Oh my G! hahhaha.. Yanne, ano na?! forda go na ba? hahahha.. salamat po sa inyong lahat!
WARNING MATURE CONTENT: PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!MARIANNE“Aalisin ko ang tampo mo, ninong ko. All you need to do is to relax dahil ako na ang bahala sa lahat,” nakangisi na sabi ko sa kanya at gumapang ako para abutin ang labi niya para halikan ito.“Ohhhh..” napaungol siya sa ginawa kong paghalik sa labi niya niya.Hanggang sa bumaba ang kamay ko sa katawan niya. Hindi ko alam kung paano ko ba tatanggalin ang suot niyang t-shirt kaya naman sinira ko na lang ito. Kung noong nakaraan lang ay siya ang sumisira sa panty ko ay ngayon ako naman ang sumira sa damit niya. Para naman maiba naman, hindi naman puwedeng lalaki na lang lagi.“Fvck! Ang hot mo, mahal ko. Iba pala kapag ikaw ang gumagawa ng ganito sa akin,” nakangisi na sabi niya sa akin kaya napangiti ako.“Talaga ba?” tanong ko sa kanya at umahon ako sa ibabaw niya.Tumayo ako at nakatingin lang siya sa akin. Isa-isa kong hinubad ang suot kong damit. Habang kagat labi akong nakatingin
MARIANNE“Yanne, w–”“Bakit ba tayo nandito?” tanong ko sa kanya dahil nagtataka lang ako.“May sasabihin ka ba?” tanong ko ulit dahil medyo naiinip na ako.“Sabihin mo na ngay–”“Yanne, will you marry me?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.Para akong napako sa kinatatayuan ko, na para bang nabibingi ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba talaga ang narinig ko. Kung talaga bang sinabi niya ‘yon? Naguguluhan rin ako kaya naman ay..“A–Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong maka-sigurado sa narinig ko. I want to hear it again.“I said, will you marry me? Will you be my wife?” tanong niya sa akin na naging dahilan para pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kasi inaasahan na tama ang narinig ko mula sa kanya.“F–For real?” nauutal pa na tanong ko sa kanya.“Yes, this is real. I want to marry you, Yanne. Gusto kitang maging asawa ko,” sagot niya sa akin.“Pero kapag pumayag ako sa nais mo ay alam ko na magkakaroon ka na ng karapatan na pigilan ako sa mga g
MARIANNEAyaw ko ng ganito. Kaya nga iniiwasan ko na mangyari ito. Ayaw ko na magkasakitan kaming dalawa. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para hindi niya malaman ang tunay kong pagkatao pero kahit pala itago ko ay lalabas pa rin talaga. “Huwag mong gawin ‘to,” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.“Bakit? Papatayin mo ako? Ano ang gagawin mo sa akin? Agent ka diba kaya easy na lang sa ‘yo ang makipaglaban?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.“Mahirap ba akong intindihin? Mahirap ba para sa ‘yo na–”“Mahal kita kaya ko ‘to ginagawa. Nawala na ang daddy mo at ayaw ko na pati ikaw ang mawala sa akin. Ikaw ang hindi nakakaintindi dahil pinipilit mo ang gusto mo,” sabi niya sa akin.“Pero kailangan ko itong gawin,” sabi ko sa kanya.“Hindi ako papayag,” sabi niya sa akin at alam ko na seryoso siya.“Hindi rin magbabago ang pasya ko. Gagawin ko ang trabaho ko at gagawin ko rin ito bilang isang anak na nawalan ng ama. Magalit ka man sa ak
MARIANNE“Sabihin mo sa akin, sino ka ba talaga?” tanong niya sa akin.“Anong ibig mong sabihin?”“Tayong dalawa lang dito kaya sabihin mo na ang totoo. Sino ka ba talaga, Yanne. Sino ba ang babaeng mahal ko?” tanong niya sa akin.“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong ko sa kanya.“Alam mo ba ang tunay na dahilan kaya kita dinala dito?”“Anong ibig mong sabihin?”“Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin,” sagot niya sa akin at naglakad na siya papunta sa akin.“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung may gusto kang sabihin sa akin ay sabihin mo na lang ngayon. Hindi ako manghuhula para hulaan pa,” sabi ko sa kanya.“Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin? Hanggang kailan ba? Mahal mo ba talaga ako?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.“Mahal kita at alam mo ‘ya–”“Pero bakit mas pinili mo na magsinungaling sa akin? Bakit mas pinili mo na hindi sabihin sa akin ang totoo. Naging totoo ako sa ‘yo at alam mo ‘yon, mahal kita at alam mo ‘yun.” sabi niya sa akin kaya bigla na lang nagb
MARIANNE“Anong ginagawa mo dito?” “Nandito ako para magtrabaho, at isa pa bahay ito ng kuya ko. May problema ka ba?” tanong ni Arthur kay Libby.Bigla na lang sumimangot si Libby. Ako naman ay nakatingin kay Sir Val pero nagkibit balikat lang siya. Na para bang wala siyang explanation sa ginagawa niya. Talagang pagsasamahin niya ang dalawang ito sa iisang bahay. Jusko baka biglang magkaroon ng riot. Pero ano nga ba ang gagawin ko eh kapatid ito ni mayor.“Libby, kapag may ginawang kalokohan ang kapatid ko ay sabihin mo lang sa akin.” sabi ni ninong sa kaibigan ko.“Sasabihin ko talaga, sa mukha nito. Ito ang mukha na hindi puwedeng pagkatiwalaan,” sabi niya kaya bigla na lang kaming tumawa ni Gene.“Sorry,” sabay rin naming sabi dahil nga nakatingin sila sa amin.“Excuse me, para sabihin ko sa ‘yo. Sa gwapo kung ito hindi ako mukhang kriminal,” sabi naman ng kapatid ni ninong.“Sa mga mata ko ay para kang kriminal,” sabi ni Libby kaya tumawa na naman kami.Paano ba naman kasi ngayon
MARIANNE “Sila ba ang tauhan ng kaibigan mo?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman. “Oo, mga tauhan na niya ang magbabantay dito. Sure ako na wala ng mangyayari na ganito,” sagot niya sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko mula sa kanya. “Mabuti naman kung ganun.” “Sorry kung hindi agad ako nagising kanina. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa mga anak ko,” sabi niya sa akin. “It's okay, mahal. Hindi naman natin alam na bigla na lang pala babalik ang babaeng ‘yon at kukunin niya ang mga bata. Walang may gusto sa nangyari,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na sisihin niya ang sarili niya. “Thank you, dahil nand'yan ka para sa mga bata,” sabi niya sa akin. “Anak natin sila kaya hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanila.” Nakangiti na sabi ko sa kanya. Sakto rin na nakarating na kami sa room ni Anica. Kasama niya ngayon si Alden. At nakaupo lang silang dalawa sa kama. “Mga anak, kumain na kayo.” Sabi ni ninong sa mga bata. “Th
MARIANNE “What happened?” nagmamadali na bumaba ng hagdan si ninong. Halatang kakagising lang niya. Siguro ay narinig niya kanina ang putok ng baril. “Muntik ng tangayin ng ex-wife mo ang mga anak mo,” sagot ko sa kanya. “What?!” “Itanong mo sa mga tauhan mo, hinayaan lang nila si Ayra,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na maulit pa ito. “Okay lang ba kayo?” tanong niya sa dalawang bata na ngayon ay nakayakap sa kanya. “Takot na takot po kami, daddy. Alam mo po ba na may mga kasama siya tapos may mga guns sila,” sabi ni Alden na ngayon ay umiiyak na. “I’m sorry, hindi na ito mauulit pa,” sabi niya sa mga anak niya at kitang-kita sa mga mata niya na galit na siya. “Mabuti na lang po at pinigilan siya ni Mommy Yanne. Mabuti na lang po at hindi niya kami tinangay, daddy. Kasi po ayaw ko na sa kanya, baka po kasi patayin na niya ako sa susunod,” umiiyak na sabi ni Anica kaya naman tumulo na rin ang mga luha ko. Bigla ko kasing naalala ang sinabi niya kanina na alam niya ang totoong
MARIANNE“Bitiwan mo siya!” sigaw ko sa kanya na dahilan para tumigil siya at lumingon sa akin.“Huwag ka ngang mangialam dito!” galit na sigaw niya sa akin.“Huwag mo akong pilitin na–”“Na ano? Ang tapang mo rin na pigilan ako, eh babae ka lang naman ni Andrew. Sino ka ba? Asawa ka ba niya? Ikaw ba ang mommy ng mga anak k?” natatawa na tanong niya sa akin na halatang iniinsulto niya ako.“Bakit hindi niyo man lang siya pinigilan?” galit na tanong ko sa mga tauhan ni ninong.“Kasi po, nanay po siya ng mga bata. Ipapakulong daw niya kami kapag nangialam kami,” sagot ng isa sa kanila kaya na galit ako.“Ganun ba? Sino ba ang boss mo? Si Ayra ba?” “Sorry po–”“Huwag mo ng idamay ang mga bata dito. Bitiwan niyo na sila, habang kinakausap ko pa kayo ng maayos,” sabi ko sa kanila.Pero bigla na lang tumawa si Ayra na para bang tuwang-tuwa pa siya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang maglakad papunta sa mga tauhan niya. Akmang hahawakan ko si Alden ay nilayo nila ito sa akin kaya um
MARIANNE“Hindi kayo magiging masaya!” galit na sigaw ni Ayra sa amin.“Lalo ka naman,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Huwag kang masyadong kampante dahil bilog ang mundo,” sabi pa niya sa akin.“Talaga ba? Dapat sinasabi mo ‘yan sa sarili mo. Bilog ang mundo kaya ‘wag mong hintayin na gumulong. Kasi alam mo ngayon ay malaya ka pero baka bukas ay hindi na,” sabi ko sa kanya na dahilan para makita ko ang pagkabalisa niya.“May araw ka sa akin na babae ka–”“Hihintayin kita,” sabi ko sa kanya.Galit siyang naglakad palabas ng bahay. Ako naman ay walang pakialam sa kanya dahil ako mismo ang huhuli sa kanya kapag naayos na namin ang lahat. Gusto ko na malaman niya at makita niya na sa akin ang bagsak niya. Umayos ako dahil napansin ko na nakatingin sa akin si ninong.“Bakit?” tanong ko sa kanya.“Bakit ang tapang mo?” tanong niya sa akin.“Matapang ako?”“Ibang-iba ka sa Yanne na una kong nakilala. Noon kasi ang iyakin mo, nakikita ko na natatakot ka. Pero ngayon, parang ibang tao ka na,”