patikim lang po muna hahhaha. wait lang po d pa ready si otor. magwork muna silang dalawa hahahha.. Maraming salamat po sa inyo.. isa lang po muna kasi maghahabol muna ako kay Noah.. God bless po!
LIBBY“Wala naman akong sinabi na ayaw ko,” wala sa sarili na sabi ko sa kanya.“Ibig bang sabihin ay—”Hindi ko na siya hinayaan pa na magsalita dahil ako na mismo ang humalik sa kanya. Mabilis naman siyang humalik pabalik sa akin. Nagpalitan kami ng halik na dalawa hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg ko.“Hmmm..”“I want you so bad, misis ko,” pabulong na sabi niya kaya tumayo ang lahat ng balahibo ko sa ginawa niya.“M–Mister ko,” sambit ko at mas pinili ko na ito dahil baka may makarinig kapag Arthur ang itawag ko sa kanya. Doon na tayo sa safe para walang maging problema.“Do you want me too?” “Y–Yes,” nauutal na sagot ko sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko ito.Pero dahil rin sa sagot ko ay mabilis niya akong siniil ng halik. Ramdam na ramdam ko ang panggigil niya sa ginagawa niya. Hanggang sa hinalikan niya ako sa panga, pababa sa leeg ko at may nararamdaman akong kaunting sakit sa pagsis*p niya sa balat ko. Sure ako na magkakaroon na naman ako ng dagdag na k
LIBBYI locked the main door at hinayaan ko sa labas ng bahay si Bully. Habang ang tatlo naman ay kanya-kanya ko ng nilagay sa kulungan nila. Ako naman ay pumasok na sa loob ng silid namin at nagulat ako sa bumungad sa akin dahil nakahiga na siya sa sahig at wala ng suot na damit. Tanging boxer na lang ang suot niya ngayon. Lumapit ako sa kanya at balak ko sana siyang tulungan na pahigain sa higaan namin. Malamig kasi ang sahig.“Hey, gising. Gumising ka muna at lumipat sa kama,” sabi ko sa kanya pero tulog pa rin talaga.“Bakit ka ba kasi uminom? Naglasing ka pa talaga tapos hindi mo naman pala kaya, nakakainis ka na! Trabaho ang pinunta mo dito at hindi para magdrama ka,” sabi ko sa kanya at pinilit ko siyang buhatin pero ang bigat niya lalo pa ang laki niyang tao. Alam ko naman na wala akong mapapala pero senesermonan ko pa rin siya.“Dito ka na lang matulog sa sahig hindi talaga kita kayang buhatin,” sabi ko at tatayo na sana ako para kumuha ng kumot pero bigla na lang niya akong
LIBBY“Pero alam mo rin na napilitan lang tayong dalawa sa kasal na ito,” sabi ko sa kanya.“Oo, pareho tayong napilitan. Pero mahirap ba? Mahirap ba talaga akong mahalin?” “Hindi ka makasagot dahil totoo,” sabi niya sa akin dahil tahimik lang ako. “Kung sabagay, si Adam nga pala ang mahal mo, ano ba naman ang laban ko sa kanya diba? Asawa mo lang naman kasi ako sa papel,” sabi niya sa akin na para bang nasasaktan siya.“Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan!” tumaas ang boses niya.“Bakit? Naaawa ka ba sa akin? Iyang lang ba ang kaya mong ibigay sa akin? Ang awa mo lang ba?”“Tumigil ka na,” sabi ko sa kanya pero nagulat na lang ako dahil bigla na lang siyang lumabas.Ako naman ay naiwan dito at napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako nasaktan. Napatingin ako sa phone ko na ongoing pa rin pala ang tawag kaya naman mas lalo akong nanlumo. Paano ko haharapin ang pamilya niya. Mas pinili ko na lang na ibaba ang tawag at nagpadala ako ng mensahe sa kaibigan ko.To pr
LIBBY“Misis ko, hanggang kailan mo ba ako papahirapan?” tanong niya sa akin.“Hindi naman kita pinapahirapan, ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo, wala akong kasalanan,” sabi ko sa kanya.“Marami akong nais gawin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kung alam mo lang,” sabi niya sa akin.“Ano ba ang hindi ko alam?” tanong ko sa kanya.“Stop teasing me and asking me dahil baka magulat ka sa gagawin ko sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“I’m not teasing you, ikaw lang talaga ang may maruming pag-iisip,” sabi ko sa kanya.“Yeah, ako nga lang talaga.” nakangisi na sabi niya at umalis na siya sa ibabaw ko.“What do you want for dinner?” tanong niya sa akin na bigla na lang nagbago ang mood niya. Ang seryoso niya kasing magtanong.“Ako na ang magluluto, alam ko na pagod ka sa pagmamaneho,” sabi ko sa kanya at tumayo na rin ako para lumabas sa silid namin. Para kasi akong hindi makahinga.At nang makalabas na ako ay saka pa lang ako nakahinga ng maayos. Alam ko naman ang tinutukoy niya at ramdam
LIBBY“May pasalubong ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko pero kaagad rin akong ngumiti lalo na may mga tao na nandito ngayon.“Talaga, mister ko? Ano naman ito?” tanong ko sa kanya pero hinila niya ako papunta sa likurang parte ng pick-up niya at nagulat ako sa bumungad sa akin.“Bakit may—”“Sabi mo kagabi, gusto mo ng aso, kaya bumili ako para sa ‘yo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.“Pero pinag-iisipan ko pa lang naman at wala pa naman akong balak na–”“Hayaan mo na po, misis ko. Gusto ko na ibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi lang aso ang binili ko kundi pati na ang parrot,” sabi niya sa akin.“Hindi mo naman kailangan na–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi para patigilin na ako sa pagsasalita. Alam na alam niya talaga kung paano ako patahimikin.“Mister ko, hindi mo kailangan na gumastos ng malaki. Alam ko na mahal ang bullmastiff at baka maubos na ang savings mo,” pagkukunwari na sabi ko pero syempre sa loob loob ko ay s
LIBBY“Bakit? Mahal mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya at nakatingin ako sa mga mata niya.“Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo kung ikaw nga mismo hindi mo ako mahal,” sagot niya sa akin.“Tama ka naman,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. Wala na akong tanong kaya tumalikod na lang ako.Hindi ko alam kung bakit ba feeling ko disappointed ako. Eh ano naman kasi ang inaasahan ko na isasagot niya sa akin? Na mahal niya ako? Tapos siya hindi ko naman mahal, may point rin talaga ang sagot niya sa akin.Kahit naman siguro ako ay same kami ng isasagot na dalawa. Pumikit na ako para matulog na pero naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin. Ang init ng yakap niya na para bang hinihili niya ako kaya bumibigat naman ang talukap ng mga mata ko.“Good night, misis ko.” narinig ko na bulong niya bago pa dumilim ang lahat.Nagising ako na ako na lang ang nandito sa kama namin. Tama na nga siya, safe ako sa kanya dahil wala siyang ginawa na kahit ano sa akin. Wala na rin dito ang mga