THANK YOU PO! GOD BLESS PO!
THEA FAITH“Noah,I mean my Ninong Noah, sa totoo lang hindi talaga kita kilala kasi hindi naman kita nakikita noon. At noong kailangan kong ng tulong ay hindi ko inaasahan na makikilala kita. Kahit pa hindi ko alam na ikaw pala ang ninong. Kung hindi mo ako tinulungan ay baka ipinakasal na nila ako sa iba. Thank you for saving me.Sa totoo lang nahihiya ako noong mga panahon na kailangan kong pumunta sa ‘yo para humingi ng tulong para sa daddy ko. Pero kailangan ko kaya sobrang nagulat talaga ako ng alokin mo ako na maging asawa mo kapalit ng pagtulong mo sa akin. Hindi naman ako nainis kasi ayaw ko rin talaga na magkaroon ng utang na loob sa ‘yo.Alam ko rin na tutulungan mo ako at tutulungan rin kita. Vise versa, ika nga nila. Pero may mga pangyayari pala talaga na kahit gustuhin natin ay hindi mangyayari dahil sa gabi ng kasal natin ay doon rin ako iniwan ng daddy ko. Sobrang na lungkot ako dahil alam ko na magiging mag-isa ako pero hindi, hindi mo hinayaan na maging malungkot ako.
THEA FAITH“Libby, ano ba ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya.Nakangiti lang siya at hindi siya sumagot sa tanong ko. May lumapit sa akin at nilagyan nila ako ng extension ng gown ko. Kaya naging bonggang white gown na ito at may naglagay pa ng veil sa ulo ko.“Libby–”“I’m so happy for you, ate. Huwag kang umiyak dahil masisira ang makeup mo,” sabi niya sa akin.“Nakakagulat naman kayo,” sabi ko sa kanya.“Si Kuya ang may pakana ng lahat ng ito,” sabi niya sa akin habang nakangiti.“Kaya pala lagi siyang busy,” sabi ko habang pinipigilan ang luha ko. Hindi ko talaga alam na ganito ang mangyayari sa araw na ito. Hindi man lang ako handa at talagang magaling sila magtago ng sikreto dahil hindi man lang ako naghihinala. Inalalayan nila ako papunta sa may mismong pintuan ng simbahan. Nakasara pa ito, inayos ni Libby ang veil ko.“Are you ready na, ate?”Ngumiti naman ako bilang sagot sa kanya. Tumayo na ako at naghanda na. Hanggang sa unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan.
THEA FAITHMasaya ang naging bakasyon namin sa probinsya nila yaya. Namasyal kami doon at talagang sinulit namin ang masarap na simoy ng hangin. Nag-extend rin kami ng dalawang araw doon.Pagbalik namin dito sa Manila ay naghahanda naman kami ng gender reveal. Kailangan na kasing umalis ni Libby. Babalik na raw siya sa trabaho niya at kami naman ay pupunta na sa US. Busy lagi si Noah sa trabaho niya at gabi na lagi kong umuwi. Alam ko na kailangan niyang ayusin ang lahat bago kami umalis. Hindi ko na kasama ang asawa ko dahil si Elli at Libby ang kasama ko ngayong araw. Pupunta kami sa hospital at sila na raw kasing dalawa ang bahala sa gender reveal party namin. At ang asawa ko naman na masyado excited kaya ang laki ng budget na binigay niya sa dalawa. Kaya magiging bongga raw talaga ito. Si Libby ang driver namin. Iniwan niya si Gallong dahil baka matakot ang iba sa kanya kahit pa ang totoo ay mabait naman siya. Ang cute pa ng alaga ni Libby kasi matalino siya. Pagdating namin sa h
THEA FAITH“Love, naisip ko lang. What if pumunta tayo sa US kapag gumaling na si Elli? Doon na lang kaya tayo?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.“Sa tingin mo ba ay mas okay na doon tayo?” tanong ko sa kanya.“Mas tahimik doon, mas magiging masaya tayo,” sagot sa akin ng asawa.“Paano sila manang?”“Dito pa rin sila, sila ang magiging tao sa bahay natin. Naisip ko lang kasi na hindi talaga healthy ang environment dito, hindi makakatulong sa ‘yo, sa inyo ng mga anak natin.” sagot niya sa akin kaya naging tahimik ako ng ilang segundo.“Tama ka, love. Sa tingin ko rin ay makabubuti ito sa atin. Pero paano ang trabaho mo?”“Magtatrabaho pa rin ako. Doon naman talaga ang main branch ng company, walang magiging problema sa trabaho ko,” sagot niya sa akin.“Okay, doon na tayo. Kung saan tayo may peace of mind pero puwede ba tayong pumunta kay yaya? Gusto ko magpaalam sa kanya ng personal,” sabi ko sa asawa ko.“Kapag gumaling na si Elli ay pupunta tayo doon,” nakangiti na sabi niya kaya
THEA FAITHMaayos ang lahat ng test results ko sa naging checkup ko. Mas pinili namin na hindi alamin kung ano ba ang gender ni baby. Saka na lang kapag nakalabas na ang anak namin. Kapag nakalabas na si Elli sa hospital. Masyado pa namang maaga para sa gender reveal.“Love, puwede ba tayong dumaan kay Elli?”“Of course, love.” sagot sa akin ng asawa ko.“Bumili tayo ng pasalubong para sa kanya. Alam ko na miss na niya ang mga kinakain niya noon,” sabi ko sa kanya.“Tama ka, kaunting hintay na lang at makakasama na natin siya ulit sa bahay.” malambing na sabi ng asawa ko.“Gusto ko na ulit siya masama. Lagi na lang sa video calls kami nag-uusap,” sabi ko sa asawa ko.“Hindi kasi makabubuti na lagi kang magstay sa hospital. Baka mahawa ka sa mga sakit doon, kawawa naman kayo ni baby,” sabi niya sa akin habang hinahalik-halikan niya ang kamay ko.“Tama ka, love. I understand naman po, miss ko lang talaga ang panganay natin,” sabi ko sa kanya.“Sure ako na miss na miss ka na rin niya,” sa
THEA FAITH“Baby, mommy is here. Gising ka na po, lumaban ka po. Please, please po. I’m begging you, lumaban ka. Kasi mahal na mahal ka ni mommy, mahal na mahal ka namin ng daddy mo,” umiiyak na sambit ko.“Love, alam ko na nahihirapan siya at alam ko na lumalaban siya, alam ko rin na mahal niya tayo, ” sabi sa akin ni Noah.“Kailangan niyang lumaban, lalaban siya, magiging buo at masaya pa ang pamilya natin,” sabi ko sa kanya.“Naniniwala ako na lalaban siya. Mahal na mahal siya ng magiging kapatid niya.”Niyakap ako ng asawa ko at nagstay pa kami ng ilang sandali dito sa loob ng ICU. lumabas rin kami dahil bawal kami magtagal dito. Umupo muna kami dito sa labas. Sinabi ko rin sa kanya na pinuntahan ko si Elisia at na galit siya nang malaman niya ang sinabi nito. Gusto niya itong sugurin pero pinigilan ko siya.“Sa kanilang dalawa ay siya ang dapat na mamatay. Baliw na talaga siya!” sabi ng asawa ko.“Tama ka, sana nga siya na lang. Alam ko na pangit na magsalita ng ganito pero ang sa