“Alam mo isa lang naman ang gusto ko ngayon yun ay si Samantha," sabi nito sa pinsan.
“Sino, yung babaeng nasa Casino sya ba ang babaeng tinutukoy mo?" tanong ng pinsan nito. “S'ya nga," sagot nito. “Paano kung malaman ng yong Mama ang tungkol sa babae 'yan?" “Alam mo wala ng pakialam si Mama sa'kin sa dami ng babae na ipinakilala nya sa akin walang nagtagal." “Sige na aalis na ako." Paalam ng pinsan nito. “Pakikumusta mo ako kay Tito Armand." “Hindi ba kayo nagkita sa Casino?" “Matagal narin hindi ko sya napapansin dun." “Si Dad magka parehas talaga kayo lapitin din ng mga babae kahit may edad na," Nakangiting sabi nito habang papalabas na ito ng pinto. “Nasa lahi naming mga lalaki 'yan, anong magagawa namin ganyan talaga." “O, Yaya wag ka ng magpapasok ng kahit na sinong babae dito kahit pa sabihin nilang nobya, asawa, o kahit na anong sabihin nila wag mo silang basta basta papasukin maliban lang kay Alexa dahil pinsan ko s'ya." Utos nito sa kanyang katulong. Dagdag pa nito, “ Aalis pala ako mamaya pag tumawag si Papa o si Mama pakisabi nalang na pumunta ako kay Tito Fernand." Habilin nito bago umalis papuntang Casino. Habang hinihintay ko si Gabriel na dumating napansin naman ako ni Erika na hindi ako mapakali. “O, ano 'yan parang may hinahanap yata tayo hindi pa ba dumating. Alam ko si Sir Gabriel 'yan." “Ikaw talaga Erika." pang aasar ng kasama ko. “Anong nangyari sainyo kagabi?" seryusong tanong ni Erika sa'kin. “Anong ba ang nangyari?" “Napansin ko kaya ang sasakyan ni Sir, Gabriel parang ikaw yata hinihintay. Sige na share ka naman parang hindi naman tayo magkaibigan. Kinikilig kasi ako para sa kaibigan ko." “Sige atin lang to, kagabi hinalikan nya ako basta basta." “Tapos?" “Wala akong magawa lalaki sya babae ako malakas sya." “Ano pa?" “Kailangan talaga detalye!?" “Hindi, pero yan yung pangarap mo diba na makakita ng magmamahal sayo yung gwapo, matipuno at mayaman, Jackpot ka kay Sir Gabriel." “S'ya yata ang jackpot sa akin never been kiss pa ako sya ang first kiss ko. At proudly to say virgin na virgin to gurl..." “S'ya nga talaga ang jackpot sayo. Pero talagang totoo maligaya ako para sayo at proud ako sayo Samantha ang taas ng pangarap mo sa buhay at sa pangarap mo kasama mo ang pamilya mo." “Talagang gusto kung makatulong sa magulang ko. " “Tanong ko lang magaling ba sya?" “Gusto mo subo ko to sayo." “Okay... hindi na ako magtatanong promise... last na talaga mabango ba?" pabirong tanong ni Erika. “Erika, last ka nalang ha. Teka muna may magbabayad." Hindi parin ako mapakali dahil malapit na magdilim pero wala pari Gabriel hindi ko alam ano na ang nangyayari sa akin bakiy hinahanap ko na ang lalaking 'yon. “Miss! miss!" tawag sa'kin ng isang costumer na tila nagmamadali. “Ah—Sir sorry po talaga." “Ang lalim naman ng iniisp mo miss...!" “Pasensya na po talaga Sir. Ito nga po pala ang suklo niyo." Ang hindi ko alam kanina pa pala dumating si Gabriel at nakatingin lang sa'kin. “Kanina mo paba ako hinahanap?" “Ako hinahanap ka, hindi hindi kita hinahanap." “Bakit hindi mo nalang kasi aminin." “Hindi talaga bakit naman kita hahanapin." “Sus! sabihin mo na kasi gusto mo ako." “Talaga bang ganyan ka na kagwapo." “Kailan ba ang day off mo?" “Bakit mo naman tinanong?" “Bawal ba?" “Hindi naman." “Ganyan ka ba talaga sa lahat ng mga nagkakagusto sayo?" “Bakit sino ba ang nagkakagusto sa'kin." “Sabi kasi ni Tito marami daw nagkakagusto sayo dito. Pero kung ganyan ka tatanda ka siguro ng dalaga." “ Akala mo lang 'yon ang gusto ko kasi sanisang lalaki yung gwapo, matangkad,mabait ,at hindi babaero." “Parang ako yata ang pinaparinggan mo." “Ikaw??? hahaha malabo subrang labo. Kasi babaero ka naman so bakit bakit ako magkakagusto sa kagaya mo." Umalis sya ng sabihin ko 'yon at lumapit sa isang babae at biglang hinalikan habang tinitingnan ako na parang gustong gusto nyang inisin nya ako. Hindi ko alam bakit ba ako naapektuhan. “Hi, Samantha." sabi sa akin ng kaibigan ni Gabriel. Parang gusto ko rin sya inisin kung kaya ay nakipag usal ako sa kaibigan niya. Habang kausap parin nya ang babae at nagnanakaw ng tingin sa amin ng kaibigan niya. “Remember me?" “Ed— Edward? yun ang pangalan mo." “Natatandaan mo pa pala ako. Napansin mo ba ang kaibigan ko dito si Gabriel?" “Hindi, bakit?" “Ayun pala may kasama na naman." “Ganyan naman kayo pag may naglalandi sainyo papatulan niyo agad." “Sya lang naman ang ganyan." Galit ako sa narinig ko wala naman akong karapatan magalit dahil hindi naman kami. Pero parang kung sabihin ng kaibigan niya totoong babaero talaga si Gabriel. Akala ko sinasadya lang nya gawin yun para inisin ako. Pero totoo pala na babaero sya. “Teka, tinatawag ako ni Gabriel. Babalik ako dito ha kwentuhan pa tayo." “Sige." Tsaka umalis si Edward at pumunta kay Gabriel. “Ano pare parang sinisiraan mo yata ako kay Samantha." “Pare naman I'm just telling the truth. Nakita naman niya na may babae kamg kasama." sarkastikong sagot ng kaibigan nito. “Maglaro nalang tayo kung kung sino manalo sa kanya si Samantha yung, matatalo sa atin dapat ng tumigil na kay Samantha." “ Anong klasing laro 'yan. Sige ba game ako." “Seryuso yata ang dalawa. “Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila pero parang may pustahan sila." sumbong ng aking kasama. “Ano naman yung pinagpupustahan nila?" “Sa tingin ko parang babae yata." “ Babae pinag-aawayan. Mga babero talaga." “Sinabi mo pa." “Pero habang naglalaro ang dalawa sa'kin sila tumitingin bakit may atraso ba ako sa dalawang 'to." “Parang ikaw siguro ang pinagpupustahan ng dalawa." “Hindi ko kasi maiwan tong trabaho ko. Pumunta ka nga dun tapos makinig ka baka kung ano na ang gawin sa'kin mamaya. Lagot talaga si Gabriel pag nalaman kung sinasali nila ako sa pustahan na'yan." Makaraan ang ilang oras natapos na ang laro ng dalawa at ang huling baraha ay kay Gabriel talaga napunta. “Paano ba'yan talo ka Edward." “Wala tayong magawa. Goodluck sa'yo,." “Talaga lang, so... wag kanang makikipag- usap sa kanya dahil kapag nakita ko na kinakausap mo sya kahit kaibigan pa kita baka anong magawa ko sayo." “Okay.." Tapos lumapit si Gabriel kay Samantha. “Hi My Samantha. Ano tapos ka na ba. At ihahatid na kita." “Bakit ka nakatingin sa akin kanina. Pinagpupustahan niyo ba ako?" “Gusto ko kasing tumigil na si Edward sa paglapit sayo." “At bakit naman?" “Kasi nga ayaw ko. Pag gusto ko ang babae gusto ko ako lang." “Ang dami mo na ngang babae. Para namang mauubusan ka at gusto mo pa ng Reserba." “Day off mo labas naman tayo." “Kung ayaw ko." “Pipilitin parin kita." “Manigas ka!" “Iba ka din talaga. Ngayon palang ako nakakilala ng babaeng kagaya mo. Bukod sa maganada na, palaban pa." “Oo naman kasi hindi niyo ako madadaan sa mga ganyan." “Wag kang magsalita ng patapos ha, baka bibigay karin sa huli." “Yun ang akala mo." “Sige na puntahan mo na yung kasama mong babae." “Ah si Sheila ba. Nakikita mo naman effortless kung lumapit sa'kin at sya yung naunang humalik sa'kin hindi ako. Mahirap tumanggi alam mo na mabait ako." “Ewan ko sayo Sir Gabriel." Malapit na akong matapos pero pinilit kung i extent pa ang trabaho ko para mainip si Gabriel sa paghihintay sa'kin pero andyan parin sya kaya nagdesisyon nalang akong umuwi." “Mabuti at tapos ka na." “Bakit, hindi ka nalang umalis." “Pag sinabi ko gagawin ko. Gusto lang kitang makilala pa." Pag alis namin hindi nya ako diniretso sa apartment ko. Bigla nalang itong kumanan tapos nabigla ako. “San mo ako dadalhin?" “Para naman nakakatok yung mukha ko." “Inaantok na ako Sir Gabriel." “May pupuntahan lang tayo kasi nagugutom ako at wala akong kasama. Don't worry kakain lang tayo. I promise that wala akong masamang gagawin sayo." “Okay.. sige papayag ako wala naman akong magagawa alangan namang tatalon ako dito." “Good." “Dinala nya ako sa isang simpling kainan kung saan pwede karin uminom napaisip tuloy ako na baka lasingin lang ako nito at baka anong mangyari sa amin." “Akala ko ba kakain lang tayo." “Oo, kakain lang naman tayo. Ako lang yung iinom." Habang nakatingin ako sa mga mata ni Gabriel nadadala ako sa kanya iba ang cahrisma niya wala talagang babaeng tatanggi sa kanya. Kasi sya yung lalaking hinding hindi mo pagsisihan. Sya yung lalaki na alam mo kahit isa syang badboy ay iba kung mapagmahal. Habang tinititigan ko sya parang pinapalapit niya ang kaluluwa ko sa kanya. Yung mga labi niya sya yung may pinakakissable lips na lalaking nakita ko. Iba ang ang pakiramdam ko pag kasama ko sya. “Samantha Pwede bang ligawan ka." “Ano, bakit ako madami namang babae dyan na humahanga sayo. Tapos bigtime pa nga." “Alam mo iba ka kasi. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon mas makikilala mo pa talaga ako." “Gusto kung lumabas tayo. Alam ko na wrong timing ako ngayon. Pero sana naman bigyan mo ako ng oras ipakilala ang sarili ko sayo. Hindi talaga ako badboy. Sinasadya ko lahat ng 'yon para mapansin mo ako." “Sige na pagbibigyan kita." “Talaga salamat." “Sa day off ko." “May maganda akong lugar na nalalaman." “Sige uwi na tayo." .At nagdesisyon na nga si Gabriel na lumipat na sila ng tirahan bumalik na si sila sa dating tinitirahan sa bahay ni Gabriel at walang kaalam-alam si Jennifer na lumipat na pala sila doon sa bahay nila. “ang laki pala ng bahay ni sir Gabriel ma'am," sabi ni Lyka. “Oo Kyla, " sagot ni Samantha. “Sa pagkakaalam ko dati karin namang katulong nila," sabi ni Lyka sa kanyang isip. “Mahal ko bumalik nalang kaya tayo sa bahay okay naman tayo doon," sabi ni Samantha. “oo nga mahal ko okay naman doon wala namang problema gusto ko lang na dito na tayo tumira ,hindi naman sa kanya nakapangalan ang bahay na ito, ikaw ang magiging Mrs.Bustamantei kaya wala ka dapat ipag-alalatong wala siyang magagawa okay huwag kang matakot ako ang bahala," sagot ni Gabriel. “diba dito tayo nakatira dati mama?" tanong ni Christina. “oo anak," sagot ni Samantha “hindi po ba dito kayo nagtatrabaho mama tapos ngayon naging bahay na natin," sabi ni Christina. “anak, pasensya ka na Lyka ha," sab
kaya tumawag nga si Jennifer sa kanila para alamin ang totoo "hello ma?" "anak? napatawag ka?" tanong ng ina na nasa kabilang linya. "ma nabalitaan mo ba?"tanong nito sa ina. "ang alin anak? nandiyan na si ba si Gabriel at ang babae niya sa US?"tanong nito sa ina. "saan?"tanong ng ina kunyaring hindi alam . "Ma, sa America hindi niyo ba alam?"inis itong tanong. "ang akala ko hindi yun totoo anak, binalewala ko lang kasi akala ko kayo ang magkasama ayaw kung maniwala agad sa mga pinagsasabi ng iba,: sagot ng ina ni Jennifer. “ngayon ma maniwala ka hindi na kami nagsasama ni Gabriel," sumbong nito sa ina. “magkasama na pala ang babae niya at si Gabriel iang buong akala namin dito okay lang lahat sainyong dalawa, kung hindi ka tumawag hindi ko rin malalaman ang totoo," sagot ng ina. “MA, tawagan mo ngayon si Tita and ask her if nandun pa sila," pakiusap ni Jennifer. “Sige anak, tatawagan ko na ngayon," sagot nito “Salamat ma," sabi nito bago pinutol ang tawag
“ano ba kayo syempre naman invited kayo lahat, okay... 'di ba mahal ko?" sabi nito sa mga kaibigan. “oo mahal ko," sagot ni Samantha. Hindi pa rin maiwasan ni Samantha ang tumingin sa ina ni Gabriel habang ito rin ay nakatingin sa kanya pero nagtataas ito ng kilay sa kanya napayuko na lang si Samantha at gustong gusto ng pumasok sa loob ng bahay nila ang nasa isip nito naawa siya sa anak niya ayaw niyang mapahiya ang anak niya sa maraming tao kahit tinataasan pa siya ng kilay ng lola nito ay kailangan na magpatuloy parin ito sa salo-salo upang hindi mapahiya ang pamilya ni Gabriel. “apo halika dito," tawag ng lolo ni Christina. “ano po iyon lolo?" tanong ng apo. “nakikita mo ba ang lahat ng ito Apo?" tanong ng kanyang lolo. “Sa'yo ito lahat mapupunta," sabi ng kanyang lolo. “lolo ayaw po ba ni lola kay mama bakit po sa tuwing pinapalapit niyo ako ay si mama ayaw niyo naman po siyang kausapin," tanong ni Christina sa kanyang lolo. “ah... hindi naman sa ganun apo
kinabukasan nga ay pumunta si Samantha, si Christina at si Gabriel kasama ang ang ama nito pero nagpaiwan ang kanyang ina dahil hindi nga nito gusto na kasama si Samantha na pumunta sa kumpanya nila kaya nagpaiwan na lang ito. c “Ma hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ni Gabriel sa ina nito. “Hindi na anak dito na lang ako," sagot nito pero ang mga mata ay nakatingin kay Samantha at halata na ayaw nitong sumama dahil sumama nga si Samantha sa pag punta doon sa kumpanya nila. Umalis na nga sila papunta sa kumpanya nila Gabriel at malayo pa lang ay nakita niya na ito, namangha dahil sa taas ng gusali. “Napakataas at napakalaki pala talaga ng kumpanya ninyo Gabriel ," sabi nito kay Gabriel. kaya nag-aalangan itong pumasok.. “Gabriel kinakabahan talaga ako, Di ba nakakahiyang pumasok , babalik nalang siguro ako sa bahay ninyo," sabi nito. “Okay lang mahal ko, importante na makilala ka sa kumpanya naming, at malaman nila kung gaano Kagaano kaganda ang mapapangasawa ko, daratin
“Lyca aalis na kami at ikaw na ang bahala dito okay, ikaw na bahala kay nanay at tatay kasi kayo lang naman ang maiiwan dito sa bahay, so ikaw yung inasahan kong makakasama nila dito. Nandiyan na lahat sa ref yung mga gusto niyong kainin at may envelop sa mesa nakalagay doon yung pera mo, o yung sahod mo at yung budget na gagamitin niyo habang wala kami dito," habilin ni Samantha. “sige po ma'am," maraming salamat po. “At si manong din binigyan ko na rin ng kanyang sweldo, so Lyka kung gusto mong lumabas okay lang sa akin basta sabihin mo lang kay manong kung kailan ka uuwi tatawag din kami ni Christina dito para i-check ang kalagayan niyo kasi nandito yung nanay at tatay ko kailangan kong malaman kung ano ang kalagayan niyo dito," paliwanag nito kay Lyka. “opo ma'am ako na po ang bahala sa lahat," sagot nito. “Maraming salamat Lyka napakabait mo, hindi talaga ako nagkamaling kunin ka," sabi ni Samamtha. “Wala naman yun ma'am,okay lang po sa akin o maam baka mahuli na ka
“mas mabuti na ang kalagayan ngayon ng anak niyo ma'am nakita ko po yung mga improvement niya lahat po ng lab test ay normal naman kaya pwede niyo kaya pwede na po siyang ibyahe," sabi ng doctor. “Maraming salamat naman po kung ganun doc napakasaya ko po talaga," sagot ni Samantha. “Pero continue pa rin yung pag-inom niya ng gamot hindi pa din pwedeng basta basta iwan ang kanyang mga gamut para mas mapabuti pa talaga ang kanyang kalagayan," paalala ng dontor. “Opo doc," sagot ni Samantha na walang mapaglagyan ang saya sa mga sinabi ng doktor sa kanya. “Narinig mo iyon Christina pwede ka na daw bumyahe, dahil magaling kana," masayang sabi nito sa anak. “Mama saan po ba talaga tayo pupunta bakit po tayo magbabyahe saan po tayo pupunta? sabik nitong tanong sa ina. “Si papa nalang ang magsasabi saiyo anak," sagot nito sa anak na excited ng makapunta sa ibang bansa. “Gusto ko po talagang makapunta sa ibang lugar,katulad po ng Disneyland po mama lagi ko po napapanuod 'y