Sorry, ngayon lang ang update. Busy sa buwan ng wika ng anak ko sa daycare. Sana maintindihan niyo po. Salamat po.
JONASTuluyan ko ng sinara ang drug cartel na itinayo ni Jhondo at sumama naman kay Siobeh ang karamihan sa mga tauhan niya. Ang mga natirang tauhan ni Jhondo na sumama sa akin ay binigyan ko ng trabaho sa Hacienda habang ang iba naman ay sa construction field at yung limang mokong naman ang sabi nila ay kahit magtrabaho nalang daw sila bilang bodyguard ko kaya wala akong nagawa kundi tanggapin nalang sila. Ewan ko ba kung anong trip ng limang ‘to eh, ayaw akong tantanan. Maya-maya naman ay nag-ring ang cellphone ko at si Wade ang tumatawag. “Ano? Busy ako!” singhal ko sa kanya sa kabilang linya.“Grabe siya oh! Fafa Jonas, ready ka na ba?”“Ready saan?” Mag site visit, ocular dito sa pinapatayo kong Gentleman Suites.” “Teka, ngayon ba iyon?” “Hindi, bukas pa naman, sinasabihan lang kita dahil kailangan mong lumuwas ng Maynila.” “Ano naman kung luluwas ako ng Maynila?”“Eh malay ko ba, baka mamaya mabaliw ka na naman at hanapin mo si Cassandra at hindi ka na naman uuwi dyan sa B
CASSANDRAHindi nagtagal ay bumalik na rin ako sa pagtatrabaho sa office ni kuya Giovanni. Ang sabi niya kasi ay ito talaga ang ginagawa ko. Ipapaalaga ko si Sanjo sa mga kasambahay sa Mansyon ay pagkatapos ay nagta-trabaho ako dito sa kumpanya niya. Kasama ko naman siya dito, bagama’t wala akong masyadong maalala ay sinubukan kong intindihin ang mga bagay-bagay. Ipinaliwanag naman sa akin ni kuya na ako raw ang nagturo sa kanya ng lahat-lahat at tinulungan ko daw siya sa pag-establish nito. Ang Zobel Home na ngayon ay namamayagpag sa larangan ng kitchen mechanisms at accessories dahil puro malalaking kumpanya ang kliyente namin. Ngayon ay nasa opisina lang kami at nagtratrabaho. Isang ordinaryong araw. “Diana, pa-timpla naman ng kape oh. Yung black ah.” utos ni kuya na kaagad ko namang ginawa at nagtimpla. Paghawak ko ng tasa ay biglang may nag flashback sa akin na ala-ala. “Oh, Baby, Coffee break.” Isang lalaking naka-business suit ang nakita ko sa ala-ala ko ngunit hindi ko m
JONASInilibing ko si Jhondo na puno ng paghihinagpis ngunit alam kong hindi ako nag-iisa. Kasama ko si Bernard at si Harvey. “Pre, anong balak mo ngayon?” tanong sa akin ni Harvey.“Balak saan?” tanong ko rin dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya. “Kay Cassandra, hindi ba’t nasabi ni Jhondo na buntis siya nung umalis?” “Hindi ko alam Pare, sa totoo lang. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Nawala siya na parang bula.” saad ko na naihilamos ang palad ko sa mukha ko. Hindi na kasi ako hinayaan ni Wade at ni Bernard na bumalik ng Maynila simula ng inuwi nila ako dito sa Aurora. Tumatapang ang mokong na Bernard na iyon at nakukuha niya na ang ugali ng papa. Siya ang humawak ng lahat ng trabaho ni Case at ang dahilan niya ay para mas malapit daw siya sa akin at dito na rin siya tumira sa Hacienda Del Riego ngunit nasa opisina siya ng mangyari ang ginawang pagpatay ni Jhondo sa sarili niya. “Kuya, sabi ka lang kung anong kailangan mo at saka… alam kong hindi mo pa kayang magt
JONASSa museleo ng pamilya Del Riego isinagawa ang burol ni Jhondo. Ako ang pumili ng susuotin niya. Lahat-lahat. Ang akala ko ay kami-kami lang ang magluluksa ngunit nagulat ako sa pagdating ng mga tauhan niya. Hindi ko alam na napakarami nila. Napuno ng mga naka-itim na business suit ang buong museleo dahil sa kanila. Maaayos naman ang mga hitsura nila ngunit puno ng mga tattoo ang katawan. Naroon si Harvey upang samahan ako. Nakatingin ako ngayon sa kabaong ni Jhondo. Tahimik lang siyang natutulog at hindi na alintana ang kahit anong bagay o kaganapan sa paligid niya. Maya-maya ay lumapit naman si Yaya Milling sa akin. “Sir, naka-ready na po itong pinahalungkat niyong laruan.” saad niya sabay abot sa akin ng action figure na gundam. Dahan-dahan kong binuksan ang kabaong ni Jhondo at inilagay iyon sa gilid, sa may paanan niya at saka ko sinara ulit ang kabaong. “Kailangan ho ba talagang ilagay niyo yan sa kabaong ni Jhondo, Sir?” tanong ni Yaya Milling. “Opo Yaya, paboritong
CASSANDRANagising ako sa Ospital na wala akong naaalala. Sino ako? saan ako nakatira? sino ang mga magulang ko? ngunit may isang lalaki na pilit ipinapaliwanag sa akin ang lahat. Ang sabi niya ay kapatid ko siya, kuya ko. Ang pangalan niya ay Giovanni at ang pangalan ko daw ay Diana. Bumisita siya sa akin nang magising siya at naka-hospital gown pa. Sinasabi niyang siya ang kasama ko nang maaksidente kami. “Diana please, try to remember everything!” saad niya sa akin ngunit wala. Walang pumapasok sa akin na ala-ala kahit isa pero mukhang pamilyar siya sa akin at nagsasabi siya ng totoo. Maya-maya ay pumasok ang isang babae na may dalang bata. “Diana! Diana, salamat at ayos ka lang! mabuti naman at nagising ka na!” saad nito sa akin ngunit hindi ko siya maalala. “Walang palya sa pag-iyak itong anak mo simula nang maaksidente ka, hindi siya mapakali, hinahanap ka niya!” saad pa ng babae na tinutukoy ang bata na buhat niya na anak ko raw. Iyak nga ito ng iyak at mugto na ang mga
JONAS“Nasaan ‘yang walang hiya kong kapatid?!” tanong ko kay Yaya Milling habang naglalakad kami sa pasilyo.“Eh nasa baba po Sir, kasama niya yung mga tauhan niya.”“Sige, ako nang bahala, magtago ka na. Sabihan mo rin sila Javier na wag papasok ng Mansyon.” “Pero Sir, baka mapano ho kayo!” “Kaya ko sarili ko Yaya, si Jhondo lang yan! sige na!” “Pero Sir sinaksak ka niya nung huli at muntik ka ng mamatay!” “Okay, stay here pero oras na may mangyari sakin tumawag kayo kaagad ng rescue.”“Sige po, Sir.” Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Yaya Milling ay bumaba na ako ng hagdan at hinarap si Jhondo at ang mga tauhan niya sa sala. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko ngunit iba ang awra ngayon ni Jhondo. “Totoo ngang umalis si Cassandra ng Hacienda Del Riego.” “Oo, umalis siya dahil sa ginawa mo Jhondo, ginawa mong miserable ang buhay ko!” gigil na sambit ko sabay kuha ng baril at itinutok sa kanya ngunit bigla rin akong tinutukan ng baril ng mga tauhan niya. Lima silang nasa lik