LOGINthank you po and God bless po!
LORIE L OVE Nakatayo na ako dito sa labas ng pinto ng simbahan. This it na talaga, ikakasal na talaga ako sa lalaking mahal ko. Ikakasal na ako0 sa asawa ko. Walang paglagyan ang saya sa puso ko ngayon. Ang ganda ng gown ko, ang ganda ng makeup ko at ang ganda ng simbahan kung saan kami ikakasal. Sa simbahan kung saan ba ako bininyagan. Kung saan niya ako unang binuhat bilang inaanak niya. Gusto ko na balikan kung saan ba nagsimula ang lahat. Ilang sandali pa ay unti-unti ng bumukas ang pinto ng simbahan. Malaki ang simbahan na ito. Kinakabahan man ay ngumiti ako dahil mula dito sa malayo ay nakikita ko na ang lalaking matiyaga na naghihintay sa akin. Muntik pang hindi matuloy ang kasal namin sa mga taong hindi matanggap na ako ang mahal ng lalaking ito. Pero kahit pa anong gawin nila ay para talaga kami sa isa’t isa at mahal na mahal ako ng asawa ko kaya gagawin niya ang lahat para sa akin. Ang gwapo niya talaga kahit pa malayo ako sa kanya ay kitang-kita ko siya. Hindi ko alam pe
LORIE LOVEParang panaginip, parang panaginip ang lahat ng ito ngayon. Pero alam ko na totoo, alam ko na ikakasal na ako sa lalaking mahal ko. Sa lalaking hindi ko inaasahan pero ibibinigay sa akin ng Panginoon. Ikakasal ako sa lalaking naging dahilan kaya ko naintindihan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal. Kung paano ba talaga magmahal.“Sobrang saya ko para sa ‘yo, anak. Ang ganda-ganda mo,” naiiyak na sabi sa akin ni nanay.“Nay, maraming salamat po. Maraming salamat po sa pagmamahal at pag-unawa na binigay niyo sa akin. Salamat rin po dahil sinuportahan niyo ako at tinanggap niyo ang lalaking mahal ko,” pinipigilan ko ang mga luha ko dahil naiiyak na rin talaga ako.“Mahal na mahal ka namin, anak. Ibibigay, tatanggapin at susuportahan ka namin sa lahat ng kailangan mo. Narito lang kami na pamilya mo palagi,” sabi niya sa akin kaya naman niyakap ko siya.“Mahal na mahal ko rin po kayo, nay.”“Maging masaya ka, anak. Hayaan mo ang sasabihin ng iba dahil opinyon lang n
LORIE LOVE“What’s your problem, b*tch?!” sigaw sa kanya ng asawa ko.“Johann, can we talk? Pag-usapan naman natin ito–”Nagulat kaming lahat dahil binato sa kanya ng asawa ko ang ibinato niya sa akin. Napasigaw ang bruha sa ginawa ng asawa ko. Alam ko naman itong nakatingin lang sa kanila. Siya ang may kagustuhan nito kaya dapat lang na tanggapin niya. Para rin siyang si Neda na kulang sa pansin. Hindi ko naman sila masisisi, ang gwapo rin kasi talaga ng asawa ko at retired chickboy kaya naman habulin talaga.“Talagang nakuha na ng babaeng ‘yan ang tiwala mo? Ano ba ang mayroon sa kanya? Wala naman siyang kahit na ano. Nakakahiya lang ang pamilya na pinagmulan nila. Mahirap lang sila, hampaslupa lang naman siya at hindi nga siya kagandahan. Nakakahiya lang kapag nagkaroon kayo ng gathering dahil ang pamilya niya ay—”Hindi ko na siya hinayaan pa na tapusin ang mga insulto na lumalabas sa bibig niya dahil hinampas ko na siya ng hawak ko na pan. “Asal hampaslupa ka talaga!” sigaw niya
LORIE LOVEMas lalong naging malambing at maalaga ang asawa ko sa akin dahil buntis ako. Dahil sa may morning sickness ako ay hindi na muna ako pumapasok. Hinayaan ko na lang ang asawa ko na maghanap ng papalit sa akin. Alam ko kasi na makakaabala lang ako sa office kapag i-pinilit ko pa. Okay na sa akin ang ganito, makakapag pahinga rin ako.Dito kami ngayon sa condo niya. Gusto niya sana na kumuha kami ng makakasama ko pero ako lang talaga ang may ayaw dahil kaya ko pa naman. Sa umaga lang naman ako walang nagagawa. Pero kapag sa hapon naman ay okay na okay na ako. Tulad na lang ngayon ay pupunta ako supermarket dahil may kailangan akong bilhin. Kailangan kong bumili ng pansahog ko sa ulam na lulutuin ko.Malapit lang naman ito kaya naman nilakad ko na lang para exercise ko na rin. Nagtext rin ako sa asawa ko na hindi ako magdadala ng phone ko at doon lang naman ako pupunta. Pagpasok ko dito ay binati ako ng ibang mga nagtatrabaho dahil alam na nila na ako ang asawa ni cong. May iba
LORIE LOVEKapag nandito ako sa bahay nila mommy ay ramdam ko na belong ako sa pamilya nila. Hindi ko kailangan na mag-alala dahil alam ko na mahal nila ako. Na tanggap nila ako sa kung sino ako. Masarap sa pakiramdam na tinanggap ako ng pamilyang ito sa kabila ng pagkakaiba ng mga pamilya namin.Mayaman sila at kami ay mahirap lang. Aaminin ko na dahil rin talaga sa kanila kaya naging maayos ang buhay namin. Kung hindi ko siguro nakilala ang pamilya na ito ay baka iba ang buhay ko at nang pamilya ko. Malaki ang naging tulong ng asawa ko sa amin lalo na sa kuya ko at sa tatay ko. Siya ang nagbigay ng trabaho kaya nagkaroon ng maayos na sahod at buhay ang pamilya ko habang wala ako sa tabi nila. At hindi ko makakalimutan ang lahat ng kabutihan nila sa amin ng pamilya ko. After namin kumain ay umakyat kami sa room ng asawa ko dito. Tuwing papasok ako dito ay naalala ko lagi ang mga araw na nagsisimula pa lang ako sa trabaho ko. Naalala ko kung paano ba ako naging palaban. Noon talaga
LORIE LOVEHindi naman halata na excited ang asawa ko. Excited siya na malaman kung buntis ba ako o hindi. Mabilis talaga siyang bumangon. At kahit pa nakapambahay lang siya ay hindi ko man lang siya napigilan. Ako naman ay naghihintay na lang sa kanya dito sa may living room. Hindi na ako bumalik pa sa room namin.“Love, nakabalik na ako!” narinig ko na ang boses niya at ang bilis lang niya.“Tumakbo ka ba?” tanong ko sa kanya.“Yes, love. Para makabalik agad ako,” sagot niya sa akin.“Johannie, paano kung wala pa?” malungkot na tanong ko sa kanya dahil paano nga kung hindi naman ako buntis. Paano kung delayed lang talaga ako?“It’s fine, ang mahalaga ay malaman natin. Kung wala pa talaga ay gagawa tayo ng paulit-ulit hanggang sa may mabuo na,” sabi niya sa akin.“Paano kung hindi tayo magka-anak? Iiwan mo ba ako?” tanong ko sa kanya dahil kung ano-ano na ang mga iniisip ko.“Love, bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?”“Bakit hindi mo na lang sagitin?” malungkot pa na tanong ko pab







