Share

Season 3 (Chapter 142)

last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-10 17:07:13

Rainn POV

“Sandali,” sabi ko. “Puwede ko ba kayong makilala nang maayos? Para naman makilala ko na rin ang mga pangalan ninyo.”

Agad namang tumango ang mga ito. “Of course, Sir.”

Isa-isa silang pumuwesto sa harapan ko. Ang unang lalaki ang lumapit. Matangkad siya, malapad ang balikat at tila sa kanilang lima ay ito ang pinaka-seryoso. Tinanggal niya ang suot na maskara at bahagyang yumuko. Ito ang unang tumayo, so siya ang parang leader ng lima.

“Jett po, Sir Rainn.”

Tumango ako.

“Jett. Nice to
LiaCollargaSiyosa

Guys, masama pakiramdam ko, masakit ang ulo ko, dalawa lang ata kaya kong isulat. Pati sa kabilang story, hindi ko ata kayang updated-an pero titignan ko pa. Feeling ko pahinga muna ako today, pero kapag nawala, mag-update ako agad.

| 15
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Charlotte Cortes
get well po waiting po kami sa update pa galing po muna kau
goodnovel comment avatar
Dolores Alcaide
ok lng po pagaling po kayo
goodnovel comment avatar
Jennifers Salas
ok lang po author kahet dalawa lang po yong na update nyong episode ang mahalaga po nakapag basa po kami mag pahinga po mona kayo author para mawala po yong sama ng pakiramdam nyo mag iingat po kayo palagi waiting nalang po kami sa sunod na update pag ok na po pakiramdam nyo po god bless po .........
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 142)

    Rainn POV“Sandali,” sabi ko. “Puwede ko ba kayong makilala nang maayos? Para naman makilala ko na rin ang mga pangalan ninyo.”Agad namang tumango ang mga ito. “Of course, Sir.”Isa-isa silang pumuwesto sa harapan ko. Ang unang lalaki ang lumapit. Matangkad siya, malapad ang balikat at tila sa kanilang lima ay ito ang pinaka-seryoso. Tinanggal niya ang suot na maskara at bahagyang yumuko. Ito ang unang tumayo, so siya ang parang leader ng lima.“Jett po, Sir Rainn.”Tumango ako.“Jett. Nice to meet you.”“Likewise, Sir.”Sumunod ang pangalawa. Mas matipuno ang pangangatawan nito at mas matalim kung tumingin. Tinanggal din niya ang maskara niya.“Wolfe po, Sir.”“Wolfe?” ulit ko.“Yes, Sir.” Singkit ito at ‘yung mata niya, parang wolf nga. Guwapings ah, parang ayoko itong iharap kay Jalina kapag nakita na namin siya. Feeling ko ay maagawan ako ng isang ito.Napangiti ako. “Hindi ko alam kung pangalan mo talaga iyan o codename.”“Mas gusto ko pong tawagin ninyo akong Wolfe.”“Okay. Wo

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 141)

    Rainn POVNasa loob ako ng banyo at kasalukuyang naghihilamos ng mukha nang makarinig ako ng mga malalakas na kalabog sa harapan ng hacienda.Napahinto tuloy ako at napatitig sa harap ng salamin para pakinggang mabuti ang naririnig ko.Mabilis ko ring pinatay ang gripo para mas mapakinggang mabuti kung ano iyon. May narinig akong tila napasigaw na parang nasaktan, kasunod ang isa pang malakas na pagbagsak na para bang may malaking bagay na tumama sa sahig.Agad akong napatingin sa pintuan ng banyo. Hindi kaya may nangyari sa tatlong tauhan ni Hera na nagbabantay sa akin?Natuwa agad ako nung maisip kong baka nandito na sila.Mabilis kong pinunasan ang mukha ko gamit ang tuwalya, saka dali-daling lumabas ng banyo.“Hoy! Anong nangyayari riyan?” malakas kong sigaw habang naglalakad patungo sa sala.Walang sumagot kaya mas lalo akong nagmadali. Pagdating ko sa may pintuan ng bahay, agad akong natigilan sa nakita ko. Nakahandusay na kasi sa labas ng pintuan ang tatlong malalaking tauhan n

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 140)

    Aira POVTandang-tanda ko pa. Siya mismo ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kami ni Rantino. Hindi ko kailanman nakalimutan ang mga ginawa niya, lalo na ang araw na ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.“Dahil sa iyo,” sagot ko sa wakas.Natawa siya. “Ako nga, pero matagal na iyon. Huwag ka nang maging bitter diyan, okay?”Napailing ako. “Matagal na nga kaya bakit pa ako magpapa-apekto. Ang saya-saya ko na sa buhay ko ngayon. Nakita ko na ang mga tunay kong pamilya. Na-meet ko na ang totoo kong kapatid. May malaki kaming lupain, mas mayaman pala ako sa inaakala ko,” sabi ko sa kaniya para kahit pa paano ay hindi niya isiping loser pa rin ako.“Talaga, so hindi ka anak ni Madam Hera?” tanong pa niya.“Hindi, anak ako ng mas madam na si Madam Hira. Mas malaking lupain ang mayroon siya. Mas maraming pera at higit na mas maganda kaysa sa bruhang si Hera,” proud kong sagot sa kaniya. “Isa pa, maganda rin ang kapatid kong si Jalina. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon kaganda

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 139)

    Aira POVAlas dos na ng madaling-araw nang makarating ako sa harap ng isang sikat na bar dito sa city.Inaantok na ako at dapat sa mga oras na ito ay sleeping beauty na ako, pero dahil may malaking mission ako, kailangan kong gawin ito.Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon sapat para mawala ang inis na matagal ko nang kinikimkim. Yes, need ko ng ibang tao na ipapalit kay Jalina. Siyempre, bakit ko naman gagawin kay Jalina ang inuutos ni Mama Hera, hindi ako tanga para ipahamak ang kapatid ko.Ilang oras na rin akong naghihintay sa loob ng sasakyan ni Mama Hera na hiniram ko rin, nakamasid ako sa mga taong pumapasok at lumalabas sa bar.Hindi ako narito para uminom. May hinihintay akong babae.Si Cianne, ang putang-inang babaeng may malaking kasalanan sa akin. Ang babaeng minsang nagpakitang-gilas sa harap ng maraming tao habang ako ang ginagawa niyang katatawanan. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang sirain ang pangalan ko dahil lamang sa inggit.At higit sa lahat, siya a

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 138)

    Jalina POV“Totoo po ba talaga iyon?” tanong ko na agad para malaman ko ang dahilan.Umiling si Sir Nico. “Hindi. Walang ganoong pustahan, Jalina.” Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy. “Sinadya kong iparinig iyon kay Rainn. Alam kong may posibilidad na makarating sa iyo ang usapan at magtaka ka kung bakit kami interesado sa iyo. Pero ang totoo, gusto lang naming magkaroon ng dahilan para mapalapit sa iyo at matulungan ka sa mga need mo.”“Bakit po?”“Dahil nang malaman naming anak ka pala ni Hira, gumawa talaga agad kami ng paraan para matulungan ka.”Natahimik ako.“Matagal na naming kaibigan ang nanay mo. Nang malaman naming may anak siya at ikaw iyon, para bang bumalik sa amin ang isang taong matagal na naming hinahanap. Kaya nung malaman naming ganoon ang trato ni Hera sa iyo, desidido kaming tulungan ka. Ang bedroom mo, nilagyan talaga namin ng mga gamit para marami kang mapag-abalahan doon. Cellphone, damit at kung ano-ano pa na need mo, ibinigay namin para ma-enjoy mo nam

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Season 3 (Chapter 137)

    Jalina POVMaaga pa lang ay gising na ako. Nasa malawak na dining area kami ng beach resort. Katapat ko ang Nanay Hira ko habang nasa magkabilang panig naman namin sina Sir Nico, Sir Enzo, at Sir Lucas.Napakaraming pagkaing nakahain sa lamesa. May crispy bacon, sausage, fried rice, scrambled eggs, pancakes na may maple syrup, sariwang prutas, tinapay, at iba’t ibang klase ng juice. Mayroon ding mainit na sopas at mga pagkaing hindi ko pa natitikman.Halatang pinaghandaan nila ang almusal namin.“Anak, kumuha ka pa nito,” nakangiting sabi ni Nanay Hira habang inilalagay sa plato ko ang isang piraso ng pancake.“Nay, ang dami ko na pong kinakain.”“Hayaan mo na. Ilang taon din akong hindi nakapaghanda ng almusal para sa iyo.”Napangiti ako at hinayaan siyang dagdagan pa ang laman ng plato ko. Masayang-masaya akong makita siyang ganoon. Hindi na siya mukhang pagod o balisa. Maayos na maayos na rin ang kaniyang pananamit, maaliwalas ang mukha, at higit sa lahat, may ngiti na ulit sa kani

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 4

    Janessa POVPagod na pagod si Tita Merbella pag-uwi nila ni Uncle River dito sa bahay. Ni umakyat sa itaas ng bahay namin ay hindi na nito nagawa. Kaya ang ginawa namin ni Uncle River, binigyan namin siya ng higaan sa may sala. Doon na namin ito pinahiga kasi maging si Tita Merbella ay ayaw na raw

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 3

    Janessa POVPagkakain ni Uncle River ng tanghalian, naligo at gumayak na siya kasi kailangan niyang sundan si Tita Merbella sa ospital. Manghihina raw kasi iyon sa oras na ma-chemo na ito.Hindi pala pumasok ngayong araw si Uncle River sa trabaho dahil gusto niyang suportahan ang asawa niya sa unan

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 2

    Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H

  • Nag-aapoy Na Pag-ibig Sa Piling Ni Uncle River   Kabanata 1

    Janessa POVHabang tinatapunan ako ni Madam Imelda ng juice sa ulo ko ay biglang dumating sa loob ng bahay si Tita Merbella. Tanda ko ang mukha niya, siya ang kapatid ng Mama Maribel ko na sumalangit nawa ang kaluluwa.“Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa pamangkin ko!” sigaw niya nang lapitan si Ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status