Share

Kabanata 5

last update publish date: 2026-04-03 11:07:26

River POV

Nakapasok na ako sa bakery ngayong umaga. Sabi ni Merbella ay kaya naman niyang mag-isa sa bahay kahit wala kami ni Janessa. Ang bilin ko sa kaniya, kapag nagkaroon ng problema o kailanganin niya ako ay tumawag lang siya sa cellphone ko.

“Ano bang nangyari at ilang araw kang hindi nakapasok?” tanong na kapwa ko panaderong si Anastacio.

“Si Merbella, may sakit. May cancer na siya kaya inalagaan ko muna. Malala kasi ang side effect nung chemo, panay suka niya at talaga namang hinang-hina,” sagot ko sa kaniya.

“Naku po, kawawa naman si Ate Merbella. Paano po ‘yan kapag…alam niyo na,” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya ng masama.

“Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo ngayon Anastacio,” sita ko sa kaniya habang matalim ang tingin ko.

“Fine, sorry, pero kasi, ‘di ba, mainam na ‘yung handa ka. Sakaling lumisan man si Ate Merbella at hindi na niya kayanin, anong plano mo?” tanong niya sa akin.

Hindi na ako nagalit. Sa totoo lang ay naiisip ko rin naman ang tinatanong niya sa akin ngayon.

“Aalis na ako sa bahay na iyon kung hindi na kakayanin ni Merbella. Para saan pa at mag-stay ako doon kung wala naman na siya. Saka, may maiiwan naman nang titira doon. Kasama na kasi namin sa bahay ngayon ang pamangkin niyang si Janessa,” sagot ko sa kaniya habang seryoso sa pagmamasa ng tinapay.

“Wait, ilang taon na ‘yung Janessa na iyon, River?” tanong pa niya.

“Sabi niya sa akin ay twenty five years old na siya.”

Bigla siyang huminto sa pagmamasa at saka ako hinawakan sa braso. “Sampu lang ang agwat ng edad mo sa kaniya. Baka, alam mo na, puwedeng si Janessa na lang, tol,” sabi pa niya kaya doon na ako lalong nagalit.

“Tang-ina, Anastacio, magmasa ka na lang ngang mabuti diyan. Kung ano-anong pinagsasasabi mo. Pamangkin na namin iyon ni Merbella, hindi ko magagawa iyon sa mabait na si Janessa,” sigaw ko sa kaniya kaya natakot na si Anastacio.

Maya maya ay nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang pangalan ni Janessa. Dali-dali ko namang sinagot dahil baka may nangyayari na kay Merbella na hindi ko alam.

Pagsagot ko sa tawag niya ay agad naman siyang nagsalita sa kabilang linya.

“Uncle River, nandito ako sa labas ng bakery shop na pinagwo-work-an mo. Labas ka saglit, may ibibigay lang ako,” sabi niya sa kabilang linya kaya lumabas naman agad ako.

Paglabas at pagbaba ng linya ko ay nakita kong nandoon nga siya. Agad siyang napangiti nung makita ako.

“Uncle, gumawa po ako ng carbonara bago ako umalis sa bahay. Naisip kong dalhan ka nitong luto ko para may merienda ka,” sabi niya kaya nagulat ako lalo.

Mahangin sa labas kaya lilipad-lipad ang buhok niya, pero kahit magulo iyon, may kung anong kinang ang nakita ko sa mukha ni Janessa. Napatitig tuloy akong mabuti sa kaniya.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang sinabi kanina ni Anastacio. “Sampu lang ang agwat ng edad mo sa kaniya. Baka, alam mo na, puwedeng si Janessa na lang, tol.”

“Sige po, baka ma-late na ako sa work ko. Maiwan na kita, enjoy niyo po ‘yang carbonara, masarap ‘yan,” sabi pa niya habang kumakaway sa akin. Hindi na ako nakapagsalita at nakapagpasalamat kasi tumakbo na siya palayo sa bakery. Malapit lang kasi dito sa bakery ang parlor ni Tiburcia kaya naisip niya sigurong dalhan na rin talaga ako.

“Gagi, maganda pala siya, River,” singit bigla ni Anastacio na sinundan pala ako dito sa labas. May hawak siyang yosi. Sisitahin ko sana pero tila nakagawa siya ng paraan para hindi ko na masitang sinundan pa talaga niya ako rito sa labas.

“Huwag mong gagalawin ang babaeng iyon. Mabait si Janessa, hindi siya kagaya ng mga babae dito sa atin na isang tawag mo lang ay kaya mo nang dalhin sa talahiban,” warning ko sa kaniya. Hinding-hindi ko hahayaang magalaw nila ang mabait na si Janessa.

“Ayaw mong ipagalaw sa amin dahil ikaw ang gagalaw,” tukso pa niya. Kung hindi ko kilala si Anastacio, masasapak ko talaga ang mukha niya. Kaya lang ay talagang ganito ang tabas ng dila niya, kaya hinayaan ko na lang.

Sakto namang merienda time na namin kaya pagpasok ko sa loob, tinikman ko na ang pinagmamalaking carbonara ni Janessa. Ang totoo ay hindi ma-perfect ni Merbella kapag nagpapaluto ako sa kaniya ng carbonara. Nung bata kasi ako, paboritong-paborito ko talaga ito. Ito ang palaging niluluto sa akin ng nanay ko. Kaya lang, hindi makuha ni Merbella ang luto na gusto ko. Kaya umaasa akong sa luto ni Janessa ay masa-satisfy na ako.

Kinuha ko na ang nakalagay din ditong fork. Ginamit ko iyon para tikman na carbonara. Pagsubo ko palang ay napahinto at napatitig ako sa kawalan. Sumubo ako ulit para ma-confirm ko kung tama ba ang nalalasahan ko pero ganoon pa rin.

“Ang sarap!” sabi ko na lang bigla nung sunod-sunod na ang subo ko. “Ito ang lasa ng carbonara na hinahanap ko noon pa,” duktong ko pa.

Nung mamatay kasi ang Nanay ko, wala na, hindi na ako nakatikim ng masarap na carbonara. Ngayon na lang ulit.

Nakita kong napatingin pa sa akin si Anastacio. “Mukhang masarap, penge naman oh,” sabi niya habang nakakunot ang noo.

“Ayoko, sa akin lang ito. Paborito ko ‘to, Anastacio kaya ngayon lang ako magdadamot,” sagot ko sa kaniya at saka ko siya nilayasan. Kapag ganitong masarap ang pagkakaluto ng carbonara, kahit sauce ay hindi ako mamimigay.

Hindi ako makapaniwalang masarap magluto ng ganito si Janessa. Na sana ay may natira pa sa bahay para kapag umuwi ako ay kakain ulit ako nito.

Napa-message tuloy ako kay Janessa pagka-ubos ko ng carbonara niya.

“Janessa, ipagluto mo ako ulit ng carbonara. Itong lutong ganito ang hindi magawa-gawa ng tita mo. Nagulat mo ako at talagang naubos ko agad ang dala-dala mo sa akin. Salamat kasi dinalhan mo ako. Napaka-solid nitong merienda ko tuloy. Ang sarap-sarap, puwede ng pang-business.”

Hindi tuloy mawala-wala ang ngiti ko kahit ubos na ang carbonara. Napakasaya ko na nakatikim na ulit ako nang hinahanap kong lasa ng carbonara.

“Walang anuman, Uncle River. Next time po, kapag hindi na busy, ipaglulutuan ulit kita,” reply naman agad niya.

Naalala ko tuloy ang napag-usapan namin kagabi ni Merbella. Sabi niya, kapag hindi na niya kinaya ang sakit niya, huwag na huwag ko raw iiwanan si Janessa.

Parang gusto ko nang tuparin iyon. Kung masaya naman kasama sa bahay at buhay si Janessa, sige, hindi ko siya iiwan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (67)
goodnovel comment avatar
Michelle Matimatico
anu bayan nasa 109 na ko e bakit bumalik ulit sa episode 1
goodnovel comment avatar
Jonette
Hcfhjygvn kkjgg
goodnovel comment avatar
Analie
Episode 68 na po ako bakit big lng nawala
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 167)

    Jalina POV“Oo. Nasa isang beach resort siya. Doon siya inalagaan nina Tito Nico, Tito Enzo, at Tito Lucas.”“Wait, wait!” singit ni Pearl. “So, buhay nga ang Nanay mo? Nasa beach resort? At kilala mo na rin ang mga taong nag-alaga sa kaniya?”Tumango ako. “Mahabang kuwento, pero oo.”Ikinuwento ko sa kanila kung paano ako nakarating sa resort at kung paano ko muling nakayakap ang Nanay Hira ko. Hindi ko napigilang mapaluha habang inaalala ang unang pagkakataong nakita ko siyang muli.“Ang tagal kong hinintay ang araw na iyon,” sabi ko. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang saya ko nang makita ko siyang ligtas at maayos.”Hinawakan ni Pearl ang kamay ko. “At least, magkasama na kayo ngayon.”“Oo.”Pagkatapos, ikinuwento ko rin ang tungkol sa isang buwang pagsasanay ko.“Nag-training ako roon,” paliwanag ko. “May nagturo sa akin ng self-defense at martial arts. May training din ako sa paggamit ng baril, pero siyempre, supervised lahat. May doktor din na tumutulong sa akin para

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 166)

    Jalina POVHindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayong araw.Sa wakas, pinayagan na rin ako ni Ate Aira na makita ang mga kaibigan ko. Ilang beses ko na kasing tinanong kung kailan ako puwedeng makipagkita kina Pearl, Ash, at Astra. Gusto ko na silang makita, mayakap, at makausap nang personal.At ngayong araw, pumayag na rin siya.“Jalina, huwag mong kalimutang mag-ingat. Huwag kang basta-basta lalayo sa mga bodyguard mo,” paalala ni Ate Aira habang inaayos ang buhok ko.Nasa harap ako ng salamin habang nakaupo sa maliit na upuan sa loob ng kuwarto ko. Siya mismo ang nag-ayos sa akin bago ako umalis.“Alam ko naman, Ate.”“At huwag kang aalis nang walang paalam sa driver. Kapag may kakaiba kang napansin, tawagan mo agad ako.”“Opo, Ate Aira.”Napangiti ako nang makita ang itsura ko sa salamin. Ibang-iba ako ngayon, ah. Pinagsuot kasi ako ng magandang dress na pinili ni Ate Aira.Maayos ang pagkakapusod ng buhok ko, at nilagyan niya rin ako ng kaunting makeup. Hindi nama

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 165)

    Rainn POV“Please, Rainn, makinig ka sa akin kasi asawa mo ako. Kasal tayo. Ako na lang ang may pake sa iyo. Wala na si Jalina, patay na, wala na siya!”Nung marinig kong sinabi niyang patay si Jalina, natawa lang ako. Pero mas lalo akong nainis sa kaniya.“At ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo na ayaw kitang maging asawa!”Namula ang mukha niya sa galit. “Jalina na naman ba? Siya ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka? Nasaan ang Jalina mo, ayon, kinain na ni Krov? Wala ka nang Jalina, Rainn!”Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko na kailangang ipaliwanag ang lahat ng desisyon ko sa kaniya. Matagal na akong nagbigay ng pagkakataong maintindihan niya ang gusto ko. Pero mas pinili niya akong kontrolin.“Umalis ka sa harapan ko,” mariin kong sabi.Hindi siya sumagot. Tumingin ako sa mga assassin na nakaharang sa daan. Unti-unti silang umatras. Hindi ko alam kung takot sila o nag-iingat lamang, pero wala ni isa ang nagtangkang lumapit.Dumaan ako sa pagitan nila. Hindi na ako

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 164)

    Rainn POVHindi ako umuwi sa Hacienda La Hera para makipagbati kay Hera. Umuwi ako para ipakita sa kaniya na hindi na niya ako kayang kontrolin.Isang buwan akong nagpagod sa training sa mansion ni Kuya Kenji. Halos araw-araw akong nakikipaglaban sa limang tauhan niya, at hindi rin ako pinalampas ng kuya ko sa bawat pagkakamaling nangyayari. Ilang beses akong bumagsak, nasaktan, at muntik nang sumuko. Pero hindi ako tumigil. Dahil may dahilan ako kung bakit kailangan kong lumakas.Si Jalina iyon, siyempre. Hindi ko na gustong dumating sa puntong kailangan ko pang umasa sa ibang tao para protektahan ang babaeng mahal ko. Gusto kong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at ang mga taong mahalaga sa akin.At ngayon, oras na para ipakita iyon kay Hera.“Rainn, aalis ka na naman?” tanong agad ni Hera nung makitang palabas ako ng bahay. “Akala ko hindi ka na aalis sa tabi ko?“Hindi ba puwedeng lumabas? Ikukulong mo na naman ba ako? Gusto kong umalis at gumala, bawal ba?”Unti-unting nawala a

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 163)

    Jalina POVGabi na. Sa wakas, dumating na rin ang oras na buong hapon naming hinihintay ni Ate Aira.Nakatayo kaming magkapatid sa tabi ni Tita Vana sa malawak na hardin sa harap ng mansion. Nasa aming harapan ang malaking lawa na kanina ko pa pinagmamasdan mula sa loob ng bahay.Kinakabahan na ako dahil ilang sandali na lamang ay makikita ko na ang sinasabing Krov.“Jalina, kinakabahan ka ba?” bulong ni Ate Aira.Napalingon ako sa kaniya. Nakasuot siya ng jacket at nakayakap pa sa sarili niyang katawan.“Medyo,” sagot ko. “Ikaw ba?”“Medyo rin.”Hindi naman kasi ordinaryong buwaya ang pinag-uusapan namin. Ayon sa mga tauhan ni Tita Vana, napakalalaki raw ng buwaya talaga.“Relax lang kayo,” nakangiting sabi ni Tita Vana.Napatingin kami sa kaniya. “Matagal na silang hindi nagpapakita nang ganito kaaga. Siguro gutom na rin sila.”Napatingin ako sa lawa.Gutom?Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.Sa may gilid ng lawa ay naroon na ang limang Koreanon

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 162)

    Jalina POVWow, natulog at nagpahinga lang kami ni Aira saglit, pero nagulat na lang kami kasi nakatali na ang mga kamay at paa ng mga koreanong assassin na tauhan ni Tita Hera sa mga upuan dito malapit sa may lake ng hacienda ni Tita Vana. May mga takip din ang kanilang mga mukha kaya hindi ko makita ang mga ekspresyon nila. Kahit ganoon, halata sa kanilang mga kilos na natatakot na sila ngayon.Akala ko tatlo lang, pero napakabilis mag-hire ni Tita Hera dahil may bago agad. May limang Koreanong assassin na agad siya.“Ate, ang bilis naman nilang nahuli ang mga ‘yan," bulong ko.Napangiti si Aira. “Hindi mo pa kasi nakikita kung paano kumilos ang mga tauhan ni Tita Vana,” proud niyang sagot.“Jalina, Aira.”Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ng aming tiyahin.Pumasok si Tita Vana sa room namin. Kahit hindi siya nagsasalita, halatang natutuwa siya kasi nasunod siya nang maayos ng mga tauhan niya.“Halika kayo rito.”Lumapit kami sa kaniya. Pagkatapos ay itinuro niya ang lim

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 1

    Janessa POVHabang tinatapunan ako ni Madam Imelda ng juice sa ulo ko ay biglang dumating sa loob ng bahay si Tita Merbella. Tanda ko ang mukha niya, siya ang kapatid ng Mama Maribel ko na sumalangit nawa ang kaluluwa.“Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa pamangkin ko!” sigaw niya nang lapitan si Ma

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 4

    Janessa POVPagod na pagod si Tita Merbella pag-uwi nila ni Uncle River dito sa bahay. Ni umakyat sa itaas ng bahay namin ay hindi na nito nagawa. Kaya ang ginawa namin ni Uncle River, binigyan namin siya ng higaan sa may sala. Doon na namin ito pinahiga kasi maging si Tita Merbella ay ayaw na raw

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 3

    Janessa POVPagkakain ni Uncle River ng tanghalian, naligo at gumayak na siya kasi kailangan niyang sundan si Tita Merbella sa ospital. Manghihina raw kasi iyon sa oras na ma-chemo na ito.Hindi pala pumasok ngayong araw si Uncle River sa trabaho dahil gusto niyang suportahan ang asawa niya sa unan

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 2

    Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status