Share

Disgrasya 5

Author: Rouzan
last update publish date: 2026-05-25 07:08:56

"Thank you for treating me like this, wife. I love you so much."

Gusto kong manginig sa romantikong pagkakasabi no'n ni sir Rommel. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ire-response ko.

"H-Ha? Ehh... s-salamat," tanging sagot ko. Kumunot naman ang kaniyang noo sa 'kin.

"Salamat? That's it? Where's the 'I love you too', wife?"

Ito na nga ba ang kinakatakot ko! Need ko pa ba'ng sabihin 'yon?

"U-Uhmm... I-I love... Uhmm... I l-love y—"

"Good morning, Kuya!"

Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang pumasok si Camille sa kwarto. Mabuti na lang talaga dumating siya!

Ngumiti lang nang marahan si sir Rommel sa gawi ni Camille dahil hindi pa rin niya matandaan ang kaniyang pamilya.

Um-agree ako sa gustong mangyari ni ma'am Elizabeth na maging fake wife ako ni sir Rommel upang matulungan ko sila na ipakilala rito. Kapalit nito ay ang malaking halaga ng perang in-offer nina Mr. at Mrs. Orezo.

Tinanggap ko na dahil nanghihinayang ako sa pera. Para din naman ito sa anak ko.

Habang nakatingin ako kay sir Rommel, naaalala ko ang anak ko. Kamukhang kamukha niya si Gray. Hindi ko maitatangging siya ang ama ng anak ko. Pero hindi ko na siya dapat pa'ng ipakilala sa bata. Wala ito sa plano ko at ayokong makasira ng pamilya sakaling malaman nila.

"Wife."

"H-Ha?" tanong ko sa kaniya nang magising ako sa ulirat. Napansin kong nakangiti si sir Rommel sa 'kin.

"You're looking at me for one minute and twenty seconds straight," puna niya. Medyo nailang ako kaya't iniba ko ang tingin ko.

"S-Sorry. Uhmm... m-may iniisip lang," sabi ko.

"What is it? P'wede mo namang sabihin sa 'kin para matulungan kita."

"Ah... he.. he... hindi na. Camille, saglit lang ako, ha?" paalam ko.

"No problem, ate," sagot naman nito sa 'kin. Dahil dito ay dali-dali akong lumabas para tunguhin sina ma'am Elizabeth at sir Romeo.

"Oh, Gracia, bakit ka umalis?" tanong ni sir Romeo.

"Ma'am. Sir, pasensya na po kayo, ha? Kailangan ko po munang umuwi para maasikaso ko po ang anak ko," paalam ko sa kanila.

"May anak ka?" tanong ni ma'am Elizabeth. Lihim pa akong lumunok ng laway bato siya tanguan. "M-Meron po."

Nagtinginan ang mag-asawa at tila napaisip. Mukhang seryoso ang mga mukha nila.

"Ilang taon?" tanong muli ni sir Romeo.

"Five po."

"That's good," sagot niya kaya't agad tumingin sa kaniya si ma'am Elizabeth.

Ano'ng iniisip niya?

"What do you mean that's good?" nagtatakang tanong ni ma'am Elizabeth.

"Pumasok lang sa isipan ko na pwedeng dalhin ni Gracia ang anak niya and also pretend na anak nila ni Rommel ang bata," saad ni sir Romeo.

"What? Ano ba'ng klaseng pag-iisip 'yan? Gusto mong ipaako kay Rommel ang hindi niya anak?" tanong pa ni ma'am Elizabeth sa asawa niya.

Naku! Kung alam lang ng dalawang 'to na para akong ready to drink na tin*sok ni sir Rommel ng mahaba niyang straw, baka maloka sila.

"Honey, look, hindi pwedeng iwan ni Gracia ang anak niya na five years old pa lang. Her vhild needs her. Kapag nakatunog si Rommel na panay alis ni Gracia at malaman bigla na may anak siya sa iba, baka mas lalong mag-hysterical ang anak mo. Imbis na gumaling, mas lalo pa tayong mahihirapan," paliwanag ni sir Romeo.

Kung ako lang ay gusto kong tumanggi dahil natatakot ako na baka kung ano naman ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang totoo. Kaso, para akong napipipi.

Napansin ko na tila napaisip din si ma'am Elizabeth sa in-explain ng asawa niya.

"P-Paano kung malaman niyang hindi kaniya ang bata?" pag-aalalang tanong nito.

"H-H'wag po kayong mag-alala, h-hindi po niya malalaman," kumpyansa kong sagot habang nakangiti nang malapad sa kanila.

"Oh, see? Wala na tayong magiging problema," dugtong pa ni sir Romeo.

Kahit medyo alanganin pa si ma'am Elizabeth ay wala siyang nagawa kundi ang mag-agree para sa anak niya.

"Okay, pero hindi basta-basta ang pagpasok sa pamilyang 'to, Gracia. Alam mo naman ang ibig kong sabihin. Ayokong masira ang reputasyon ng pamilyang ito."

Huminga ako nang malalim at buong paninindigan siyang sinagot, "Opo, ma'am."

PARA AKONG bumalik sa pag-aaral dahil halos ibigay sa 'kin lahat ni Mrs. Orezo ang mga aklat about sa business, sa company nila, sa mga taong katuwang nila, at kung ano-ano pa.

Daig ko pa ang magbo-board exam!

"Hindi gan'yan. Ganito," turo sa 'kin ni Camille ng proper way kung paano kumilos bilang isang mayaman.

"Ganito?" tanong ko naman matapos gawin ang ginawa niya.

"There! Ang bilis mo namang matuto."

"Slight lang. Mahirap na'ng mamali," sagot ko.

"Hanggang dito muna ang pagtuturo ko sa 'yo. Basta't pag-aralan mo pa nang pag-aralan yung mga aklat na binigay ni Mommy sa 'yo, ha?"

"Sige. Salamat."

Bukas na ang discharge ni sir Rommel sa ospital kaya't ang madalas kong pinag-aaralan ay yung mga gusto at ayaw niya. Ang dami!

Ito muna ang pr-in-iority ko para mas maging komportable sa 'kin si Rommel. Pagpapanggap bilang misis niya ang role ko rito kaya hindi ko naman na siguro need na pag-aralan pa ang kung ano-ano pa'ng bagay.

Medyo nakaramdam ako ng pagod dahil sa dami ng tinuro sa 'kin ni Camille kaya't pumunta muna ako ng kusina para uminom ng malamig na juice.

Ang kagandahan sa role ko, may access ako sa mansion ng mga Orezo! Para talaga akong isang mayaman!

Hay! Na-miss ko rin dito, ha? Two years akong nanilbihan dito noon kaya't kabisado ko pa rin ang pasikot-sikot. May iba lang na nagbago, nadagdag, at nabawas, pero overall, gano'n pa rin.

"Bwiset naman..." sambit ko pa sa sarili ko dahil kaalinsabay nito ay naalala ko na naman ang naging gabi namin ni sir Rommel.

Mahigit anim na taon na nang mangyari 'yon pero ramdam na ramdam ko pa rin sa katawan ko ang lahat. Bakit ba parang magkakonekta ang mga katawan namin sa isa't isa?

Tsk!

Pero napapaisip din ako...

Paano kaya kung dumating ang panahong maalala na ni sir Rommel ang lahat ng alaala niya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa ganito naming set up?

At paano rin kung malaman niya na may anak siya sa 'kin?...

Ikamumuhi niya ba ako at ang bata?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 38

    "H-Ha? Ano'ng mahal?" tanong ko. Hindi ko na napigilan pa ang mautal."Kunwari ka pa," bulong ni Camille matapos niyang sikuin nang marahan ang tagiliran ko. "Alam ko na minahal mo si kuya. Mahal ka naman din niya, ah? Kaya wala namang problema 'yon.""Camille, hindi ko mahal ang Kuya mo. Hindi ko nga siya gusto, e," pagde-deny ko. Sa totoo lang ay nararamdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko sa kaba."Sana nga, totoo ang sinasabi mo. But anyway, after nating mag-dinner, tuturuan na kita ng proper etiquette kung paano gumalaw bilang isang sosyal at mayamang babae. Naituro ko naman na 'to sa 'yo noon so ire-recap ko na lang.""K-Kailangan ko ba talagang gawin 'to?" tanong ko."Ano ba sa tingin mo?" tanong din niya pabalik. Ako tuloy ang napaisip ng isasagot sa sarili kong tanong.Tss! Mukhang wala talaga akong choice!NAKATALIKOD ako ng pagkakahiga mula kay sir Rommel. Alas dos na ng madaling araw pero hindi ako makatulog. Kaninang 12AM pa natapos ang pagpa-practice ko, sa tulong ni

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 37

    Nanlalaki ang mga mata ko habang naririnig si Melvs na palalapit dito sa kusina. Bigla ay humiwalay sa 'kin si sir Rommel at kunwaring nag-asikaso."Mrs. Ore—Oh? I-I'm sorry. Hindi ko alam na—""It's okay," agad na sagot ni sir Rommel at saka ako tinignan. "Mamaya na lang namin itutuloy ng asawa ko ang pinag-uusapan namin. I'll go back to the company, wife. I love you."Hindi ako nakasagot dahil sa naiwang shock sa dibdib ko. Ngumiti nang nakakaloko si sir Rommel na tila nagustuhan niya ang ginawa namin bago siya tuluyang umalis."S-Sorry, susunod na lang ako," tanging sabi ko kay Melvs. Tumango siya sa 'kin bago bumalik sa library room.SIMULA no'ng halikan ako ni sir Rommel, para na akong wala sa sarili. Natutulala na lang ako sa tuwing may pagkakaabalahan ako. At ang hindi ko pa maintindihan, kakaiba ang pintig ng puso ko.Normal pa ba 'to?"Ano?! Paano nangyari 'yon?! Bakit kumalat sa—Argh!"Nagtaka ako dahil sa reklamo ni ma'am Elizabeth. Bakas sa boses niya ang irita at inis."G

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 36

    Wala akong katulog-tulog. Parang mulat ang diwa ko sa buong gabi habang iniisip kung paano ko mapapalayo ang loob sa 'kin ni sir Rommel.Nang marinig ko ang kumukulong tubig sa takure ay agad ko iyong inasikaso. Nagtimpla ako ng kape at saka hinain ang huling pagkaing niluto ko.Dapat nga, hindi na ako nagluto, e, kaso iniisip ko na kung hindi ako ang maghahain ng pagkain ni sir Rommel, baka naman kung ano-ano ang ipakain sa kaniya at lalo siyang magkasakit?"Mama..." sambit sa 'kin ni Gray nang puntahan niya ako. Niyakap at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi."Good morning, everyone!" bati ni Camille na tila maraming enerhiya ang na-consume. Pumwesto na siya sa dining area at uminom ng tinimpla kong kape. "Hmm! Sarap!"Ilang sandali pa ay nakita ko ang pagdating ni sir Rommel kasama ni ma'am Elizabeth. Mukhang okay na sila dahil parehas na silang nakangiti ngayon."Good morning, Wife," bati ni sir Rommel sa 'kin. Nakatingin lang ako sa kaniya na may tipid na ngiti. Nang sulyapan ko

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 35

    "R-Rommel..." sambit ko ngunit agad ng umalis si sir Rommel. Sandali kong tinignan ang gawi ni ma'am Elizabeth na nananatili pa rin sa kinaroroonan niya bago ko sundan ang kaniyang anak.Pinaubaya ko muna sa kasambahay ang anak kong si Gray bago ko tinungo sa kwarto si sir Rommel. Bakas sa mukha niya ang inis kaya't nilapitan ko siya."Hindi mo dapat sinagot ang Mommy mo," bungad ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakikinggan. "Rommel, ano ba? Pakinggan mo naman ako.""She shouldn't do that to you. You are my wife. The mother of my son. She should respect and love you as I do," sagot niya sa 'kin."Naiintindihan ko ang galit mo pero nanay mo pa rin siya. Naiintindihan ko siya dahil ina rin ako. Naghihigpit ako para sa ikabubuti ng anak," mahinahon kong depensa."But I also have a child. Alam ko kung ano ang ikabubuti sa anak, pero hindi 'yon madadaan sa pangbabalewala ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Gaya mo, you know how she feels pero hindi niya alam kung ano ang nararamdaman m

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 34

    "Hmm! This is good!" puri ni sir Rommel sa nilutong Nilagang Baka ni t'yang. Panay ang higop niya sa sabaw. Samantalang hindi na niya napansin yung paborito niyang hipon na niluto ko."Mabuti naman at nagustuhan mo," sabi ni t'yang bago muling harapin si Gray. "Ito, oh. Kumain ka pa, apo."Pinagmamasdan ko ang anak kong sumusunod sa kaniyang lola t'yang. Simula no'ng ipagbuntis at maipanganak ko si Gray, si t'yang ang palaging nand'yan para sa 'kin. Kahit na nakakainis man siya palagi, pero madalas naman siyang maaasahan.Babalik pa lang ako sa pagkain ngunit napansin ko ang pagkatulala ni sir Rommel kina T'yang at Gray. Yung mukha niya, hindi ko alam kung nata-touch ba siya o nalulungkot."May problema ba?" tanong ni T'yang nang maabutan niya rin ang reaksyong 'to ni sir Rommel. Agad itong nagising sa pagkatulala."H-Huh? Uhmm... nothing," sagot lamang ni sir Rommel."Yung totoo?" paninigurado ni t'yang upang hulihin si sir Rommel. Gusto pa sanang mag-deny ni sir Rommel ngunit suming

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 33

    Napatakip sa bibig si T'yang sa nalaman."Alam ba niya na—""Hindi," sagot ko agad. "Walang ibang nakakaalam na siya ang ama ni Gray, maliban sa 'ting dalawa. At ayokong lumabas pa ang tungkol doon.""Ha? Ano ka ba, Gracia? Mayamang pamilya sila, hindi ba? Bakit ayaw mong ipaako? Kahit na ipa-DNA pa nila ang bata, makikita nilang kadugo nila siya. Magmamana si Gray nang kayamanan nila."Tss... ito na nga ba ang sinasabi ko."Hindi ko po kailangan ng yaman nila, T'yang. At hindi na rin kailangan pa'ng makilala ni Gray na si sir Rommel ang ama niya. Ngayon, kapag bumalik na ang alaala ni sir Rommel, makukuha ko ang malaking halaga ng pera mula sa mga magulang niya. Sapat na 'yon para gumanda ang buhay natin at makapag-aral si Gray. Kaya pakiusap ko sa 'yo na h'wag kang masyadong maingay. Ganito, kunwari, matagal na kaming kasal ni sir Rommel. Basta gano'n. Paniwalain natin siya na matagal na kaming kasal. Hayaan mo, may parte ka rito."Dahil sa pera, wala namang pag-aalangang nag-agree

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 4

    "Am... Am... ako, Mama.""Ito na po. Kakain na po ang baby ni Mama," paglalambing ko sa anak kong madaldal kahit bulol pa'ng magsalita. Hinainan ko na siya ng almusal niya para mapaliguan ko na rin siya at makapag-asikaso na rin ako rito sa bahay.Day off ko ngayon kaya tinutuon ko ang atensyon ko

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 3

    AFTER 6 YEARS..."Anak, hindi po pwede. Sasaglit lang po si Mama tapos uuwi rin, ha? Bawal kasi ang bata ro'n, e. Dadalhan na lang kita ng laruan."Hindi ko alam kung ano pa'ng klaseng pang-uuto ang dapat kong gawin sa unico hijo ko dahil gustong gusto niyang sumama sa 'kin sa pagpunta ko sa trabah

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 2

    Unti-unting dumilat ang mga mata ko at napansing katabi ko sa ibabaw ng kama si sir Rommel. Amoy alak pa rin siya. Bagsak na bagsak ang kaniyang tulog dahil sa dami ng nainom niyang alak kagabi.Tinignan ko ang ayos ko. Nakaharap sa gawing kanan si sir Rommel habang parehas nakakumot ang mga katawa

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 1

    GRACIA'S POV"Oh my gosh!"Saksi naming lahat ang pagkagulat ni ma'am Alicia nang makita niya ang eleganteng sorpresa sa kaniya ni sir Rommel. Mula sa 'ming mga kasambahay, gwardya at maging pamilya at malapit sa buhay nina sir Rommel at ma'am Alicia ay naririto."Alicia, my love, you are the happi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status