LORIE LOVE
“Ninong?”
“Ikaw? Ikaw na naman?”
“Why are you here?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Dito po ako nagtatrabaho?” Sagot ko sa kanya.
“Aminin mo nga sa akin. Sinusundan mo ba ako?” Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
“Ano pong sinasabi mo na sinusundan? Nagtatrabaho ako dahil hindi mo naman ako tinulungan, kung tinulungan mo ako ay baka natitinda ako ng talbos ngayon,” sabi ko naman sa kanya.
“Ewan ko sa ‘yo,” sabi niya at naglakad na siya pababa.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala naman yata akong aasahan sa kanya. Ganun talaga siguro siya. Baka nga sa taong bayan lang talaga siya mabait. Ngayon na dito na ako nakatira ay malalaman ko na talaga ang tunay niyang ugali.
Kaysa isipin ang ninong ko na hindi naman ako kayang tanggapin na inaanak ay mas pinili ko na lang na simulan ang trabaho ko sa paglilinis ng mga rooms. Dahil sa huli na lumabas si ninong at dahil medyo masungit siya sa akin ay ang room niya ang huli kong lilinisin mamaya.
Tinuro na nila sa akin kung saan nakalagay ang mga gamit na gagamitin ko kaya madali na ang lahat para sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na maglilinis ako sa silid ng mayaman. Noon ay sumasama na ako sa kapitbahay namin kapag kailangan niya ng makakasama.
On call kasi ito na cleaner kaya naman kapag malaking bahay ay hindi niya kayang mag-isa. Sinasama niya ako lagi. At sabi naman ni Nanay Flor ay magtanong lang ako sa kanya kapag may hindi ako alam.
May luma akong mp3 player kaya naman ito ang ginagamit ko ngayon. Binigay ito sa akin ng kaibigan ko noong first year high school ako, kaya lang nasa America na ito ngayon. Doon na nag-aral.
Ewan ko ba kapag talaga may music ay ang bilis lang para sa akin na gawin ang trabaho ko. Mas maganda kasi talaga kapag maganda ang mood ko. Mas nagagawa ko ng maayos ang mga kailangan kong gawin.
Dalawang rooms na ang natapos ko at mataas pa rin ang energy ko. Hindi ko nga alam kung alin ba ang uunahin ko kung itong sa room ng ninong kong hilaw o itong room ng parents nila. Malinis naman ang guest room kaya hindi na ito pinapalinis ni nanay Flor.
“Ano pang tinatayo mo d’yan? Hindi mo pa ba lilinisan ang room ko?” narinig ko na tanong niya mula sa likuran ko na kahit pa hindi ako lumingon ay ang ninong kong hilaw ito.
“Maglilinis na po ako,” sagot ko sa kanya at pumasok na ako sa loob.
Pero nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin. Ganito ba talaga ito?
“Ninong, I mean, Sir pala. May super typhoon po ba na pumasok dito sa room mo?” tanong ko sa kanya at lumingon ako sa kanya pero nakakunot lang ang noo niya na nakatingin sa akin.
“Anong sabi mo?”
“Sabi ko po parang dinaanan ng bagyo,” sagot ko sa kanya.
“Wala kang pakialam kung may bagyo man na dumaan dito. Ang trabaho mo ay ayusin at linisin ang room ko,” masungit na sabi niya sa akin.
“Ang sungit mo talaga. Nagtatanong lang naman ako, masama bang magtanong. Eh para naman talagang dinaan ng bagyo itong room mo. ‘Yung room ni Sir Pogi ang ayos, walang kalat sa sahig at kahit ang kama niya ay nakaayos rin. Kabaliktaran naman sa ‘yo kahit sa ugali ay kabaliktaran mo si–”
“Whatever!” sabi niya sa akin at pumasok na siya sa loob ng banyo.
“Pogi ka sana kaya lang apakasungit mo naman,” sabi ko na lang habang nakatingin sa pinasukan niyang pintuan.
Hinayaan ko na lang dahil wala naman akong magagawa at sinimulan ko na lang na damputin ang kalat na nandito sa sahig. Sanay naman ako sa mga kalat. Pero ito? Ka-gwapo na lalaki eh.
Napabuntong hininga na lang ako sa bawat pagdampot kong damit niya sa sahig. Hindi lang damit dahil may brief pa. Grabe talaga ang lalaking ito, sobrang burara niya. Matino lang talaga siya tingnan kapag nasa labas pero iba pala ang tinatago niya dito sa room niya.
Nang madampot ko na ang lahat ng kalat at nagsimula na akong magpalit ng beddings niya. Isa isa kong inalis ang mga pillowcase ng unan niya.
Ang bango ng unan niya. Hindi tulad sa unan ko na amoy laway, hindi naman lagi pero minsan. Minsan kasi amoy pawis rin, sa init ba naman sa bahay namin ay talagang hindi ‘yon maiiwasan. Sa hirap ng buhay ay hindi naman ako nakahiga sa malambot na kutson tulad nito. Gusto kong humiga para sana masubukan ko kung gaano ba kalambot ang kama na ito pero mas pinili ko na hindi na lang.
Hindi kasi tama na gawin ko ito dahil katulong ang trabaho ko dito. Ayaw ko naman na magalit sa akin ang boss ko. Masungit pa naman ang ninong kong hilaw. Ibang-iba sa pinapakita niya kapag sa maraming tao. Ngayon ko talaga na napatunayan na wala na sa basurahan ang plastik kundi nandito na mismo sa silid na ito.
“Hindi ka pa rin tapos?’
“Ay ninong kang hilaw na burara!” dahil sa gulat ko ay hindi ko na mapigilan ang lumabas sa bibig ko.
“What did you say?”
“Bakit mo po kasi ako ginulat?”
“Magugulatin ka pala?” tanong niya sa akin.
“Medyo po,” sagot ko sa kanya.
“I don’t care,” sabi niya kaya ako naman itong nakatingin lang sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa lalaking ito. Bakit ganito ugali nito sa akin? First day ko pa lang sa trabaho ko pero mukhang papahirapan na niya agad ako. Kung ganito siya araw-araw ay baka bigla na lang ako lumayas dito.
“Staring is rude kaya umayos ka,” sabi niya sa akin.
“Ikaw nga itong bastos. Alam na may babae dito n*******d ka,” sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya para tapusin na ang ginagawa ko.
“This is my room. At akala ko ba ninong mo ako? Pero bakit ganyan ka makipag-usap sa akin?” tanong niya sa akin pero hindi ko na siya pinapansin.
“Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat? Ang hindi ako pinapansin kapag kinakausap ko,” sabi niya at nagulat ako dahil bigla na lang niya ako pinaharap sa kanya.
At sa hindi inaasahan na pangyayari ay bigla na lang…
LORIE LOVE“Iniiwasan mo ba ako?” pabulong na tanong niya sa akin kaya bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko sa pagyakap niya sa akin.“Bakit mo ba ako niyayakap?” tanong ko sa kanya para sana bumitaw na siya pero mas yumakap pa siya kaya mas lalo akong nailang sa ginagawa niya.“Bawal ba kitang yakapin?”“Oo, bawal at higit sa lahat ay bawal mo akong halikan. Nasasanay ka na kasi at higit sa lahat ay kalimutan mo ang nakita mo kanina. Kasalanan mo dahil bigla ka na lang papasok sa room ko,” sabi ko sa kanya.“Okay, kakalimutan ko pero ‘wag mo akong iwasan. Hindi mo man lang ako kinausap kanina, ang tahimik mo,” sabi niya sa akin.“Sa tingin mo kaya pa kitang harapin kung nakita mo na ang lahat sa akin?”“Marami na akong nakita na ganyan kaya wala na ‘yan sa akin.”“Alam ko, alam ko na normal na sa ‘yo. Kaya ‘wag mo na akong yakapin dahil may ginagawa ako,” sabi ko sa kanya.“Pasok na ako sa room ko,” sabi niya sa akin at bigla na lang niyang hinalikan ang pisngi ko.“Kakasabi ko l
LORIE LOVEAko lang mag-isa dito kaya naman naglinis na lang ako ng buong bahay. Wala naman kasi akong ibang gagawin kundi ang maglinis. Nandito na ang lahat ng kailangan ko at hindi ko naman alam kung anong oras ba uuwi ang ninong ko. Sa totoo lang ay okay talaga na nasa trabaho siya para naman hindi niya ginugulo ang buhay ko.Inis na inis pa naman ako sa mga ginagawa niya sa akin. Panay ang halik niya at nasasanay na talaga siya. Mamaya siya sa akin, lagot talaga siya. Naiirita na ako sa nguso niya. Baka magkaroon na nga ako ng sakit sa puso dahil ang bilis ba naman ng t*bok ng puso ko sa ginagawa niya sa akin. After ko maglinis ay pumasok ako sa room ni ninong at tumambay ako sa balcony niya. Maganda kasi dito kaya naisip ko na dito na muna ako tatambay. Kitang-kita ang mga tao sa baba at ang liit nila. Gusto ko sanang tawagan si nanay pero wala pala akong phone dahil iniwan na sa kanila ang dapat na akin. Kaya naman kumuha na lang ako ng book dito sa room ni ninong at ito ang bi
LORIE LOVEMalapit na, malapit na akong bumigay pero bigla na lang siyang tumigil at nawalan na ng malay. Sa tingin ko ay nananaginip lang siguro ang lalaking ito. Baka ang buong akala niya kanina ay si Neda ako. Kaya siguro hinalikan niya ako sa labi. Ako naman itong malapit na sanang tumugon pero mabuti na lang talaga at hindi natuloy. Gusto ko naman sanang umalis na at bumangon pero hindi ko naman magawa. Lalo pa at nasa ibabaw ko siya. Ang laki niyang tao kaya hindi talaga ako makaalis. Ang bigat pa naman niya pero mabuti na lang talaga at nakakahinga pa rin ako. Hindi ko alam pero parang bumibigat na naman ang talukap ng mga mata ko.Ang lalaking ito kahit pa lasing ay hindi man lang siya amoy alak. Amoy mayaman pa rin talaga siya at nakakaantok ang amoy niya. Kaya naman ay pimikit na ako dahil bumibigay na talaga ang mga mata ko. Hindi ko na kayang labanan pa ang antok ko dahil matutulog na talaga ako.******Nagising ako na nakahiga pa rin dito sa may sahig at katabi ko pa rin
LORIE LOVE“You stay in your room. ‘Wag kang lalabas,” sabi ni ninong sa akin.“Tatawagin mo na lang ba ako?” tanong ko sa kanya dahil iniisip ko kasi na baka may iutos siya sa akin.“Yeah, tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako.”“Okay po,” sabi ko sa kanya.Tatalikod na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya kaya lumingon siya sa akin. Na para bang nagtatanong siya. Kaya naman kahit pa nahihiya ako ay kailangan kong sabihin sa kanya. “Thank you po sa chocolates,” nakangiti na sabi ko sa kanya at ako na mismo ang pumasok sa loob ng room ko. Gusto magthank you sa kanya sa binigay niya sa akin.Hindi ko na pinansin o tinapunan ng tingin ang mga bisita ni ninong. Pagpasok ko sa loob ng silid ko ay umupo agad ako sa kama ko. Inilapag ko ang mga chocolates na binigay niya sa akin. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng ganito. Mukhang mamahalin pa ito eh. “Napansin kaya niya ako kanina? Kaya ba pinauna niya ako?” tanong ko sa sarili ko.Napangiti na lang ako at tinago ko ito
LORIE LOVE“Itlog ng manok ang tinutukoy ko ha,” sabi ko sa kanya.“Alam ko,” sabi niya at mas nauna na siyang naglakad kaysa sa akin pero namumula siya.Ako naman itong napangiti na lang sa kinikilos niya dahil para siyang namaligno. Bigla na lang kasi siyang naging ibang tao. Pero nagulat ako dahil bigla na lang akong kinurot ni Manang Neda. Nananakit na ang bruha.“Ano ba ang problema mo?” tanong ko sa kanya.“Bakit ka nakangiti kay Johann?” tanong niya sa akin.“So, bawal akong ngumiti? Dapat ba laging na lang akong nakasimangot? Ganito ba?” tanong ko sa kanya at pinakita ko pa talaga sa kanya.“Tell me, ano ba ang mayroon sa inyo ni Johann?” tanong niya sa akin na halatang naiinis siya. Wala naman kaming ugnayan na dalawa ni ninong pero kapag nalaman niya na hinalikan ako ng lalaking ‘yon ay baka manggalaiti na siya sa galit.“Maid niya ako, may iba pa ba dapat. At bakit ba sa akin ka nagagalit? Para sabihin ko sa ‘yo, hindi ako katulad mo na panay ang claim na girlfriend kahit hi
LORIE LOVE“Kapag hindi ka pa tumigil ay pagsisihan mo talaga ang pagbulong-bulong mo sa akin,” sabi niya pa sa akin.“Ano ba ang gagawin mo sa ak—”“Ang hindi mo gustong gawin ko,” sagot niya at bigla na lang siyang lumingon sa akin kaya naman nagkadikit na naman ang mga labi naming dalawa. Nanlaki na naman ang mga mata ko. Bakit ba lagi na lang nangyayari ito sa aming dalawa? Bakit? Kailangan kong umalis pero nagulat na lang ako nang biglang magbago ang posisyon ko at nasa harapan na niya ako ngayon. Buhat niya ako para hindi ako mahulog.“Patikim ulit,” sabi niya at bigla na lang niyang inatake ang labi ko.Ako naman itong hindi alam ang gagawin ko. Siya ang unang halik ko. Iba ang halik niya ngayon hindi na naka-dikit lang ang mga labi namin dahil gumagalaw na talaga ito ngayon. Pero para naman ako tuod dito dahil hindi ko alam kung paano ba humalik pabalik. At bakit ko naman gagawin ‘yon? Bakit naman ako hahalik pabalik sa kanya? “Kiss me back, love.” utos niya sa akin.“Anong