LORIE LOVE
“Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat? Ang hindi ako pinapansin kapag kinakausap ko,” sabi niya at nagulat ako dahil bigla na lang niya ako pinaharap sa kanya.
At sa hindi inaasahan na pangyayari ay bigla na lang nahulog ang towel na nakatakip sa maselang parte ng katawan niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi ko talaga inaasahan na makakakita ako ng malaking sawa.
“Bastos!” sigaw ko sa kanya.
Ang laki kasi tapos nakatayo pa ito. Oh my gosh! Ito ang first time ko na makakita ng ganito. Gwapo siya pero v*rgin pa itong mga mata ko. At ngayon na nakakita na ako ay hindi na.
“Ako pa ngayon ang bastos, eh ikaw nga ang nakatitig sa kaibigan ko.” sabi niya sa akin kaya naman mabilis kong tinakpan ang mga mata ko gamit ang kamay ko. Chill lang siya habang nagsasalita na para bang hindi siya nahihiya sa akin.
“Bakit kasi nakaganyan ka? Babae kaya ang kasama mo dito sa room m–”
“Babae? Where?” tanong niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Mukha man akong ewan sa paningin mo pero babae pa rin ako. Hindi tama ang ginagawa mo,” sabi ko at tumalikod na ako para tapusin na ang ginagawa ko.
“Sana nga mukha kang babae pero kasi hindi talaga–”
“Alam ko naman ang nasa isip mo. Hindi nga naman ako mukhang babae dahil basahan ang tingin mo sa akin,” sabi ko sa kanya dahil sa tingin ko ay ‘yun talaga ang gusto niyang palabasin.
“Mamaya ko na lang po tatapusin ang paglilinis dito kapag wala ka na,” sabi ko at nagmamadali akong lumabas sa silid niya.
Bigla na lang akong nalungkot. Alam ko naman ‘yun eh. Pero nasasaktan pa rin ako. Dahil siguro ngayon ko napatunayan kung gaano ba ako sinampal ng katotohanan na talagang dukha ako. Kumatok muna ako dahil baka mamaya ay may tao pala sa loob.
Nang walang sumagot ay pumasok na ako dito sa loob. Nagsimula na akong maglinis para pag-akyat ulit ng mag-asawa ay tapos na ako. Binilisan ko ang kilos ko para matapos agad ako. Saktong palabas na ako sa room na tapos ko ng linisin ay papasok pa lang ang mag-asawang Suarez.
“Bago ka lang ba dito, iha?” tanong sa akin ng ginang.
“Opo, Madam.”
“Anong pangalan mo?”
“Lorie Love po,” sagot ko sa kanya.
“Welcome sa bahay namin, Lorie. Kapag may kailangan ka ay ‘wag kang mahihiyang magsabi. At isa pa, huwag kang magpapagutom, sabihin mo lang kay Nanay Flor ang mga kailangan mo,” sabi niya sa akin.
“Salamat po,” nakangiti na sabi ko.
“Ilang taon ka na pala?”
“Eighteen po, malapit na po akong mag-nineteen,” sagot ko sa kanya.
“Ang bata mo pa pala. Dapat ay nag-aaral ka pa–”
“Gusto ko po, pero saka na lang po.”
“Mag-aral ka–”
“Katunayan po ay nag-apply po ako sa scholarship niyo pero hindi po ako napili dahil puno na raw po ang slot–”
“Try mo kay Johann,” sabi niya sa akin.
“Salamat po, pero magtatrabaho na lang po ako. Kailangan ko rin po kasi talaga ng pera dahil may sakit ang nanay ko.”
“Ganun ba, pero kung sakali man na gusto mo talaga mag-aral ay magsabi ka na lang sa anak ko. Ang alam ko ay may mga scholarship siya,” nakangiti na sabi niya kaya ngumiti na lang ako at nagpasalamat sa kanya.
Gusto ko sanang sabihin na walang balak ang anak niya na tulungan ako. Pero mas pinili ko na lang na ngumiti at magpaalam na may mga tatapusin pa ako na trabaho. Bumaba na muna ako papunta sa kusina.
“Tapos ka ka na ba, Lorie?” tanong sa akin ni Nanay Flor.
“May isang room pa po na hindi ako natapos, Nay. Kay Sir Johann po,” sagot ko sa kanya.
“Balikan mo na lang mamaya, tulungan mo muna sila Nally na maglinis sa pool. Magkakaroon raw kasi ng pool party mamaya ang mga barkada ni Sir Johann,” sabi sa akin ni manang.
“Okay po, nay.” sagot ko sa kanya at mabilis akong pumunta sa may swimming pool nila.
Tinuro naman nila sa akin ang mga kailangan kong gawin. Ang laki nitong swimming pool nila. Malinis naman siya pero kailangan pa rin daw linisin dahil kailangan magpalit ng tubig.
Ganito talaga kapag mayaman lalo na mayaman rin naman ang darating mamaya. Mabait naman ang mga kasama ko at maayos naman nila akong pinapakisamahan kaya hindi ako nahihirapan.
Kapag may tanong ako ay sinasagot naman nila ito ng maayos. Mabilis lang naman namin natapos ang paglilinis dito. Habang papasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko si ninong na pababa na sa may hagdan kaya naman nagpaalam na ako kay nanay Flor na aakyat na ulit ako para maglinis.
Pagpasok ko dito sa room niya ay nagulat ako dahil maayos na ang kama niya. Napalitan na ang lahat ng mga unan ng punda at ganun rin ang bedsheet niya. Wala na akong kailangan na gawin dahil tapos na niya. Pumasok na lang ako sa banyo niya para linisin ito.
Ang laki nitong banyo niya. May malaking bathtub at ang bango. Kakapasok ko pa lang pero amoy na amoy ko ang mabangong shower gel na gamit niya. Napangiti naman ako dahil malinis ang banyo niya. Hindi katulad sa room niya kanina na para bang binagyo.
Kahit pa malinis ay nilinis ko pa rin ito. Saktong paglabas ko ay kakapasok lang niya dito sa room niya. Wala na akong balak na kausapin siya kaya hindi ko na siya pinansin. Lalabas na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
“Galit ka ba sa akin?” tanong niya.
“Hindi po, wala namang dahilan para magalit ako sa inyo. Sige po, may mga trabaho pa po ako na gagawin,” sabi ko sa kanya at lumabas na ako.
“Galit ba ako sa kanya?” tanong ko sa sarili ko pero hindi naman ako galit sa kanya.
Wala naman akong maramdaman na galit dahil nga totoo naman ang sinabi niya. At isa pa kung talagang hindi babae ang tingin niya sa akin ay hindi ko naman siya masisisi. Ang babaw naman ng dahilan kung magagalit ako. Talagang mas pinili ko na lang manahimik kanina dahil ayaw ko naman na masisante ako sa unang araw pa lang ng trabaho ko.
“Lorie, kumain na tayo ng lunch–”
“Isasama ko siya, nay.” nagulat kami dahil bigla na lang nagsalita si ninong na sumunod pala sa akin.
“Saan po?” tanong ko sa kanya.
“Sa condo ko,” sagot niya.
“Po?”
“Tara na, para makabalik tayo agad dito.” sabi niya at nauna na siyang lumabas.
“Baka ipapalinis niya ang condo niya, iha.” nakangiti na sabi ni nanay sa akin.
“Magpapalit lang po ako ng damit ko,” sabi ko kay manang at pumunta na ako sa may silid ko para magpalit ng t-shirt ko dahil amoy pawis na ako.
Nagmamadali ako dahil baka magalit pa ‘yon kapag matagal ako. Sa likod ng sasakyan sana ako sasakay pero naka-lock naman ito kaya sa front seat na ako umupo. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa daan. Nakatingin lang ako sa may labas ng bintana dahil nagugutom na ako.
“Gutom ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Opo,” sagot ko sa kanya dahil wala akong balak na magsinungaling. Gutom na talaga ako.
“May gusto ka bang kainin?” tanong niya sa akin.
“Wala naman po–”
“Akala ko gutom ka na?” nakakunot na ngayon ang noo niya.
“Wala naman po akong pinipili na pagkain. Lahat po ay kaya kong kainin, hindi po ako maselan,” sagot ko sa kanya pero nagulat ako dahil biglang pumreno siya.
LORIE LOVE“Akala ko gutom ka na?” nakakunot na ngayon ang noo niya.“Wala naman po akong pinipili na pagkain. Lahat po ay kaya kong kainin, hindi po ako maselan,” sagot ko sa kanya pero nagulat ako dahil biglang pumreno siya.“May problema po ba?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Red light,” sagot niya sa akin at uminom siya ng tubig. Ako naman ay napatingin naman ako sa unahan.Hindi na ako kumibo kasi tama naman siya. Naka-red light nga kaya siya huminto. Akala ko tuloy ay baka may mali akong sinabi na ayaw niya. Pero mukha namang wala. Nang muling maging green ang stoplight ay pinatakbo na niya ang sasakyan niya. Ako naman itong tahimik lang na nakaupo dito sa tabi niya. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. May dinaanan kami na kainan at bumili siya ng pagkain. Nang ibigay na ito sa kanya ay binigay niya agad sa akin. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.“That’s your food, kainin mo mamaya. Aalis ako kaya mag-isa ka lang sa condo ko. All you need to do there is to clean
LORIE LOVE“Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat? Ang hindi ako pinapansin kapag kinakausap ko,” sabi niya at nagulat ako dahil bigla na lang niya ako pinaharap sa kanya.At sa hindi inaasahan na pangyayari ay bigla na lang nahulog ang towel na nakatakip sa maselang parte ng katawan niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil hindi ko talaga inaasahan na makakakita ako ng malaking sawa. “Bastos!” sigaw ko sa kanya.Ang laki kasi tapos nakatayo pa ito. Oh my gosh! Ito ang first time ko na makakita ng ganito. Gwapo siya pero v*rgin pa itong mga mata ko. At ngayon na nakakita na ako ay hindi na. “Ako pa ngayon ang bastos, eh ikaw nga ang nakatitig sa kaibigan ko.” sabi niya sa akin kaya naman mabilis kong tinakpan ang mga mata ko gamit ang kamay ko. Chill lang siya habang nagsasalita na para bang hindi siya nahihiya sa akin.“Bakit kasi nakaganyan ka? Babae kaya ang kasama mo dito sa room m–”“Babae? Where?” tanong niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.“Mukha man akong
LORIE LOVE“Ninong?”“Ikaw? Ikaw na naman?”“Why are you here?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.“Dito po ako nagtatrabaho?” Sagot ko sa kanya.“Aminin mo nga sa akin. Sinusundan mo ba ako?” Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.“Ano pong sinasabi mo na sinusundan? Nagtatrabaho ako dahil hindi mo naman ako tinulungan, kung tinulungan mo ako ay baka natitinda ako ng talbos ngayon,” sabi ko naman sa kanya.“Ewan ko sa ‘yo,” sabi niya at naglakad na siya pababa. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala naman yata akong aasahan sa kanya. Ganun talaga siguro siya. Baka nga sa taong bayan lang talaga siya mabait. Ngayon na dito na ako nakatira ay malalaman ko na talaga ang tunay niyang ugali.Kaysa isipin ang ninong ko na hindi naman ako kayang tanggapin na inaanak ay mas pinili ko na lang na simulan ang trabaho ko sa paglilinis ng mga rooms. Dahil sa huli na lumabas si ninong at dahil medyo masungit siya sa akin ay ang room niya ang huli kong lilinisin mamaya.Tinuro na nila sa
LORIE LOVE“Kaya natin ito self,” sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ako ng mga gamit ko na dadalhin ko.Mas binilisan ko ang kilos ko dahil ayaw ko naman na maghintay sa akin ang pinsan ko. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa bahay ng mga Zuares. After ko mag-impake ay hinintay ko na lang ang pinsan ko dito sa labas ng bahay namin. “Lorie, nakahanda na ba ang mga gamit mo?” tanong sa akin ni tiya.“Opo,” sagot ko sa kanya.“Kami na lang na dalawa ng pinsan mo ang maghahatid sa ‘yo doon. May dadaanan rin kasi kami kaya tara na at umalis na tayo,” sabi niya sa akin.Nagpaalam muna ako sa mga magulang ko na aalis na ako bago ako sumunod sa kanila. Sumakay kami sa traysikel ng tiya ko. Kahit pa medyo maayos ang buhay nila ay never kaming nanghihingi sa kanila dahil hindi nila kami obligasyon. Ayaw naming i-asa sa kanila ang mga bagay na hindi naman dapat.May sariling buhay rin sila na kailangan buhayin. Alam ko rin na pinagkakasya lang rin nila ang kinikita nila para makapag-aral an
AUTHOR’S FRIENDLY REMINDER: THIS STORY IS A WORK OF FICTION. WARNING: MATURE CONTENT AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK! R-18 STORY..KATHANG ISIP LAMANG PO ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO. HUWAG PO SANANG MASYADONG SERYOSOHIN! THANK YOU PO!LORIE LOVE“Ninong?”“Ikaw, ikaw ang ninong ko!”“Inaanak mo po ako!” sigaw ko sa lalaking nakatayo sa labas nitong mall.“Who are you? What are you talking about?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.“Hindi po ako nagkakamali. Ikaw po talaga ang ninong ko.” nakangiti pa na sabi ko dahil masaya ako.“Fvck! Nagkakamali ka lang yata, Miss. Ang bata ko naman para maging ninong mo,” sabi niya sa akin.“Opo, bata nga po pero ninong talaga kita. Sabi ng nanay ko ay ninong kita noong SK Chairman ka pa lang,” sabi ko sa kanya at baka sakaling maalala niya.“Sorry pero wala akong maalala,” sagot niya sa akin.“Tulungan mo po ako, gusto kong makapag-aral.” Walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya.“Lumapit ka sa foun