THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO!
THEA FAITHNakakapanibago, hindi kasi ako sanay. Pero kahit pa nakakapanibago ay alam ko na masasanay rin ako dito. Isang buwan na kaming nandito sa US. Si Elli naman ay walang nagbago sa kanya. Nakikita ko na okay naman siya. Sa totoo lang ay sobrang nag-aalala talaga ako sa kanya dahil nga sa mga nangyari noong bago kami pumunta dito.Noong paalis kasi kami ay nakatanggap kami ng balita na wala na si Elisia. Nagpak*matay ito sa loob ng kulungan. Nakakalungkot lang na hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon ang sarili niya na magbago. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon na kausapin ang anak niya. Talagang namatay siya na wala pa rin siyang pakialam kay Elli.Sa totoo lang ay mas nalungkot pa ako kaysa sa anak ko. Nakaramdam rin ako ng galit sa kanya pero kasi wala na siya patay na. Gusto ko pa rin kasi na maging maayos sila kahit pa masama ang ginawa ni Elisia. Kahit man lang humingi siya ng tawad sa anak niya. Kaya siguro mas pinili ni Elli na hindi na ito puntahan dahi

THEA FAITHAfter namin sa simbahan ay dumiretso kami sa reception ng kasal namin at sa isang private villa ito ng pamilya nila. Ang ganda dito at talagang pinaghandaan nila kasama na ang gender reveal party ni baby. Nakakatuwa lang na super supportive ng pamilya ng asawa ko. Wala akong masabi sa kanila dahil kahit ang mga tito at tita niya ay mabait.Mayaman sila pero pantay-pantay ang tingin nila sa iba. Isa ‘yon sa nagustuhan ko sa kanila. Sobrang welcome ako sa pamilya nila. Wala akong narinig na kahit na anong judgement mula sa kanila. Naging masaya ang reception naman at grabe ang mga binigay nila sa amin. Para bang barya lang sa kanila. Hindi thousand kundi milyon-milyon ang mga halaga nito.Sa totoo lang ay hindi naman namin ito kailangan dahil sobra-sobra na ito pero ika nga nila ay blessing ito. Nakakatuwa lang talaga ang mga nangyayari sa buhay ko. May nawala pero may pumalit naman. At mas maganda ang regalo na iniwan sa akin ni daddy. Ang regalong ipinagpapasalamat ko. At it
THEA FAITH“Noah,I mean my Ninong Noah, sa totoo lang hindi talaga kita kilala kasi hindi naman kita nakikita noon. At noong kailangan kong ng tulong ay hindi ko inaasahan na makikilala kita. Kahit pa hindi ko alam na ikaw pala ang ninong. Kung hindi mo ako tinulungan ay baka ipinakasal na nila ako sa iba. Thank you for saving me.Sa totoo lang nahihiya ako noong mga panahon na kailangan kong pumunta sa ‘yo para humingi ng tulong para sa daddy ko. Pero kailangan ko kaya sobrang nagulat talaga ako ng alokin mo ako na maging asawa mo kapalit ng pagtulong mo sa akin. Hindi naman ako nainis kasi ayaw ko rin talaga na magkaroon ng utang na loob sa ‘yo.Alam ko rin na tutulungan mo ako at tutulungan rin kita. Vise versa, ika nga nila. Pero may mga pangyayari pala talaga na kahit gustuhin natin ay hindi mangyayari dahil sa gabi ng kasal natin ay doon rin ako iniwan ng daddy ko. Sobrang na lungkot ako dahil alam ko na magiging mag-isa ako pero hindi, hindi mo hinayaan na maging malungkot ako.
THEA FAITH“Libby, ano ba ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya.Nakangiti lang siya at hindi siya sumagot sa tanong ko. May lumapit sa akin at nilagyan nila ako ng extension ng gown ko. Kaya naging bonggang white gown na ito at may naglagay pa ng veil sa ulo ko.“Libby–”“I’m so happy for you, ate. Huwag kang umiyak dahil masisira ang makeup mo,” sabi niya sa akin.“Nakakagulat naman kayo,” sabi ko sa kanya.“Si Kuya ang may pakana ng lahat ng ito,” sabi niya sa akin habang nakangiti.“Kaya pala lagi siyang busy,” sabi ko habang pinipigilan ang luha ko. Hindi ko talaga alam na ganito ang mangyayari sa araw na ito. Hindi man lang ako handa at talagang magaling sila magtago ng sikreto dahil hindi man lang ako naghihinala. Inalalayan nila ako papunta sa may mismong pintuan ng simbahan. Nakasara pa ito, inayos ni Libby ang veil ko.“Are you ready na, ate?”Ngumiti naman ako bilang sagot sa kanya. Tumayo na ako at naghanda na. Hanggang sa unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan.
THEA FAITHMasaya ang naging bakasyon namin sa probinsya nila yaya. Namasyal kami doon at talagang sinulit namin ang masarap na simoy ng hangin. Nag-extend rin kami ng dalawang araw doon.Pagbalik namin dito sa Manila ay naghahanda naman kami ng gender reveal. Kailangan na kasing umalis ni Libby. Babalik na raw siya sa trabaho niya at kami naman ay pupunta na sa US. Busy lagi si Noah sa trabaho niya at gabi na lagi kong umuwi. Alam ko na kailangan niyang ayusin ang lahat bago kami umalis. Hindi ko na kasama ang asawa ko dahil si Elli at Libby ang kasama ko ngayong araw. Pupunta kami sa hospital at sila na raw kasing dalawa ang bahala sa gender reveal party namin. At ang asawa ko naman na masyado excited kaya ang laki ng budget na binigay niya sa dalawa. Kaya magiging bongga raw talaga ito. Si Libby ang driver namin. Iniwan niya si Gallong dahil baka matakot ang iba sa kanya kahit pa ang totoo ay mabait naman siya. Ang cute pa ng alaga ni Libby kasi matalino siya. Pagdating namin sa h