Share

CHAPTER 3

DUMIRETSO SI GENIS sa isa sa mga pasugalan niya.  Ilan lamang ang mga pasugalan sa kanyang underground business.  Eighteen years ago ay hindi pa ganito kalaki ang kinikita ng mga pasugalang ito.  Ngunit simula nang pamahalaan niya ito ay lumaki na ito ng lumaki.  Pati mga players nila ay mga big time na rin.  Kaya naman bilib na bilib ang Ninong niya sa kanya.  Hindi raw ito nagkamali sa paghubog sa kanya.  Engineer siya by profession at sa mata ng publiko at kanyang mga kaibigan, isa siyang matagumpay na Engineer.  Iyon rin ang pagkakakilanlan ni Amanda sa kanya.  Ngunit mas malaki ang kinikita niya sa kanyang mga sideline kesa sa kanyang pagiging engineer although millions rin naman ang iniakyat nitong pera sa kanya.  Sabi nga ng Ninong Ben niya, sa likod ng mabait at very dignified niyang mukha, sino ang mag-aakalang isa siyang Mafia King?  Kaya naman very proud ang Ninong Ben niya sa kanya.

            Maging ang nag-iisa nitong anak na si Wendy ay halos ipagtulakan na sa kanya.  Ngunit malinaw sa mga ito kung bakit niya ginagawa ito.  Kung bakit hindi siya humihintong magkamal ng maraming salapi.  Gusto niyang maging makapangyarihan.  Gusto niyang makapaghiganti sa lahat ng may atraso sa kanya. Kaya nang sabihin niya sa kanyang Ninong Ben three years ago na handa na niyang balikan ang mga may utang sa kanya, hindi na siya nito pinigilan pa.  In fact may basbas ng Ninong Ben niya ang pagkaka-involve ni Wendy sa kanyang mga plano.

            Talagang sinadya niyang mapaibig niya nang husto si Amanda.  Alam niya kung gaano ito kamahal ng buong pamilya nito.  At makita lamang ng mga itong nagdurusa si Amanda sa piling niya ay tiyak na sobrang sakit ang hatid niyon sa pamilya nito.

            Ngayon pa lamang ay parang nakikinikinita na niyang nawawasak ang puso ng ama nito.  Ano kayang magiging reaction nito kapag nalaman nitong siya ang buhay na saksi sa massacre na nangyari sa Sta. Elena eighteen years ago.  At hindi lang buhay na saksi.  Anak siya ng taong pinaslang nito.

            Maraming tao sa loob ng pasugalan.  Lahat may sinasabi sa lipunan.  Isang sikat na musician.  Isang governor.  May mga diplomats. May sikat na basketball player. May mga foreigners at mga malalaking negosyante.  Nakatago ang pasugalan sa ilalim ng isang malaking building na pag-aari rin niya.  Tahimik kung titingnan sa labas ang nasabing building ngunit sa loob ay maraming nagaganap na mga pangyayaring tanging ang cctv lamang ang saksi.  Ang cctv na ikinabit niya ay walang nakakaalam maliban sa kanya.  Palihim lang niya iyong ikinabit for security reason.

            Lahat ng nagtratrabaho sa kanila ay may pinirmahang non-disclosure agreement.  Pati na rin lahat ng players.  Hindi rin pwedeng basta-basta makapasok ditto.  Kailangang kasama ito sa mga nasa listahan ng mga invited.

            At hindi rin maaring maglaro ang mga players kung wala sa dalawang milyon ang nakahanda nitong pera.

            Ang itaas ng building ay opisina niya para sa kanyang trading.  Ang ikalawang palapag naman ay tirahan ng lahat niyang mga staffs, body guards, chefs at ng driver niyang si Manong Doy.  Bukod sa pabahay niya ang lahat niyang mga tauhan ay mataas rin ang pasahod niya sa mga ito.  Binibili kasi niya ang loyalty ng mga ito.

            Alam rin ng mga ito kung paano siya magalit.  Marami siyang connections kaya walang kawala ang sinuman sa kanya.  Nasa payroll rin niya ang ilan sa malalaking mga judges at empleyado sa gobyerno kaya mahirap siyang banggain.

       At tulad ng kanyang Ninong Ben, wala siyang sinasanto sa lahat ng mga kumakalaban sa kanya.  Walang puwang ang awa, mas lalong hindi pwedeng magkamali.  Kaya nga sa mundong kanyang ginagalawan, tinagurian siyang hari.  Marami na siyang napatiklop na mga kalaban.  Kung nuon ay isang batang takot at iyakin lamang siya, malayo na iyon sa kanyang pagkatao ngayon.  Ipinangako niyang hinding-hindi na siya iiyak kahit na kailan.

           Naupo siya sa isang sulok, itinaas niya ang isang daliri.  Alam na ng bar tender kung anong ibig sabihin niyon.  Maya-maya pa ay dala na ng waiter ang isang whisky neat.  Inilapag iyon sa mesa.

            Bago tunggain iyon ay tinawagan niya ang kanyang driver.  Ipinaalam niya ritong mapaparami ang inom niya.

            Alam na ni Mang Doy at ng kanyang body guard na si Rocky ang gagawin kapag nalalasing siya.  Ihahatid siya ng mga ito sa bahay kahit anong oras pa iyon.  Ayaw kasi niyang natutulog kung saan-saan.  Kailangang iuwi siya ng kanyang driver at body guard sa bahay kahit na anong mangyari.

LASING NA LASING SI GENIS nang dalhin ng body guard nitong si Rocky sa loob ng kuwarto.  Ala-una na iyon ng madaling araw. 

            “Next time Mang Doy, tawagan nyo ko.  Gosh, kanina pa ko tumatawag kay Genis, di nya sinasagot ang tawag ko!” Dinig niyang sabi ni Wendy, ramdam niya ang iritasyon sa tono ng pananalita nito.

            Pumasok siya sa loob ng kuwarto.

            “What the hell are you doing here?” Tanong ni Wendy sa kanya, “Pwede bang lumabas ka na ng kuwarto!” Singhal nito.

            Sinalubong niya ang tingin nito, pinatapang niya ang mukha, “Hindi ba ikaw ang dapat lumabas ng kuwartong ito?”

            Nagulat si Wendy sa sinabi niya.

            “Ako ang asawa kaya labas!” Sigaw niya ditto habang nakaturo ang palabras ng pinto, “Lumabas ka ngayon din kung ayaw mong ingudngod ko ‘yang mukha mo sa sahig!” Yamot na sabi niya.

            “Nagmamahalan kami ni Genis, Amanda.  Bago ka pa pumasok sa buhay niya, kami na! Ginamit ka lang niya para makapaghiganti, tandaan mo ‘yan!”

            “Lumabas kang walanghiya ka!” Nanginginig sa galit na sigaw niya ditto.

            Hihingi sana ng saklolo si Wendy sa mga tauhan ni Genis ngunit mabilis niyang nilingon ang mga ito, “Kaladkarin ninyo siya palabas ng bahay na ito!” Utos niya sa mga ito.  Nasindak ang mga ito, kaagad na tumalima sa sinabi niya.  Hinila ng mga ito palabas si Wendy.  Kaagad niyang ini-lock ang pinto ng nakalabas na ang mga ito.

            “Putang ina mo ka, makakatikim ka bukas kay Genis kapag nalaman nya kung anong ginawa mo saking hayup ka!” Dinig niyang sigaw ni Wendy mula sa labas ng kuwarto ngunit hinayaan na lamang niya itong magsisigaw duon.

            Kumuha siya ng tubig at pinunasan ang katawan ng asawa.  Ilang sandali pa ay narinig na niya ang papaalis na sasakyan ni Wendy.  Bahagya siyang napangisi.  Ngunit maya-maya ay nabalik ang isip niya sa mga sinabi sa kanya kanina ni Genis.

            “Hindi ko alam kung anong nangyari.  Kung ano talaga ang atraso ni Daddy saiyo,” aniya sa mahinang tinig, “Pero gagawin ko ang lahat para mabalik iyong pag-ibig mo sakin.  Kung kasinungalingan mang lahat ng iyon, sisikapin kong this time, maging totoo ng mahal mo ako.  Hinding-hindi kita bibitawan, Genis,” pangako niya habang pinagmamasdan ito.

           

KAHIT LASING AY hindi nakaligtas sa kanya ang sinabing iyon ni Amanda.  Unti-unting nagmulat siya ng mga mata.  Naghuhumiyaw ang nararamdamang galit sa kanyang mga kalamnan.  Marahas niyang hinawakan ang isang braso nito saka siniil ito ng halik sa mga labi.

            “Genis!”

            Bumangon siya at naghubad ng pantalon saka pumatong sa ibabaw nito.  Galit ang tanging nararamdaman niya habang hinahalikan niya ito.  Pinunit niya ang suot nitong night gown pati na rin ang suot nitong underwear.

Nuon lamang niya nakita ang kahubdan nito. Kahit galit siya ay hindi maitatanggi na n*******n siya sa kagandahang nakatambad sa kanya. Sa loob kasi ng tatlong taon nilang pagiging magkasintahan ay palagi na lamang itong tumatanggi sa tuwing yayain niyang mag-check in sila. Hindi naman niya ito pinilit. Nagtiyaga siya sa tamang panahon.

            Alam niyang mas masakit ang ganito.

            Iyong bigla ka na lamang masusurpresa na parang ibang tao ang kaulayaw mo.  Hindi ang mapagmahal, malambing na Genis na nakilala nito.

            “Nasasaktan ako, ano ba Genis!” sigaw nito nang pilit niyang ipinapasok sa hiyas nito ang kanyang kabuuan. 

            Ngunit para siyang walang naririnig.  Nakita niyang pumatak ang mga luha nito.  Alam niyang virgin pa si Amanda at siya ang nakauna ditto kaya kitang-kita niya ang sakit na nararamdaman sa mukha nito habang pinipilit niyang pag-isahin ang kanilang mga katawan.

            Umiwas siya ng tingin ditto dahil ayaw niyang magbago pa ang isip niya.

            Pagkalipas ng ilang minuto ay hinugot niya ang kanyang sarili saka umalis sa ibabaw nito.  Dinig niya ang pagtangis ni Amanda.

            “Kahit paulit-ulit pa kitang angkinin, hindi sapat ‘yan para mabayaran mo ang buhay na inutang ng ama mo sakin!"  Galit na galit na sabi niya rito, "Ipararamdam ko saiyo ang lahat ng sakit na naramdaman ko ng mawala ang pamilya ko hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko."

"Hindi kita susukuan!" Giit ni Amanda.

"Talaga lang ha?" Yamot na sagot niya saka tumayo at isinuot ang pantalon at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.  Duon siya dumiretso sa kanyang library.  Virgin si Amanda.  Dapat ba niya itong kaawaan? Hell no!  Walang puwang ang awa sa kanyang puso! 

UMIIYAK SI AMANDA habang nakatingin sa karampot na dugong pumatak sa bed sheet.  Masakit ang kanyang buong katawan ngunit hindi kayang tapatan ng sakit na iyon ang nararamdaman ng kanyang puso.

            Hindi ganito ang inaasahan niyang mararamdaman niya kapag ibinigay na niya ang sarili sa lalaking pinakamamahal niya.

            Bakit sa isang iglap, nagbago ang lahat sa buhay niya?  Napapikt siya nang maalala ang mga sinabi ni Wendy.

            Ginamit lang siya ni Genis para makapaghiganti ngunit bago pa siya pumasok sa buhay nito ay nagmamahalan na ang mga ito.

            Napasubsob siya sa unan habang pinagpapalo niya ang kama.

            Hindi niya alam kung paano ilalabas ang galit na nararamdaman niya.   Sa kabila ng lahat, mahal pa rin niya ito.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status