Share

CHAPTER FIFTY-SIX: Moment of truth

HINDI ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko para kay Mister Daks kaya sinabi ko sa kanyang mahal ko siya masaktan ko man si Celes. Hindi ko pa pinaalam kay Celes na may bago akong bahay at kailangan ko munang ilihim iyon. Puwera na lamang kung malalaman agad iyon ni Celes na walang nagsasabi o magaling ang kanyang informant.

Tiningnan ko ang phone ko, wala naman siyang text o tawag. Dalawang araw na rin. Nagkausap kami noong nakaraang araw at nag-stay sa rest house. At katulad ng regular ay may nangyayari sa amin ni Celes kapag nagkikita kami. Pareho naming napaliligaya ang isa’t-isa ngunit hindi katulad kay Mister Daks na masaya ako kapag may nangyayari sa amin. Sa tingin ko ay mahal ko nang talaga si Mister Daks at hindi ko na hahayaan pang mapunta siya kay Celes.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Galing kay Celes ang text. Magkita raw kami sa rest house. Didiretso raw siya roon kaya hindi niya ako masusundo.

Sumimangot ako nang mabasa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status