningnan si Genis, “Pinaalis ko na iyong ibang maids.!" anito sa kanyang asawa saka muling tumingin sa kanya, "From now on, ikaw na ang magiging maid namin dito sa bahay. Iyong cook na lang ang itinira ko, alam mo namang pihikan ako pagdating sa pagkain.” May tono ng sarcasm na sabi nito, ipinulupot nito ang isang braso sa braso ni Genis. "Bahay ko na rin ang bahay na ito kaya susundin mo ang bawat utos ko."
Gimbal na gimbal siya sa mga nagaganap. Nag-iinit na ang kanyang mga mata. Kung ito ay isang bangungot, gusto na niyang magising!
“Wendy, kaibigan kita.” Sabi niya rito, sinikap niyang maging mahinahon ang kanyang tinig, “Ikaw ang dahilan kaya ko nakilala si Genis!” Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa kanya kung ano ang pakana ng dalawang ito. Nagsabwatan ba ito para paghigantihan siya?
“Ako nga. At planado ang lahat ng iyon.” Sagot ni Wendy saka ito lumapit sa kanya, “Alam mo bang matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito!” Ang gulat niya nang bigla na lamang siya nitong sampalin, “Hah, sa wakas nagawa ko rin ‘yan saiyo. . .”
Waring ginising ng malakas na sampal na iyon ang kanyang buong pagkatao. Hindi panaginip lang ang nagaganap ngayon. Hindi ito isang bangungot lang, “Bakit?” Tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kalamnan.
“Bakit? Three years mong hinaharot si Genis. Three years akong nagtiiis na makita kayong palaging magkasama habang ako na totoong mahal nya, pinagmamasdan lang kayo. Ang sakit nun, kala mo ba? Ang sakit isiping ako ang totoong mahal niya pero ikaw ang pinakasalan nya!”
Nilingon niya si Genis, nagtatanong ang kanyang mga mata kung totoo bang lahat ng mga sinasabi sa kanya ni Wendy.
“Nagmamahalan kami ni Wendy!” Sabi nito saka lumapit kay Wendy at muli nito iyong hinalikan, this time, mas mainit, mas nag-aalab.
Umiwas siya ng tingin dahil parang hindi na niya kayang makita pa ang nagaganap. Napahagulhol siya. Pinaglalaruan lamang pala siya ng mga ito sa loob ng tatlong taon nilang paggiging magkasintahan ni Genis?
Palabas lamang ang lahat ng pag-ibig na ipinakita sa kanya ng lalaki?
Tuluyan na siyang bumigay. Umiiyak na napaluhod siya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng mga sandaling iyon.
“Bakit ako? Ano bang kasalanan ang nagawa ko sa inyo?” Sigaw niya, itinapat niya ang mga kamay sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay nagsisikip na iyon, “Naging totoo ako sa inyo, bakit ninyo ako pinaglaruan?”
“Kulang pa ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon sa sakit na naramdaman ko ng mawala ang pamilya ko!” Dinig niyang sabi ni Genis saka umalis.
Tawa naman ng tawa si Wendy habang nakatingin lamang sa kanya. Tumayo siya at hinabol niya si Genis.
“Ipaintindi mo sakin kung anong nangyari? Bakit ang Daddy ko ang sinisisi mo sa pagkamatay ng pamilya mo?” Nagdedemand na tanong niya rito. Hindi ito nagsasalita kaya hinila niya ito sa braso, “Ipaliwanag mo sakin,” nagsusumamong sabi niya rito, “Gusto kong maintindihan kung saan nanggagaling ang lahat ng galit mo. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, hindi ba? Pag-usapan natin ito!”
Hinawakan siya nito sa mukha, “Kahit ilang beses pa nating pag-usapan ito, hindi na maibabalik pa ang buhay ng pamilya ko!” Galit na sigaw nito sa kanya, “At gusto kong unti-unting ibalik sa pamilya mo ang lahat ng sakit na naramdaman ko ‘nung mamatay ang buong pamilya ko. At sisiguraduhin kong sampong beses na mas masakit ang mararanasan mo at ng pamilya mo!” Pagkasabi niyon ay mabilis na siya nitong binitiwan at nagmamadali itong sumakay sa motorsiklo nito.
GALIT NA GALIT SI GENIS habang nanunumbalik sa kanya ang mga pangyayari eighteen years ago.
Nabitiwan ng tatay ni Genis ang mga inaning gulay nang marinig ang sigaw ng kanyang ina, “Saklolo, tulungan nyo ako.” Umiiyak at nagsusumamong sigaw nito mula sa di kalayuan.
Tatakbo na sana siya patungo sa ina ngunit hinila siya ng tatay niya at pinaupo sa likod ng malaking puno ng bato.
“Dito ka lang, kahit na anong mangyari, huwag na huwag kang aalis dito, magtago ka lang dito sa may damuhan,” bulong ng tatay niya sa kanya saka nagmamadali nang tumakbo para tingnan kung ano ang nangyayari sa kanilang bahay.
Mula sa likod ng malaking bato ay kitang-kita niya nang pagbabarilin ng isang isang lalaki ang humahangos niyang ama.
“’Tay. . .” napapikit siya dahil parang hindi na niya kayang tingnan pa ang mga sumunod na pangyayari.
Maya-maya ay narinig niya ang pagmamakaawa ng Ate Lyca niya.
“Parang awa nyo na po. Maawa kayo sa akin!”
“Putang ina, pagkaganda-ganda mo. Nakakapanghinayang naman kung hindi muna kita titikman!”
“Huwag po, maawa na kayo sa akin!!!!”
Napaiyak siya. Kung anu-ano ang naiisip niya habang naririnig niya ang pagmamakaawa ng Ate Lyca niya. Nanginginig siya sa takot. Kung sana ay may magagawa lamang siya. Ngunit ano bang magagawa ng isang ten-year old na batang gaya niya sa mga armadong lalaki. Nang mga sandaling iyon ay mas nanaig ang takot na nararamdaman niya. Hindi siya pwedeng magpakita sa mga ito or else pati siya ay papatayin rin ng mga ito.
Kailangan niyang makaligtas para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamilya.
Nangangatal sa galit at takot ang kanyang mga kalamnan.
Ngunit wala siyang magawa kundi ang umiyak ng umiyak na lamang. Nagi-guilty siya na wala man lang siyang magawa habang nakikita niyang walang awang pinapaslang ang kanyang kapatid at mga magulang.
Mula sa kanilang bahay ay lumabas ang dalawang armadong lalaki.
Maya-maya ay bumaba ng sasakyan ang isang lalaking nakasuot ng sombrero. Nagsindi ito ng isang stick ng sigarilyo.
Gumapang siya papalapit sa mga ito upang mapagmasdang mabuti ang mga mukha ng mga lalaki. Maingat na maingat siya. Tiniyak niyang hindi siya mapapansin ng mga ito. Duon siya pumuwesto sa malaking puno ilang metro ang layo sa bahay nila. Inisa-isa niya ang mukha ng mga ito.
“Siguraduhin nyong patay na silang lahat,” anang lalaki na bumaba sa sasakyan habang humihithit ng sigarilyo.
Napakurap-kurap siya. Natatandaan niya ang lalaking ito dahil minsan na siyang naisama ng tatay niya sa munisipyo. Ito ang hepe na nakaalitan ng tatay niya. At ito rin ang hepe na kasama ni Mayor nuong magpunta ito sa bahay nila.
Naalala niya ang boses na iyon ng lalaki.
May kinalaman ba si Mayor sa nangyayaring ito?
Naalala pa niya nang minsang magkaroon ng pagtatalo ang tatay niya at si Meyor. Katatapos lang nilang mananghalian nuon nang dumating si Meyor kasama ng mga tauhan nito. Binabayaran ng isang milyon ni Mayor ang tatay niya kapalit ng kanilang lupain dahil balak ni Meyor idevelop iyon at patayuan ng mall.
Pero matapang ang tatay niya.
“Hinding-hindi mo kami mapapaalis sa lupa namin. Minana ko pa ito sa aking mga magulang. Hindi ko kailangan ang pera mo, makakaalis ka na!”
Pagapang siyang lumapit at nagkubli sa malaking puno para matandaan niyang mabuti ang plate number ng sinasakyan ng mga itong owner type jeep. Kinabisado niyang mabuti ang numero niyon.
Maya-maya ay nagsipagsakayan na ang mga ito sa jeep. Tahimik na ang kanilang bahay. Napahagulhol siya dahil parang alam na niya kung ano ang nangyari sa kanyang pamilya. Nang matiyak na malayo na ang mga ito ay humahangos na nilapitan niya ang kanyang ama na nakahandusay sa lupa halos sabog na ang utak nito.
“Itay. . .” Parang babaligtad ang sikmura niya habang pinagmamasdan ang ama.
Tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay. Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang nanay niya habang umaagos ang dugo sa dibdib nito.
“Inay. . .” Niyakap niya ang ina. Nagpupuyos sa galit ang kanyang buong kalamnan.
Sa may kusina naman ay ang kanyang Ate Lyca.
Napakuyom siya ng kanyang mga palad.
Hindi niya alam kung papaano siya makakaganti ngunit isinusumpa niyang pagbabayaran ng lahat ng mga ito ang nangyari sa kanyang pamilya.
Hinanap niya ang cellphone ng kanyang Ate Lyca. Madalas niya iyong hiramin kapag tinatawagan niya ang kanyang Ninong Ben na nasa Maynila. Ang kanyang Ninong Ben ang bestfriend ng tatay niya at napakabait nito sa kanya, palibhasa ay walang anak na lalaki kung kaya’t parang anak na rin ang turing nito sa kanya. Spoiled siya sa kanyang Ninong Ben. Lahat na yata ng klase ng baril-barilan ay naipabili na niya dito. Madalas rin ay inuutangan ito ng Tatay niya kapag kinukulang sa pang tuition ang Ate Lyca niya na nag-aaral na ng college.
Sa ngayon ay ito lamang ang mapagkakatiwalaan niya at mahihingian ng tulong.
“Ninong. . .” Umiiyak at nangangatal ang kanyang boses, tuluyan na siyang napahagulgol nang marinig ang tinig ng kanyang Ninong Ben.
DINALA SI GENIS AT ITINAGO sa Maynila ng kanyang Ninong Ben.
“Gusto ko silang maipakulong. Natatandaan ko ang mga mukha nila!” Sigaw niya sa kanyang Ninong nang hindi siya nito payagang bumalik sa Sta. Elena para isuplong sa kinauukulan ang nangyari sa kanyang pamilya.
“Magsusumbong ka? Sa palagay mo may makikinig saiyo? Alam mo ba kung gaano kalalaking tao ang mga kalaban mo? Isang malaking pader ang binabangga mo, bata! Palagay mo may laban ka?”
“Pero nakita ko kung paano nila pinatay si Tatay. . .”
“Bata, baka nakakalimutan mong malakas ang kapit nila kaya kahit na nasa panig ka ng katotohanan, hindi ka nila pakikinggan. Pera ang batas ditto sa mundo. ‘Yan ang realidad. Kaya kung gusto mong makaganti, dapat paghandaan mo. Dapat marami kang bala.” Sabi ng Ninong Ben niya saka kinuha ang mga kamay niya, “Palakasin mo ang mga kamao mo!” sabi nitong bahagyang sinipa ang mga tuhod niya, “Patatagin mo ang mga tuhod mo. . .” hinawakan nito ang magkabila niyang balikat, “Higit sa lahat, patalasin mo ang utak mo! Sa ganyang paraan ka makakatiyak na wala kang katalo-talo. . .”
“Ninong, tulungan nyo po ako.”
“Hindi pwedeng basta-basta ka na lamang susugod ng walang katiyakan kung mananalo ka ba or hindi. Dapat kapag lumaban ka, siguraduhin mong mananalo ka. At hindi yan minamadali, Pinaghahandaan ‘yan, bata.”
Natahimik siya.
TAKOT NA TAKOT na nagtago sa likod ng kanyang Ninong Ben ang ten-year old na si Genis habang naririnig niya ang bugbog saradong lalaki na nagmamakaawa rito habang nakaluhod. Umaagos ang dugo sa ilong nito at putok ang mga labi. Itinaas ng Ninong Ben niya ang ulo nito, "Pinagbigyan na kita pero anong ginawa mo? Trinaydor mo ako! Sabi ko naman saiyo, walang puwang sa mundong ito ang mga traydor na kagaya mo!" Tinadyakan ito ng Ninong Ben niya. Napahiga ang lalaki. "Kayo na ang bahala sa kanya! Alam nyo ng gagawin nyo," anang Ninong Ben niya sa mga tauhan nito saka hinila na siyang palabas ng bodega.
Hindi niya naiintindihan kung bakit ito ginawa ng Ninong Ben niya sa isa sa mga tauhan nito. Awang-awa siya kung kaya't tahimik na tahimik siya hanggang pumasok na sila sa loob ng isang sikat na fast food chain para mananghalian.
"Akala ko ba gutom ka na?" Tanong ng Ninong niya nang mapansing hindi niya ginagalaw ang pagkain na in-order nito.
"Ninong, bakit nyo po binugbog si Kuya Lito? Hindi po ba kayo naawa sa kanya?" Halos paanas lamang na tanong niya rito.
"Bata, walang puwang ang awa sa mga gagong kagaya niya. Kapag pinairal mo 'yang awa mo, walang mangyayari saiyo. Sa mundong ito, walang kaibigan, walang kamag-anak pagdating sa negosyo. Kapag kinaawaan mo siya, uulitin niya ulit iyon. Dapat sa umpisa pa lang na niloko ka niya, patahimikin mo na siya para siguradong hindi na mauulit pa!" Anang Ninong Ben niya. Ginulo nito ang buhok niya saka ngumisi, "Kumain ka na bata. Ang intindihin mo, 'yang sarili mo. 'Wag iyong ibang tao. Huwag mong pamarisan ang tatay mo na masyadong mabait. Tingnan mo kung nasaan na siya ngayon."
Bahagyang napahikbi si Genis ng maalala ang mga magulang at kapatid.
"Iiyak ka na naman? Ano bang sabi ko? Hindi ba bawal ang umiyak? Kapag ipinakita mo ang kahinaan mo, sasamantalahin ka nila." Dinuro nito ang sintido, "Ito ang kailangan mong pairalin, bata. Utak. . .patalinuhan ang labanan sa mundong ito para ka manalo!" Payo nito sa kanya. "Matalino ka, gamitin mo ang talino mo para maging makapangyarihan! Tingnan mo ko, pinadami ko ang mga koneksyon ko."
"Ninong, pwede na ba nating balikan iyong pumatay sa mga magulang ko? Marami ka namang koneksyon, di ba Ninong?"
"Marami ka pang kakaining bigas, bata. Hindi ka pa handa. Balikan mo sila kapag handang-handa ka na. Kapag alam mong kayang-kaya mo na silang talunin!" nakangising sabi nito, "Kain ng kain bata."
"Nakokonsensya ako Ninong. Nuong humihingi ng tulong si Ate Lyca, nagtago lang ako sa halip na tulungan siya."
"Tama lang ang ginawa mo, bata. Iniligtas mo lang ang sarili mo. Kung tinulungan mo ang ate mo, palagay mo, nasaan ka na ngayon?" Tanong nito sa kanya saka kumagat ng burger, "Bago mo iligtas ang ibang tao, tiyakin mo munang di ka mapapahamak." sabi nito sa pagitan ng pagnguya, "Sa ngayon, kalimutan mo muna ang nangyari sa pamilya mo. Intindihin mo ay ang sarili mo at ang mga bagay na ikabubuti mo. Kailangang palakasin mo ang katawan mo at ang utak mo. Yan ang gagamitin mong puhunan sa lahat ng pangarap mo. Bukas, eenrol kita sa boxing at sa martial arts."
Biglang naexcite ang batang si Genis. Nuon pa niya pangarap matutong maging isang magaling na mandirigma kagaya ng mga napapanuod niyang pelikula ni Jackie Chan at Coco Martin. Bigla tuloy siyang ginanahang kumain.
Natawa ang kanyang Ninong Ben.
"Ýan bata. Kumain ka ng kumain. Hindi masamang maging selfish. Basta makinig ka lang mabuti sa mga ituturo ko saiyo, pihadong malayo ang mararating mo! Tingnan mo ko, ang dami ko ng sasakyan, malalaking bahay, at higit sa lahat, tsiks." sabi nitong kumindat pa.
"Idol ko po kayo, Ninong Ben. Sana paglaki ko, maging kagaya nyo ako."
"Kaya lahat ng ituturo ko saiyo at sasabihin ko, tandaan mong mabuti kung gusto mong maging kagaya ko."
Tumango siya.
“KAPAG HINDI KA NAGSABI ng totoo, tatamaan ka sakin!” galit na galit na sabi ni Genis kay Jericho nang mahuli ito ng mga pulis. Napangisi ang lalakii, tiningnan siya na waring nakakaloko,”May mapapala ba ko kung magsabi ako ng totoo? Ipakukulong nyo pa rin naman ako hindi ba? So mas mabutiing manahimik na lang ako.” Kwenelyuhan niya ito at akmang susuntukin na ngunit maagap siyang napigilan ng mga pulis. “Putang ina mo, ginagago mo ba ako? At ano bang napala mo sa pagpapakalat ng walang kwentang mga [ictures na iyon?” Tanong niya rito. Tipid na ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. Iyong ngiting tila gustong-gusto siyang galitin. Pikon na pikon siya kung kaya’t di na siya nakapagpgil pa, mabilis niya itong nasuntok. Pupuruhan sana niya ito ngunit kaagad nahawakan ng dalawang pulis ang mga kamay niya. “Boss kami ng bahala sa kanya,” bulong pa sa kanya ng hepe ng pulis saka senenyasan ang mga tauhan n
NAPAKAGAT LABI SI AMANDA, alam naman niyang ginagawa nito ang lahat para makabawi sa lahat ng naging atraso nito sa kanilang mag-ina. At alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi magduda. “Pinipilit ko namang kalimutan ang lahat. I’m sorry kung minsan, hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda,” sabi niyang ginagap ang isang kamay nito, muli na naman siyang napaiyak. Hangga’t maari ay ayaw na niyang magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit mahirap rin naman sa parte nya na ibigay ang buong tiwala niya lalo pa at ilang beses na rin naman siya nitong binigo. “Gusto kong magwork ang relasyon nating ito. Hindi ko na yata kakayanin kapag naghiwalay tayong muli pero sana naman, bigyan mo ako ng chance na maging isang mabuting asawa saiyo at mabuting ama kay Gertrude. Nagsusumikap naman ako pero bakit parang hindi pa rin sapat?” Tanong nito sa kanya, ramdam nya ang sama ng loob sa bawat katagang binibitiwan nito.
PINAKARIPAS NI GENIS ANG PAGPAPATAKBO ng sasakyan. Gusto niyang komprontahin si Charlene. Hindi niya alam kung anoa ng pakana nito sa buhay ngunit may kutob na siya ngayong sinadya nito ang nangyari. “Magkita tayo sa coffee shop sa ibaba ng building,” seryosong sabi niya kay Charlene nang tawagan niya ito. Napipikon siyang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Amanda na magpaliwanag. Ganitong-ganito ang nangyari nuon sa kanila at hindi na niya papayagang maulit pang muli iyon kaya kailangan niyang maresolba ang issue na ito sa lalong madaling panahon. Nasa coffee shop na si Charlene nang dumating siya. Kaagad itong tumayo at akmang yayakap na naman sa kanya ngunit mabilis niya itong naitulak palayo. Seryoso ang mukha niya nang tingnan ito, “Hindi ko alam kung anong kalokohan ito, Charlene pero sigurado akong hindi ka inosente tungkol sa bagay na ito,” aniyang walang kangiti-ngiti habang nakatingin dito, “Paano tayo magkakaron ng intimate na mga lar
NASA LOOB NA SILA ng kotse nang hawakan ni Genis ang isang kamay niya at dalahin sa bibig nito para halikan, “I love you,” pagbibigay assurance nito sa kanya. Nahalata nito marahil na may katiting pa rin siyang selos na nararamdaman pagdating kay Charlene. “I love you too,” sagot niya rito. “Pero sana alam ni Charlene ang limitasyon nya.” “I know, hindi ako dapat ang tinatawagan niya ng ganitong oras,” sabi nito sa kanya, “Nawala lang siguro sa isip nya. Kahit naman kasi paano ay naging close na kami sa isa’t-isa, I hope ypu don’t mind,” anito sa kanya. “I understand. Pero sana next time marealize niya kung saan siya dapat na lumugar,” prangkang sabi niya rito, “Besides, bakit kailangan ka pa nyang tawagan eh obvious namang natawagan na niyang lahat ng mga kaibigan niya, pati mga pulis.” Aniya rito. Nagkibit balkat lang si Genis saka pina-andar na ang sasakyan. Hanggang sa makauwi sila ng bahay ay palai
NAPAUNGOL SI AMANDA nang hagurin ng mga labi ni Genis ang kanyang buong katawan, nagtagal iyon sa kanyang maumbok na mga dibdib, nilaro-laro nito ang dungot niyon kaya bahagya siyang napaigtad. “Genis,” daing niya habang hindi malaman kung saan ipipiling ang kanyang ulo. Napasabunot siya rito saka kagat ang pang-ibabang labi na ipinuloupot niya ang kanyang mga binti sa katawan nito, “Ohhh. . .Genis. . .” Nilamas nito ang isang suso niya habang ang dila nito ay nagpapaikot-ikot naman sa kabilang boobs niya. Ramdam niya ay pangangatas ng maselang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita dahil sa sensasyong inihahatid sa kanyang katawan ng ginagawang iyon ng asawa. Nuong kasintahan niya si Tom ay ilang beses siya nitong tinangkang makuha ngunit ewan ba niya kung bakit kahit anong panunuyo ang gawin nito ay hindi niya maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam kung kaya’t hindi siya natuksong ipagkaloob dito ang kanyang pagkababae.
“WHAT’S WRONG?” Tanong ni Genis nang lapitan si Amanda, ramdam niyang may sama ito ng loob sa kanya kaya nahiga na ito kaagad sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito, saka hinalik-halikan ngunit nanatiling nakapikit si Amanda, bahagya pang umisod para lumayo sa kanya. “Tell me, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” Clueless na tanong niya sa asawa. Nagmulat ito ng mga mata, “May nagawa ka bang hindi ko dapat magustuhan?” Balik tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napatawa, “As far as I know, wala naman akong ginagawang masama kaya nga tinatanong kita. . .”sabi niya rito, ginagap niya ang isang kamay nito at dinala sa kanyang bibig, “baka naman pinaglilihian mo ako?”Pabirong sabi niya rito. Humaba ang nguso nito. “Amanda, kung may gusto kang linawin, please magsalita ka, hindi ganitong mananahimik ka lang,” Pakiusap niya sa asawa. Tinitigan siya nito ng matiim, “Ikaw, may gusto ka bang linawin sakin?” T