LOGINJalina POVGising pa ako nang hanggang bandang alas onse ng gabi. Hindi pa kasi ako makatulog dahil hinihintay ko kung magme-messsage ba si Sir Nico. Baka kasi sakaling magpaliwanag siya kung bakit bigla niya akong binabanaan ng linya kanina. Pero imbes na si Sir Nico ang magparamdam, biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Pagbukas ko, niluwa nito si Rainn.“Oh, bakit gising ka pa?” tanong ko agad sa kaniya.Bago siya sumagot, pumasok na agad ito sa kuwarto ko. Siya pa ang nag-lock ng pintuan. “Kakagising ko lang. Nakatulog ‘di ba ako kaninang alas sais ng gabi, hindi na ako makatulog nung magising ako ngayon kaya naisipan kitang puntahan.”Sa totoo lang, excited na akong makita at makausap siya ulit, pero dahil nandito na siya, masasabi ko na sa kaniya ang good news ko.Hinila ko siya paupo sa kama. “Heto na nga, Rainn, nakausap ko na si Tita Hera kanina. Ang sabi niya, buhay pa si Nanay Hira ko. Kanina, sinabi sa akin ni Tita Hera na ibang baliw pala ‘yung nasagasaan at nakuha
Jalina POV“Kumusta ka na, Jalina? Pasensya na at ngayon lang ako nakapag-message, sobrang busy kasi at ang daming aberya nitong nagdaang araw,” basa ko sa message ni Sir Nico sa akin. Natawa ako. Lintik, sanay naman palang magtagalog ng tuwid ang mga ito, pinahirapan pa nila ako nung nandito sila sa hacienda. Ginagalingan ko pa naman ang pag-e-english, kaya naman pala ng Tagalog. For sure, diretsyo rin mag-tagalog sina Sir Enzo at Sir Lucas. Sabagay, half pinoy pa rin ang mga iyon, kaya bakit hindi ko naisip na sanay naman talaga silang mag-Tagalog?Ang ginawa ko, imbis na reply-an ang message niya, napa-call na lang ako sa kaniya at saka pumunta sa may bookshelf para hindi ako marinig sa labas ni Tita Hera. Mahirap na, baka kasi marinig niya bigla ang sasabihin ko kay Sir Nico.“Hello, Jalina, mabuti at pa-call na rin ang ginawa mo.” Natatawa talaga ako sa kaniya. Kahit sa pagsasalita, pinoy na pinoy naman pala. Nakakainis! “Sa totoo lang, pumasok ka na lang bigla sa isip ko kaya na
Jalina POVBandang alas siyete ng gabi nang dumating si Tita Hera. Saktong tapos na akong magluto ng hapunan namin nung marinig kong bumukas ang pintuan ng bahay.“Nasaan si Rainn?” agad niyang tanong sa akin nang madatnan ako rito sa dining area.“Nasa kuwarto po niya, natutulog,” sagot ko.“Anong niluto mong ulam ngayong gabi?”“Sizzling tofu at Bulalo po.”“Good, gutom na ako, gusto ko nang kumain kaya gisingin mo na si Rainn para sabay-sabay na tayong kumain,” utos pa niya sa akin na parang kasambahay ako, tadyakan ko kaya ang mukha niya? Ang kapal e!“Tapos na po siyang mag-dinner, kanina pa po, kaya maaga rin itong pumasok sa bedroom niya at natulog.”Napatingin siya sa akin bigla. Napansin niya sigurong maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina. Good, sinadya ko talagang makita at mapansin niya ito.“Teka, umiyak ka ba, Jalina?” tanong na niya. Iyon lang naman ang hinihintay kong itanong niya. Sa puntong kasing iyon, maipapasok ko na ang pagtatanong ko sa kaniya about ka
Jalina POVPauwi na kami ni Rainn, hanggang ngayon ay mugto pa rin ang mga mata ko. Pero sinabihan na ako ni Rainn na tumahan at tumigil na kasi halatang maga na ang mata ko. Baka raw mahalata ako ni Tita Hera kapag umuwi na kami sa hacienda.Sinunod ko nalang siya. Si Rainn na lang ang gumagabay at parang nag-aalaga sa akin ngayon kaya sinusunod ko siya.Habang nasa biyahe, tahimik na ako pero nag-start na akong magbabasa ng mga sulat sa akin ni Nanay Hira. Ilan lang ang binasa ko, ‘yung kaya lang ng oras ko.Dear Jalina,Anak, hindi ako baliw. Nabaliw lang ako dahil kay Hera.Dear Jalina,Anak, pagaling na ako. Malapit na tayong magkita. Sana madalaw mo manlang ako kahit minsan.Dear Jalina,Anak, Jalina, tanda ko na ang mga nangyari dati. Oo, tanda ko na ngayon, sure na sure na ako. May kinalaman ang mga gamot na iniinom ko dati. Pakiramdam ko, doon ako nabaliw. Nabaliw ako dahil sa gamot na galing sa health center sa atin sa palengke.Dear Jalina,Anak, sorry kung ilang linggo ako
Jalina POVAng sarap nung mga pagkain dito sa fiesta restuarant. Pero ang pinaka-favorite ko ay ‘yung relyenong bangus, masarap pala iyon.Kahit gusto kong mag-diet dahil pakiramdam ko ay tumataba na ako sa kakakain ng masarap sa hacienda, hindi ko pa rin napigilan. Iba ang mga lutong pagkain dito sa kinainan namin ni Rainn. Sulit ang binayad kong dalawang libong piso.Sakto namang nag-reply na ang mental hospital sa sa message ko. Sabi ng kausap ko ay may tao na raw sa front desk, kaya kahit busog na busog pa kami at need magpahinga, bumalik na agad kami ni Rainn sa mental hospital.Pagdating doon, napangiti ako dahil may tao na nga sa front desk.“Hello, puwede ko bang mabisita ang Nanay kong si Nanay Hira Del Mundo Halili?” tanong ko agad sa staff na nasa front desk. Binuo ko na ang pangalan ni Nanay para makuha niya agad. Para rin hindi na mahaba ang tanungan.May tinignan ang staff sa computer. Nung una ay umaasa akong nandito pa si Nanay at pagsisinungaling lang ang sinabi ni Tit
Jalina POVTinawag na ni Rainn ang staff na babae. “Miss, order na kami.”Dali-dali namang nag-unahan ang dalawang staff na babae. Madapa-dapa pa ang isa, pero mas nauna ang babaeng bumati sa amin kanina.Pati ba naman dito ay marami pa ring talandera. Ewan ko ba, medyo naiinis ako kapag nakakakita ng mga ganitong babaeng parang uhaw na uhaw sa mga poging lalaki.“Ano pong order ninyo, Sir and Ma’am?” magalang nitong tanong sa amin. Mabuti naman at nababanggit na niya ako. Nahiya na siya siguro kaya inaayos na niya ngayon ang pagtrato sa akin.“Isang order ng pork kare-kare, isang order ng seafood mix, isang order ng laing at isang order din ng relyenong bangus.” Medyo nagulat ako kay Rainn kasi ang dami niyang order, pero hinayaan ko lang dahil ngayon lang naman ito.“Sir, sa rice po ilan at ano rin po ang drinks ninyo?”“Tag-dalawang rice, tapos isang pitcher na cucumber juice na lang,” sagot ni Rainn, sabay kindat sa akin.“Wala na po bang idadagdag?” tanong pa sa akin nung staff.
Janessa POVPagkakain ni Uncle River ng tanghalian, naligo at gumayak na siya kasi kailangan niyang sundan si Tita Merbella sa ospital. Manghihina raw kasi iyon sa oras na ma-chemo na ito.Hindi pala pumasok ngayong araw si Uncle River sa trabaho dahil gusto niyang suportahan ang asawa niya sa unan
Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H
Janessa POVHabang tinatapunan ako ni Madam Imelda ng juice sa ulo ko ay biglang dumating sa loob ng bahay si Tita Merbella. Tanda ko ang mukha niya, siya ang kapatid ng Mama Maribel ko na sumalangit nawa ang kaluluwa.“Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa pamangkin ko!” sigaw niya nang lapitan si Ma
River POVNakapasok na ako sa bakery ngayong umaga. Sabi ni Merbella ay kaya naman niyang mag-isa sa bahay kahit wala kami ni Janessa. Ang bilin ko sa kaniya, kapag nagkaroon ng problema o kailanganin niya ako ay tumawag lang siya sa cellphone ko.“Ano bang nangyari at ilang araw kang hindi nakapas







