로그인Good afternoon po.
“WELCOME HOME, MOMMY ANGEL AND BABY DARK!” Kahit pilit ang ngiti ko, sumama ako sa paghiyaw ng buong team ng Yamson Models nang bumulaga sa amin si Ma'am Angel.Ang dating tahimik niyang living room ay napuno ng mga asul at puting balloons, may malaking banner na nakasabit na may nakasulat na "Welcome Home, Mommy Angel & Baby Dark Angelo!", at ang mahabang mesa ay puno ng iba’t ibang pagkain. Nakita ko kung paano napatakip sa bibig si Ma'am Angel, hindi mapigilan ang pangingilid ng mga luha niya.Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. Sa dami ng pinagdaanan ni Ma'am Angel, sa dami ng taong nanakit at tumalikod sa kaniya, deserve niya ang lahat ng pagmamahal na ito. “Oh my gosh, guys...” nanginginig ang boses na usal niya, dahan-dahang pumasok habang yakap nang mahigpit ang anak niya. Lumapit kaming lahat, pilit na pinipigilan ang pagtili para hindi magising ang bata. Pilit kong ibinabaon sa isip ko ang kasayahang ito. Pilit kong tinatabunan ng masasayang kulay ng kwartong
Mabilis kong pinatay ang tawag! Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko.Rinig na rinig ko ang sarili kong mabilis na paghinga. Paano niya nalaman? Nakikita niya ba ako?! Kahit masakit pa rin ang gitna ng mga hita ko, pinilit kong tumakbo papunta sa bintana. Bahagya kong hinawi ang kurtina at sinilip ang kalsada sa labas.Tirik ang araw.May mga dumadaang sasakyan, may mga taong naglalakad, pero wala... walang bakas ng lalaking iyon. Walang kahina-hinalang sasakyan. Walang lalaking nakaitim na jacket na may tama ng bala. Pero alam kong nanonood siya. Pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa bawat galaw ko, nag-aabang sa susunod kong gagawin. Binitawan ko ang kurtina at napasandal sa malamig na pader. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak.Tatawag ba ako sa pulis? Aabutin ko na sana muli ang cellphone ko pero natigilan ako. Paano kung bago pa man dumating ang mga pulis ay patayin na niya ako?Kung nagagawa niyang makita ang m
“Narinig ko, Mark! Narinig ng dalawang tainga ko kung paano mo ako inialok sa kaniya! ‘Gawin ninyo siyang parausan, huwag niyo lang akong patayin.’ 'Yun ang sabi mo, 'di ba?! Bago ka pa man himatayin na parang bakla diyan, ibinenta mo na ako!” Umatras siya, mukhang hindi inaasahan ang pagputok ko. Sanay kasi siyang ako 'yung malambot. Sanay siyang ako 'yung nauuto niya. “Y-Yna, love... p-paraan ko lang iyon para idistract siya… h-hindi ko naman talaga hahayaang may mangyaring masama sa—”“Huwag ka nang magpaliwanag at huwag mo akong tatawaging love!” nandidiri kong sigaw. “Nandidiri ako sa’yo! Nandidiri ako na minahal kita!” naiiyak na sigaw ko! Parang ano mang oras sasabog ang utak ko sa sobrang sama ng loob at galit!“Ginamit mo lang naman ako, hindi ba, Mark! 'Yung kotse na pinapabayaran mo sa akin para gawin mong porma sa mga barkada mo? 'Yung mga suporta mo kunyari pero gusto mo lang gatasan ang mga kinikita ko sa pagmomodel? Akala mo ba hindi ko alam? Nabulag lang ako dahil t
Buong lakas kong inangat ang pitsel at walang-awang ibinuhos ang lahat ng yelong tubig sa mukha at katawan niya. SPLAAASH! “Pucha! Ano ba—!” Isang malakas na ungol ang kumawala kay Mark. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang napabalikwas ng bangon dahil sa sobrang lamig at pagkabigla. Ngunit dahil nasa ilalim siya ng kama... BLAG! Malakas na tumama ang noo niya sa matigas na kahoy ng bed frame ko. “Aray! Putang ina!” napahawak siya sa ulo niya, gumulong palabas mula sa ilalim ng kama habang basang-basa at nanginginig. Nakatayo lang ako sa harap niya. Mahigpit ang hawak sa basyong pitsel. Ang mga mata ko ay walang kahit anong emosyon kundi pandidiri. “What the fuck, Yna?!” inis na inis na sigaw niya habang pilit na idinidilat ang mga mata niyang nabasa. “Ano bang problema mo? Bakit namumuhos ka ng tubig?!” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Basura. Isa talaga siyang malaking basura. “Mabuti naman gising ka na,” naiinis ngunit nakakatakot na kalmado ang boses ko. N
Peneperahan niya lang ako.Ang tanga tanga ko! Bakit kailangan pang mangyari to sa akin bago ko marealize ang lahat?Na ang suportang ipinapakita niya? Isa lang iyong investment para sa sarili niyang pakinabang. Ginagatasan niya lang ako.Isang tangang babae na ginagamit niya para umangat ang lifestyle niya, at nang may nag-tutok ng baril sa amin, napatunayan kong wala man lang kahit katiting na halaga ang buhay ko para sa kaniya. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Galit. Sukdulang galit ang unti-unting pumapalit sa takot ko.Galit sa lalaking iyon na umangkin sa akin, at mas matinding galit sa lalaking nasa ilalim ng kama ko. Sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko, sa sobrang tindi ng pag-iyak ko, at sa sobrang pagod ng katawan ko dahil sa marahas na pag-angkin ni Black, hindi ko namalayang bumibigat na ang mga talukap ng mata ko. Unti-unti akong nilamon ng kadiliman. Hindi ko alam kung paano, pero nakatulog ako. Nakatulog ako sa gitna ng sarili kong bangungot.***Nasilaw a
“I’ll be coming back for what’s mine.” Dumagungdong sa tainga at utak ko ang sinabi niya. Maging ang mismong paraan niya ng pagngisi!Babalikan niya ako? Sandali akong nakaramdam ng kilabot dahil sa naisip ko! Paano kung balikan nga ako ng criminal na ito.Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang tuluyang pagbagsak ng natitira kong lakas. Ginapang ng takot ang buong katawan ko!Naiwan akong nakatulala sa kisame. Hindi ako makagalaw. Parang tinakasan ng dugo ang buong katawan ko at pinagkaitan ako ng kakayahang huminga nang maayos.Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis at nagwawalang tibok ng sarili kong puso. Gusto kong umiyak nang malakas.Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Gusto kong abutin ang cellphone ko na nasa sidetable para i-report ang nangyari sa mga pulis… pero ni isang daliri ay hindi ko maiangat. Sobrang bigat ng katawan ko. Parang may sementong nakadagan sa dibdib ko. Manhid. Nakakabaliw na kamanhiran. Amoy ko pa rin ang pinaghalong pawis, dugo, at ang na







