Share

Disgrasya 4

Author: Rouzan
last update publish date: 2026-05-25 07:08:37

"Am... Am... ako, Mama."

"Ito na po. Kakain na po ang baby ni Mama," paglalambing ko sa anak kong madaldal kahit bulol pa'ng magsalita. Hinainan ko na siya ng almusal niya para mapaliguan ko na rin siya at makapag-asikaso na rin ako rito sa bahay.

Day off ko ngayon kaya tinutuon ko ang atensyon ko sa five year-old baby boy kong si Gray. Natutuwa ako sa anak ko dahil siya lang ang nakapagpapaalis ng pagod ko tuwing nandito ako sa bahay.

"Gracia, yung bill sa kuryente at tunog, ha?" paalala ni t'yang. Siya naman ang nakakaimbyerna sa buhay ko.

"Opo," sagot ko na lang. Wala namang ibang magbabayad kundi ako, e. Mas consistent pa siyang mags*gal kaysa mag-asikaso rito sa bahay.

Sa pagiging abala ko sa bata, bigla na lang tumunog ang phone ko at nakita ang number ni Camille na binigay niya sa 'kin noong isang araw.

Kinuha ko ang phone at pinindot ang screen. Nagawa ko pa itong ipitin ng tainga at balikat ko para maasikaso ko ang anak ko.

"Hello?" bungad ko nang sagutin ko ito.

"Gracia, pumunta ka muna rito sa hospital. Kailangan namin ng tulong mo."

"H-Huh?" kunot-noo kong tanong sa pagtataka.

"Si Kuya Rommel kasi, e, hinahanap ka niya."

Medyo nagulat at nagtaka ako sa sinabi ni Camille. "A-Ako?"

"Oo, ikaw."

"Bakit naman?"

"Mamaya na 'yang maraming tanong. Halika na rito. Pakibilisan mo, ha? Marami ng umaawat sa kaniya, e. Sige na."

"Ano'ng umaa—Hello? Hello?"

Hindi ko na nakausap pa si Camille nang babaan niya ako ng tawag. Ano namang nangyayari kay sir Rommel?

Bakit ako ang hinahanap niya?

NATATARANTA akong nagtungo sa kwarto kung saan naka-confine si sir Rommel. Sa pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita kong hawak-hawak na siya ng ilang nurse habang pinakakalma siya ng doktor at ng kaniyang pamilya.

"I need my wife!" sigaw ni sir Rommel bago niya ituon sa direksyon ko ang tingin niya. Kumalma siya at tila mangiyak-ngiyak nang makita niya ako. "W-Wife..."

Tumingin sa gawi ko ang lahat ng nasa silid habang ako ay naiilang silang tinignan. Nagtataka rin ako sa tawag sa 'kin ni sir Rommel.

"W-Wife, I-I need you... please?"

Wife?!

Kailan pa ako naging asawa ni sir Rommel?!

Sinenyasan ako ni Camille na lapitan ang Kuya niya. Sa pagpwesto ko sa gilid ng hospital bed ay walang ano-ano akong niyakap ni sir Rommel habang umiiyak.

"W-What am I doing here? P-Please don't leave me. I-I'm scared."

Unti-unti ko na lang na nilapat ang palad ko sa ulo niya at hinaplos-haplos ito. Naiilang ako sa pagkakayakap niya sa 'kin.

"S-Son, s-she's not your wife. She's—"

"Stop telling me that! I don't even know you!" bulyaw ni sir Rommel sa kaniyang ina. "I don't need you here! I only need my wife!"

Natahimik kaming lahat sa lakas ng sigaw ni sir Rommel. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Bakit siya nagkaganito?

NAKAHARAP ako ngayon sa doktor ni sir Rommel habang pinakikinggan ang pag-uusap nila ni ma'am Elizabeth.

"B-Bakit po ganoon ang anak ko? Hindi niya kami kilala. Tapos paulit-ulit pa niyang hinahanap ang asawa niya, pero wala pa naman po siyang asawa, e," tanong ni ma'am Elizabeth.

"I understand your concern, Mrs. Orezo. Based on our findings, your son experienced temporary memory loss due to the severe impact of the car crash on his head. Kapag may trauma po kasi sa utak, maaaring maapektuhan ang paraan ng pagproseso at pag-alala niya ng memories," paliwanag ng doktor.

"Pero bakit siya ang naaalalang babae ni Rommel?" tanong pa ni ma'am Elizabeth nang ituro niya ako.

"Posible po'ng ang utak niya ay nagko-confuse ng memories, emosyon, panaginip, o lumang imahinasyon habang nagpapagaling pa siya. May mga kaso po kasi na pagkatapos ng head injury, nagkakaroon ang pasyente ng false memories or maling alaala na para sa kanila... totoong nangyari."

"Uhmm... ibig po ba'ng sabihin is inimbento lang po ni Kuya ang lahat ng 'to?" nagtataka namang tanong ni Camille.

"Hindi naman po sadya. Para kay Rommel, totoo ang naaalala niya. Hindi siya nagsisinungaling. Ang nangyayari po is nahihirapan pa ang utak niyang paghiwalayin kung alin ang tunay na alaala at alin ang nabuo lang through his imagination matapos ang aksidente. Posibleng may mukha, pangalan, o pakiramdam siyang nakakapit pa sa isip niya dahil iyon ang kasalukuyang pinakamalinaw na memory na naaabot ng brain niya. Minsan din, ang brain trauma ay parang sirang filing cabinet. May ilang alaala na nawawala, may ilan na halo-halo, at may ilan na maling nakakabit sa ibang emosyon o pangyayari."

Hindi namin ine-expect na magiging ganito ang sitwasyon ni sir Rommel.

"But, doc, we want to know kung babalik pa po ba sa normal ang memory ni Rommel?" tanong ni sir Romeo.

"There’s a good chance of that, Mr. Orezo, especially since his condition appears to be temporary right now. Habang gumagaling ang pamamaga at stress ng utak, maaaring bumalik nang paunti-unti ang tamang memories niya at mawala ang pagkalito. Mas maganda if huwag ninyo siyang pagalitan at pilitin na mali ang alaala niya. Kapag pinilit po kasi natin, maaaring mas lalo siyang ma-stress o malito. Mas mabuting kalmado siyang kausapin at dahan-dahang i-ground sa reyalidad habang mino-monitor natin ang recovery niya."

"Ang anak ko..." sambit ni ma'am Elizabeth na nalulungkot pa rin sa sitwasyon ni sir Rommel. Napayakap siya sa kaniyang asawa habang hinahaplos naman ni Camille ang likod nito.

"S-Salamat po, doc..." sambit ni sir Romeo kaya't nagpaalam na rin ang doktor pagtapos.

Nang magtama ang tingin namin ni ma'am Elizabeth ay agad akong napaiwas.

"U-Uhmm... m-mauuna na po ako—"

"Hindi ka aalis," sabi kaagad ni ma'am Elizabeth bago dahan-dahang pumunta sa gawi ko.

"M-Mom, she didn't do anything," saad ni Camille.

"I know," tugon ni ma'am Elizabeth habang nakatingin mismo sa mga mata ko. "Sa 'yo lang kumakalma ang anak ko, and I want you to act as his wife hangga't hindi pa bumabalik ang memorya niya."

H-Huh?!

"P-Po?" nakataas ang dalawang kilay kong tanong sa kaniya.

"You heard me, Gracia. Magpapanggap kang asawa ni Rommel, at willing akong bayaran ka sa anumang halaga ang gugustuhin mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 5

    "Thank you for treating me like this, wife. I love you so much."Gusto kong manginig sa romantikong pagkakasabi no'n ni sir Rommel. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ire-response ko."H-Ha? Ehh... s-salamat," tanging sagot ko. Kumunot naman ang kaniyang noo sa 'kin."Salamat? That's it? Where's the 'I love you too', wife?"Ito na nga ba ang kinakatakot ko! Need ko pa ba'ng sabihin 'yon?"U-Uhmm... I-I love... Uhmm... I l-love y—""Good morning, Kuya!"Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang pumasok si Camille sa kwarto. Mabuti na lang talaga dumating siya!Ngumiti lang nang marahan si sir Rommel sa gawi ni Camille dahil hindi pa rin niya matandaan ang kaniyang pamilya.Um-agree ako sa gustong mangyari ni ma'am Elizabeth na maging fake wife ako ni sir Rommel upang matulungan ko sila na ipakilala rito. Kapalit nito ay ang malaking halaga ng perang in-offer nina Mr. at Mrs. Orezo.Tinanggap ko na dahil nanghihinayang ako sa pera. Para din naman ito sa anak ko.Habang nakatingin a

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 4

    "Am... Am... ako, Mama.""Ito na po. Kakain na po ang baby ni Mama," paglalambing ko sa anak kong madaldal kahit bulol pa'ng magsalita. Hinainan ko na siya ng almusal niya para mapaliguan ko na rin siya at makapag-asikaso na rin ako rito sa bahay.Day off ko ngayon kaya tinutuon ko ang atensyon ko sa five year-old baby boy kong si Gray. Natutuwa ako sa anak ko dahil siya lang ang nakapagpapaalis ng pagod ko tuwing nandito ako sa bahay."Gracia, yung bill sa kuryente at tunog, ha?" paalala ni t'yang. Siya naman ang nakakaimbyerna sa buhay ko."Opo," sagot ko na lang. Wala namang ibang magbabayad kundi ako, e. Mas consistent pa siyang mags*gal kaysa mag-asikaso rito sa bahay.Sa pagiging abala ko sa bata, bigla na lang tumunog ang phone ko at nakita ang number ni Camille na binigay niya sa 'kin noong isang araw.Kinuha ko ang phone at pinindot ang screen. Nagawa ko pa itong ipitin ng tainga at balikat ko para maasikaso ko ang anak ko."Hello?" bungad ko nang sagutin ko ito."Gracia, pum

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 3

    AFTER 6 YEARS..."Anak, hindi po pwede. Sasaglit lang po si Mama tapos uuwi rin, ha? Bawal kasi ang bata ro'n, e. Dadalhan na lang kita ng laruan."Hindi ko alam kung ano pa'ng klaseng pang-uuto ang dapat kong gawin sa unico hijo ko dahil gustong gusto niyang sumama sa 'kin sa pagpunta ko sa trabaho. Panay ang iyak at pagdadabog."Ayan... Ayan... Anak pa more," asar ni t'yang na mas lalong nakapagpasakit ng ulo ko. Kahit kailan 'tong matandang dalaga na 'to, walang sinasabing maganda."Anak naman..." kalmado kong sabi nang buhatin ko siya. "Hindi ka po pwedeng isama ni Mama, okay? Mamaya po, lalabas tayo, tapos bibilhan kita ng maraming toys."Hinintay ko muna ang pakalmahin ang anak ko sa pang-uuto ko bago ako makaalis. Umabot ako ng mag-iisang oras bago ko siya napatahan.Niyakap at hinalikan ko sa pisngi ang anak ko bago ako umalis. Nagmamadali pa akong sumakay sa nakaabang na trycicle dahil malapit na rin ang time in ng pasok ko.Sana hindi ako ma-late.Nakatuon ako sa daan habang

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 2

    Unti-unting dumilat ang mga mata ko at napansing katabi ko sa ibabaw ng kama si sir Rommel. Amoy alak pa rin siya. Bagsak na bagsak ang kaniyang tulog dahil sa dami ng nainom niyang alak kagabi.Tinignan ko ang ayos ko. Nakaharap sa gawing kanan si sir Rommel habang parehas nakakumot ang mga katawan namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis at pagsisisi kung bakit pa ito nangyari sa 'min. Napakatanga ko!Maingat at dahan-dahan akong bumangon upang makapagbihis na at makaalis. Hindi ko na hihintayin pa'ng sumibol ang araw at makita ni sir Rommel na ang nakasip*ng niya ay hindi si ma'am Alicia, kundi ang kasambahay niya.KUNOT-NOO akong tinignan ni t'yang nang makauwi ako, dala ang isang malaking bagahe. "Oh, bakit ang dami mong dala?" nagtataka nitong tanong.Nahihiya akong nagkamot ng ulo at sumagot, "Umalis na po ako sa trabaho.""ANO?!"Halos mapatalon ako sa lakas ng tanong sa 'kin ni t'yang. Dali-dali siyang nagtungo sa gawi ko nang nakapamewang."Bakit ka umalis?! Alam mo ba

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 1

    GRACIA'S POV"Oh my gosh!"Saksi naming lahat ang pagkagulat ni ma'am Alicia nang makita niya ang eleganteng sorpresa sa kaniya ni sir Rommel. Mula sa 'ming mga kasambahay, gwardya at maging pamilya at malapit sa buhay nina sir Rommel at ma'am Alicia ay naririto."Alicia, my love, you are the happiness of my life..."Nakatingin ako sa mukha ni sir Rommel habang nagbibigay ng romantikong mensahe para kay ma'am Alicia. Sa buong dalawang taon kong paninilbihan sa pamilya Orezo, ngayon ko lang nakitang umiyak si sir.At nakakatuwa silang panoorin.Naluluha rin ang karamihan sa mga nakakasaksi sa kanila lalo na't nang lumuhod si sir Rommel sa harapan ni ma'am Alicia. Hawak ni sir ang isang maliit na box na may lamang nagniningning na singsing."Alicia, will you be my wife?"Para kaming nanonood ng romance movie na live. Panay ang pagnginig namin sa mga katabi namin dahil sa sobrang kilig."I-I..."Bakas sa mukha ni ma'am Alicia na tila hindi siya mapakali. Ni hindi nga niya magawang tignan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status