LOGINSorry po late na ang update.. thank you po sa inyong lahat ❤️
LIBBY“Nasaan ang dalawa sa inyo? Nasaan?!” malakas na sigaw niya.“Boss, wala po sila dito.”“Hanapin niyo! At dalhin niyo sila sa akin!” sigaw ni Rego.“Kahit ang alaga ko ay wala na rin. Bigay pa naman sa akin ng nanay ko ‘yon, magagalit ang mommy at daddy ko. Lahat na lang ay hindi ko kayang alagaan,” umiiyak na sabi ko sa kanya.“Shh, don’t cry. Hahanapin natin ang lahat ng nawala sa ‘yo. I promise,” sabi niya sa akin at niyakap niya ako bigla.Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil ito ang kailangan kong gawin sa ngayon. Umiiyak ako at hinahanap ko si Gallong hanggang sa dumating ang asawa ko at binigay niya sa akin ang ahas ko kaya niyakap ko agad si Gallong.“Gallong, saan ka ba galing? Saan ka nagpunta? Akal ko talaga ay wala ka na, akala ko talaga ay iniwan mo ako,” umiiyak na sabi ko.“Hanapin niyo pa rin ang dalawa! Sigurado ako na isa sa kanila ang kumuha sa black card ni Maria,” sabi pa ni Rego.“Nawawala ang card mo?” tanong sa akin ng asawa ko at tumango naman ako bilang
LIBBYUmalis na kami at ako itong tahimik lang ngayon dito sa backseat. Wala pa akong balita kung nagsimula na ba sila. Kalahating oras na rin simula ng umalis kami. Sa totoo lang ay ibang-iba ang plano namin bago kami pumunta sa misyon na ito. Ang buong akala ko ay makakapasok kami bilang mag-asawa at ang mga bata pero iba pala. Dahil mas mapapadali ang pagpasok namin sa lugar na iyon.“Are you okay?” tanong ni Rego sa akin.“I’m good,” sagot ko sa kanya.“Eh ikaw, okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya dahil nakikita ko na hindi pa rin siya komportable.“I’m good, hindi ko lang talaga alam kung bakit ito masakit ngayon. Kahit ang balikat ko ay masakit rin,” sabi niya sa akin.“Ano kaya ang nangyari sa ‘yo? Nagulat nga ako kanina dahil nakatulog ka agad,” sabi ko sa kanya.“Ang galing mo kasing magmasahe. Okay lang ako, nangalay lang siguro ito,” sagot niya sa akin at nakangiti pa siya.“Naku, sakto lang po,” sabi ko sa kanya.“Sana lagi mo akong masahiin,” sabi niya sa akin.“Gusto mo
LIBBY“Ohhh!” ungol niya habang minamasahe ko siya.“Sir, ang ingay mo pala kapag minamasahe ka,” sabi ko sa kanya.“Ang sarap kasi, ang sarap mong magmasahe,” sabi niya sa akin.“Naku, sakto lang po. Hindi naman po ako magaling saktong may alam lang. Kaya hayaan mo po sana ako na gawin ito bilang pasasalamat ko sa kabutihan mo sa akin na dem*nyo ka,” gusto ko sanang idugtong ang dem*nyo pero hindi ko ginawa.“Maliit na bagay. Basta kapag may kailangan ka sa akin ay magsabi ka lang..”“Bakit ang bait mo sa akin?” tanong ko sa kanya.Pero sa iba ay demonyo ka! Put*ngina ka! Minumura ko siya sa isipan ko dahil awang-awa ako sa mga ginawa niya sa mga tao dito.“Wala lang, sa tingin ko kasi ay gusto kita,” sabi niya sa akin kaya nagkunwari ako na nagulat.“Ha? M–May gusto ka sa akin? Bakit?” tanong ko sa kanya.“Hindi ko alam, pero kapag nasa tabi kita ay masaya ako,” sabi pa niya sa akin.“Ako rin naman masaya ako na nakilala kita. Pero hindi ko pa alam kung kaya ko bang ibalik ang kabai
LIBBY“Si Rego ba ang may gawa nito?” tanong ko sa kanya at tumango siya.“Ano pa ang ginawa niya sa ‘yo?”“Ate, gin*hasa po niya ako,” umiiyak na sagot niya sa akin kaya natigilan ako.“What?”“Ate, gusto ko na pong umalis dito. Gusto ko na pong umalis, pero hindi ko po magawa. Gabi-gabi po niya akong sinas*ktan at ina*ngkin,” umiiyak na sabi niya kaya niyakap ko siya.“I’m sorry, hindi ko alam,” sabi ko sa kanya.“Ate, tulungan mo po ako na bumalik sa pamilya ko. Please po, ate.”“Sorry, pero hindi kita kayang ibalik sa pamilya mo. Hindi ko kayang gawin ‘yon,” sabi ko sa kanya.“Dahil po ba–”“Dahil alam ko na ibabalik ka ng nanay mo dito. Malaki, malaki ang halaga na binigay ni Rego sa nanay mo.”“Kilala mo po ba ang nanay ko?”“Nakilala ko lang siya. Kaya kung nais mo na makaalis dito ay sundin mo ako. Sundin mo ang lahat ng sasabihin ko sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.“Opo, ate. Gagawin ko po, gagawin ko,” sabi niya sa akin at niyakap niya ako.“Magpanggap ka na wala tayong pinag-usapa
LIBBY“Sino ang may gawa nito sa ‘yo?”“Si–”“What’s going on here?” bigla na lang nagsalita si Rego.“Napuwing lang siya kaya pinapahipan niya sa akin ang mata niya,” sagot ko kay Rego.“Huwag mo siyang kausapin,” sabi pa niya sa akin.“Ha? Bakit naman? Mukha naman siyang mabait,” sabi ko pa.“Basta, ‘wag mo na lang siyang kausapin. Habang buhay na siya dito dahil ibenenta siya ng nanay niya sa akin.“Ha?”“Hindi ka dapat nagtitiwala sa katulad niya. Galing siya sa pamilya ng mga mukhang pera,” sabi pa niya sa akin.“Ganon ba, sorry hindi ko alam,” sabi ko pero nakatingin ako sa dalagitang ito.“Tara na, may pupuntahan tayo,” sabi sa akin ni Rego.“Saan?”“Bibili ng mga damit mo,” sabi niya sa akin.“May mga damit pa naman ako,” sabi ko sa kanya.“Para mamaya,” sabi niya sa akin.“Okay,” sabi ko.Nang tumalikod si Rego ay sinabi ko sa dalagita na mag-uusap pa kami mamaya at tumango naman siya sa akin kaya naman sumunod na ako agad sa lalaking ito. Dahil ang asawa ko na ang driver nam
LIBBYBumangon na ako at naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay tumawag sa akin si Gene.“Bakit mo pinalayas si Jonny?” natatawa na tanong niya sa akin.“Mayabang kasi at nagsuntukan silang dalawa ng asawa ko kaya walang dahilan para magtagal pa siya dito dahil magiging magulo lang ang lahat–”“Eyy, asawa ko,” nakangisi na putol niya sa sasabihin ko.“Asawa ko naman talaga kasi siya. Ano ba ang dapat na itawag ko sa kanya? Mukhang paa ba dapat? Eh gwapo na siya ngayon eh,” natatawa na sabi ko sa kaibigan ko.“Ibig bang sabihin niyan ay tanggap mo na siya bilang asawa mo? So sweet naman po ng sexy mangkukulam na ito.”“May choice ba ako? Naisuko ko na nga ang pulang rosas eh,” sabi ko sa kanya.“Eyy, I’m so happy for you. Sabi ko na nga ba eh. Magkakasundo rin kayong dalawa,” natatawa na sabi niya sa akin.“Thank you, sister. Dahil sa ‘yo kaya namulat na ang mga mata ko,” pabiro na sabi ko sa kanya.“So happy for you, beshy ko. Sana ay matapos na ito para matuloy na ang honeymoon niyo







