共有

CHAPTER 7.1

作者: Maybel Abutar
last update 最終更新日: 2021-09-27 12:39:19

"Stop playing, this is not a playground!"

"Zeus!" Sambit ng lalaking may hawak kay Reyna. Nakalimutan niya ang pangalan nito eh. "Tamang-tama ang dating mo!"

Umalis ito sa harapan niya habang siya nanatiling nakadapa sa sahig. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Sobrang lamig.

"Who's that?"

"Our visitor,"

"Visitors are not allowed here, you know that!"

"Yeah. I'm sorry about that, but I can't help it. She's hungry and well… adorable." Narinig pa niyang tumawa ito.

"We're here to do something more important than your hormones. I know you, Arthur."

"You got a wrong idea, Bro."

Naririndi siya sa nag-uusap na Alien.

"Pagkain," sambit niya habang nakadapa.

"I forgot." Narinig na naman niya ang yabag papalapit sa kanya. "Queen get up and let's eat. Zeus brought a delicious food."

"Pakitranslate," sabi niya habang nananatili sa posisyon. 

"So, it's you." narinig niya iyong isang Alien na nagsalita. 

"What do you mean Bro, kilala mo siya?" Tanong ng Alien na katabi niya.

Narinig niya rin ang isa pang yabag papalapit sa kanya. Nang tumigil ito agad siyang napabalikwas nang bangon dahil sa naamoy.

"Pagkain," Suminghot-singhot pa siya.

Nakita niya ang hawak na supot ng isang lalaki. Nakataas ito para hindi niya maabot.

"Pagkain! Pagkain! Pagkain!" paulit-ulit niyang sambit habang inaabot ang supot.

Bakit ba ang tangkad ng may hawak no'n? Kailangan niyang maabot yoon, nakasalalay doon ang kaligtasan ng sikmura niya. 

"Food monster." Sambit ng malamig na boses. 

Kunot noo siyang napatingin sa nagsalita. Parang nakita na niya ito pero hindi niya matandaan kung saan.

"Get down, you're too heavy," nag-alien na naman ito, "bitiwan mo na ako. You're a girl for pete's sake!" bahagyang pumula ang mukha nito.

May naintindihan siya sa sinabi ng lalaki, kaya bumitaw siya sa pagkakahawak sa balikat nito na hindi niya namalayan na nakahawak pala siya dito. 

"Wahhh!" sigaw ni Reyna ng mahuhulog ang katawan niya. 

Hindi pala siya nakatayo. Nasaan na ba ang mga paa niya? 

"Queen!"

"Idiot! You're legs wrapped on my waist."

Tatlong kamay ang sumalo sa kanya.

Isa sa likuran at dalawa sa ulo niya. 

Napatingin si Reyna sa uluhan niya. Nakangiti ito sa kanya. Ngingiti na rin sana siya ng biglang nalaglag ang katawan niya sa sahig.

"Aray ko!" daing niya.

"Zeus, be gentle. She's a girl." Sambit ng lalaking nakahawak kanina sa uluhan niya. 

"Call Sarci and let's eat." Sambit ng lalaking may dalang pagkain bago sila talikuran nito. 

...

...

Maraming pagkain ang nakahanda pero nahihirapang lumunok si Reyna dahil sa dalawang dahilan.

Una... ang nakakaumay na ngiti sa katabi niya.

Pangalawa... ang nakakamatay na tingin sa katapat niya.

"Kain ka pa Queen,"

"Ayoko ng Queen, Reyna ang pangalan ko," muli niyang reklamo. 

Nakailang ulit na niyang sinabi iyon pero hindi pa rin nauunawan ng katabi niya.

"Why she's here? She's the reason why I passed out earlier and my nose bleed because of her!" galit na sabi ng babae sa katapat niya. 

Masamang tingin pa rin ang binabato ng babaeng nakabanggaan niya kanina.

"Hindi niya sinasadya Sarci," Paliwanag ng katabi niya.

"Kinakampihan mo pa siya? Ikaw ang nakakita nang pangyayari!"

"Yeah, at narinig ko rin na pinapaalis ka niya sa daan." mahinahong sagot ng lalaking katabi niya. 

"So? Kasalanan ko pa na hindi ko alam na ako pala ang pinapaalis niya?" sambit ng babae sa katapat niya. 

Namumula na rin ito.

"Move on Sarci."

Pabalik-balik lang ang tingin niya sa dalawa habang sumusubo ng pagkain.

"Eat." 

Malamig na boses ang nakapagpatigil sa sagutan ng dalawa habang siya'y biglang nalunok ang kasusubo lang na pagkain.

Pinukpok niya ang sariling dibdib ng bumara yo'n sa kanyang lalamunan. 

"Queen. Ayos ka lang?" Inabot nito ang isang baso ng tubig sa kanya.

Mabilis siyang uminom at nakahinga ng maluwag.

Nagkasalubong pa ang tingin nila noong lalaking may malamig na boses.

Pasimple niyang kinulbit ang katabi.

"Bakit?"

"Anong pangalan mo?" nanlaki ang mata nito sa tanong niya, parang gulat na gulat ito. "Bakit ganyan ang itsura mo?"

Napailing ito habang nakangiti. 

"Ilang beses na akong nagpakilala sayo hindi mo pa rin alam? Kakaiba ka talaga." Natatawang sagot nito.

"Ang haba naman ng pangalan mo," Ang dami kasi nitong sinabi.

Tumawa na naman ito.

"Para mas madaling tandaan, tawagin mo akong… Honey." malaki ang ngiti nitong sabi. 

"Pwede ba Arthur, wala ka nang pinapalampas kahit isang palaboy pinapatulan mo," umirap pa yung babae sa kanya. 

"Walang saysay kung aalamin mo pa. Una't huling beses niyo na itong pagkikita." sagot naman ng lalaking may malamig na boses. 

"Bro naman, bawal ko na ba siyang puntahan?"

"Tama. Hindi ko rin kayang sikmurain ang itsura niya sa paligid ko," 

Bakit ba ang laki ng galit nito sakin?

"Mas maganda pa nga siya kesa sayo eh." Sagot muli ng lalaking katabi niya. 

Palagi na lang silang nagsasagutan.

"Baka nakakalimutan niyo kung bakit tayo narito?" Natahimik na naman iyong dalawa.

"Hindi namin nakakalimutan." sagot ng katabi niya.

"Mabuti kung ganoon."

"Ano ba 'yong pinag-uusapan niyo?" nagtataka niyang tanong. 

Sa totoo lang, hindi siya makasunod sa sinasabi nang mga ito. 

"Wala iyon Queen. Tapos ka na bang kumain?" Nakangiti na naman ang katabi niya.

"Oo," Kahit hindi pa. 

Ilang subo pa lang ang nagagawa niya, gusto pa niyang kumain kaya lang hindi siya makalunok ng maayos.

"Pwede kang magdala ng pagkain pag-uwi mo," Napatingin siya sa lalaking may malamig na boses. 

"Talaga?" nakangiti niyang tanong.

"Yeah." Sagot nito bago uminom.

"Wow! Salamat Zeus!" masayang sabi ni Reyna na nagpasamid sa lalaki. 

"Zeus, are you okay?" "Bro, ayos ka lang?" sabay na tanong nang dalawa.

Hinaplos pa sa likuran no'ng babae si Zeus.

"I'm fine," Pinunasan nito ang gilid ng labi na may patak ng tubig habang nakatingin sa kanya.

Malawak naman siyang ngumiti dito, pero agad din itong nag-iwas ng tingin at tumayo.

"Wait! Bakit natandaan mo ang pangalan niya tapos sa 'kin hindi?" tanong ng katabi niya.

"Tunog inumin eh," sagot niya.

"Inumin?"

"Juice."

"Ah...Hahaha!" Tawa nito.

"Whatever. Aalis na rin ako." sumunod naman 'yong babae pag-alis ni Zeus.

...

...

Masayang naglalakad si Reyna habang bitbit ang take out niyang pagkain mula sa unit nina Zeus.

Pupuntahan muna niya ang apat para pagsaluhan ang dala niya. Hindi rin niya nakalimutan ang isang bote ng tubig, pambayad sa utang niya kay Siopao. 

...

"Mayti!!!" sigaw ni Reyna ng makarating sa harapan ng bahay ng apat.

Alam niyang narito ang mga 'yon dahil malapit ng sumapit ang gabi.

"Ol Mayti, may misyon ba?" Si Tan ang unang lumabas kasunod si Hurri.

"Bakit na sa labas ka pa? Malapit nang dumilim." Nag-aalalang tanong ni Hurri.

"Ol Mayti, bakit andito ka?" si Cane naman ang nagtanong kasama si Der.

"Wala tayo sa misyon kaya huwag niyo akong tawagin nang ganyan," saway niya sa mga ito.

"Bakit ka nga narito Reyna?" tanong ni Der.

Ngumiti siya at tinaas ang hawak na mga supot.

Kumunot ang noo ng apat, "May pagkain tayo," Nagliwanag ang mukha ng apat at sabay-sabay sumugod sa kanya. "Hep!" awat niya na nagpatigil sa mga ito, "pagsasaluhan natin ito. Tara na sa loob."

...

"Kanino galing to Reyna?" tanong ni Hurri

"Kay Zeus."

"Sino 'yon?" tanong ni Der.

"Yung nagbigay ng pagkain." sagot ni Reyna.

"Ahh," Sabay-sabay na sang-ayon nang mga ito. 

"Kainan na!" sigaw niya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkain.

"Kailan kaya mauulit ito?" tanong ni Hurri ng matapos silang kumain.

Naisip niya rin iyon. Bihira silang makakain nang maayos sa buong buhay nila. Hindi lahat nang nakakasalamuha nila ay nagbibigay ng kahit kaunting pagkain. Kaya yung iba tulad nina Maylo, gumagawa nang masama para makaraos lang.

"Aalis na pala ako," paalam niya sa apat.

"Dito ka na lang magpalipas ng gabi. Delikado na sa labas." Sambit ni Tan.

"Ayos lang 'yan. Ako yata ang Reyna," nakangiti niyang sagot.

"Pangalan mo lang ang Reyna, hindi ang katauhan mo." Napanguso siya dahil sa kaseryosohan ni Tan.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.2

    "Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.1

    One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.2

    "You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.1

    "Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.2

    Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.1

    Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status