LOGINHello po
“You! I know you’re already here, Azher. Lumabas ka na.”Umalingawngaw sa malawak na gusali ang boses ni Hunter habang animo’y nagmamatyag parin sa paligid niya at ngayo’y nakahawak ng mahigpit sa baril niya.Si Azher? Nandito na si Azher? Kasama na ba niya si Black?! Mula sa pinakamadilim na sulok ng semento, nakarinig ako ng mabibigat ngunit kalmadong mga yabag, parang taking ng combat shoes na pangbabae.Bawat hakbang ay tila sumasabay sa mabagal at masakit na pagtibok ng puso ko.At mula sa dilim, dahan-dahang lumabas ang kanang kamay ni Black.Si Azher.Nakatali nang maayos ang kaniyang buhok, nakasuot ng kaniyang nakasanayang black tactical attire na lalong nagpapakita ng kaniyang pagiging matatag na babaeng mandirigma.Walang bakas ng gulat o takot sa kaniyang magagandang mata.Sa halip, isang blangkong ekspresyon ang nakapaskil sa kaniyang mukha habang kalmadong naglalakad palapit sa amin. Hindi niya ako tiningnan. Ang buong atensyon niya ay nakapako kay Hunter.“Masyado ka ya
“Palabas?” nangangambang tanong ko. Ang mga luha ko ay patuloy sa pag-agos ngunit ang utak ko ay nagpupumilit na intindihin ang ibig niyang sabihin.Kung gano’n… lahat ng sakit na pinadama sa akin ni Black, lahat iyon palabas.Para ano? Ipamukha kay Hunter na wala akong halaga sa kan’ya?Isa-isang pumasok sa isip ko ang lahat, mula sa mga sinasabi ng bear. Na parang pinaprogram na ipaalala sa akin kung gaano ako ka importante.Kung paano niya ako ipagtabuyan at saktan sa harap ni Hunter.At higit sa lahat kung paano niya ipamukha sa akin na si Hannah… na kapatid nila mismo ni Hunter ang mas mahalaga sa kan’ya.Ginawa niya ba ang lahat ng iyon para protektahan ako? Dahil alam na niyang nasa teretoryo niya ang kalaban niya?Alam na niyang si Hunter ang traidor sa grupo niya?Sandaling tumayo si Hunter at naglakad paikot sa akin, sinasadyang iparamdam ang kaniyang presensya na tila isang aninong nakakasakal. Bawat yabag niya sa semento ay tila martilyong bumabaon sa isip ko.Pero sa inaak
“I'm not here to play hero, Yna. I'm here to show my brother that everything he loves... will turn to ash.”“I-Ikaw ang traydor?!” Ang boses ko ay halos mapatid sa halo-halong sakit, gulat, at galit.Hindi ako makapaniwala! Hindi si Hunter! Sa lahat ng pwedeng sumaksak patalikod kay Black, hindi si Hunter!Pinilit kong kumawala mula sa pagkakatali, binalewala ang matinding hapdi sa mga pulso ko, umaasang baka sakaling gumising na lang ako mula sa bangungot na ito. “P-Pamilya ang turing sa'yo ni Black!! Itinuring niya kayong mga kapatid! Paano mo nagawa 'to?!”Sandali niyang pinagbalingan ang baril niya, nilinis linis na parang handang handa ng gamitin at sa isang kisapmata, nagbago ang ihip ng hangin.Nawala ang mapang-uyam niyang ngisi. Napalitan ito ng isang matinding poot na tila matagal nang kumukulong asido sa loob ng kaniyang dibdib, naghihintay lang ng tamang oras para sumabog.Sa isang marahas na galaw, nilapitan niya ako at malakas na sinabunutan. Napasigaw ako sa sakit nang h
“H-Hunter…” basag at nauubusan ng hiningang tawag ko.Itinapon ni Hunter ang kaniyang baril sa gilid at mabilis na dumausdos paluhod sa harapan ko.Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki, sumisigaw ng matinding pag-aalala habang pinagmamasdan ang mga pasa, dumi, at galos sa aking mukha.Nanginginig ang malalaking kamay niyang dumapo sa aking malamig na pisngi.“Miss Yna! God, Yna, are you okay?!” Ang boses niya ay halos pumiyok sa takot at pag-aalala. Hinaplos niya ang buhok ko, pilit na inilalayo ang mga hibla sa basa kong mukha. “May ginawa ba sila sa'yo? Sinaktan ka ba nila?! Goddamnit, tell me you're fine! Pagbabayaran nila ito!”“Papatayin ako ni Black kapag hinayaraan kitang masaktan!”Gumuho ang lahat ng tapang na pilit kong binuo kanina. Sa buong gulong ito, narito ang isang pamilyar na mukha. Ang pilyong tauhan ni Black.Nandito siya, nauna pa siyang dumating kay Black.O baka siya lang ang ipinadala ngayon ni Black? Kasi wala naman talaga itong pakialam sa akin?O baka…Hindi. Hi
“Kung hindi darating si Black, mamatay ka.”“Kung darating siya, mamatay siya…”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, walang bahid ng biro sa tono niya.Totoo talagang traidor ang tauhang ito ni Black!Nanginginig ang bawat kalamnan ko. Ang malamig at magaspang na semento sa ilalim ng aking mga paa ay walang panama sa lamig na tuluyang bumalot sa puso ko dahil sa matinding takot.Marami na akong napagdaanang panganib simula ng makilala ko si Black pero ang ngayon ay ang mas nakakatakot… dahil hindi ko alam kung darating ba siya para iligtas ako.Kung darating ba siya pagkatapos ng lahat ng pananakit niya sa akin?Kung talaga bang may halata ako sa kan’ya.Higit sa takot ko sa kamatayan, mas natatakot ako sa katotohanan na baka ang lalaking unti-unti ko ng minahal ay baka nga kaya akong pabayaan.Tumingala ako, pinipilit na pigilan ang mga luha ko sa pamamagitan ng pagkagat ng lab isa loob ng bibig ko.Nang makita nito ang expression ko, isang tunog na nakakarindi at walang kaluluwa.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko, pero may magaspang na tali na pumipigil sa mga pulso ko.Pilit kong hinila ang mga braso ko, pero walang nangyari. Imbis na lumuwag, mas lalo lang bumaon ang magaspang na hibla ng lubid sa balat ng aking pulso, nagdudulot ng matinding hapdi at kirot.Nakagapos ito sa likod. Biglang nagising ang diwa ko. Ang natitirang hilo sa utak ko ay agad na napalitan ng purong takot nang mapagtanto ko ang sitwasyon ko.Nakatali ako sa isang matigas na silyang bakal. Sinubukan kong sipain ang sahig, pero narinig ko ang kalansing ng kadena. Kahit ang aking mga paa ay hindi ko maigalaw.Napadilat ako nang malaki at naghabol ng hininga.Nasaan ako?!Madilim ang buong paligid, may kaunting sinag lang ng araw mula sa isang basag na bintana sa itaas. Isa itong malawak at abandonadong building. Marumi ang sementadong sahig, may mga tuyong mantsa ng kung anong likido, at puno ng mga kalat at sirang kagamitan.Paano ako napunta rito?! Ang huli kong natatandaan, inihiga







