공유

Kabanata 3

작가: A Potato-Loving Wolf
Kalahating oras ang nakalipas, nakarating si Harvey sa kumpanya ni Mandy. Nang makapasok siya, isang bodyguard na may hawak na stun baton ang biglang humarang sa kanya. Masungit na sinabi ng bodyguard, “Lumayas ka! Hindi namin tinatanggap ang mga pulubi dito.”

Kakagising lang ni Harvey, at hindi muna niya nalinis ang sarili. Isa pa, nakasuot lang siya ng T-shirt at pares ng shorts na puno ng tahi. Mukha nga siyang pulubi sa kalsada.

Gayunpaman, sanay si Harvey sa ganoong klaseng bagay. Ngumiti siya at sinabi, "Sir, narito ako upang maghatid ng dokumento sa aking asawa."

"Sa itsura mong iyan, mayroon kang asawa?" Naghinala ang bodyguard. "Ang tagalinis ba — si Zara o ang manggagawa na nagtatrabaho sa kusina - si Lily?"

“Si Mandy ang asawa ko,” sabi ni Harvey.

Nagulat ang bodyguard. Di nagtagal, humalakhak siya. "Ikaw pala ang manugang ng mga Zimmer. " Hindi niya mapigilan ang pagtawa.

Umiling si Harvey. Hindi niya sukat akalaing siya ay medyo kilala.

"Tama na yan. Ibigay mo sa akin ang dokumento. Hiniling sa akin ni Bb. Zimmer na kunin ang dokumento sa iyo kung narito ka, ”sabi ng bodyguard.

"Hindi." Umiling si Harvey nang may determinasyon. "Sinabi ng hipag ko na ang dokumentong ito ay napakahalaga, kaya kailangan kong personal na ibigay ito sa aking asawa. Maaari ba kayong tumabi… ”

"Ikaw!" Wala nang magawa ang bodyguard kay Harvey. ‘Nababaliw na ba siya? Hindi ba niya alam kung gaano siya kinasusuklaman ng mga Zimmer? Tsaka, sa itsura niya, hindi ba siya natatakot na masira niya ang imahe ng kumpanya? '

Habang sila ay nag-uusap, bigla silang nakarinig isang malakas na tunog ng isang makina ng kotse mula sa likuran nila. Di-nagtagal, isang BMW 5 series ang nakitang pumarada sa tabi ng electric bike ni Harvey pagkatapos ng isang high-speed drift maneuver. Pagkatapos, nakita nila si Don na bumababa sa kotse na may isang bouquet ng rosas sa kanyang kamay.

"Ikinalulugod po naming makita ka dito, G. Xander!" Nang mapansin si Don, ang hambog na bodyguard ay agad-agad nagpakitang gilas. Hindi nagtagal sinabi niya, “G. Xander, dito po ang daan. Hinihintay ka na po ni Miss Zimmer sa kanyang opisina. "

Tumango si Don sa kanya. Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad papasok sa kumpanya nang hindi man lang tiningnan si Harvey.

Papasok na rin si Harvey sa kumpanya. Ngunit, itinaas ng bodyguard ang kanyang stun baton at muling hinarang si Harvey.

"Anong ibig sabihin nito? Bakit siya pinapasok mo at ako hindi? " Napatingin si Harvey sa bodyguard at nagtanong.

Bumuntong hininga ang bodyguard at sinabing, "Harvey, manugang ka lang. Paano ka maikukumpara kay G. Xander? Kita n'yo, ang pabango at rosas sa kanyang kamay ay tiyak na nagkakahalaga ng humigit kumulang ilang daang pera. Mayroon ka bang ganoong kalaking pera? Sa nakikita ko, malapit ka nang mawala bilang manugang nila."

Sandali namang natigilan si Harvey. Sumimangot siya saka tinanong, "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ano ang ibig kong sabihin? Bobo ka ba o gumagawa ng palabas dito? Kalat sa buong lungsod ang nangyari noong nakaraang gabi. Alam ng lahat na hinahabol ni G. Xander si Bb. Zimmer. Bagay silang dalawa para sa isa't isa. Tingnan mo ang iyong sarili! Mukha kang nakakaawa ka at walang silbi. Nagtataka ako kung bakit pumayag si Bb. Zimmer na pakasalan ka? " Sabi sa kanya ng bodyguard.

...

Samantala, bumukas ang elevator sa lobby ng kumpanya. Si Mandy ay lumabas ng elevator na nakasuot ng isang floral dress, mukhang kaakit-akit at maganda.

Sa sandaling iyon, nakita niya si Don. Ngumiti siya at tumango sa kanya. Sinabi niya pagkatapos, “G. Xander, ilang oras kitang hinihintay. "

Pinikit ni Don ang kanyang mga mata, at isang iglap ng kasakiman ang nakita sa kanyang mga mata. Ito ay halos hindi mapansin.

Dinilaan niya ang kanyang mga labi nang walang kamalay-malay at binigay kay Mandy ang palumpon ng mga bulaklak nang kaaya-aya. Ngumiti siya at sinabi, "Sabi ng mga tao, ang mga magagandang regalo ay dapat ibigay sa mga taong karapat-dapat makakuha nito. Mandy, ikaw ay kasing ganda ng isang bulaklak. Kaya't ikaw lamang ang maaaring marapat na regaluhan ng bulaklak na ito. "

Bahagyang nakasimangot si Mandy. Naalala pa niya ang insidente noong isang gabi. Nag-propose sa kanya si Don sa harap ng lahat, at ngayon ang buong insidente ay alam na alam sa Niumhi. Ngayon, hinabol pa niya siya sa isang labis na mapangahas na pamamaraan.

Kalaunan, nag-atubili si Mandy na makipagkita kay Don. Ngunit ang kanyang kumpanya ay nangangailangan ng pondo ngayon, kaya't wala siyang magawa kundi ang humingi ng tulong kay Don.

Habang iniisip ang mga iyon, ngumiti si Mandy at sinabing, “G. Xander, binobola mo ako. Inanyayahan kita ngayong araw dahil nais kong makipag-ayos ng isang business deal sa iyo, hindi tumanggap ng mga regalo sa iyo."

Masayang ngumiti si Don at sinabi, "Hindi naman big deal sakin iyon, wala iyon. Mandy, sinabi mo na ayaw mo ng regalo ko. Iniisip mo ba na hindi ito sapat? Sige, ganito. Kukuha ako ng taong magpadala ng ilang mga bulaklak na naka-airflown mula sa Prague. Ganon na lang."

"Hindi mo na kailangang gawin iyon. Ang produksyon ng mga rosas sa Prague ay hindi maganda ngayong taon. Narinig ko na ang mga rosas na kanilang pinapalago doon ay nagkakahalaga ng higit sa isang libong dolyar bawat rosas. Hindi ito sulit..." Umiling si Mandy. Bagaman nagustuhan niya ang mga rosas doon, hindi makatuwiran para sa kanya ang presyo ng mga iyon.

"Mahigit isang libong dolyar kada rosas ..." Bahagyang kumibot ang mga mata ni Don. ‘Tiyak, hindi lamang rosas ang madadala ko sa kanya. Mayroon akong higit sa isang daang rosas dito sa aking kamay. Kung nais kong magbigay sa kanya ng isang regalo, kailangan kong magkaroon ng kasing dami nito. Kung ganon, magkakahalaga ito ng higit sa dalawang milyong dolyar. '

Habang iniisip iyon ni Don, hindi niya maiwasang mailang bagaman siya ay isang lalaking laging mukhang mahinahon sa iba dahil sa kanyang yaman.

Gayunpaman, sa sandaling iyon, si Harvey na nakatayo sa labas ay nakalampas sa bodyguard at pumasok bigla sa lobby. Inagaw niya ang palumpon ng mga bulaklak sa kamay ni Don at itinapon ito sa sahig.

"Mahal, huwag mong kunin ng mga bagay ng iba. Kung gusto mo ng mga rosas, bibilhin ko ito para sa iyo. Mga rosas lang ito! " Nang hindi niya namamalayan, naging matapang na si Harvey. Hinawakan niya ang banayad at maliit na kamay ni Mandy at dinala siya papunta sa elevator.

“Harvey, bitawan mo ako. Anong kalokohan ito? " Marahang pumapalag si Mandy.

Kasalukuyan silang nasa lobby ng kumpanya, at marami nang tao. Siyempre, hindi siya pwedeng magmukhang tanga dahil siya ang CEO doon. Kaya sinubukan niyang pakawalan ang kanyang kamay nang walang malay, ngunit mahigpit ang hawak nito kay Harvey.

“B * stardo! Bumalik ka rito!" Noong una, medyo mailang si Don. Ngayon, nilamon niya ng matinding galit. Sa katunayan, pinulot niya ang palumpon ng mga bulaklak na may pag-iingat dahil nagkakahalaga itong higit sa isang libong dolyar. Tiyak na magagalit siya dahil basta-basta lang na itinapon ito sa sahig.

'Hawak-hawak ng b*stardo ang kamay ng aking dyosa! Ni hindi ko pa nagawang hawakan ang kamay niya!'

"Sinira mo ang aking mga bulaklak! Kaya mo bang magbayad para doon? Sino ka sa tingin mo?" HInampas ni Don ang pinto ng elevator gamit ang kanyang kaliwang kamay at pinilit na buksan muli ang pinto.

“B*stardo! Magpaliwanag ka sa akin ngayon. Kung hindi, magbabayad ka ng isang malaki para dito!”
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Connie layugan novio Balisi
gusto mapanood Ng lahat
goodnovel comment avatar
Junrey Trisha
Mas paganda yung pag kwento sa isang story kysa dito. YUNG ASAWA KUNG TITINGALAIN NANG LAHAT.
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5797

    Pagkaraan ng ilang minuto, umalis na ang lahat.Kahit hindi pa nakakapasok sa No. 1 villa, alam na ng lahat na si Harvey York ay malamang na kinakasama ni Aria Surrey. Kung hindi ganoon ang sitwasyon, hindi siya titira sa lugar na tulad nito.Hinihintay siya ni Aria sa villa, mukhang handang magbigay ng leksyon kay Harvey.Nawalan ng pag-asa si Harlan Higgs. Hindi niya inakala na bababa nang ganito ang antas ni Harvey.Medyo nalungkot din si Whitley Cobb.‘Alam din ba ng Surrey family ang nangyari sa Mandrake Residence? Kaya ba sila kumikilos nang ganito kabilis?‘Hindi kayang kalabanin ng pamilya ko ang isang malaking pamilya na tulad nila!'Hindi makapagsalita sina Billie Higgs at Judith Pedler.‘Isa siyang kahanga-hangang lalaki, pero may iba na siyang kinakasama…”Si Aliza lang ang mukhang masaya. Para sa kanya, masarap sa pakiramdam ang ibunyad ang tunay na kulay ni Harvey!-Habang ganap na binabalewala ang iniisip ng iba, kaswal na pumasok si Harvey sa sala.Si Lenno

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5796

    ”Uuwi na tayo?“Hindi ba ipapakita pa sa’tin ni Harvey ang villa niya?”Ayaw pang umalis ni Aliza Howell.“Hindi pwedeng umalis na tayo ngayon! Hindi pa natin nasisilip ang loob!“Isa pa, magkapitbahay kayo!“Tutal maganda ang relasyon mo sa kanya, maganda siguro kung bibisitahin niyo ang isa’t isa paminsan-minsan, 'di ba?“Kung hindi ka sanay sa paligid dahil sa iyong edad, mabuti pa mauna ka nang umalis.“Maiiwan kami ni Billie dito.”Natural lang na akalain ni Aliza na lubos niyang nasira ang reputasyon ni Harvey York nang magmukha siyang arogante.Kung sabagay, ang pagligtas ni Harvey sa kanya ang pinakamalaking kahihiyang naranasan niya.Gusto niyang tapakan si Harvey at ipaalam sa lahat na wala siyang silbi.Higit pa rito, hindi mapupunta sa kanya ang mga matalik niyang kaibigan sa ganitong paraan.Sa halip, maipapakilala niya sila sa iba pang mayayamang tagapagmana.“Kalimutan mo na, Aliza,” sabi ni Judith.“Lahat tayo ay magkakaklase dito sa unibersidad. Magpakita

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5795

    Mapait na tumawa si Harvey York. Hindi niya balak mag-aksaya pa ng oras sa iba.Pero sa puntong ito, wala na siyang pagpipilian kundi dalhin sila sa kanyang bahay.Maganda rin na ipakita kay Harlan Higgs ang kaunti pang impormasyon tungkol sa kanya.Kung hindi, baka hindi matanggap ni Harlan ang katotohanan kung malalantad ang lahat.Kung sabagay, maayos naman ang pagtrato niya kay Harvey.Dahil doon, pumayag na lang siya.Umakyat ang grupo sa mga hagdanang bato bago nakarating sa tuktok ng bundok sa harap ng No. 1 villa.Hindi lang sinakop ng villa ang karamihan sa espasyo ng bundok, kundi ito rin ang may pinakamahinhing disenyo.Sa ilalim ng malabong ilaw, ang buong lugar ay tila isang ethereal na paraiso.Kung sabagay, ang mga taong nakatira sa No. 1 villa ay maaaring makita ang buong paligid sa isang sulyap lamang.Pagkalapit sa villa, biglang tumunog ang telepono ni Harvey.Tiningnan ni Harvey ang screen bago nakita ang isang hindi kilalang numero. Sumenyas siya sa mga

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5794

    Magkakahalong emosyon ang naramdaman ni Harvey York matapos makita sina Mandy Zimmer at Rhodes Wright na sumakay sa iisang sasakyan.Naging maingat siya nang makarating sa labas ng bayan, pero hindi niya inaasahang magagalit nang ganito kay Mandy.“Kalimutan mo na ‘yun.”Lumapit si Judith Pedler sa tabi ni Harvey.“Halos limang taon ang tanda niya kaysa sa’tin. Wala kang pag-asa sa kanya.”Walang masabi si Harvey matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Judith.‘Hindi ko naman pwedeng sabihin sayo na ex-wife ko siya, hindi ba…?’Natapos ang selebrasyon pagkaraan ng isang oras.Maraming bisita ang sunod-sunod na umalis. Si Harlan, ang kanyang pamilya, at ang dalawang matalik na kaibigan ni Billie Higgs lamang ang natira.Dahil kay Mandy, hindi na naganahan si Harvey na paluhurin si Aliza Howell bilang paghingi ng paumanhin. Plano niyang ayusin ang mga bagay-bagay pagkauwi niya.“Saan ka pupunta, Harvey?“Naghanda ako ng isang kuwarto para sayo dito. Dumito ka muna sa ngayon.”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5793

    Walang nakaramdam sa lumalaking tensyon sa pagitan ni Mandy Zimmer at Harvey York. Lahat sila ay sabik na nakatingin kay Rhodes Wright.“Dahil nandito ka na, maaari mo bang suriin ang mga bead?“Malaki ang posibilidad na galing ang mga ito sa isang tindahan sa tabi ng kalsada. Marahil ay makakasira ito sa iyong mga mata, ngunit dapat nating samantalahin ang pagkakataong ilantad ang tunay na kulay ng lalaking iyon.“Mabilis mo naman itong masusuri, hindi ba?”Ngumiti si Rhodes kay Mandy bago siya tumingin sa paligid niya.“Parte ako ng team na inupahan ni Ms. Zimmer.“Dahil hiniling niyang gawin ko ito, walang dahilan para tumanggi ako.”Dinampot ni Rhodes ang mga bead sa mesa bago tiningnan nang malapitan.Pagkatapos, huminga siya nang malalim bago tuluyang nagsalita.“Ang dalawang bead na ito ay hindi bababa sa isang libong taon na ang edad.“Ang mga ito ay tinatawag na Millenium Beads. Ito ay mga bead ng maalamat na Medicine Avatar.“Ang mga bead na ito ay ginagamit na gam

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5792

    Pagkakita sa tanawin at pagkarinig sa mga salita ni Aliza Howell, hindi maiwasan ni Whitley Cobb na malungkot.Akala niya, may magandang ibinigay si Harvey York dahil napakalakas niyang tao…Pero hindi niya inakala na mabubunyag siya sa harap ng mga propesyonal na tulad noon.Natawa si Harlan Higgs. Sinubukan niyang mamagitan sa sitwasyon.“Estudyante lang naman si Harvey.“Ang mahalaga ay ang intensyon. Hindi mahalaga kung mahal o hindi ang mga regalo.”Natawa si Aliza nang malamig. Hindi niya basta-bastang palulusutin si Harvey.“Oo, maaari mong sabihin iyan…“Pero talagang kasuklam-suklam siya dahil niloloko niya ang iba gamit ang ilang basura mula sa isang tindahan sa tabi ng kalsada!"Talagang dapat mo nang paalisin dito ang lalaking ito, Tito Harlan!“Pinarurumi niya ang hangin habang lumilipas ang bawat minuto!”Sumimangot si Harlan.Sinubukan niyang mamagitan sa sitwasyon, pero nakialam si Aliza at sinira ang lahat.Sa sandaling sasabihin na sana ni Harlan ang isan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status