Share

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO
Author: Bryll McTerr

The Guy In The Fire Truck

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2023-03-05 22:02:02

POLARIS STADIUM

“Tori! Tori!”

“Tori!”

“More…more…more!”

Dumadagundong ang loob ng malawak na stadium na pag-aari rin ng mga Rodriguez dahil sa walang tigil na sigawan ng mga fans ni Tori Herrera na kasalukuyang naroon para sa kanyang homecoming concert.

Anak si Tori ng kilalang singer-actress na si Marigold Herrera at ng kilalang matinee idol noong kapanahunan nito na si Christopher De Silva. Nagsimula ang karera niya bilang si Tori Herrera, isa sa pinakamaningning na singer-actress ngayon sa bansa noong siya nasa edad labing-pito pa lamang.

Marami ang nagduda sa kakayahan niya noong una at ang sabi pa ay kaya lang naman daw siya mabilis na nakilala ay dahil sa impluwensiya ng mga magulang niya. She was privileged and a nepo baby, sabi pa. Ngunit pagkalipas ng tatlong taon ay napatunayan niyang hindi siya sumikat dahil siya si Tori Herrera, anak ng kilalang singer-actress na si Marigold Herrera, kundi dahil talagang may ibubuga siya. Sa katunayan ay isang linggo pa lang ang nakakaraan simula nang makabalik siya mula sa kanyang anniversary world tour na pinamagatang The Other Side.

Pawisan at hinihingal na itinaas ni Tori ang kanyang kaliwang kamay habang ang kabila naman ay hawak ang microphone na regalo sa kanya ng isang fan noong nakaraan niyang birthday.

“Thank you, guys!” may ngiti sa mga labing aniya sa mga fans na mas lalo pang nag-ingay. “You, guys, are awesome, y’know,” kumakaway sa isang bahagi ng stadium na sabi niya habang naghahabol ng kanyang hininga.

“I love you, Tori!” sigaw ng isang babaeng fan.

Nag-flying kiss si Tori sa babae na tinugon naman ng lahat ng malakas na hiyawan. Para tuloy nililindol ang loob ng stadium dahil sa sigawan at padyak ng mga fans.

“I love you, too!” sagot ni Moon sabay tingin sa isang camera. “At sa ating team bahay diyan, I love you too, guys!” Turan niya sabay hawi ng ilang hibla ng buhok na bumagsak sa kanyang mukha bago muling nag-flying kiss.

Humakbang siya patungo sa gilid ng stage para abutin ang bote ng tubig na inaabot sa kanya ng isang staff.

“Thank you,” aniya rito bago binuksan ang plastic na bote at uminom ng tubig. Pinunasan niya ng likod ng palad ang gilid ng kanyang mga labi bago ibinalik ang takip ng bote at nilapag iyon sa isang tabi. “You, guys, want more?” tanong ni Tori sa kanyang mga fans nang muli niyang ibinaling sa mga ito ang kanyang atensiyon.

“More!” halos sabay-sabay na sigaw ng lahat bilang sagot.

Napangiti si Tori sabay senyas sa isang staff na kanina pa naka-abang. Kaagad itong naglakad palapit sa kanya at inabot ang gitarang hawak.

“Thank you,” aniya sa staff bago muling ibinalik ang pansin sa mga fans. “Y’know, this one is not included in The Other Side album. Though, I wrote this days ago and I just feel like I wanted to share it with all of you right now.” Patuloy niya habang nakayuko at abala ang mga daliri sa mabagal na pagkalabit sa string ng hawak na gitara.

Natahimik ang lahat. Dama kasi nilang parang bumigat ang hangin sa paligid dahil sa biglaang pagbabago ng mood ni Tori. Ang kaninang masaya at malapad na ngiti ay biglang nabura. Bigla ring nawala ang kislap sa kanyang mga mata nang muli siyang mag-angat ng paningin. Ito ang isa sa naging dahilan kung bakit mabilis na nakilala si Tori. She was able to swiftly shift her mood based on the song that she sings.

“Para po ito sa mga nagmahal, nasaktan, pinilit magmove on pero pilit pa ring ginugulo ng mga alaala…” may tipid na ngiti sa mga labi na aniya sa lahat bago yumuko at nagsimulang kalabitin ang hawak na gitara. “Lost, ‘yan ang title ng kantang ito.” Dugtong pa niya.

Tumikhim pa muna si Tori na tila ba sa pamamagitan niyon ay mawawala ang bara sa kanyang lalamunan. Tipid siyang ngumiti sa camera na nakatutok sa kanya nang muli siyang mag-angat ng paningin bago niya ibinaling ang pansin sa kanyang mga fans na mabining ikinakaway ang mga kamay habang hawak ang mga cellphone nila na nakabukas ang flashlights.

All the memories

I tried to keep

All the bad things that I did

All the breakable lies

And now, I lost you…yeah

Ipinikit ni Tori ang kanyang mga mata habang dinadama ng kanyang puso ang bawat letrang lumalabas sa bibig niya. Patuloy siya sa pagkalabit sa gitara habang kumanta bago muling yumuko.

And now, I lost you

Pagtatapos niya sa kanta kasabay ng pasimpleng pagpahid sa isang butil ng luhang tuluyan nang nakatakas sa kanyang mga mata. Mabilis siyang tumayo at kumaway sa lahat para magpaalam. Hindi niya namalayang napaluha na pala siya.

“I think, that’s all for tonight, guys…” paalam niya sa lahat bago mabilis na tumalikod.

Nagmamadaling naglalakad si Tori patungo sa backstage. Kaagad din niyang inabot sa isang staff ang dala niyang gitara bago hinubad ang suot na blazer at itinira na lamang ang itim na tube blouse.

“That was great, Tori,” puri ni Ember pagkatapos siya nitong salubungin sa backstage. “you did a—”

“I wanna go home, Ember,” putol niya sa iba pang sasabihin ng kanyang manager.

Maang na napatingin naman si Ember kay Tori. Magkasunod silang naglalakad patungo sa dressing room ng huli. Naghihitay na roon ang official makeup artist na siyang magtatanggal ng makukulay na pintura sa mukha ni Tori.

“What?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Ember. “Pero pupunta pa tayo sa after-party mo—”

“I’m not in the mood, Ember. All I wanna do right now is to lie on my bed, so just please..."

“No, you can’t do that, Tori.” Puno ng pagtutol sa boses na turan ni Ember na nagsimula na namang makulot ang imaginary bangs dahil sa sinabi ng kanyang alaga. “Nandoon ang heads ng Crystal Music, nakalimutan mo na ba?” paalala niya kay Tori na tila walang anumang pumasok sa dressing room pagkatapos silang ipagbukas ng pinto ng isa sa anim na personal security guard na kinuha ni Sid para sa babae.

Umupo si Tori sa monoblock chair na naroon sa harapan ng salamin. Hinubad niya ang suot na hikaw pati na rin ang iba pang accessories na ipinasuot sa kanya ng stylist niya kanina.

“I’m not going anywhere, Ember. I’m tired.” Walang emosyong turan ni Tori habang tinutulungan ang makeup artist sa pagtanggal ng makeup niya.

“Pero—”

“Please, let’s talk again next time. I really can’t go right now, Ember.”

Sasagot pa sana si Ember nang biglang bumukas ang pinto ng dressing room at mula roon ay bumungad ang nakangiting anyo ni Sid.

“Hi, sweetheart,” masiglang bati ni Sid kay Tori bago palihim na tinanguan si Ember na napabuntong-hininga na lamang. “you did great tonight, huh.” Puri niya sa babae bago inabot dito ang hawak na bulaklak.

Sinenyasan naman ni Tori ang PA niyang si Jessa na kunin ang bulaklak. Mabilis na nabura ang ngiti ni Sid ngunit kaagad din siyang ngumiti ulit nang magtama ang mga mata nila ni Tori sa salamin.

“Sigurado ka bang ayaw mong pumunta sa after-party?” untag ni Sid kay Tori habang nakatayo siya sa likod nito.

Nagkibit ng kanyang mga balikat si Tori. “I wanna go home, Sid, and that’s final.” Aniya sa lalaki. “And besides, maaga pa ang flight ko bukas papunta sa Guimaras kaya gusto ko nang magpahinga.” Dugtong pa niyang itinuon na ang pansin sa hawak na cellphone.

Napabuntong-hininga na lang si Sid dahil sa kanyang narinig.

“Okay, ihahatid na kita.”

Umiling si Tori. “Don’t bother,” tanggi niya sa malamig na tinig. “alam kong kailangan ka sa party kaya—”

“Mas importante ka kaya ihahatid kita, sa ayaw at sa gusto mo.” Seryoso ang anyo na sabi ni Sid.

Sandaling natigilan si Tori bago walang nagawa na napatango na lamang bilang pagsang-ayon.

“Alright…”

WELCOME TO SAN LORENZO

Iyon ang mga letrang naka-ukit sa naka-arkong sementong bato na nakatayo sa bungad ng bayan ng San Lorenzo. Tori clicked her tongue as she unconsciously clinched her hands on the black purse that she was holding.

'Here we go for a month of vacation, Tori..." aniya sa kanyang sarili.

Pasado ala-diyes na ng umaga nang makarating si Tori sa airport ng Iloilo kung saan naka-abang na sa kanya ang Uncle Ansen at mula roon ay kaagad silang bumiyahe patungo sa pantalan. Pagdating nila sa pier na may biyaheng patungo sa Guimaras ay kaagad din silang lumulan sa naghihintay na pumpboat na inupahan naman ng Uncle niya. Payapa ang dagat kaya maayos ang naging biyahe nila. Nang makarating naman sila sa daungan ng Jordan ay naghihintay naman sa kanila si Uncle Mon, ang boyfriend ng Uncle niya.

Mabilis silang sumakay sa Montero na dala ni Uncle Mon. Sa unahan pum'westo ang Uncle niya samantalang si Tori ay sa backseat. Gusto niya munang umidlip dahil medyo inaantok pa siya. Dahil sa pagod na gawa ng sunod-sunod na rehearsals at world tour ay kaagad siyang nakatulog. Hindi na niya namalayan nang magpanic ang Uncle niya dahil nakatanggap ito ng tawag na may sunog daw malapit sa ancestral house nila.

Hindi na namalayan ni Tori kung gaano siya katagal na nakatulog. Nagising na lamang siya nang maramdaman niya ang init na tumatagos sa salaming bintana ng sasakyan. Pupungas-pungas na tumingin siya sa paligid nang mapansin niyang nakatigil na ang sasakyan nila. Nagtatakang kinuha niya ang cellphone sa clutch bag na nakapatong sa upuan at tinawagan ang Uncle niya. Naka-ilang ring pa muna bago may sumagot sa kabilang linya.

"Uncle—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang magsalita ang tiyuhin niya.

"Stay inside the car, Tori," kaagad na turan ni Uncle Ansen. "babalikan ka namin diyan."

Kumunot ang noo ni Tori. Nahimigan niya kasi ang panic sa tinig nito. "Why, what happened?" tanong niya.

"May sunog malapit sa bahay kaya diyan ka muna. Masyadong mausok dito."

Hindi na nakasagot si Tori nang biglang maputol ang tawag kaya ibinaba na lamang niya ang hawak ng cellphone. Tumingin siya sa labas at saka lang din niya napansin na malapit lang pala sa ancestral house nila ang kinapaparadahan ng sasakyan. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang makapal na usok na nagmumula sa unahan.

Marami ring tao na mano-manong inaapula ang apoy dahil hindi pa yata dumadating ang bombero. And right on cue, biglang narinig ni Tori ang serena ng paparating na fire truck.

"Parang pelikula, ah," usal niya habang nakasunod ang mga mata sa dumaang fire truck. "late din ang dating ng rescue team." dugtong niyang natuon ang pansin sa lalaking nakalambitin sa likod ng fire truck.

Nakasuot ng uniform ng pang-bombero ang lalaki pero hindi maikakailang magandang lalaki ito kung pagbabasehan niya ang tindig nitong tiyak niyang maraming dadaiging modelo at artista.

Bahagyang napangiti si Tori. "Looks like my stay here is going to be fun..." usal niya bago muling bumalik sa pagkakahiga sa mahabang upuan ng Montero pagkatapos niyang itapat sa kanya ang maliit na portable electric fun.

Mabilis na hinila ng antok si Tori at nang muli siyang nagising ay kaagad siyang sumilip sa salaming bintana. Iilan na lamang ang mga taong nakikita niyang nakatayo sa gilid ng kalsada. Wala na rin ang makapal na usok, palatandaang na-apula na ng mga bombero ang apoy.

And speaking of which, nasaan na kaya ang bomberong nakita niya kanina? Natatanaw niya sa unahan ang fire truck pero wala siyang makitang kahit na isang bombero roon.

Naputol lamang sa pag-usyuso si Tori nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang screen ay kaagad siyang napangiti nang makita ang pangalan ni Everett. Mabilis niyang dinampot ang maliit na aparato bago siya nagpasyang lumabas ng sasakyan. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin kaya binuksan niya ang pinto ng Montero sport pagkatapos sagutin ang tawag ni Everett.

"Hey, so how was your flight?" kaagad na bungad ni Everett kay Tori nang marinig nito ang boses niya.

Mayroon silang collaboration project ni Everett na ilang buwan din nilang tin-trabaho bago ang world tour niya kaya naging malapit na sila ng lalaki bukod pa sa katotohanang nanliligaw din sa kanya si Everett.

"Okay naman," masigla ang tinig na sagot niya habang ang mga mata ay nasa suot niyang sapatos. Naka-apak kasi siya ng hinog na mangga eksaktong pagbaba niya ng sasakyan. "mukha namang magugustuhan ko rito. And besides, dati na rin naman akong nakapunta rito noong ba—"

Hindi na natapos ni Tori ang kanyang sasabihin nang bigla siyang bumangga habang siya ay umaatras sa kung sino mang nasa kanyang likuran.

"Ay!" gulat ni sigaw ni Tori kasabay ng paghila ng nakabangga niya sa kanyang kamay para hindi siya tuluyang bumagsak sa matigas na kalsada kasunod ng pagpulupot ng isang braso nito sa beywang niya.

"Hey..." Ani naman ng malamig at puno ng otoridad na boses. Bakas din sa tinig nito ang bahagyang pagkairita na ikinataas ng kilay ni Tori.

'Excuse me? Talagang ito pa ang may ganang mainis?'

"Keep your hands off me!" singhal ni Tori sa lalaki na kaagad din naman siyang binitawan. Kung hindi lang maayos ang pagkakatayo niya ay tiyak na pupulutin siya sa lupa. Buwiset na lalaking ito!

"Tsk!" palatak ng lalaki ngunit wala na rito ang atensiyon ni Tori kundi sa cellphone niyang bumagsak sa matigas na semento.

"Oh, no..." usal ni Tori sabay yuko para damputin ang cellphone niyang bukod sa nabasag ay nabasa rin ng tubig na nagmumula sa hose na nabitawan yata ng lalaki nang alalayan siya nito para hindi siya bumagsak sa lupa.

'Wait...what?'

Mula sa hawak na cellphone ay natitigilang nag-angat ng paningin si Tori. Dumako ang mga mata niya sa lalaking kunot-noong nakatayo sa kanyang harapan.

'OMG...like, oh, my freaking God!'

Tulala at awang ang mga labi na napatitig na lamang si Tori sa kaharap na lalaki. It was him! Ang lalaking nakita niya kanina na nakalambitin sa likod ng fire truck.

"Tori?"

Parehong naagaw ang atensiyon ni Tori at ng kaharap niyang lalaki nang marinig nila ang boses ng Uncle ng una.

"Uncle," Turan naman ni Tori pagkatapos alisin ang mga mata sa lalaking nakatayo pa rin sa harap niya. "is everything okay now?" tanong niya rito.

Tumango ang Uncle sabay baling ng pansin sa lalaking abala naman na sa pag-aayos ng hose sa fire truck.

"Maraming salamat sa pagresponde ninyo, Taj,"

'Ah, so Taj pala ang pangalan niya, ha...'

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leen Lacra
Hello Miss Bryll i'm back ...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    ALWAYS [FINALE]

    ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    DOUBLE WEDDINNG

    ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MOSQUITO BITE

    TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    I LOVE YOU

    MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    THANK YOU

    NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    GET HER

    IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status