THANK YOU PO SA INYONG LAHAT!
NOAH VILLAMOR(CONTINUATION OF FLASHBACK)‘Yung excited at masaya ako dahil makakauwi na ako. Miss na miss ko na talaga siya. Kaya lang masama pala ang pakiramdam niya. Gusto kong dalhin sa ospital pero ayaw naman niya. Hanggang sa sinabi na niya sa akin na buntis siya.Walang paglagyan ang saya sa puso ko. Sobrang saya ko na malaman na buntis siya. Ito talaga ang hinihintay ko at mabuti na lang malakas talaga ang sp*rm ko dahil may nabuo agad. Mabuti na lang talaga at may dahilan na ako para hindi na siya pumasok sa trabaho niya. Kinausap ko pa ang principal na ‘yon na ‘wag ng lapitan ang asawa ko.Mabuti na lang at nakinig kaya naman tinuloy ko ang pagbigay ng sponsor sa school nila at para rin ‘yun sa mga bata. Kahit naman sundin niya ako o hindi ay ibibigay ko pa rin naman. Pero mas malaki ang binigay ko dahil natuwa ako sa kanya. Ang buong akala ko talaga ay ipaglalaban pa niya ang pagkagusto niya sa asawa ko.Kahit pa gawin niya ito ay wala rin namang mangyayari dahil buntis na
NOAH VILLAMOR(CONTINUATION OF FLASHBACK)Marami ang nangyari kaya mas pinili ko na sa akin na lang siya tumira. Ang bahay nila ay sa kanya pa rin. Ako lang rin naman ang bumili at saka ko na lang itatanong sa kanya kung ano ba ang balak niya doon. Kung ibebenta ba niya o kahit na ano pa ay hahayaan ko siya.Kaya ko siyang buhayin kaya ayaw ko sana na magtrabaho pa siya. Pero kasi alam ko rin na mahal niya ang ginagawa niya. Kaya hinayaan ko siya kahit pa ang totoo ay nagsisimula na akong mainis at magselos sa principal na halata namang type ang asawa ko.Oo asawa ko, kahit pa ako lang ang may alam ng totoo ay para sa akin siya ang asawa ko. At masayang-masaya ako na katabi ko na siya lagi sa pagtulog ko. Masaya ako na kahit pa inosente siya ay unti-unti ko ng binubuksan ang mundo ng kah*layan sa kanya. Kung sa school ay siya ang teacher, dito naman sa loob ng silid naming dalawa ay ako. Ako ang magtuturo sa kanya ng mga dapat niyang malaman kahit pa alam ko na nahihiya siya sa akin.
NOAH VILLAMOR(CONTINUATION OF FLASHBACK)“Sir, may naghahanap raw sa ‘yo,” sabi sa akin ng secretary ko.“Who?”“Thea Faith Ferre–”“What?! Bakit siya nandito?” hindi makapaniwala na tanong ko.“Sasabihin ko po sa baba na hindi mo siya–”“Sabihin mo na maghintay siya,” sabi ko sa secretary ko.“Kilala mo po ba siya, Sir?”“Huwag niyo siyang paalisin,” sabi ko na para bang naiinis ako.Pero hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Talagang kinakabahan ako. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta siya dito ngayon. Nag-iisip pa lang naman ako ng magiging plano ko pero bigla na lang siyang dumating. Kailangan kong mag-isip agad ngayon dahil ayaw ko naman na paghintayin siya ng matagal. Kahit na wala naman talaga akong meeting ay sinabi ko sa kanya na may meeting ako. Ang hirap naman ng ganito.“Sh*t!”“Ano ba ang gagawin ko?!”“Fvck! Mag-isip ka! Mag-isip ka, Noah. Huwag kang b*bo ngayon! Mag-isip ka ng mabuti!” kausap ko sa sarili ko.Kahit pa hindi ako sure kung bakit ba siya nandito ay ma
NOAH VILLAMOR(CONTINUATION OF FLASHBACK)Lumipas ang ilang taon….Dahil sa alam ko na mali ay pinigilan ko ang sarili ko. May mga pagkakataon na nakikita ko siya pero mas mabuti na ito na nakatingin lang ako sa kanya sa malayo. Lumipas pa ang mga araw at nagin taon na ay nakatanaw lang ako sa malayo. Masaya ako na makita na nakapagtapos siya at masaya siya kasama ang daddy niya. Alam ko na magagalit sa akin si Kuya kaya mas pinili ko na lang na hindi gawin kahit pa alam ko sa sarili ko na mahal ko ang anak niya. Hindi ko nga alam pero wala na nga akong interes sa mga babae. Sa totoo lang ay nakikipag-inuman man ako pero hindi na ako gumagalaw ng kahit na sinong babae.Wala na akong gana na makipag-fling tulad ng ginagawa ko. Lumalaki na si Elli at nag-aaral na siya. Mas madalas na akong nandito sa Pilipinas. Ilang taon akong nagtatago para hindi ako makita ni Thea. Minsan nga ay gusto ko na magpakita sa kanya pero kapag gagawin ko naman ay naduduwag ako.Ano ba kasi ang dapat kong sa
NOAH VILLAMOR (CONTINUATION OF FLASHBACKS)Kung noon ay naiinis ako sa traffic, pero ngayon naman ay masaya ako. Masaya ako na lagi na lang akong stock sa traffic. Araw-araw na yata akong dumadaan dito para lang makita ko lagi ang babaeng kinahuhumalingan ko. Ngayon lang ako natuwa ng ganito. Ngayon lang ako masaya na naiipit ako sa gitna ng traffic. Ako na nga ang nagmamaneho ng sasakyan ko para malaya ko siyang nakikita araw-araw. Hindi naman ako nabibigo dahil nakikita ko siya lagi at kabisado ko na nga ang oras ng uwi niya.Makita ko lang siya ay para na akong tangang nakangiti at kinakausap ko ang sarili ko. Ang mga hindi ko ginagawa noon ay ginagawa ko na ngayon. Gwapo ako, alam na alam ko ‘yon dahil maraming babae ang naghahabol sa akin pero ito ako ngayon. Panay ang stalk sa isang college student. Hindi ko kasi alam kung paano ba ako lalapit sa kanya. Baka bigla na lang matakot sa akin. Mukhang wala siyang kaibigan dahil lagi na lang siyang mag-isa. Kaya sa tingin ko ay wala r
NOAH VILLAMOR Ilang araw na akong puyat. Pero okay lang, ang mahalaga ay natutulungan ko na ang asawa ko. Gusto kong bumawi sa paraan na alam ko. Alam ko na maraming sakripisyo at hirap ang pinagdaanan ng asawa ko. Sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi siya nahirapan na manganak. Nakakahiya talaga na hinimatay ako sa araw ng panganganak niya. Hindi ko talaga kasi napigilan ang sarili ko.Talagang sobrang kinakabahan ako noon. Natataranta na ako tapos bigla pa niya akong inutusan na silipin ko pa kaya talagang hindi ko na kinaya ang kaba ko. Malakas ang tiwala ko sa sarili ko, masyado akong mayabang pero nang manganak ang asawa ko ay naglaho ang lahat ng yabang ko sa katawan dahil naging duwag ako. Dito lang ako titiklop, sa asawa ko lang at sa bagong buhay ko.Mabuti na lang rin ngayon na nandito si mommy. Binisita niya kami dahil nais niya na makita ang apo niya. Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha ng parents ko. Matagal na kasi nilang gusto na magkaroon ng apo mula sa akin. Kahit