LOGINTHEA FAITH
“Sumama ka sa akin,” sabi niya sa akin.
“Saan po?”
“Magpapakasal ka na,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko.
“A–Anong sabi mo?” nauutal na tanong ko.
“Ang sabi ko magpapakasal ka na!” sagot niya at pilit akong hinihila paalis.
“Hindi, hindi ako sasama sa ‘yo kaya bitiwan mo ako!” galit na sigaw ko sa kanya dahil wala akong balak na sumama sa kanya/ sa kanila.
“Huwag mong gawing komplikado ang lahat ng ito. Sumama ka na lang para matapos na ang lahat ng problema natin.” sabi niya sa akin.
“Wala kang karapatan na diktahan ako sa buhay ko kaya tigilan mo ako. Kung gusto mong magpakasal ay ikaw na lang.” pagmamatigas ko.
Bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal? Sa taong hindi ko naman kilala. Magpapakasal ako para magkapera siya? Hindi ko gagawin ang nais niya. Mas gugustuhin ko pang magpakasal sa isang estranghero kaysa pakasalan ang taong nais nila para sa akin. Dahil alam ko na ipapakasal lang niya ako kapalit ng pera.
“Barj, hilahin mo na siya. Kailangan na natin siyang dalhin kay Mr. Lim,” utos niya sa anak niyang lalaki.
Mabilis naman itong lumapit sa akin at kaagad na hinawakan ang pulsuhan ko.
“Bitiwan mo siya!” sigaw ni yaya at hinihila niya ako.
“Bitiwan mo nga ako!” naiinis na sambit ko kay Barj na stepbrother ko.
“Huwag kang mangialam ditong matanda ka!” sigaw niya at tinulak niya si yaya kaya natumba ito.
Dahil sa ginawa niya ay hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang tinulak dahil sa ginawa niya sa yaya ko. Galit ko siyang tiningnan pero nakangisi lang siya sa akin.
“Yaya, are you okay?” nag-aalala na tanong ko sa kanya.
“Okay lang ako. Tumakas ka na, ‘wag ka munang magpapakita sa kanila.” pabulong na sabi sa akin ni yaya.
“No, hindi po ako aalis dito.” sabi ko sa kanya.
“May binigay sa akin ang daddy mo. Puntahan mo siya ito, baka siya ang makakatulong sa ‘yo.” sabi ni yaya at may binigay siyang nakatupi na papel.
“Pero–”
“Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala dito, ako na ang bahala sa daddy mo.” sabi niya sa akin.
Ayaw kong iwan ang yaya ko pero kailangan kong umalis dahil sigurado ako na hindi sila nagbibiro. Talagang ipapakasal nila ako para sa sarili nilang kapakinabangan. Alam ko ang ginagawa nila gusto nilang magpakasal ako at babayaran sila ng malaking halaga.
“Saan ka pupunta?” sigaw sa akin ng stepmom ko pero hindi ako sumagot o lumingon man lang sa kanya.
“Barj, habulin mo siya!” pasigaw na utos niya sa anak niya.
Nang dahil sa narinig ko ay mabilis akong tumakbo. Tumakbo palayo sa kanila. Alam ko na mabilis si Barj pero kailangan kong makalayo sa kanila. Hindi niya ako puwedeng mahuli. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko namalayan na may makakasalubong akong tao kaya bumangga ako sa kanya.
“I’m sorry po,” mahina na sabi ko doon sa tao at hindi na ako tumingin sa kanya.
“Sorry po talaga,” sabi ko sa kanya at mabilis akong pumasok sa isang silid para magtago.
Nang sumilip ako ay nakita ko si Barj at ang lalaki na nabangga ko. Nakatalikod ang lalaki sa akin pero nakasuot ito ng business suit. Napahawak ako sa puso ko dahil ang bilis ng t*bok nito ngayon. Naiinis at nagagalit ako sa stepmom ko. Ngayon na alam niyang nasa kritikal na ang daddy ko ay ngayon rin siya gumagawa ng gulo.
“Sir, may nakita po ba kayong babae?” tanong ni Barj sa lalaki.
“Wala,” sagot nito kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Mabuti na lang talaga at hindi niya sinabi ang totoo. Nakahinga ako ng maayos. Kaagad naman na umalis si Barj kaya naman lumabas na ako sa pinagtataguan ko para magpasalamat sa taong tumulong sa akin.
“Excuse me, Sir.” mahina na sabi ko.
“You’re welcome,” bigla niyang sabi na ikinagulat ko.
Wala lang hindi ko lang talaga inaasahan na maririnig ko mula sa kanya ang ganun. Hindi pa nga ako nag-thank you ay nagwelcome na siya. Napangiti na lang ako bigla. Hindi ko lang talaga alam pero bigla na lang akong tumawa. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang yata ulit.
“What’s funny?” tanong niya sa akin kaya naman tumigil na ako dahil ang seryoso ng boses niya.
“Sorry, Sir. Nagulat lang po ako,” sagot ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.
“Saan ka nagulat?” tanong niya sa akin at bigla na lang siyang humarap humarap sa akin.
Kaya naman hindi ko inaasahan na.. na.. na ganito ang mukha niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matulala sa kanya. Ang gwapo niya, ang gwapo niya pala. Kaya pala ang ganda ng boses niya kahit pa seryoso ito. Matangkad siya, maganda ang katawan at sobrang gwapo niya.
“Hey, you okay?” tanong niya sa akin sabay snap ng daliri niya.
“Okay lang po ako. Thank you po, thank you po sa pagligtas sa akin.” sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa akin. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-gwapo na lalaki maliban sa daddy ko. May mga gwapo na akong nakita noon pero hindi niya kasing gwapo. Kahit pa naging businessman ang daddy ko ay never akong sumama sa kanya sa mga party dahil taong bahay lang talaga ako.
Kaya naman para akong ewan ngayon habang nakatingin sa kanya. Pero bigla rin akong nahiya kaya naman yumuko na lang ako. Baka kasi mamaya ay magalit siya sa akin. Baka isipin pa niya na natataka ako sa kanya kaya sana hindi na lang niya ako tinulungan.
Bigla na lang siyang tumalikod sa akin at sa tingin ko ay aalis na siya.
“Thank you po ulit, Sir.” sabi ko.
Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang lumingon sa akin kaya naman naglakad na rin ako sa ibang direksyon. Habang naglalakad ako ay bigla kong naalala ang binigay sa akin ni yaya kanina. Nang tingnan ko ito ay nakita ko na isa itong calling card.
“Noah Villamor,” basa ko sa pangalan na nakasulat dito.
NASH TYLER“Tita Lib, ano ba ang gagawin ko?” tanong ko sa tita ko dahil sinadya ko siyang puntahan ngayon.“Ang dapat mong gawin ay magstay, kung ‘yan ang nais ng asawa mo. Sa tingin mo ba ang pagtakas ang solusyon sa lahat? Sa tingin mo ba ang pagkulong sa kanya ay naging maganda? Kapag aalis kayo ay hindi pa rin naman kayo malaya, wala pa rin namang kalayaan kaya ang mas mabuting gawin ay ang harapin niyo para matapos na,” sagot niya sa akin.“Tutulungan mo ba kami?” tanong ko sa kanya.“Kaya mo na ‘yan,” sabi niya sa akin.“Pero–”“Matalino ka kaya alam mo na kaya mo. At isa pa kilala mo na ang kaaway ng pamilya ng asawa mo. Hindi puwedeng mangialam ang mga agent sa mafia,” sabi niya sa akin.“Bakit po?”“Alam ko kasi na kaya niyo na ‘yan? Wala namang kailangan na iba, kundi ang matapos na lang ito,” sabi niya sa akin.“Ayaw rin naman niyang umalis. Gusto niyang makasama ang pamilya niya,” sabi ko sa tita ko.“Sa tingin ko ay tama siya. Sa tingin ko ay mali na magsayang na naman
NASH TYLER“Iho, can we talk?” tanong sa akin ng daddy ng asawa ko.“Yes po, Sir.”“Call me dad, asawa ka ng anak ko kaya dapat lang na daddy ang itawag mo sa akin.”“Ano po ang pag-uusapan natin, dad?”“Puwede mo bang ilayo dito ang anak ko?” tanong niya sa akin.“Po?”“Naisip ko lang kasi na kapag nandito siya ay mapapahamak siya. Kaya binibigay ko na siya sa ‘yo dahil alam ko na aalagaan mo siya. Pinagsisihan ko ang pagkulong ko sa kanya. Alam ko na malaki ang galit niya sa akin sa mga kasinungalingan na hinayaan ko lang na paniwalaan niya. Pero ginawa ko lang ‘yon para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at ayaw ko na mawala siya sa amin,” sabi niya sa akin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.“Opo, hindi tama ang ginawa mo pero dahil rin sa ginawa mo ay safe pa rin siya hanggang ngayon. Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak mo at kung nais mo po talaga na sa akin na siya ay gagawin ko ang lahat para alagaan at protektahan siya. Asawa ko po siya at mahal na mahal
LETTISIA LORRAINE“No!” sigaw ko dahil nakita ko na bumagsak ang asawa ni daddy.May tama siya ng baril at kitang-kita ko ang dugo ngayon na nasa katawan niya.“Honey!” narinig ko na sambit ni daddy kaya kahit pa hawak ako ni Nash ay mabilis akong bumaba para daluhan ito.“Please, stay,” sabi ko sa kanya.“Anak ko,” sambit niya kaya naiyak ako. Nakita ko rin ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.“Daddy! Dalhin po natin siya sa hospital! Dalhin po natin siya!” sabi ko kay daddy at sumisigaw na ako.“Love, please dito ka muna,” sabi sa akin ng asawa ko.“Dalhin natin siya sa ospital, Nash. Please, dalhin natin siya,” sabi ko sa kanya.“Dadalhin natin siya. Pero kailangan mo munang pumasok sa loob ng van, please. Please, love ayaw ko na masaktan ka,” sabi niya sa akin.“Please, dalhin natin siya,” sabi ko sa kanya.“Opo, love. Dadalhin natin at magiging okay ang lahat. Listen to me, pumasok na muna tayo sa loob, baka matamaan ka dito,” sabi niya sa akin.“Tayong dalawa,” sabi ko sa kany
LETTISIA LORRAINENanatili na lang ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit ulit sa kanya. Ni hindi ko na nga nabibigyan ng pansin ang sakit ng katawan ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko na sinabi sa akin ni daddy.Sa totoo lang ay mahirap talagang paniwalaan lalo na iba ang nakikita ng mga mata ko. Iba ang naranasan ko pero naisip ko rin na hindi ko dapat isara ang posibility na nagsasabi siya sa akin ng totoo. Lumapit sa akin si mommy Thea.“Anak, sana ay buksan mo ang puso ko sa parents mo. alam ko na nasaktan ka, alam ko rin na marami kang hinanakit sa kanila. Pero kung papakinggan mo lang sila ay alam ko na maiintindihan mo rin sila. Hindi ko sinasabi na tama ang ginawa nila. Ang sa akin lang ay sana bigyan mo sila ng chance na patunayan na tama ang lahat ng mga sinasabi nila sa ‘yo,” sabi sa akin ni mommy Thea.“Love, kung natatakot ka na sumama sa kanila ay sasama ako sa ‘yo,” sabi sa akin ng asawa ko.“No,
LETTISIA LORRAINE“Sakto pala para surprise–” Pero hindi ko inaasahan sa pagdating namin ay.“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanila.“Alle, anak,” sabi sa akin ng asawa ni daddy.“Bakit sila nandito? Alam mo ba na nandito sila?” tanong ko sa asawa ko.“Hindi ko alam, love,” sagot niya sa akin.“Hindi ako sasama sa inyo. Dito lang ako, kahit pa patayin mo ako ay hindi ako sasama sa ‘yo. Dito lang ako sa asawa ko,” sabi ko sa kanila.“Asawa?” kunot noo na sambit ni daddy.“Opo, asawa ko po si Nash. Kaya wala ka na pong karapatn pa sa akin,” sabi ko sa kanya.“Anak pa rin kita kaya may karapatan ako sa ‘yo.”“Hindi na ako sasama sa ‘yo. Sawang-sawa na ako sa pagkulong mo sa akin. Gusto ko rin maging normal. Gusto ko rin na maging masaya, mahirap bang ibigay sa akin ‘yon? Mahirap po ba?” “Umuwi na tayo,” mahinahon na sabi sa akin ng asawa niya.“Hindi, hindi ako sasama sa inyo! Hindi na kailanman,” sabi ko sa kanya.“Anak, please.”“Hindi mo ako anak,” sabi ko sa kanya.“Anka ki
LETTISIA LORRAINEMasakit ang katawan ko nang magising ako ngayon. Hindi ko inaasahan na ganito pala ito ka sakit. Parang hindi ko yata kayang bumangon. Mabuti na lang talaga at nandito ang asawa ko ngayon kaya hindi ako nahihirapan na pumunta sa banyo. Binuhat niya ako at hindi niya ako hinayaan na maglakad.“Hindi ka ba papasok sa office?” tanong ko sa kanya.“Hindi po,” sagot niya sa akin.“Bakit?”“Dahil aalagaan po kita,” malambing na sagot niya sa akin.“Thank you po,” nakangiti na sabi ko sa kaniya. Dahil kinikilig naman ako sa ginawa niya.“May gusto ka bang kainin?” tanong niya sa akin,“Wala po, pero nagugutom na ako. Kung ano man ang iluluto mo ay kakainin ko. Hindi naman po ako maselan,” sabi ko sa kanya.“Alam ko po, kaya kumain na tayo,” sagot niya sa akin.“Nagluto na ako ng breakfast kanina kaya kumain na tayo,” sabi niya at binuhat na naman niya ako.Nakasuot lang ako ngayon ng bathrobe. Kaming dalawa lang naman dito kaya walang magiging problema. Nakita na naman niya







