LOGINAFTER 6 YEARS...
"Anak, hindi po pwede. Sasaglit lang po si Mama tapos uuwi rin, ha? Bawal kasi ang bata ro'n, e. Dadalhan na lang kita ng laruan." Hindi ko alam kung ano pa'ng klaseng pang-uuto ang dapat kong gawin sa unico hijo ko dahil gustong gusto niyang sumama sa 'kin sa pagpunta ko sa trabaho. Panay ang iyak at pagdadabog. "Ayan... Ayan... Anak pa more," asar ni t'yang na mas lalong nakapagpasakit ng ulo ko. Kahit kailan 'tong matandang dalaga na 'to, walang sinasabing maganda. "Anak naman..." kalmado kong sabi nang buhatin ko siya. "Hindi ka po pwedeng isama ni Mama, okay? Mamaya po, lalabas tayo, tapos bibilhan kita ng maraming toys." Hinintay ko muna ang pakalmahin ang anak ko sa pang-uuto ko bago ako makaalis. Umabot ako ng mag-iisang oras bago ko siya napatahan. Niyakap at hinalikan ko sa pisngi ang anak ko bago ako umalis. Nagmamadali pa akong sumakay sa nakaabang na trycicle dahil malapit na rin ang time in ng pasok ko. Sana hindi ako ma-late. Nakatuon ako sa daan habang mabilis na pinaaandar ni manong driver ang trycicle. Hindi naman sobrang bilis dahil alam ng suki kong driver kung gaano ako takot sa daan. "Aabot pa kaya ako, kuya?" tanong ko. "Oo naman!..." Iyon na lang ang tangi kong narinig na sagot ni manong driver. Hindi ko na siya narinig pa sa mga kasunod niyang sinabi dahil parang nagbubuhol-buhol ang letra sa bibig niya. Sa patuloy namin sa pagtahak ng daan ay kinabahan na ako sa paparating na Montero na panay ang pag-take over. Binagalan na ni manong driver ang pagmamaneho nang trycicle nang muntikan na kaming mahagip ng kotseng 'yon. "AAHHH!" tili ko sa sobrang takot. Nawalan ng preno ang kotseng muntik ng makabangga sa 'min at sumalpok sa isang bangketa. Sa lakas ay halos mawasak na ang pinagbanggaan nito. Naku! "S-Sandali," kinakabahan kong sabi sa driver bago kami bumaba upang tunguhin 'yon. May mga iba rin'g motorista ang nakiusyoso, gayundin ang mga taong nakasaksi no'n. "Naku! Duguan yung driver!" "Tumawag kayo ng ambulansya!" "Medic! Medic!" Nagpa-panic ang lahat dahil sa natamo ng driver nito. Nang makita ko ang duguan na mukha ng lalaking driver ay halos manlaki ang mga mata ko sa gulat. "S-Sir Rommel?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa walang malay niyang katawan. Nailang ako sa kumukuha ng mga larawan at nagbi-video sa aksidenteng ito. Hindi ko napansin na may mga taong sinasamantalang i-social media ang nangyari kaysa gumawa ng paraan para matulungan si sir Rommel. "Excuse me, ma'am. Umurong na lang po kayo." Inasikaso ng mga dumating na reponde si sir Rommel at sinakay sa ambulansya. "Tara. Sundan natin sila. Bilis," pagyayaya ko kay manong driver kaya't sumunod kami sa ospital kung saan dadalhin si sir Rommel. NAKAUPO ako sa waiting chair ng hospital habang inaabangan kung ano na ang nangyari kay sir Rommel. Hindi ako mapakali. Nagpaalam na rin ako sa manager ko na hindi muna ako makakapasok dahil sa nangyari. At dahil sa mga nag-video at nag-picture kanina, nalaman na rin nila na ako yung nandoon. Ang bilis kumalat ng balita! "Where's my son? Where is he?" dinig kong nag-aalalang tanong ni ma'am Elizabeth—ang ina ni sir Rommel. Kasama niya ang asawang si sir Romeo, at kapatid ni sir Rommel na si ma'am Camille. Hindi ko sila masyado pa'ng tinignan habang ine-explain sa kanila ng doktor ang kalagayan ngayon ni sir Rommel. Sa tingin ko, kailangan ko ng umalis. Hahakbang pa lamang ako paalis ngunit narinig ko na naman ang boses ni ma'am Elizabeth. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! We saw how reckless your trycicle driver was! Kung hindi lang sana mabilis ang pagpapatakbo niyo, hindi sana mababangga ang anak ko!" "Po? Ano po'ng ibig ninyong sabihin? Wala pong kinalaman..." paliwanag ng suki kong driver ngunit pinipigilan ko siya at mas piniling kong humarap sa pamilya Orezo. "M-Ma'am wala po kaming kasalanan," sagot ko. Nagtaka sila nang makita ako. "Gracia? Ikaw?" "I told you, Mom! Siya yung nakita ko sa video sa social media," saad naman ni ma'am Camille. "Hon, wala silang kasalanan. The police department told us already what happened. Nawalan ng preno ang kotse ni Rommel kaya siya naaksidente," paliwanag naman ni sir Romeo sa kaniyang asawa. Hindi na lang kami umimik nang umiyak sa labis na pag-aalala si ma'am Elizabeth. Ramdam ko ang sakit ng isang ina kapag may hindi magandang nangyari sa kaniyang anak. At hindi ko siya masisisi. TUMAGAL sa ospital si sir Rommel dahil sa natamo niya mula sa aksidente. Hindi rin ako pumalya sa pagbisita sa kaniya at sa paghingi ng tawad sa pamilya niya. Hindi naman nila ako sinisisi dahil maliwanag sa imbestigasyon ng pulisya na brake failure daw ang nangyari. "Bakit pinapagod mo pa ang sarili mo? Mukhang papasok ka pa," tanong ni ma'am Camille sa 'kin. "Hindi naman po, ma'am. Gusto ko lang din pong malaman ang kalagayan ni sir Rommel lalo na't nakita ko kung gaano kalakas yung impact ng pagkakabangga niya," paliwanag ko. "Thanks. Hayaan mo at sasabihin ko kay Kuya Rommel ang pagbisita mo once na magising na siya." "Salamat po, ma'am Camille." "Don't call me ma'am na. Camille na lang. Magtagal ka naman ng hindi na nagtatrabaho sa 'min, e," sabi ni ma'am—este—Camille at biglang napakunot ang kaniyang noo. "Bakit nga ba hindi ka na nagtrabaho sa 'min? Ni hindi ko man lang nalaman." Hindi ko alam kung ano ang ie-explain ko kay Camille! "A-Ahh... E-Ehh... Ano po, e..." Habang nag-iisip ako ng maaari kong maging palusot ay napukaw sa pansin ko si sir Rommel. Unti-unti ng gumagalaw ang kaniyang ulo at mga daliri sa kamay. "S-Sir?" Agad napatingin si Camille sa kaniyang Kuya habang tuwang tuwa. "K-Kuya? Kuya si Camille 'to. Thank God, you're awake!" saad ni Camille sa kaniyang kapatid. Tahimik lang akong nakatingin sa gawi ni sir Rommel nang magtama ang tingin namin sa isa't isa. Nakatitig lang siya sa gawi ko habang ako ay nakakaramdam na ng unti-unting pagkailang. "Uhmm... t-tatawagin ko lang po yung mga magulang ninyo," paalam ko na lang kay Camille bago ako dali-daling lumabas ng hospital room."Thank you for treating me like this, wife. I love you so much."Gusto kong manginig sa romantikong pagkakasabi no'n ni sir Rommel. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ire-response ko."H-Ha? Ehh... s-salamat," tanging sagot ko. Kumunot naman ang kaniyang noo sa 'kin."Salamat? That's it? Where's the 'I love you too', wife?"Ito na nga ba ang kinakatakot ko! Need ko pa ba'ng sabihin 'yon?"U-Uhmm... I-I love... Uhmm... I l-love y—""Good morning, Kuya!"Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang pumasok si Camille sa kwarto. Mabuti na lang talaga dumating siya!Ngumiti lang nang marahan si sir Rommel sa gawi ni Camille dahil hindi pa rin niya matandaan ang kaniyang pamilya.Um-agree ako sa gustong mangyari ni ma'am Elizabeth na maging fake wife ako ni sir Rommel upang matulungan ko sila na ipakilala rito. Kapalit nito ay ang malaking halaga ng perang in-offer nina Mr. at Mrs. Orezo.Tinanggap ko na dahil nanghihinayang ako sa pera. Para din naman ito sa anak ko.Habang nakatingin a
"Am... Am... ako, Mama.""Ito na po. Kakain na po ang baby ni Mama," paglalambing ko sa anak kong madaldal kahit bulol pa'ng magsalita. Hinainan ko na siya ng almusal niya para mapaliguan ko na rin siya at makapag-asikaso na rin ako rito sa bahay.Day off ko ngayon kaya tinutuon ko ang atensyon ko sa five year-old baby boy kong si Gray. Natutuwa ako sa anak ko dahil siya lang ang nakapagpapaalis ng pagod ko tuwing nandito ako sa bahay."Gracia, yung bill sa kuryente at tunog, ha?" paalala ni t'yang. Siya naman ang nakakaimbyerna sa buhay ko."Opo," sagot ko na lang. Wala namang ibang magbabayad kundi ako, e. Mas consistent pa siyang mags*gal kaysa mag-asikaso rito sa bahay.Sa pagiging abala ko sa bata, bigla na lang tumunog ang phone ko at nakita ang number ni Camille na binigay niya sa 'kin noong isang araw.Kinuha ko ang phone at pinindot ang screen. Nagawa ko pa itong ipitin ng tainga at balikat ko para maasikaso ko ang anak ko."Hello?" bungad ko nang sagutin ko ito."Gracia, pum
AFTER 6 YEARS..."Anak, hindi po pwede. Sasaglit lang po si Mama tapos uuwi rin, ha? Bawal kasi ang bata ro'n, e. Dadalhan na lang kita ng laruan."Hindi ko alam kung ano pa'ng klaseng pang-uuto ang dapat kong gawin sa unico hijo ko dahil gustong gusto niyang sumama sa 'kin sa pagpunta ko sa trabaho. Panay ang iyak at pagdadabog."Ayan... Ayan... Anak pa more," asar ni t'yang na mas lalong nakapagpasakit ng ulo ko. Kahit kailan 'tong matandang dalaga na 'to, walang sinasabing maganda."Anak naman..." kalmado kong sabi nang buhatin ko siya. "Hindi ka po pwedeng isama ni Mama, okay? Mamaya po, lalabas tayo, tapos bibilhan kita ng maraming toys."Hinintay ko muna ang pakalmahin ang anak ko sa pang-uuto ko bago ako makaalis. Umabot ako ng mag-iisang oras bago ko siya napatahan.Niyakap at hinalikan ko sa pisngi ang anak ko bago ako umalis. Nagmamadali pa akong sumakay sa nakaabang na trycicle dahil malapit na rin ang time in ng pasok ko.Sana hindi ako ma-late.Nakatuon ako sa daan habang
Unti-unting dumilat ang mga mata ko at napansing katabi ko sa ibabaw ng kama si sir Rommel. Amoy alak pa rin siya. Bagsak na bagsak ang kaniyang tulog dahil sa dami ng nainom niyang alak kagabi.Tinignan ko ang ayos ko. Nakaharap sa gawing kanan si sir Rommel habang parehas nakakumot ang mga katawan namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis at pagsisisi kung bakit pa ito nangyari sa 'min. Napakatanga ko!Maingat at dahan-dahan akong bumangon upang makapagbihis na at makaalis. Hindi ko na hihintayin pa'ng sumibol ang araw at makita ni sir Rommel na ang nakasip*ng niya ay hindi si ma'am Alicia, kundi ang kasambahay niya.KUNOT-NOO akong tinignan ni t'yang nang makauwi ako, dala ang isang malaking bagahe. "Oh, bakit ang dami mong dala?" nagtataka nitong tanong.Nahihiya akong nagkamot ng ulo at sumagot, "Umalis na po ako sa trabaho.""ANO?!"Halos mapatalon ako sa lakas ng tanong sa 'kin ni t'yang. Dali-dali siyang nagtungo sa gawi ko nang nakapamewang."Bakit ka umalis?! Alam mo ba
GRACIA'S POV"Oh my gosh!"Saksi naming lahat ang pagkagulat ni ma'am Alicia nang makita niya ang eleganteng sorpresa sa kaniya ni sir Rommel. Mula sa 'ming mga kasambahay, gwardya at maging pamilya at malapit sa buhay nina sir Rommel at ma'am Alicia ay naririto."Alicia, my love, you are the happiness of my life..."Nakatingin ako sa mukha ni sir Rommel habang nagbibigay ng romantikong mensahe para kay ma'am Alicia. Sa buong dalawang taon kong paninilbihan sa pamilya Orezo, ngayon ko lang nakitang umiyak si sir.At nakakatuwa silang panoorin.Naluluha rin ang karamihan sa mga nakakasaksi sa kanila lalo na't nang lumuhod si sir Rommel sa harapan ni ma'am Alicia. Hawak ni sir ang isang maliit na box na may lamang nagniningning na singsing."Alicia, will you be my wife?"Para kaming nanonood ng romance movie na live. Panay ang pagnginig namin sa mga katabi namin dahil sa sobrang kilig."I-I..."Bakas sa mukha ni ma'am Alicia na tila hindi siya mapakali. Ni hindi nga niya magawang tignan







