ANMELDENMamaya po ulit, at papaschool muna ang babaeng ito.
Isang linggo ang lumipas matapos ang grand opening ng VIP Casino.Nasa loob ako ng private fitting room ng agency. Nakatayo sa harapan ko si Hunter, nakasuot ng bagong tailored na charcoal gray suit na isusuot niya para sa isang exclusive underground auction.Hawak ko ang isang maliit na box ng pins, dahan-dahang inaayos ang tupi sa balikat ng coat niya.Tahimik. Walang imikan.Dati, sa ganitong mga pagkakataon, siguradong inasar na niya ako. Siguradong nakipagtalo na ako. Siguradong may nabagsak na akong pin o natapid sa sarili kong paa.Ngunit ngayon, parang naging isang robot ang katawan ko.Malamig, walang emosyon, at eksakto ang bawat galaw. Ang mga mata ko ay may malalalim na dark circles. Ang balat ko ay maputla. Ang bigat ng dinadala ko sa sinapupunan ko ay sumasabay sa bigat ng katotohanang pinapasan ng isip ko.“You're unusually quiet, clumsy,” biglang basag ni Hunter sa katahimikan.Hindi ako tumingala. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalagay ng pin sa laylayan ng manggas niya.
Halos walang imikan sa buong byahe pabalik sa apartment. Hindi narin ako nakatanggi nang nag-insist si Hunter na ihatid ako.Nakasandal lang ang ulo ko sa malamig na bintana ng Bugatti ni Hunter, nakatingin sa mga dumadaang ilaw ng siyudad ngunit blangko ang isip.“Are you going to be sick in my car?” basag ni Hunter sa katahimikan. Ang boses niya ay walang emosyon, nakatutok lang ang paningin sa kalsada.“H-Hindi po,” mahinang sagot ko. “M-Medyo okay na po ako.”“Good. Because if you ruin this leather, you're working for me for the rest of your miserable life without pay.”Kahit gusto kong mainis sa kayabangan niya, wala akong maramdamang lakas. Wala akong ganang makipagtalo. Parang naubos ang lahat ng enerhiya ko sa VIP Lounge na iyon.Nang makarating kami sa tapat ng apartment building ko, mabilis akong bumaba. Hindi ko na siya tiningnan. “S-Salamat po, Sir Hunter.”Hindi na siya sumagot. Narinig ko na lang ang malakas na pag-arangkada ng makina niya palayo.Umakyat ako sa apartment
Walang iba kundi ang boyfriend kong si Tristan.Bumagsak ang Restricted Collection Folder sa sahig na may malakas na kalabog. Ang mga pahinang naglalaman ng bilyun-bilyong halaga ng utang ay nagkalat sa mismong paanan ko.Ngunit wala akong pakialam.Ang buong mundo ko ay tumigil sa pag-ikot. Ang ingay ng mga nagtatawanang high-rollers, ang pagkalansing ng mga casino chips, ang nakakabinging background music—lahat ng iyon ay naging isang mahinang ugong na lamang sa pandinig ko.Tinitigan ko si Tristan. Ang lalaking akala ko ay nagpapakahirap sa trabaho, ang lalaking walang ibang ginawang masama sa isip ko!Ang lalaking pinakaiingat-ingatan ko at pinoprotektahan ko laban sa sarili kong konsensya... ay nandito.Nakasuot ng pamilyar na itim na jacket. Nakangisi nang malawak. Nakasandal sa isang babaeng halos lumabas na ang kaluluwa sa nipis ng suot, habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa hita nito.‘Babe, pagod ako sa site ngayon... baka madaling-araw na ako makauwi...’Paulit-ulit na
“Y-Yes, Mr. Saviano! Understood po!” halos maiyak na sagot ng pit boss, nakayuko nang halos umabot sa sahig.Napalunok ako nang mariin sa likuran niya. Nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa black folder.Bakit pakiramdam ko… sobrang bigat ng aura ng lalaking kasama ko ngayon.Diyos ko... ito ang ama ng batang nasa sinapupunan ko, umiiyak na bulong ko sa sarili ko. Kapag nalaman niya ito, ano ang gagawin niya sa akin? Papatayin niya ba ako? Kukunin niya ba ang bata at itatapon ako sa Manila Bay?!Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Ang amoy ng usok ng cigar, ang matatapang na alak, at ang walang-tigil na pag-ikot ng mga roleta ay nagpapasikip ng dibdib ko. Parang gusto ko na lang mahimatay.“Stop trailing behind like a lost puppy. Walk beside me,” utos ni Hunter nang hindi man lang lumilingon, halatang nararamdaman ang pagbagal ng mga hakbang ko.Pilit kong binilisan ang lakad ko hanggang sa makapantay ko siya. Nagpatuloy kami sa pag-iinspeksyon. Mula sa mga slot machines, patun
Tristan: Babe, pagod ako sa site ngayon, baka madaling-araw na ako makauwi sa apartment, huwag mo na akong hintayin.Napabuntong-hininga ako nang malalim. Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko, isang matinding alon ng konsensya ang mabilis na lumunod sa akin.Parang may malamig na kamay na pumiga sa puso ko. Nandito ako ngayon, nakatayo sa isang bilyun-bilyong halagang event, pinalilibutan ng luho at yaman, kasama ang lalakeng nakabuntis sa akin... habang ang boyfriend ko, ang lalakeng tatlong taon kong minahal, ay nagpapakahirap sa construction site.Nagpapapawis. Nag-o-overtime para lang may makain kami at para sa future naming dalawa.Napakasama kong tao, umiiyak na sigaw ng isip ko.Sobra-sobra na ang ginagawa ni Tristan. Nirespeto niya ako sa loob ng tatlong taon.Wala kaming ginawa kundi holding hands at simpleng halik sa labi dahil gusto niyang maghintay hanggang sa makasal kami.Tapos heto ako... nagbunga ang isang gabing pagkakamali na akala ko ay isa lamang marumi at wild n
Oo, dahil sa vest! Hindi dahil sa nagseselos ako! Wala akong pakialam sa kaniya! May Tristan ako!Pilit kong iniwas ang tingin ko, pilit na pinapakalma ang nagwawalang sikmura ko dahil sa halo-halong amoy ng mamahaling alak at pabango.Ngunit kahit anong pilit kong magpanggap na pader, hindi nakaligtas sa matalim na paningin ni Hunter ang pagtalim ng mga mata ko sa kamay ng modelong nakapatong sa dibdib niya.Isang pilyo at nakakalokong ngisi ang sumilay sa mga labi ni Hunter.Sa isang banayad ngunit malamig na galaw, hinawakan niya ang pulso ng modelo at dahan-dahang inalis ito mula sa kaniyang vest. Parang napaso ang babae sa lamig ng tingin niya.“I appreciate the offer, sweetheart,” malalim at paos na sagot ni Hunter, ang boses ay nag-uumapaw sa awtoridad at kayabangan na kayang magpaluhod sa kahit sinong babae. “But I don’t need any private relaxation. I already have my hands full.”Kumunot ang noo ng modelo, halatang napahiya. Maging si Mr. Petrov at ang iba pang mga bilyonaryo a







