Share

Come And Get It

"FOR PETE'S SAKE, Tori, can you please tell me where you are right now?!"

Automatic na nailayo ni Tori sa kanyang tainga ang hawak niyang cellphone nang marinig niya ang naghi-histerical na boses ng Uncle niya. Damang-dama niya sa tinig nito ang pinipigilang galit na may kasamang konsomisyon.

"Hi, Uncle!" malakas ang boses na aniya sa baklang napatili na lamang sa kabilang linya.

"You better answer me now—"

"I'm just somewhere out here, Uncle," putol ni Tori sa iba pang sasabihin ng Uncle niya bago pa man tuluyang humaba ang mga litanya nito. "don't worry, Cinderella will be home before midnight..." dugtong niya sabay hagikhik.

Kasalukuyan siyang nasa gitna ng kalsada, sakay ng Toyota Corolla na pag-aari ng Uncle niya. Nagawa niya iyong ipuslit habang nasa loob ito ng kuwarto kasama si Mon. Alas otso na ng gabi at mukhang matutulog na naman ang Uncle niya na mainit ang ulo sa kanya. She has been in San Lorenzo for three days at sa loob ng mga araw na lumipas ay palaging nangungunsumi ang nakatatandang kapatid ng Mommy niya sa kanya.

"You better be, Victoria!" pagalit na sagot ng Uncle niya sa kanya.

Ah, nai-imagine na kaagad niya na si Mon na naman ang sasalo ng galit nito. Hindi tuloy napigilan ni Tori ang kanyang sarili at napahagikhik siya na mas lalong ikina-irita ng Uncle niya lalo't tinawag na siya nitong "Victoria".

"Oh, my God, Victoria!" bulalas nito sa kabilang linya. Bakas sa tinig nito ang pinipigilang inis. "You will surely be the death of me!" dugtong pa nito bago tuluyang nawala sa kabilang linya.

KASALUKUYANG NAKAUPO sa stoll na nasa harapan ng bar counter sina Taj at Oxygen nang sabay silang napalingon sa entrance ng Drifting Mist nang mapansin nila ang lihim na bulungan ng mga nakapaligid sa kanila. Umangat ang kilay ni Taj nang mamukhaan ang babaeng dahilan ng ingay samantalang si Oxygen naman ay kaagad na napasipol. Mag-isa itong nakatayo sa pinto habang ang mga mata ay abala sa pagtingin sa paligid.

"Kilala mo?" simpleng tanong ni Taj sa kaibigan bago uminom ng beer mula boteng hawak niya.

Napa-iling si Oxygen nang marinig niya ang tanong na iyon ni Taj. Minsan ay nai-imposeblehan na talaga siya sa kaibigan niya.

"Hindi mo ba siya kilala?" balik-tanong ni Oxygen kay Taj na kaagad namang kumunot ang noo.

"Dapat ba na kilala ko siya?"

Umikot ang mga mata ni Oxygen paitaas sabay ngisi. "Man, get your phone and look for the name "Tori Herrera." aniya sa kaibigan bago mahinang tinapik ang balikat nito.

Sa halip na sundin ang sinabi ng kaibigan ay tahimik na lamang na pinagmasdan ni Taj ang babaeng tuluyan nang nakuha ang atensiyon ng lahat ng naroon sa loob ng Drifting Mist, ang pinaka-una at kilalang club bar sa bayan ng San Lorenzo.

"C'mon, dude," sigaw ni Oxygen na hindi niya namalayang wala na pala sa kanyang tabi. "let's join them." dugtong nito na nagsisimula na sa marahang pag-indak habang dahan-dahang naglalakad patungo sa dance floor.

"Attention everyone!"

Sabay-sabay na napalingon sa gawi ng stage ang lahat nang marinig nila ang boses ni Karla, anak ng Mayor ng bayan nila. Itinaas ni Karla ang hawak nitong baso na may lamang alak bago muling nagsalita.

"Alam naman nating lahat na kasama natin dito ngayon ang sikat na sikat na si Tori Herrera, right?!"

Tila iisa ang ulong muling napalingon sa gawi ni Tori ang lahat ng naroon. Kiming ngumiti si Tori sa lahat bago itinaas ang hawak na beer.

"Hi..." tipid na bati ni Tori sa lahat na tinugon naman ng malakas na hiyawan.

"Hindi naman siguro masama kung hihingi tayo ng libreng kanta sa kanya, right?" patuloy ni Karla.

Sa tulong ng liwanag na tumatama sa kinatatayuan ni Tori ay hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Taj ang sandaling pagkalukot ng mukha ng babae. Umangat ang kilay niya dahil sa naging reaction nito pero mas natuon ang pansin niya sa sinabi ni Karla. Out of curiosity, dinukot ni Taj ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Binuksan niya Search Me app at hinanahap doon ang pangalang Tori Herrera.

[Tori Herrera is a Filipino singer-song writer, a performer, and an award-winning actress at the age of twenty-three. Herrera rose to her stardom when she was awarded in a prestigious international award-giving body as one of the one hundred most outstanding recording artists in Asia, a year after her debut in the music industry. She is also listed as one of the youngest and most influential celebrities and dubbed as the Infinite Star of Asia.]

"Whoa!" Bulalas ni Taj nang mabasa niya ang isang article tungkol kay Tori Herrera. "She's this huge, huh..."

Hindi makapaniwalang muling ibinalik ni Taj ang kanyang paningin sa babaeng kasalukuyan nang nasa gitna ng maliit na stage. Inabutan ito ng isang staff ng microphone habang tipid ang ngiting nakatingin sa mga taong nasa harapan nito.

"Salamat," nakangiting turan ni Tori sa babaeng nagbigay sa kanya ng microphone bago siya humarap sa babaeng siyang dahilan kung bakit siya naroon sa gitna ng stage. "May I?" deretso ang tingin na tanong ni Tori rito.

"Yeah, sure..." sagot ni Karla na pailalim na tiningnan si Tori bago niya ibinalik ang pansin sa lahat ng naroon. "ladies and gentlemen, let's all welcome, Tori Herrera!"

Sumabog ang pinaghalong sigawan at malakas na palakpakan sa paligid lalo na nang marinig nila ang intro ng isa sa mga sumikat na kanta ni Tori.

Nakangiting lumingon si Tori sa gawi ng disc jockey.

"Cheers to you, Tori!" malakas na sigaw ni Oxygen sabay taas ng hawak niya baso na may lamang alak.

Mabilis namang dinampot ni Tori ang bote ng beer na nilapag niya sa sahig kanina. Itinaas niya iyon sa harapan ng lahat at inisang lagok ang natitirang laman.

"So, since we're already here," muling sabi ni Tori nang pagkatapos niyang muling ilapag sa sahig ang hawak na bote."let us all hit the night with a bang then..."

Isang malakas na palakpak at hiyawan naman ang ibinigay ng lahat kay Tori. Bakas sa anyo ng lahat ang labis na tuwa. Napaka-suwerte nilang ngayong gabi dahil mararanasan nilang makantahan ng isang Tori Herrera.

"C'mon, guys," nakatawang sabi ni Tori nang mapansin niyang nakatunganga sa kanya ang lahat. "I need some energy, so, please gimme that vibe..."

Hinubad ni Tori ang suot na black leader jacket na ipinatong niya sa suot niyang itim ding backless tank top at hinagis iyon sa isang tabi. Ngunit kaagad siyang natigilan nang makita ang lalaking nakasalo ng jacket niya.

It was him! The monkey guy behind the fire truck...

Napa-iling naman si Taj sabay angat ng kamay na may hawak sa jacket ng nagulat na babae. Ngumisi siya bago niya isinabit sa kanyang balikat ang hawak saka niya dinampot ang bote beer. Itinaas niya iyon sa babae.

"Come and get it..." He muttered.

"Yeah!" hiyaw ni Tori sa microphone sabay taas ng isang kamay. "That's more like it..." dugtong niya habang ang ulo ay nagsimula nang sumabay sa galaw sa mabilis na tugtog.

Show me your real self

and let me decide

if you ever come to me

naturally

Patuloy na kanta ni Tori pagkatapos niyang tanggalin ang microphone sa stand nito. Humakbang siya pababa ng stage at naglakad patungo sa malawak na dance floor kung saan nag-ipon-ipon ang costumers ng Drifting Mist.

Make me lose my breath

Excite and move me, baby

Tuloy-tuloy sa pagkanta si Tori bago niya itinuro si Taj na wala naman sa loob na dinampot ang boteng nasa harapan nito at inisang lagok ang natitirang laman.

"That's fire, Tori!" sigaw ni Oxygen na ginatungan naman ng iba.

"Move me, baby!" sigaw naman ng isang babae sabay abot kay Tori ng basong may lamang tequila.

Mabilis na kinuha ni Tori ang baso at ininom ang laman niyon.

"Thank you!" sabi niya sabi babae pagkatapos niyang ibalik rito ang baso.

"Cool!" sigaw ng marami.

Nagsimulang humakbang si Tori palapit kay Taj na nakatitig naman sa kanya. Nang tuluyan siyang makalapit sa lalaki ay hinaplos niya ang mukha nito bago tumalikod sabay turo ng likod niya kung saan nakalitaw ang koronang tattoo.

And I'll be your queen

So excite and move me, baby

"SO WHAT is the Infinite Star doing in a country town and in a place like this alone?" tanong ni Taj nang maramdaman niya ang pag-upo ni Tori sa stool na nasa kanyang tabi.

Sa halip na sagutin ang tanong ni Taj ay sinenyasan ni Tori ang bartender na nasa harapan nila.

"One margarita, please..." turan niya rito bago ibinaling ang pansin sa katabing lalaki. Inilahad niya ang palad para kunin ang jacket niya nakapatong sa balikat nito. "Is that a compliment or the other way around?" tanong naman niya rito.

Umangat ang sulok ng mga labi ni Taj nang marinig ang tanong ni Tori. Inikot niya ang kinauupuang stool paharap saka niya ipinatong sa bar table ang siko. Itinukod niya ang kamay sa kanyang mukha bago niya matamang pinagmasdan ang babae.

"It depends on how you may take it," turan niya na bahagyang tumiim ang mga matang nakatutok sa mukha ni Tori.

Umikot ang mga mata ni Tori saka niya ibinaling ang pansin sa bartender. Kinuha niya mula rito ang in-order niyang margarita.

"I'm not in the mood to argue or what so," aniya bago sumimsim ng ladies drink mula sa hawak na baso. "I'll just take it as a compliment then." dugtong niyang pagkatapos ilapag sa bar table ang hawak na cocktail glass.

Mahinang natawa si Taj dahil sa naging sagot ni Tori.

"So?" untag niya rito pagkaraan ng ilang saglit.

Nagkibit ng kanyang mga balikat si Tori bago sumagot. "Well, I just wanna run away from all the pressure and I'm here—in this "place" because I want a "me time"," aniyang ipinagdiinan pa ang salitang 'place' at 'me time'.

Wala nang kumibo sa pagitan nilang dalawa hanggang si Taj na rin ang bumasag sa nakakabinging katahimikan.

"Taj Sebastian..." aniya kay Tori sabay lahad ng kanang kamay.

Saglit namang tiningnan ni Tori sa kamay ni Taj bago niya iyon tuluyang inabot.

"Victoria Herrera," pakilala rin niya. "but Tori will do."

Nang maglapat ang mga palad nila ay sabay pa silang natigilan. Alam ni Taj na hindi lang siya ang nakaramdan ng kakaibang init na biglang nanulay sa mga ugat nilang dalawa. Dahil sa pagkabigla ay sabay pa silang bumitaw at nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

Samantala, ang lakas naman ng kabog ng dibdib ni Tori. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa bilis ng pintog ng puso niya. Bumilis din ang paghinga niya kaya wala sa loob na inangat niya ang basong may lamang alak at dinala iyon sa bibig niya saka dere-deretsong nilagok ang laman niyon.

"Aw, shit!" usal niya nang gumuhit ang init sa kanyang lalamunan.

Nang mailapag ang basong hawak ay kaagad siyang tumayo at mabilis ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa pinto ng Drifting Mist. Naninikip ang dibdib niya dahil sa abnormal na pintig niyon kaya gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin.

Tumayo na rin si Taj pagkatapos niyang maglapag ng pera sa bar table. Kaagad siyang sumunod kay Tori na naabutan naman niyang nakasandal sa motor niya.

"You left your jacket," aniya kay Tori nang tuluyan siyang makalapit sa tabi nito.

Tumingin naman si Tori kay Taj. Kinuha niya mula sa kamay ng lalaki ang jacket niya bago iyon isinuot.

"Salamat..." mahina ang tinig na sabi ni Tori pagkaraan ng ilang saglit.

Hindi kumibo si Taj. Nakatitig lamang siya kay Tori na kaagad namang nakaramdan ng pagkailang dahil sa lantarang pagtitig ng lalaki sa kanya.

Iwinasiwas ni Tori ang isa niyang kamay sa tapat ng mukha ni Taj bago nag-iinit ang mukha na sinita niya ito.

"Hey, stop staring."

Mahina namang natawa si Taj. "Sorry, I just can't help it." aniya kay Tori bago napapitik sa hangin nang bigla siyang may maisip. " Care for a ride?" tanong niya sa nagulat na babae.

"Excuse me?" Tila namamalikmatang untag ni Tori kay Taj.

Itinuro naman ni Taj ang motor na sinasandalan ni Tori. "That's my baby," aniya ritong may ngiti sa mga labi. "you wanna ride with me?" tanong niya ulit dito.

Saglit namang natigilan si Tori. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Taj at sa motor na sinasandalan niya. Aba, malay ba niyang motor pala nito iyon.

"Ayos lang naman kung ayaw mo," Ani ni Taj nang walang makuhang tugon mula kay Tori. "I understand—"

"No...no!" putol ni Tori sa sasabihin ni Taj. "I mean, I'd like to," medyo nahihiyang paglinaw niyang nang makitang bumakas sa mukha ng lalaki ang pagkadismaya nang marinig ang pag-no niya.

Kaagad namang nabuhayan naman ng loob si Taj. "You mean?" puno ng pag-asam na untag niya.

Gumuhit ang masaya ngunit tipid na ngiti mula sa mga labi ni Tori. "I mean, yes," pag-ulit niya sa kanyang sinabi. "I wanna go and ride with you but—"

"But?"

"My car," nag-aalangan na turan niya. "I mean, my Uncle's car," aniya sabay tingin sa Toyota Corolla na pag-aari ng Uncle Ansen niya.

"Give me the key," sabi ni Taj kay Tori.

Nagtataka man ay kinuha na lang din ni Tori ang susi ng kotse sa dala niyang purse at inabot iyon kay Taj.

"Wait for me here," bilin ni Taj kay Tori bago itinaas ang kamay na may hawak na susi. "Ipapahatid ko kay Oxy ang sasakyan ng Uncle mo tapos ako na ang maghahatid sa iyo mamaya. Is that okay with you?"

Saglit na nag-isip si Tori bago tumango. "Okay..." tugon niya.

"Good..." malawak ang ngiti sa mga labi na ani ni Taj. "stay here. Babalik ako kaagad."

Tumango lang si Tori kay Taj.

Ilang saglit pa ay tuluyan nang nawala sa tabi ni Tori si Taj. Habang hinihintay na makabalik ang lalaki ay tumingin-tingin na muna siya sa paligid.

Nasa bukana ng pinakabayan ng San Lorenzo ang Drifting Mist kaya hindi nakataka-takang may iilan pa ring sasakyan na dumadaan sa kalsada. Pasado alas-onse na ng gabi at patay na ang mga ilaw sa kabahayan maging sa ilang establishments na nasa paligid ng club bar. Tanging ang mahinang huni na lamang ng mga kuliglig at ihip ng panggabing hangin na humahampas sa mga dahon ng puno ang maririnig sa paligid.

"Let's go?"

Napapitlag si Tori nang marinig niya ang malamig ngunit malambing na tinig ni Taj mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at tinanguan.

"Okay..." tugon niya.

Kinuha ni Taj ang itim na helmet na nakapatong malapit sa manubela ng motor bago nito iyon walang kibong isinuot kay Tori.

Tila namamalikmatang napatitig naman si Tori kay Taj hanggang sa dumako ang mga mata niya sa matangos nitong ilong pababa sa mga labi nitong mamula-mula. Medyo mapintog ang pang-ibabang labi nito na tila ba nag-aanya ng isang matamis na halik. Napa-isip si Tori kung ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng lalaki? At parang masarap kagat-kagatin ang pang-ibabang labi nito.

"Stop it, Tori, or you will regret that later." babala ni Taj kay Tori na kaagad namang nag-iwas ng paningin.

Nag-iinit ang mukhang ibinaling ni Tori sa malayo ang kanyang pansin.

'God, nakakahiya!'

Tiim naman ang anyo ni Taj habang inaayos ang pagkakakabit ng helmet sa ulo ni Tori. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang tensiyon mula sa babae at hindi rin siya bulag para hindi mapansin kung saan nakatutok ang mga mata nito. Damn it but he still had to gather all his control just to not kiss her.

Nang masiguro ni Taj maayos na ang pagkakakabit ng helmet sa ulo ni Tori ay sumakay na siya sa motor niya. Pina-andar niya ang makina niyon saka niya tiningnan ang kasamang babae.

"Hop in," aniya rito.

Sandaling nag-alinlangan si Tori bago siya tuluyang umangkas sa likuran ni Taj. Humawak siya sa balikat nito para hindi siya ma-out of balance pero natigilan siya nang hawakan ni Taj ang magkabila niyang kamay. Mula sa mga balikat nito ay inilipat ang mga iyon sa beywang nito. At hindi lang nito basta inilipat ang mga kamay niya dahil ipinulupot nito maging ang mga braso niya sa sarili nito.

"T—Taj..." kabado at nag-aalangang tawag ni Tori sa lalaki.

"Stay still..." utos ni Taj kay Tori bago niya tuluyang pina-andar ang motor.

Walang nagawa si Tori kundi higpitan ang pagkakayakap niya sa beywang ni Taj lalo na ng bumilis ang takbo ng motor nito. Napa-isip tuloy siya kung sinasadya ba nito iyon o hindi pero nang mapuno ng malamig na hangin ang mukha niya na tumatama mula sa nakabukas na glass shield ng helmet ay napapikit na lang si Tori. Dinama niya ang init ng katawan ni Taj na tumatagos mula sa suot nitong damit. Maluwag din siyang napangiti nang mapuno ang ilong niya ng amoy ng lalaki.

"Hmm...you smell so good." hindi napigilang usal ni Tori.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status