Masuk
AUTHOR’S FRIENDLY REMINDER: THIS STORY IS MATURE CONTENT, AGE GAP STORY AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK.
THEA FAITH
“Akin na ang pera! Ibigay mo sa akin!” Sigaw sa akin nang stepmom ko.
“Ano pong pera, auntie?”
“Ang sahod mo,” mabilis na sagot niya sa akin.
“Wala na po akong pera, auntie. Binili ko na po ng mga gamot ni daddy,” sagot ko sa kanya.
“Bakit ba panay ka pa bili ng gamot eh mamatay na rin naman na ‘yan?”
“Anong sabi niyo? Mamatay na? Hindi naman po yata tama na ganyan ang pananalita niyo.” Naiinis na sabi ko sa kanya dahil hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig niya
“Ano pa ba ang aasahan ko sa daddy mo. Palubog na ang company niya, naka-freeze ang mga ari-arian niya na anytime ay kukunin na ng bangko at wala na siyang pera. At ikaw naman wala ka ring silbi! Bakit ka pa ba kasi natatyaga sa pagtuturo mo eh maliit lang naman ang sahod mo?!” Galit na tanong niya sa akin.
“Opo, maliit lang ang sahod ko pero mahal ko ang trabaho. At ang trabaho ko ang nakakatulong sa mga pambili ng gamot ng daddy ko,” sagot ko sa kanya dahil hindi ko hahayaan na insultuhin niya ang propesyon ko.
“Whatever!” Sabi nito at tumalikod na.
Naiwan naman ako na nakatayo na nagpipigil ng galit ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan sa kanya ng daddy ko. May stepsister ako na ubod ng pagka-maldita at siraulo naman ang kapatid nitong lalaki. Ang sarap nilang itapon sa totoo lang. Kung hindi ko lang talaga mahal ang daddy ko ay lalayasan ko sila.
Pero kahit anong gawin ko ay ako ang tunay niyang pamilya. Kaya sa huli ako pa rin ang dapat na mag-alaga sa kanya. Kahit na alam ko na sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon ay hindi ko iiwan ang daddy ko na may sakit dahil hinayaan niya akong gawin ang mga nais ko.
Alam ko na he cares for me kahit pa hindi kami nagkakaroon ng time na magbonding na dalawa. Napa-hinga na lang ako ng malalim at naglakad na paakyat sa room ko. Marami pa akong gagawin dahil busy ako sa school. Kailangan kong magtrabaho dahil ito ang nakakatulong sa akin. Sa amin sa mga expenses dito sa bahay. Minsan ay nakakapagod ng umuwi sa bahay na ito. Kahit pa ito na lang ang mayroon kami. Pero wala eh, kailangan ko pa rin lumaban.
******
“Good morning, daddy.” malambing na bati ko sa kanya.
Alam ko na binabati rin niya ako. Hindi lang niya masabi. Na-stroke ang daddy ko kaya apektado ang buong katawan niya. Bago ako papasok sa trabaho ko ay inaasikaso ko na muna siya. Laking pasasalamat ko rin dahil hindi kami iniiwan ni Yaya Lenie. Siya ang nag-aalaga sa daddy ko kapag nasa trabaho ako.
“Anak, umalis ka na. Ako na ang bahala sa daddy mo. Baka ma-late ka na sa work mo,” sabi niya sa akin.
“Okay po, yaya. Salamat po,” sabi ko sa kanya.
“Daddy, kailangan ko na pong magwork. Si yaya na lang po muna ang mag-aasikaso sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.
Tumango ito bilang sagot kaya hinalikan ko siya sa noo bago ako umalis. Nagmamadali naman akong pumasok sa trabaho ko. Maglalakad pa kasi ako palabas sa subdivision namin dahil nga wala na ang kotse ko. Sa totoo lang ay sobrang nahirapan ako noong una dahil komportable ang buhay ko. May driver na naghahatid sundo sa akin kapag papasok at uuwi na ako galing sa trabaho ko. Noon ‘yon at iba na ngayon, dahil ngayon ay sumasakay na lang ako sa jeep.
“Okay lang, Thea. Magiging okay rin ang lahat,” kausap ko sa sarili ko.
Nang makarating na ako sa school kung saan ako nagtuturo ay kaagad akong napangiti dahil sa mga students ko na mga cute.
“Good morning, teacher Thea.” nakangiti na bati sa akin ng grade one students ko.
“Good morning sa aking mga pretty and handsome babies,” malambing na bati ko sa kanila.
Sa totoo lang ay sila talaga ang nagpapasaya sa akin. Dahil sa lumaki ako na mag-isa lang ay mahilig talaga ako sa mga bata. Sila ang safe haven ko, ang nagpapagaan ng lahat sa buhay ko. Sa kanila ko nararamdaman ang pagmamahal dahil ang lambing talaga ng mga students ko.
“Teacher, ang pretty mo po talaga.”
“Thank you po, pero mas pretty ka po.” nakangiti na sabi ko sa cute na cute kong students.
“Teacher, may boyfriend ka na po ba?”
“Bakit mo po tinatanong?”
“May pogi po akong kuya, teacher,” nakangiti na sagot niya sa akin kaya napangiti ako.
“Ako rin po, pogi rin po ang kuya ko.”
“Mga anak, open your book on page 60,” nakangiti na sabi ko dahil kukulitin na naman nila akin.
Mabuti na lang talaga at masunurin ang mga ito. Nagsimula na kami, para sa akin ay nakaka-relax ang magturo sa mga batang ito. Gusto rin talaga nilang matuto. Kaya naman masaya ako na nakikinig sila sa akin. Pero nang nasa sa kalagitnaan na ako ng klase ay nakatanggap ako ng tawag mula kay yaya.
“Anak, inatake na naman ang daddy mo. Nandito kami ngayon sa hospital,” sabi niya sa akin.
“Papunta na po ako, yaya.” sabi ko sa kanya.
“Mga anak, behave lang kayo dito ha. Lalabas muna si teacher,” sabi ko sa mga students ko.
“Okay po, teacher.”
Mabilis akong lumabas dahil kailangan kong pumunta sa principals office para magpaalam na kailangan kong puntahan ang daddy ko. Sa totoo lang ay natatakot ako ngayon. Pangatlong beses na kasing inatake ang daddy ko. Laking pasasalamat ko dahil pinayagan naman ako ng principal namin kaya naman mabilis akong pumunta sa hospital.
Pagdating ko doon ay nakita ko ang daddy ko na nasa emergency room.
“Yaya, ano po ang nangyari sa daddy ko?”
“Galit na galit ang stepmom mo at inaway niya ang daddy mo. Hanggang sa muli na namang inatake ang daddy mo,” umiiyak na sagot sa akin ni yaya.
Naikuyom ko ang mga palad ko sa galit. Hanggang sa biglang dumating ang stepmom ko.
“Sumama ka sa akin,” sabi niya sa akin.
“Saan po?”
“Magpapakasal ka na,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
“A–Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko magpapakasal ka na!” sagot niya at pilit akong hinihila paalis.
NASH TYLER“Tita Lib, ano ba ang gagawin ko?” tanong ko sa tita ko dahil sinadya ko siyang puntahan ngayon.“Ang dapat mong gawin ay magstay, kung ‘yan ang nais ng asawa mo. Sa tingin mo ba ang pagtakas ang solusyon sa lahat? Sa tingin mo ba ang pagkulong sa kanya ay naging maganda? Kapag aalis kayo ay hindi pa rin naman kayo malaya, wala pa rin namang kalayaan kaya ang mas mabuting gawin ay ang harapin niyo para matapos na,” sagot niya sa akin.“Tutulungan mo ba kami?” tanong ko sa kanya.“Kaya mo na ‘yan,” sabi niya sa akin.“Pero–”“Matalino ka kaya alam mo na kaya mo. At isa pa kilala mo na ang kaaway ng pamilya ng asawa mo. Hindi puwedeng mangialam ang mga agent sa mafia,” sabi niya sa akin.“Bakit po?”“Alam ko kasi na kaya niyo na ‘yan? Wala namang kailangan na iba, kundi ang matapos na lang ito,” sabi niya sa akin.“Ayaw rin naman niyang umalis. Gusto niyang makasama ang pamilya niya,” sabi ko sa tita ko.“Sa tingin ko ay tama siya. Sa tingin ko ay mali na magsayang na naman
NASH TYLER“Iho, can we talk?” tanong sa akin ng daddy ng asawa ko.“Yes po, Sir.”“Call me dad, asawa ka ng anak ko kaya dapat lang na daddy ang itawag mo sa akin.”“Ano po ang pag-uusapan natin, dad?”“Puwede mo bang ilayo dito ang anak ko?” tanong niya sa akin.“Po?”“Naisip ko lang kasi na kapag nandito siya ay mapapahamak siya. Kaya binibigay ko na siya sa ‘yo dahil alam ko na aalagaan mo siya. Pinagsisihan ko ang pagkulong ko sa kanya. Alam ko na malaki ang galit niya sa akin sa mga kasinungalingan na hinayaan ko lang na paniwalaan niya. Pero ginawa ko lang ‘yon para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at ayaw ko na mawala siya sa amin,” sabi niya sa akin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.“Opo, hindi tama ang ginawa mo pero dahil rin sa ginawa mo ay safe pa rin siya hanggang ngayon. Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak mo at kung nais mo po talaga na sa akin na siya ay gagawin ko ang lahat para alagaan at protektahan siya. Asawa ko po siya at mahal na mahal
LETTISIA LORRAINE“No!” sigaw ko dahil nakita ko na bumagsak ang asawa ni daddy.May tama siya ng baril at kitang-kita ko ang dugo ngayon na nasa katawan niya.“Honey!” narinig ko na sambit ni daddy kaya kahit pa hawak ako ni Nash ay mabilis akong bumaba para daluhan ito.“Please, stay,” sabi ko sa kanya.“Anak ko,” sambit niya kaya naiyak ako. Nakita ko rin ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.“Daddy! Dalhin po natin siya sa hospital! Dalhin po natin siya!” sabi ko kay daddy at sumisigaw na ako.“Love, please dito ka muna,” sabi sa akin ng asawa ko.“Dalhin natin siya sa ospital, Nash. Please, dalhin natin siya,” sabi ko sa kanya.“Dadalhin natin siya. Pero kailangan mo munang pumasok sa loob ng van, please. Please, love ayaw ko na masaktan ka,” sabi niya sa akin.“Please, dalhin natin siya,” sabi ko sa kanya.“Opo, love. Dadalhin natin at magiging okay ang lahat. Listen to me, pumasok na muna tayo sa loob, baka matamaan ka dito,” sabi niya sa akin.“Tayong dalawa,” sabi ko sa kany
LETTISIA LORRAINENanatili na lang ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit ulit sa kanya. Ni hindi ko na nga nabibigyan ng pansin ang sakit ng katawan ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko na sinabi sa akin ni daddy.Sa totoo lang ay mahirap talagang paniwalaan lalo na iba ang nakikita ng mga mata ko. Iba ang naranasan ko pero naisip ko rin na hindi ko dapat isara ang posibility na nagsasabi siya sa akin ng totoo. Lumapit sa akin si mommy Thea.“Anak, sana ay buksan mo ang puso ko sa parents mo. alam ko na nasaktan ka, alam ko rin na marami kang hinanakit sa kanila. Pero kung papakinggan mo lang sila ay alam ko na maiintindihan mo rin sila. Hindi ko sinasabi na tama ang ginawa nila. Ang sa akin lang ay sana bigyan mo sila ng chance na patunayan na tama ang lahat ng mga sinasabi nila sa ‘yo,” sabi sa akin ni mommy Thea.“Love, kung natatakot ka na sumama sa kanila ay sasama ako sa ‘yo,” sabi sa akin ng asawa ko.“No,
LETTISIA LORRAINE“Sakto pala para surprise–” Pero hindi ko inaasahan sa pagdating namin ay.“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanila.“Alle, anak,” sabi sa akin ng asawa ni daddy.“Bakit sila nandito? Alam mo ba na nandito sila?” tanong ko sa asawa ko.“Hindi ko alam, love,” sagot niya sa akin.“Hindi ako sasama sa inyo. Dito lang ako, kahit pa patayin mo ako ay hindi ako sasama sa ‘yo. Dito lang ako sa asawa ko,” sabi ko sa kanila.“Asawa?” kunot noo na sambit ni daddy.“Opo, asawa ko po si Nash. Kaya wala ka na pong karapatn pa sa akin,” sabi ko sa kanya.“Anak pa rin kita kaya may karapatan ako sa ‘yo.”“Hindi na ako sasama sa ‘yo. Sawang-sawa na ako sa pagkulong mo sa akin. Gusto ko rin maging normal. Gusto ko rin na maging masaya, mahirap bang ibigay sa akin ‘yon? Mahirap po ba?” “Umuwi na tayo,” mahinahon na sabi sa akin ng asawa niya.“Hindi, hindi ako sasama sa inyo! Hindi na kailanman,” sabi ko sa kanya.“Anak, please.”“Hindi mo ako anak,” sabi ko sa kanya.“Anka ki
LETTISIA LORRAINEMasakit ang katawan ko nang magising ako ngayon. Hindi ko inaasahan na ganito pala ito ka sakit. Parang hindi ko yata kayang bumangon. Mabuti na lang talaga at nandito ang asawa ko ngayon kaya hindi ako nahihirapan na pumunta sa banyo. Binuhat niya ako at hindi niya ako hinayaan na maglakad.“Hindi ka ba papasok sa office?” tanong ko sa kanya.“Hindi po,” sagot niya sa akin.“Bakit?”“Dahil aalagaan po kita,” malambing na sagot niya sa akin.“Thank you po,” nakangiti na sabi ko sa kaniya. Dahil kinikilig naman ako sa ginawa niya.“May gusto ka bang kainin?” tanong niya sa akin,“Wala po, pero nagugutom na ako. Kung ano man ang iluluto mo ay kakainin ko. Hindi naman po ako maselan,” sabi ko sa kanya.“Alam ko po, kaya kumain na tayo,” sagot niya sa akin.“Nagluto na ako ng breakfast kanina kaya kumain na tayo,” sabi niya at binuhat na naman niya ako.Nakasuot lang ako ngayon ng bathrobe. Kaming dalawa lang naman dito kaya walang magiging problema. Nakita na naman niya







