LOGINTHANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS YOU ALL PO!
GENENaghahanda na kaming dalawa ngayon. Gabi na at aalis kami, nakasuot na kami ng itim na damit. Pero pinatungan namin ito ng damit na pang madre at pampari. Para hindi naman maghinala ang ibang mga tao sa amin. Kailangan lang talaga namin na magpanggap sa kung ano ba kami sa pagdating namin dito.“Tara na, my loves,” sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.“Gallong, ikaw na muna ang bahala dito ha,” sabi ko sa kanya.Alam ko naman na maasahan ko siya at alam ko rin na kaya niyang protektahan ang sarili niya kapag may gustong manakit sa kanya. Umalis na kaming dalawa ng boss ko. Habang nagmamaneho siya ay hawak niya ang kamay ko. Hinayaan ko na lang siya dahil alam ko na gusto niya itong ginagawa.Ganito ba ang mga lalaki? Pero hindi ko naman maitatanggi na ang cool niya sa ginagawa niyang ito. Bagay sa kanya na magmaneho gamit ang isang kamay. Lagi ko naman siyang nakikita na ginagawa niya ito iba yata ngayon, iba kapag sa akin niya ginagawa. May dinaanan kami at nagpaiwan
GENE“Ikaw, ikaw ang gusto kong alagaan,” nakangisi na sabi ko sa kanya na naging dahilan para matulala na naman siya.“My loves, ‘wag kang magbibiro ng ganyan. Kapag talaga ikaw sineryoso ko d’yan,” sabi niya sa akin.“Mukha ba akong nagbibiro?” nakangisi na tanong ko sa kanya dahil parang gusto ko siyang asarin talaga ngayon. Talagang nasa mood ako para sa bagay na ito.“Seryoso ka ba?” tanong niya sa akin.“Oo naman.”“Fvck!” napamura na siya.“Hindi nagmum*ra ang pari,” saway ko sa kanya.“Sorry, ikaw kasi eh.”“Bakit naman ako? Ano ba ang ginawa ko?” maang-maangan na tanong ko sa kanya.“Sabi mo aalagaan mo ako,” sabi niya sa akin.“Oo naman, aalagaan talaga kita. Kapag hindi kita inalagaan ay baka hindi ko makuha ang sahod ko. Sayang naman ang pagod ko kapag hindi ko nakuha,” natatawa na sabi ko sa kanya na naging dahilan para mawala ang gwapong ngiti niya sa labi.“So, dahil lang sa sahod kaya mo ako aalagaan?” malungkot na tanong niya sa akin.“Oo, may iba pa bang dahilan?” pan
GENE“Boss, ‘wag ng makulit. Mamaya na lang,” sabi ko sa kanya at hinalikan ko na siya sa pisngi para lang tumigil na siya.Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko. Mabilis naman akong lumayo sa kanya at pumasok na ako sa loob ng silid ko. Si Gallong naman ay behave lang dito. Hindi ko naman siya puwedeng ilabas dahil baka matakot sa kanya ang mga tao. Ayaw ko naman ng gano’n. I locked the door tapos ay umupo na ako sa upan ko at humarap na ako sa laptop at computer ko. Nagsimula na naman ako sa trabaho ko. Bawal na muna akong makipaglandian dahil may kailangan lang akong unahin at ito ay ang trabaho ko. Kaya nga ako narito dahil sa trabaho. Habang nagtatrabaho ako ay talaga namang naka-focus lang ako sa ginagawa ko. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na dito ang boss ko.“My loves,” tawag niya sa akin pero hindi ako sumasagot kahit pa naririnig ko siya.“My loves, pansinin mo naman ako.”“Please,” sabi niya sa akin.“Bakit? May kailangan ka ba?” tanong niya sa akin.“Wala naman,”
GENE“Good morning, sister,” nakangisi na bati sa akin ni Lauzy.Hindi ko siya binati pabalik. Dumiretso na lang ako papunta sa kusina. Tapos na pala silang magluto ng agahan namin. Sure ako na siya ang nagluto dahil narito ang boss ko.“Nagugutom ka na ba, my loves?” tanong niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.“Kumain na ba kayo?”“Hindi pa, hinintay kita para sabay tayong dalawa,” sagot niya sa akin at nakangiti pa rin siya.Ako naman ay nakatingin lang sa kanya dahil ang gwapo niya. Bagay pala sa kanya ang maging pari. Oh my gosh! Pinupuri ko na naman siya. Bakit ko ba ito naiisip? Baka mamaya ay isipin na naman niya na may gusto ako sa kanya. Wala nga ba? Kahit ako ay naguguluhan na rin talaga sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ba ito ang tumatakbo sa isipan ko ngayon?“Okay ka lang ba, my loves?” tanong niya sa akin.“Kumain na tayo,” sabi ko sa kanya at umupo na ako.“Bakit ka nakatingin sa akin?”“Bawal ka na bang tingnan?”“Hindi naman, baka lang kasi nagugustuhan mo
GENE“I want you, my loves.”“I’m—” “I’m not ready,” sabi ko sa kanya dahil ‘yon talaga ang totoo.“It’s okay, it’s fine. Maghihintay ako,” nakangiti na sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo bago siya humiga sa tabi ko. Lihim naman akong humanga dahil hindi niya ako pinilit. Naramdaman ko pa ang muling paghalik niya sa buhok ko. Pumikit na ako para matulog na. Sobrang late na rin naman kaya need na talaga naming magpahinga. Bukas kasi ay panibagong araw na naman para sa pagtatrabaho sa misyon na ito. We need to rest para may lakas kami bukas.Ako ang huling na gising. Napasarap ang tulog ko kaya hindi ko na narinig ang alarm ko. Wala na sa tabi ko ang boss ko. Si Gallong naman ay gising na rin. Bumangon na ako para bigyan siya ng pagkain. Sure ako na gutom na siya.“Gallong, easy ka lang kay Val ha. ‘Wag mo na siyang kakagatin,” kausap ko sa kanya dahil alam ko naman na nakikinig siya sa akin.Masyado pa namang matalino ang alaga ni Libby. Nakakatuwa nga siya dahil alam ni
GENE“Bahala ka na nga dito! Kung ano-ano ang sinasab–”Hinila na naman niya ako kaya naman napaupo na naman ako sa kandungan niya. Kinulong niya ako sa mga bisig niya. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon at hinayaan ko lang siya. Kahit pa alam ko naman sa sarili ko na kaya kong umalis sa kung saan man ako ngayon.“Kakain ka ba o hindi?” tanong ko sa kanya.“Kakain po,” mabilis naman niyang sagot sa akin.“Kung kakain ka pala ay ‘wag kang makulit,” sabi ko sa kanya.“Subuan mo ako,” parang bata na sabi niya sa akin.“Okay,” sabi ko at sinimulan ko na siyang pakainin habang nasa kandungan niya pa rin ako. Gagawin ko na para naman tumigil na siya. Alam ko naman na sobrang kulit niya. Wala rin naman akong magagawa kung pagbawalan ko siya. Patuloy lang ako sa ginagawa ko.“Hindi ka ba kakain?”“Hindi na ako gutom,” sagot ko sa kanya.“Sure ka?”“Opo, sure ak–”Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na naman ang labi niya na nakadikit sa labi ko. Itong lalaking







