THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS YOU PO AND GOOD NIGHT PO!
LIBBY“May makakasama ba ako sa misyon na ito?” tanong ko sa kanya.“Ako ang makakasama mo.”“What?!” “Bakit siya?” tanong ko sa kaibigan ko.“Kayo kasing dalawa ang perfect para sa misyon na ito. At isa pa ito ang may pinakamalaking bayad kaya sayang rin,” nakangisi na sabi ni Gene sa akin pero sa totoo lang kung hindi ko siya kaibigan ay baka talaga na sabunutan ko na siya.Alam na alam ko naman na gustong-gusto nila na pagsamahin kami.“Ano ba ang gagawin sa misyon na ito?” tanong ko sa kanila.“Magpapanggap kayong mag-asawa na dalawa. Dahil may papasukin kayong dalawa na sindikato, sindikato ng mga nangunguha ng mga bata at binebenta nila,” sagot sa akin ng kaibigan.“Kailan kami magsisimula?”“Kung kailan niyo gusto. Puwede na agad bukas kung gusto niyo, handa na ang bahay na tutuluyan niyo at kayo na lang ang lilipat. Para makapasok sa organisasyon na ‘yon ay kailangan niyo munang maging malapit sa mga member na nandoon. Diskarte niyo na kung ano basta ang profile niyo ay mag-a
LIBBY“Guys, tapos na ang training class niyo. Puwede na kayong lumabas, may pag-uusapan lang muna ang mga matatanda,” nakangisi na sabi ni Gene sa mga new agents.“I’ll stay here po,” sabi ni Cherriepie.“Bhe, mas okay yata na lumabas ka na–”“Hayaan mo siyang magstay,” sabi ko sa kaibigan ko.“Miss Libby, ano po ba ang problema mo? Bakit po ang init ng dugo mo kay Sir Arthur?” tanong niya sa akin. At talagang malakas ang loob niya na tanungin ako habang itong kaibigan ko naman ay pinipigilan siya.“Hindi mo na kailangan malaman. Bakit ano ba ang mayroon sa inyong dalawa at interesado ka?” tanong ko sa kanya.“Cherrie, lumabas ka na,” sabi ni Arthur sa kanya kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis.“Bakit mo siya papalabasin? Hayaan mo siya, hayaan mo siyang manood. Natatakot ka ba na madamay siya?” tanong ko sa kanya.“Leave us, hindi ka dapat nandito,” sabi ni Arthur sa kanila.“Pero kas–”“Just leave,” sabi pa niya kay Cherriepie.“Huwag mo sanang patayin si Sir Arthur, ‘wag mong s
LIBBY“Ako na lang ang saktan m–”Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya dahil mabilis kong pinutol ang sinturon niya gamit ang katana ko. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Cherriepie pero wala akong pakialam. Halatang nagulat rin si Val at ang kaibigan ko pero hindi sila nangialam. Dahil baka idamay ko sila kapag ako na badtrip pero syempre labas si Gene dahil kaibigan ko siya. Si Val lang ang idadamay ko kasama ang haliparot na babaeng ito.“Talagang sasaktan mo siya, Miss Libby? Paano na lang kung iba ang nahiwa mo?”“Kapag nahiwa ko wala ka ng chance, hindi ka na magiging masaya,” mataray na sabi ko sa kanya.“Naku, ‘wag kang mag-alala dahil magaling sa katana itong kaibigan ko. Hindi pa naman niya puputulin ‘yan, warning pa lang ‘yan,” sabi ni Gene.Ako naman ay seryoso na nakatingin kay Arthur na ngayon ay nakatingin lang rin sa akin. Hindi ko mabasa ang mukha niya dahil parang may sinasabi ang mga mata niya. Pero kahit na ano pa ito ay wala akong pakialam.“Next time, ‘wa
LIBBY“Sabihin mo na lang kung sino,” seryoso na sabi ko sa kanya. Kaya naman hinawakan niya ang kamay ko.“Beshy, kalma lang. Ang aga pa para magalit ka,” sabi niya sa akin.“Sino?” tanong ko ulit sa kanya at alam na niya na nauubos na ang pasensya ko.“Si—”“Gene, sabihin mo na sa akin.” naiinip na sabi ko dahil naiinis na talaga ako.“Si Arthur,” sagot niya sa akin kaya umusok ang ilong ko sa galit.“Saan si Val?” tanong ko sa kanya.“Sa office niya,” sagot niya sa akin kaya mabilis akong naglakad papunta sa office ng boss ko.“Beshy, kalma ka lang. Alam ko galit ka pero kalma lang,” sabi sa akin ng kaibigan ko pero hindi ko siya pinansin.Hindi na ako kumatok at pumasok na ako sa loob ng office ng boss ko. Halatang nagulat siya sa pagdating ko.“Wala man lang bang good morning? O ‘di kaya I’m back?” nakangisi na tanong sa akin ni Val.“Saan ang katana ko?” tanong ko sa kanya.“Bakit?” tanong niya sa akin pero kay Gene siya nakatingin at alam ko na nagtatanong siya sa kaibigan ko ku
LIBBY“Why are you here?” tanong sa akin ni Arthur dahil nagulat ako sa kanya na nasa likuran ko lang pala.“Bawal ba ako dito?” tanong ko sa kanya pero sa kamay ni Cherriepie ako nakatingin. Dahil nakakapit ito sa braso niya. Mukhang napansin niya ito kaya inalis niya ang kamay ng babae niya sa braso niya pero ano ba ang pakialam ko.“Hindi ka man lang tumawag na pupunta ka,” sabi niya sa akin kaya kunwari ay kumunot ang noo ko.“Sino ba ang nagsabi na sa ‘yo ako pupunta? Nandito ako dahil nandito ang kaibigan ko, dito rin siya nakatira. Kaya ‘wag kang assuming, excuse me.” sabi ko sa kanya at nilampasan ko sila.“Sa pagkakaalam ko ay sa ibang condo si Gene kaya bakit ka pa nagsisinungaling,” sabi pa niya kaya naman wala akong choice kundi tawagan si Elias. Hindi ko siya pinansin dahil nagdadasal ako na sagutin ng isang ito ang tawag ko.“Hello, Elias. Hindi ko na kasi matandaan kung ano ba ang floor ng unit mo. Kanina pa nga kita tinatawagan pero hindi ka naman sumasagot–”“Wrong tim
LIBBYNapabalikwas ako ng bangon. Umaga na pala at nandito ako sa kama ni Arthur. Nasa tabi ko siya ngayon. Masarap ang tulog niya pero bigla ko na lang naalala ang ginawa niya sa akin kaya naman buong lakas ko siyang sinipa kaya nahulog siya sa kama. Wala na akong pakialam kung nasaktan ba siya o hindi.“What the h*ll is your problem?!” galit na tanong niya sa akin na halatang nasaktan siya.Masasaktan talaga siya. Siraulo siya!“My problem? Ang lakas naman ng loob mo na itanong sa akin kung ano ba ang problema ko? Sa tingin mo ba ay hindi ko naalala ang ginawa mo sa akin! Bwisit ka! Ang lakas ng loob mo na patulugin ako!” sigaw ko sa kanya.“Ang ingay mo kasi eh.”“Talaga ba? O baka naman ginawa mo ‘yon dahil pupuntahan mo ang kabit mo?” sarcastic na sabi ko sa kanya.“Bintangera ka na rin ngayon,” sabi niya sa akin.“Bakit ba ikaw ang pinili ng nanay ko? Nakakainis na buhay ito!” naiinis na sabi ko at tumalikod na ako para lumabas sa room niya.“Hindi mo man lang ba ako tutulungan?