THEA FAITH
“Noah Villamor,” basa ko sa pangalan na nakasulat dito.
Iniisip ko at pilit kong inaalala dahil parang pamilyar sa akin ang pangalan niya. Parang narinig ko na ito dati pa.
“Saan ko ba narinig ang name niya?” tanong ko sa sarili.
“Noah?”
“Noah?”
“Noah?” paulit-ulit na bigkas ko sa pangalan na ito.
“Noah? Ninong Noah?” tanong ko bigla sa sarili ko at may bigla akong naalala.
Tama! Siya nga, siya nga ang ninong ko na nakatira sa ibang bansa. Siya ang sinasabi sa akin ng daddy ko noon na kaibigan niya pero mas matanda lang ang daddy ko sa kanya. Maaga rin kasing nag-asawa ang daddy ko noon. At may mga kaibigan siya noong high school pa siya na ibang grade level.
Kaagad akong nabuhayan ng loob na baka tulungan niya ako pero naisip ko rin na baka wala siya dito sa Pilipinas. Bigla akong nalungkot pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong subukan.
“Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan self,” kausap ko sa sarili ko.
May nakalagay na address dito kaya susubukan kong puntahan. Baka kasi nasa Pilipinas na siya. Baka kasi matulungan niya ako sa company ni daddy at sa pagpapagamot ko sa kaibigan niya. Nakakahiya man itong gagawin ko ay kailangan kong lunukin ang lahat ng hiya ko para sa daddy ko. Lahat ay kaya kong gawin para sa kanya.
Mabilis akong umalis ng hospital. Nag-taxi na lang ako kahit pa nagtitipid ako dahil hindi ko rin naman alam pumunta doon kapag nagjeep ako. Habang nasa daan ay iniisip ko na kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Sana lang talaga ay makausap ko siya. Sana lang talaga ay maalala niya ang daddy ko.
Nang makarating na ako sa may harap ng matayog na building ay halos malula ako sa sobrang taas nito. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa loob ng building. Pinapasok naman nila ako at itinituro sa may information para doon daw sabihin ang kailangan ko.
“Good morning, Miss. Puwede ko po bang makausap si Noah Villamor?” tanong ko sa information desk nila.
“May appointment ka po ba, Ma’am?” tanong niya sa akin.
“Wala eh, biglaan lang kasi. Pero ninong ko siya, puwede mo bang itanong kung puwede ko siyang makausap?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko po magagawa ang bagay na ‘yan–”
“Teacher po ako, ito po ang ID ko. Hindi naman po ako masamang tao, gusto ko lang talaga makausap ang ninong ko. Puwede mo pong sabihin sa kanya ang pangalan ko. Puwede niyo pong sabihin na anak ako ni Theodore Ferrer,” sabi ko sa kanya dahil nagbabakasakali talaga ako na makausap ko si ninong..
“Baka po mawalan ako ng trabaho, Ma’am. Mahigpit po kasi ang protocol na bawal po ang mga walk-in. By appointment lang po talaga,” sabi niya sa akin.
“Ganun ba? Sige, thank you na lang.” sabi ko at tumalikod na ako para umalis.
Ayaw ko naman na mawalan ang iba ng trabaho ng dahil sa akin. Ayaw ko na madamay ang iba sa kamalasan ko. Hangga’t maaari ay ako na lang. Alam ko rin naman na nagtatatrabaho lang siya at ginagawa lang niya ang trabaho niya. Alam ko na may mga responsibilidad siya at ang makapasok sa ganitong kumpanya ay hindi rin ganun kadali. Sure ako na dumaan rin sila sa butas ng karayom.
“Wait, Ma’am. Sure ka po ba na ninong mo si Sir?” tanong niya sa akin.
“Opo, ninong ko po siya.” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Paki-hintay na lang po saglit, Ma’am. Tatawag ako sa taas, susubukan ko po na itanong kung kilala ba ni Sir ang daddy mo,” sabi niya sa akin.
“Thank you, Miss. Thank you so much,” masaya na sabi ko sa kanya.
May tinawagan siya at ako naman ay matiyaga na naghihintay. Sinabi niya ang pangalan ng daddy ko at ganun rin ang pangalan ko. Nilalamig nga ang mga paa at kamay ko. Dahil paano kung nakalimutan na ni ninong ang daddy ko. Pero hindi, hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Dapat positive lang ako. Kaya naman ilang beses akong huminga ng malalim para alisin ang kaba ko.
“Ma’am, nasa meeting pa po si Sir. Makakapaghintay ka po ba?” tanong sa akin ng babae.
“Opo, maghihintay po ako. Thank you, Miss.” masaya na sabi ko sa kanya.
“Upo ka na lang po muna doon, Ma’am. Thirty minutes pa po bago matapos ang meeting ni Sir. Kakasimula pa lang po eh,” sabi niya sa akin.
“It’s okay, Miss. Hindi naman ako nagmamadali,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
Umupo na lang muna ako dito sa waiting area nila. Kinakabahan man ay kailangan kong lakasan ang loob ko lalo na kailangan ko ito. Nakasuot pa rin ako ng school uniform ko. Nag-aalala ako sa mga students ko pero mas nag-aalala ako sa daddy ko. Baka kasi palabasin kami sa hospital kapag hindi kami makapagbayad.
Hihingi ako ng tuloy sa kanya pero babayaran ko siya sa paraan na alam ko. Puwede akong magtrabaho sa kanya para mabayaran ko siya. Kahit pa maging katulong niya ako ay tatanggapin ko maging maayos lang ang daddy ko.
******
“Ma’am, akyat ka na po, tapos na po ang meeting ni Sir. 19th floor po,” nakangiti na sabi sa akin ng babae.
“Thank you, Miss.” sabi ko at naglakad na ako papunta sa may elevator.
Sobrang kinakabahan ako pero kailangan kong ikalma ang sarili ko. Nang makarating na ako sa 19th floor ay katahimikan ang bumungad sa akin hanggang sa may sumalubong sa akin na isang lalaki.
“Are you Ms. Ferrer?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“Yes, Sir.” sagot ko sa kanya.
“This way, Miss.” nakangiti na sabi niya at sinamahan ako.
“The CEO is waiting for you inside. Pasok ka na lang po,” sabi niya sa akin.
“Thank you po,” sagot ko sa kanya.
Umalis na rin siya at naiwan ako dito sa labas ng pintuan. Kumatok ako para naman malaman ng nasa loob na may tao dito.
“Come in,” narinig ko na sabi nito kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.
“Good—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ba ang nasa harapan ko ngayon.
ELLIA ELLIZE“Nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap.” “May kailangan ka ba?” seryoso na tanong ng asawa ko.“Wala naman, gusto ko lang makipag-kwentuhan sa inyo. Nakalabas na ako sa ospital, pero pinilit ko lang ang doktor. Kasi naiinip na ako doon, naiinis kasi ako dahil hindi mo naman ako dinadalaw,” sabi niya sa akin.“Busy kasi ako at sinabi ko na ‘yon sa ‘yo. May asawa na rin kasi ako kaya siya na talaga ang uunahin ko,” sabi pa ni Aedan.“Alam ko naman ‘yon. Kahit naman noon na driver ka niya ay siya naman lagi ang top priority mo. Sa totoo lang ay masaya ako, masaya ako dahil pinsan ko pala si Elli. Small world diba? Kasi ang wife ng ex ko ay ang mismong pinsan ko lang,” nakangiti na sabi niya pero para sa akin ay ang awkward ng sitwasyon namin.“Kaya sana ay maging mabait ka sa asawa ko, Jeya. Kilala kita dahil sabay tayong lumaki. Mabait si Elli at hindi siya gumagawa ng gulo kaya sana ganun ka rin,” sabi ng asawa ko na ikinagulat ko.“Grabe ka naman sa akin. Ma
ELLIA ELLIZE“Elli, siya ang sinasabi ko sa ‘yo na kapareho mo ng mga mata,” sabi ni tito Michael na ikinagulat ko.Tama siya magkakulay nga kami ng mga mata ang kamukha ko siya.“What’s your name, iha?” tanong niya sa akin.“E–Elli po,” nauutal na sagot ko sa kanya.“Elli? Elisia?” tanong niya sa akin.“Kilala mo po ba siya?” tanong ko sa kanya.Hindi ko talaga alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Parang naiiyak ako pero hindi ko naman alam kung bakit.“Yes, iha. Kilalang-kilala ko,” sagot niya sa akin.“Siya ba ang mommy mo? Kumusta na siya?” tanong niya sa akin kaya mas lalong bumigat ang puso ko.“Hindi po siya ang mommy ko,” sagot ko sa kanya.“Akala ko anak ka niya,” sabi niya sa akin.“Anak po niya ako pero hindi po siya ang mommy ko. Dahil pinabayaan lang po niya ako. Iniwan na parang hayop at kung hinahanap mo po kung saan na siya. Wala na po, patay na po siya,” sagot ko sa kanya.“I’m sorry, iha. Hindi na sana ako nagtanong,” sabi niya sa akin.“It’s okay po. Mataga
ELLIA ELLIZE“Kaya mo ba pinakasalan si Elli para siya ang gumastos sa ‘yo?!” sabi ni Liam na ikinagulat ko.“What are you talking about?” kunot noo na tanong ko kay Liam.“Huwag ka ngang magpaloko sa isang ‘yan, Elli,” sabi pa niya sa akin kaya mas lalo akong naiinis sa kanya.“Ano bang sinasabi mo?” “Alam naman natin na kaya ka lang naman niya pinakasalana para maiahon sa kahirapan ang pamilya mo at lalo na ang sarili mo–”Hindi ko na kaya ang lumalabas sa bibig niya kaya naman mabilis akong tumayo at sinampal ko siya. Na dahilan para ikagulat niya. Pero hindi ko na kasi talaga kaya na may sasabihin na naman siya.“Never insult my husband in my own face,” galit na sabi ko sa kanya.“But, I’m—”Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinuntok siya ng asawa ko. Halatang nagulat rin siya sa ginawa ni Aedan. At kahit na ako ay ganun rin. Sobrang nagulat rin ako sa nangyari. Kasi sure ako na naubos na ang pasensya ng asawa ko sa lalaking ito.“Lakas ng loob mong saktan ako!” sigaw
ELLIA ELLIZE“Are you sure na okay ka lang?” tanong sa akin ng asawa ko.“Okay lang po ako, walang dapat na ipag-alala, mahal. Sige na bumalik ka na sa trabaho mo. Magbibihis lang ako,” sabi ko sa kanya.“Okay,” sabi niya sa akin.“I’m really sorry for what happened,” sabi ko ulit sa kanya.“Wala ka pong kasalanan, mahal ko.”“May mali rin ako dahil–”“Ipagtanggol mo lagi ang sarili mo. At ako na ang bahala sa ibang bagay,” sabi niya sa akin.“I’ll stay here na lang po. Baka kasi magkaroon ka pa ng problema kapag lumabas pa ako. Sana talaga ay nakinig na lang ako sa ‘yo na mag-stay na lang sana ako dito,” sabi ko sa kanya.“Mahal, don’t say that. Wala ka namang kasalanan. Ipinagtanggol mo lang ang sarili mo and there’s nothing wrong with that,” sabi niya sa akin.“Iniisip ko lang kasi na baka mamaya ay may sabihin sila tungkol sa ‘yo. Baka maging masama ang image ng restaurant dahil sa akin–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi.“I love you so much,” s
ELLIA ELLIZENakarating kaming dalawa sa restaurant niya. Binati kami ng mga nandito at natuwa ako dahil mga Filipino ang crew niya, ang staff niya ay mga Filipino. Nakakatuwa dahil tinutulungan niya ang mga katulad nila.“Mahal, dito ka na lang sa office ko,” sabi niya sa akin.“Alam ko na busy kayo sa kitchen pero puwede ba akong sumilip doon?” tanong ko sa kanya.“Okay po, pero mainit doon ha,” sabi niya sa akin.“Okay lang po ako, mahal. Gusto lang talaga kitang makita na nagtatrabaho,” sabi ko sa kanya.“Okay po,” sabi niya sa akin at hinalikan niya ang noo ko.Nagbihis na siya ng uniform niya na pang chef kaya naman mas lalo siyang naging gwapo sa mga mata ko. Bagay na bagay talaga sa kanya ang uniform niya. Talagang mas lalo akong na in love sa kanya.“Labas na tayo mahal,” yaya niya sa akin. Hawak niya ang kamay ko at pumasok kaming dalawa dito sa kitchen niya.“Good day, guys!” bati sa kanila ng asawa ko.“Good day, chef.”“Manonood daw ang asawa ko sa atin,” sabi niya.“Asaw
ELLIA ELLIZE“Hi, iha. Ako ang tito ni Aedan. Pinsan ko ang papa niya,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Nice meeting you po,” sabi ko sa kanya.“Kaninong anak ka, Elli? May kamukha ka kasi na kilalang-kilala ko,” tanong niya sa akin na nagbigay ng kaba sa akin.“Po? Sino po?” tanong ko sa kanya.“A friend of mine, pareho kasi kayo ng mga mata,” sabi niya sa akin.“Talaga po?”“Yes, iha. Pero malay mo pareho lang kayo ng mga mata,” sabi niya sa akin.“Baka nga po,” sabi ko sa kanya at nahihiya naman akong magsabi sa kanila na isa akong ampon ng mga Villamor lalo na hindi naman nila tinatanong.“Huwag mo na lang akong pansinin, iha.” sabi niya sa akin.“It’s okay po–”“Call me tito dahil pamilya na tayo. Masasabi ko na magaling talaga ang pamangkin ko sa babae. Manang-mana talaga sa akin,” sabi pa niya kaya napangiti ako.“Sus, tumigil ka. Hindi siya nagmana sa ‘yo dahil hindi naman siya babaero. Ikaw itong ubod ng pagka-babaero bago kita nakilala,” sabi ng isang magandang babae.“Mahal