Partager

Disgrasya 2

Auteur: Rouzan
last update Date de publication: 2026-05-25 07:07:55

Unti-unting dumilat ang mga mata ko at napansing katabi ko sa ibabaw ng kama si sir Rommel. Amoy alak pa rin siya. Bagsak na bagsak ang kaniyang tulog dahil sa dami ng nainom niyang alak kagabi.

Tinignan ko ang ayos ko. Nakaharap sa gawing kanan si sir Rommel habang parehas nakakumot ang mga katawan namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis at pagsisisi kung bakit pa ito nangyari sa 'min. Napakatanga ko!

Maingat at dahan-dahan akong bumangon upang makapagbihis na at makaalis. Hindi ko na hihintayin pa'ng sumibol ang araw at makita ni sir Rommel na ang nakasip*ng niya ay hindi si ma'am Alicia, kundi ang kasambahay niya.

KUNOT-NOO akong tinignan ni t'yang nang makauwi ako, dala ang isang malaking bagahe. "Oh, bakit ang dami mong dala?" nagtataka nitong tanong.

Nahihiya akong nagkamot ng ulo at sumagot, "Umalis na po ako sa trabaho."

"ANO?!"

Halos mapatalon ako sa lakas ng tanong sa 'kin ni t'yang. Dali-dali siyang nagtungo sa gawi ko nang nakapamewang.

"Bakit ka umalis?! Alam mo ba kung gaano kahirap ang maghanap ng trabaho, Gracia? May ginawa ka sigurong kalokohan, ano? Ha?"

Hindi ako makasagot kay t'yang dahil sa sunod-sunod niyang pagputak sa 'kin.

"T'yang, makakahanap po ako ng mas matino pa'ng trabaho. Nakuha ko na rin naman ang sahod ko, e. M-Mas okay kung malayo ako ro'n. A-Alam mo ba? Masyado ng kuripot ang amo ko ro'n. Kung magpapatuloy ako sa pagtatrabaho sa kanila, naku! Kawawa tayo!" pagdadahilan ko na lang.

"Huh? Bakit? Ano'ng nangyari? Buti at nakuha mo pa pala ang pinagtrabahuhan mo?" curious namang tanong ni t'yang. Kahit kailan, napakatsismosa!

Well, mukhang nauuto ko naman siya kaya paninindigan ko na lang. Ayoko namang malaman niya na ang kaniyang birheng pamangkin noon, tinubuhan na ngayon. Tsk! Siguradong sesermunan ako nito nang matindi at baka masabihan pa ako ng malandi.

Hay!

Tinapos ko lang ang mahaba-haba kong kwentong barbero kay t'yang hanggang sa magtungo na ako sa kwarto. Sa pagpasok ko ng mabigat kong bagahe ay binagsak ko ang katawan ko sa ibabaw ng malambot kong single bed.

Nakakapagod!

"Tsk!" inis kong sambit sa sarili ko nang maalala ko na naman ang kagabing nangyari sa 'min ni sir Rommel. Panay ang likot ko sa hinihigaan ko. Tumayo na rin ako, umupo, at naging busy kunwari pero ramdam na ramdam ko pa rin ang katawan ni sir Rommel sa balat ko.

Ano ba 'to?!

"Bakit kasi bumigay ka, Gracia? Enjoy na enjoy ka pa! Tsk!" naiinis kong bulong sa malanding sarili ko. Buti nga at nakauwi pa ako rito kahit na medyo mahapdi pa yung kwek kwek ko!

"Gracia! Puny*ta ka, panay ang sipa mo sa pader! Ano ba?! Gigibain mo ba yung bahay, ha?!" pagbubunganga ni t'yang mula sa labas.

"Sorry!" sigaw ko na lang pabalik. Lintek kasing utak 'to, e! Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari!

Bangungot ko na ba 'to?

ISANG BUWAN at mahigit ang nakalipas, kahit papaano ay hindi ako nabakante dahil pinasok ako ni t'yang sa kakilala niya sa isang fast food chain. Trainee pa lang ako.

"Ingatan mo muna 'yang health mo. Sayang din ang araw. Buti at pinayagan kang umuwi," sabi ng isa kong katrabaho.

"Oo nga, e. Magpapa-check up na lang ako," sagot ko naman sa kaniya habang abala kong nililigpit ang mga gamit ko. Matapos nito ay saka ko binuhat ang bag ko. "Sige, guys! Mauuna na ako, ha?" paalam ko sa mga kasamahan ko nang mag-out na ako. Nagta-trycicle lang ako para makapasok at makauwi.

Sa ilang minutong pagbyahe mula sa trabaho. Wala pala si t'yang. Siguradong nasa sug*lan na naman 'yon.

Naupo ako sa de kahoy na sofa sa salas upang makapagpahinga. Abala kong tinatanggal ang medyas ko nang makaramdam ako ng pagtaas ng sikmura ko.

Dali-dali kong tinungo ang banyo at dumuwal. Medyo nakakaramdam din ako ng hilo. Naku! Mamam*tay na ba ako?

Kakapuyat ko kasi 'to, e! Tsk! Siguradong bubungangaan na naman ako ni t'yang kapag nalaman niya 'to!

Sumakay ulit ako ng trycicle para magpunta sa public community clinic upang magpa-check up. Mas okay na 'to para if hindi ako pwedeng pumasok, at least ay may maipakita ako sa manager ko.

"Good afternoon po, doktora. Magpapa-check up po ako. Madalas po kasi akong nakakaramdam ng hilo at madaling pagod, e. Kanina po, naduwal pa ako, e," nag-aalala kong tanong.

"Kailan po nagsimula ang sintomas?"

"Uhmm... siguro mga isang buwan o mag-iisang buwan po. Medyo nagiging matakaw rin po ako tapos nababahuan din sa mga nilulutong pagkain. Ewan ko ba," paliwanag ko.

"What about your menstruation po? Regular po ba dati?"

"Dati po. Ngayon ko, nade-delay po ako, doc, e. Baka may problema na sa kwek kwek ko?" nag-aalala ko pa'ng tanong.

"Ilang linggo na po kayong delayed?"

"Hmm... m-mga limang linggo?" 'di ko pa siguradong sagot.

"Okay po. I'm going to check your vital signs at magpe-pregnancy test din po tayo para makasiguro."

Nagpantig ang mga tainga ko sa sinabi ni doktora. "P-Pregnancy test?"

"Opo. Halika at nang matignan natin."

Sinimulan akong i-check ni doktora habang ako ay kinakabahan sa magiging resulta. Sana pagtat*e lang ito!

Makalipas ang ilang minuto, muli kaming naupo ni doktora sa may desk niya.

"Lumalabas po sa test na positive po kayo," saad niya kaya't nabigla ako.

"P-Positive?!" 'di ko makapaniwalang tanong. "P-Pero hindi naman ako gumagamit ng dru—"

"Ay hindi 'yan ang ibig kong sabihin. What I mean is positive po na buntis kayo."

"P-PO?!"

Mas lalo akong nabigla sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan. B-Buntis ako?!

"Opo. Base sa delay ng menstruation ninyo at sa sintomas na naranasan ninyo like morning sickness, pagkahilo, pagiging sensitive sa amoy, pananakit ng dibdib, at madalas na pag-ihi... malaki talaga ang posibilidad ng pagbubuntis. Karaniwan pong nalalaman ang pagbubuntis around 4 to 6 weeks mula sa huling r*gla dahil doon nagsisimulang lumabas nang sapat ang pregnancy hormone na tinatawag na hCG."

Hindi ko na napakinggan pa ang sinabi ni doktora dahil umiikot pa rin sa pandinig ko na buntis ako.

Hindi... Hindi pwede 'to!

Hindi ako pwedeng mabuntis!

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 5

    "Thank you for treating me like this, wife. I love you so much."Gusto kong manginig sa romantikong pagkakasabi no'n ni sir Rommel. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ire-response ko."H-Ha? Ehh... s-salamat," tanging sagot ko. Kumunot naman ang kaniyang noo sa 'kin."Salamat? That's it? Where's the 'I love you too', wife?"Ito na nga ba ang kinakatakot ko! Need ko pa ba'ng sabihin 'yon?"U-Uhmm... I-I love... Uhmm... I l-love y—""Good morning, Kuya!"Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang pumasok si Camille sa kwarto. Mabuti na lang talaga dumating siya!Ngumiti lang nang marahan si sir Rommel sa gawi ni Camille dahil hindi pa rin niya matandaan ang kaniyang pamilya.Um-agree ako sa gustong mangyari ni ma'am Elizabeth na maging fake wife ako ni sir Rommel upang matulungan ko sila na ipakilala rito. Kapalit nito ay ang malaking halaga ng perang in-offer nina Mr. at Mrs. Orezo.Tinanggap ko na dahil nanghihinayang ako sa pera. Para din naman ito sa anak ko.Habang nakatingin a

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 4

    "Am... Am... ako, Mama.""Ito na po. Kakain na po ang baby ni Mama," paglalambing ko sa anak kong madaldal kahit bulol pa'ng magsalita. Hinainan ko na siya ng almusal niya para mapaliguan ko na rin siya at makapag-asikaso na rin ako rito sa bahay.Day off ko ngayon kaya tinutuon ko ang atensyon ko sa five year-old baby boy kong si Gray. Natutuwa ako sa anak ko dahil siya lang ang nakapagpapaalis ng pagod ko tuwing nandito ako sa bahay."Gracia, yung bill sa kuryente at tunog, ha?" paalala ni t'yang. Siya naman ang nakakaimbyerna sa buhay ko."Opo," sagot ko na lang. Wala namang ibang magbabayad kundi ako, e. Mas consistent pa siyang mags*gal kaysa mag-asikaso rito sa bahay.Sa pagiging abala ko sa bata, bigla na lang tumunog ang phone ko at nakita ang number ni Camille na binigay niya sa 'kin noong isang araw.Kinuha ko ang phone at pinindot ang screen. Nagawa ko pa itong ipitin ng tainga at balikat ko para maasikaso ko ang anak ko."Hello?" bungad ko nang sagutin ko ito."Gracia, pum

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 3

    AFTER 6 YEARS..."Anak, hindi po pwede. Sasaglit lang po si Mama tapos uuwi rin, ha? Bawal kasi ang bata ro'n, e. Dadalhan na lang kita ng laruan."Hindi ko alam kung ano pa'ng klaseng pang-uuto ang dapat kong gawin sa unico hijo ko dahil gustong gusto niyang sumama sa 'kin sa pagpunta ko sa trabaho. Panay ang iyak at pagdadabog."Ayan... Ayan... Anak pa more," asar ni t'yang na mas lalong nakapagpasakit ng ulo ko. Kahit kailan 'tong matandang dalaga na 'to, walang sinasabing maganda."Anak naman..." kalmado kong sabi nang buhatin ko siya. "Hindi ka po pwedeng isama ni Mama, okay? Mamaya po, lalabas tayo, tapos bibilhan kita ng maraming toys."Hinintay ko muna ang pakalmahin ang anak ko sa pang-uuto ko bago ako makaalis. Umabot ako ng mag-iisang oras bago ko siya napatahan.Niyakap at hinalikan ko sa pisngi ang anak ko bago ako umalis. Nagmamadali pa akong sumakay sa nakaabang na trycicle dahil malapit na rin ang time in ng pasok ko.Sana hindi ako ma-late.Nakatuon ako sa daan habang

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 2

    Unti-unting dumilat ang mga mata ko at napansing katabi ko sa ibabaw ng kama si sir Rommel. Amoy alak pa rin siya. Bagsak na bagsak ang kaniyang tulog dahil sa dami ng nainom niyang alak kagabi.Tinignan ko ang ayos ko. Nakaharap sa gawing kanan si sir Rommel habang parehas nakakumot ang mga katawan namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis at pagsisisi kung bakit pa ito nangyari sa 'min. Napakatanga ko!Maingat at dahan-dahan akong bumangon upang makapagbihis na at makaalis. Hindi ko na hihintayin pa'ng sumibol ang araw at makita ni sir Rommel na ang nakasip*ng niya ay hindi si ma'am Alicia, kundi ang kasambahay niya.KUNOT-NOO akong tinignan ni t'yang nang makauwi ako, dala ang isang malaking bagahe. "Oh, bakit ang dami mong dala?" nagtataka nitong tanong.Nahihiya akong nagkamot ng ulo at sumagot, "Umalis na po ako sa trabaho.""ANO?!"Halos mapatalon ako sa lakas ng tanong sa 'kin ni t'yang. Dali-dali siyang nagtungo sa gawi ko nang nakapamewang."Bakit ka umalis?! Alam mo ba

  • Nadisgrasya Ko Si Gracia!   Disgrasya 1

    GRACIA'S POV"Oh my gosh!"Saksi naming lahat ang pagkagulat ni ma'am Alicia nang makita niya ang eleganteng sorpresa sa kaniya ni sir Rommel. Mula sa 'ming mga kasambahay, gwardya at maging pamilya at malapit sa buhay nina sir Rommel at ma'am Alicia ay naririto."Alicia, my love, you are the happiness of my life..."Nakatingin ako sa mukha ni sir Rommel habang nagbibigay ng romantikong mensahe para kay ma'am Alicia. Sa buong dalawang taon kong paninilbihan sa pamilya Orezo, ngayon ko lang nakitang umiyak si sir.At nakakatuwa silang panoorin.Naluluha rin ang karamihan sa mga nakakasaksi sa kanila lalo na't nang lumuhod si sir Rommel sa harapan ni ma'am Alicia. Hawak ni sir ang isang maliit na box na may lamang nagniningning na singsing."Alicia, will you be my wife?"Para kaming nanonood ng romance movie na live. Panay ang pagnginig namin sa mga katabi namin dahil sa sobrang kilig."I-I..."Bakas sa mukha ni ma'am Alicia na tila hindi siya mapakali. Ni hindi nga niya magawang tignan

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status