"Basag trip ka naman Tan. Huwag ka ngang magseryoso ng ganyan, para kang matanda eh," biro niya dito.
"Seryoso ako Reyna."
"Oo na. Kitang-kita ko ang kaseryosohan mo," ginulo pa niya ang buhok nito, "alis na 'ko." hindi na niya hinintay sumagot isa man sa apat.
Magandang umuwi ngayon sa bahay niya, siguradong wala na sa labas ang grupo ni Maylo.
...
...
Sobrang tahimik ng paligid. Ibang-iba kapag umaga. Kung walang sinag ng buwan, wala kang makikita sa daan.
Kinilabutan si Reyna ng umihip ang hangin. Tumataas ang balahibo niya. Parang nagsisi siya na hindi pinagbigyan ang paanyaya nina Tan.
Kung kelan malapit na siya, saka naman naging delikado ang sitwasyon. Natatanaw na niya ang tulay eh, bakit kailangan merong naglalaban sa daraanan niya?
Mabilis nagtago si Reyna sa isang poste. Napapapikit siya kapag may binabalibag sa semento. Siguradong masakit 'yon.
"Sino ka?" hindi niya makita kung sino ang nagtatanong. Tumigil kasi sa pag-atake iyong mga lalaki.
"Your gate to hell."
Muling sumugod yung nag-iisa sa gitna.
Kung tutuusin dehado ito sa bilang ng nakapalibot na kalaban, pero walang kahirap-hirap nitong napapatumba ang umaatake.
Gusto niyang makilala ang lalaki. Magpapaturo siya rito para hindi na siya palaging tumatakbo.
Tama.
Ang talino talaga niya.
"Hindi ikaw ang pinunta namin dito. Huwag kang makisawsaw," siguro iyon ang tumatayong leader nang kalaban.
"Isang tao lang ang nakatira sa lugar na ito!" teka nga... Pamilyar ang boses noong lalaki.
"Alam namin. Kaya siya ang sadya namin dito!" teka nga ulit... Siya lang naman ang nag-iisang nakatira dito ah!
"Hindi niyo siya makukuha,"
Wait... Blacky?
Tama! Kay Blacky ang boses na iyon.
Pinasingkit niya ang mata at pilit tinatanaw ang lalaki. Bigla rin nanlaki ang mata niya ng namukhaan ito.
"Siopao?"
Napatingin siya sa boteng hawak. Ayos mababayaran na niya ang lalaki.
Mabuti hindi na siya mahihirapan pang hanapin ito.
Lumabas siya sa pinagtataguan at tumakbong lumapit sa kumpulan.
"Siopao, ito na ang bayad ko sa tubig mo!" masaya niyang sabi habang papalapit dito.
Lumingon ito sa kanya.
"Damn!" Bigla nitong sabi.
...
...
...
Dalawang araw na si Zyrex sa Black District pero hindi pa rin niya matagpuan ang taong kailangan niyang protektahan.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa naging disisyon ng Supreme Havoc. Buo ang loob niyang ibigay ang buhay niya para sa katapatan dito, pero taliwas ang naging disisyon nito kesa sa inaasahan niya.
Dati-rati kinokontra ni Zyrex ang kapatid dahil sa trabaho nito pero heto siya ngayon ginagawa ang mismong trabaho nito noon. Pangarap niyang maging payapa ang pamumuhay nilang magkapatid, pero iba ang gusto nito.
Huminga siya ng malalim at napatitig sa marahang agos ng ilog. Ganitong-ganito ang gusto niyang takbo ng kanilang buhay, pero kabaligtaran ang nangyari.
Napakunot ang noo ni Zyrex nang may mapansin sa tubig. Bahagya siyang napaatras sa pagkakatayo nang umutlaw ang isang babae. Pinagmasdan lang niya ito habang masayang lumalangoy.
Akala ni Zyrex walang tao sa Black District ang may pagkakataong magsaya tulad ng babae. Napakagaan ng aura nito at tila wala itong pinoproblema. Lihim siyang nainggit dito.
Biglang nagtago si Zyrex ng lumingon ito sa paligid. Naramdaman yata ang kanyang presensya.
Ilang sandali ay umalis siya sa pwesto at nagpasyang magtungo sa upuan sa gilid nang daan.
Kakain muna siya bago muling ipagpatuloy ang paghahanap sa birdbrain na 'yon.
Nangangalahati pa lang si Zyrex sa pagkain nang biglang may kumuha ng inumin niya at nakita ang babaeng humahangos sa harapan niya.
Ito 'yong naliligo sa ilog kanina.
Mabilis itong uminom sa kanyang tubig at inubos.
Damn.
Hindi siya naniniwala sa indirect kiss pero napapalunok siya sa bawat lagok nito ng tubig. Kitang-kita niya ang makinis nitong leeg habang nakatingala.
Teka, ano bang iniisip niya?
Humarap ito sa kanya pero nananatili rin ang tingin niya dito.
"May..."
Naputol ang sasabihin nito ng may nagsalita.
"Ayon siya!"
Napatingin siya doon. Mukhang may humahabol dito.
"Naman oh. Hindi pa ba sila napapagod? Nauuhaw pa ako eh." Binato nito ng hawak na bote ang lalaking papalapit.
Napaatras ito nang matamaan. Hindi niya akalain na may tinatago itong lakas.
"Salamat sa tubig..." Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa hawak niyang pagkain. "... Siopao. Babayaran kita kapag nakadelihensya ako. Ingat!" Sambit nito tumakbo ulit.
Ingat?
Ito ang hinahabol tapos siya ang sasabihan nito ng ingat? Anong utak meron ang babaeng 'yon?
Birdbrain.
Wait! Birdbrain? Bigla siyang napatayo ng may marealize.
Damn. It's her.
Bakit nagbago ang hitsura at pananamit niya?
...
...
Sinundan lang ni Zyrex ang mga humahabol sa babae. Nang makarating sa 23rd street ay tumigil siya. May pakiramdam siyang narito pa ang babaeng iyon. Hindi nga siya nagkamali, lumabas ito kasama ng isang lalaki at babaeng nakapasan sa likuran nito.
Nakasunod lang siya sa mga ito. Nahahalata niyang alerto sa paligid ang lalaki. Mukhang hindi pangkaraniwan ang isang 'yon. Minabuti niyang maghintay na lang sa labas ng building.
Bago sumapit ang dilim nakita ulit niya ang babae na may malaking ngiti habang may bitbit na supot.
Lihim lang niya itong sinusundan hanggang makarating sa isang maliit na bahay.
Naghintay ulit siya hanggang lumabas ito dala ang isang bote ng tubig.
Madilim na ang paligid, hindi ba ito natatakot sa pwedeng mangyari?
Nakasunod lang si Zyrex dito. Nang makarating sa huling street, lumihis siya ng daan dahil may kakaiba siyang naramdaman.
Tama ang kutob niya, may nag-aabang sa babae.
"Sigurado ka bang dito nakatira ang babaeng 'yon?" Tanong ng isa sa hawak na lalaki.
"O-opo. Siya lang ang nakatira diyan."
Binitawan ng lalaki ang isa at bumagsak sa semento. Malamang pinatay na nito ang lalaki bago bitawan.
Naramdaman niya ang papalapit na presensya ng babae. Bago pa may lumingon sa gawi ng babae, sinugod na niya ang mga nag-aabang.
Wala siyang armas dahil makikilala siya kapag nagdala ng katana. Ang misyon niya ay sa pagitan lamang nila ng Supreme Havoc.
"Sino ka?"
"Your gate to hell,"
"Hindi ikaw ang pinunta namin dito. Huwag kang makialam!"
"Isang tao lang ang nakatira sa lugar na ito," mahinahong sabi ni Zyrex habang patuloy sa pag-atake.
"Alam namin. Kaya siya ang sadya namin dito."
"Hindi niyo siya makukuha," At iyon ang sisiguraduhin niya. Dalawang buwan siyang mananatili sa tabi nito, pagkatapos noon, wala na siyang pakialam pa kung anuman ang mangyari dito.
"Siopao, ito na ang bayad ko sa tubig mo!"
Gulat siyang napalingon sa babae.
"Damn!"
Mabilis niya itong sinalubong at sinanggahan sa mga atake ng kalaban.
"Birdbrain ka talaga! Bakit ka lumabas sa pinagtataguan mo?" sermon niya dito.
"Magbabayad ako ng utang," Balewala nitong sagot.
"Nakikita mo ba ang nangyayari?" naiinis niyang tanong.
"Oo naman! Hindi naman ako bulag," Masaya nitong sagot.
"Ano bang utak meron ka?" Sinapak niya ang isang lalaking umatake sa kanya.
"Huh? May iba't-ibang klase ba nang utak?"
Siguro ito ang sinasabing punishment ni Supreme Havoc. Nauubos ang pasensya niya sa isang 'to.
"Kung ganoon, siya pala 'yon." nakangising sabi ng isang lalaki.
"Ang pangit niya," Bulong nang babae mula sa likuran niya.
Hinaharangan niya ito sa anumang panganib na dala ng mga kalaban.
"Diyan ka lang. Tatapusin ko lang ito at mag-uusap tayo," bulong niya.
"Okay!" Masigla nitong sagot.
Hell. Wala pang isang araw na magkasama sila, sumasakit na agad ang ulo niya.
"Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura
One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom
"You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga
"Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.
Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang
Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.