LOGIN<3
CRYSTAL RYE'S POVNatigilan ako.Nakatitig ako sa kaniyang mga mata. Ang lalaking ilang minuto pa lang ang nakararaan ay handang pumatay ng tao nang walang kurap... ay nakatayo sa harap ko ngayon na may pakiusap at matinding pait sa kaniyang boses.Huminga ako nang malalim, pilit na pinakalma ang nangangatog kong dibdib at itinayo ang aking sarili sa harap niya.“Kausapin mo ako,” basag ngunit madiing sabi ko. “Huwag mo akong itrato na parang isang bagay na kailangan mo lang itago sa kahon. Huwag mo akong ikulong sa mga utos mo nang hindi ko naiintindihan kung bakit! Tao ako, Hunter. At ang batang nasa tiyan ko... hindi ito isang kasangkapan na protektado mo lang dahil dugo mo ito.”Lumitaw ang isang matinding emosyon sa mga mata ni Hunter. Dahan-dahan siyang tumango.“Alright,” mahinang sagot niya. “I will tell you what you need to know. But in exchange... you follow my security protocols without question. Deal?”Napakagat-labi ako bago tumango. “Deal.”THIRD PERSON'S POVKinaumagaha
CRYSTAL RYE'S POVNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa malaking bintana.Agad akong napabangon. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa tiyan ko—ang unang instinct ko araw-araw para siguraduhing okay ang baby ko.Nang mapatingin ako sa paligid, saka ko lang muling na-realize kung nasaan ako. Nasa safehouse.Mabilis akong tumayo. Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang putla ko. Ang laki ng eyebags ko.Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang hallway. Walang tao. Pero sa bawat bintanang madaanan ko, nakikita ko ang mga armadong lalaki na nagbabantay sa labas ng compound. Parang isang military base ang lugar na 'to.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.Napatigil ako nang makita ko ang sala. Iba sa normal na bahay. Punong-puno ng mga computer, monitor, at mga lalakeng nakasuot ng tactical gear.At sa gitna nila, nakaupo si Hunter.Nakasuot siya ng itim na t-shirt ngayon. Ang mga braso niyang puno ng kalamnan ay nakapatong sa
CRYSTAL RYE'S POVNaiwan akong nakatayo sa gitna ng malaking kwarto nang tuluyang sumara ang pinto.Umalis siya.“I stop hiding.”Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang huling sinabi niya bago siya tumalikod at lumabas. Kasabay ng paglapat ng pinto ay ang pagkawala ng lakas sa mga tuhod ko.Napaupo ako sa gilid ng kama. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa tiyan ko.Buhay kami ng anak ko. Ligtas kami ngayon. Pero bakit pakiramdam ko, mas lalo kaming pumasok sa isang mundong walang kasiguraduhan?Napa-pikit ako. Sa pagpikit ko, muling nag-flash sa isip ko ang nangyari sa eskinita kanina. Ang tunog ng nabaling buto. Ang walang-awang pagputok ng baril ni Hunter. Ang mga dugong dumanak sa semento.Isang demonyo. 'Yun ang nakita ko kanina.Pero ang demonyong 'yon... siya rin ang nagtupi ng kaniyang sariling katawan para lang yakapin ako at siguruhing hindi ako masaktan.Humiga ako sa malambot na kama. Ramdam ko ang matinding pagod ng katawan ko.Nakatitig lan
THIRD PERSON'S POVPagkalipas ng kalahating oras, huminto ang armored SUV sa harap ng isang mataas na gate sa isang eksklusibo at nakatagong compound sa gilid ng bundok sa Iloilo.Bumukas ang gate. Sa loob, nakatayo ang sampung armadong lalaki na nakasuot ng mga tactical gear—mga dating piling tauhan ng dating Saviano Syndicate na personal na pinili ni Gregor para maging tauhan ngayon ni Hunter.Ito ang pribadong at pansamantalang safehouse na inupahan nila sa lugar nga ito.Ipinark ni Hunter ang sasakyan. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan si Rye ng pinto.Lumabas si Rye, ngunit halos matumba siya dahil sa panlalambot ng mga tuhod. Mabilis siyang nasalo ni Hunter sa baywang.“Bitiwan mo ako...” mahinang angal ni Rye, pero wala na siyang lakas para pumalag nang tuluyan.Inalalayan siya ni Hunter pumasok sa loob ng malaking mansyon. Sa bawat sulok na daanan nila, may mga guwardyang yumuyuko at nagbibigay-galang kay Hunter.“Sir,” bati ni Gregor na mabilis na lumapit sa kanila. “Safeh
CRYSTAL RYE'S POVNanlalamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa kaniya.May bakas ng dugo sa puting polo niya. Ang mga mata niya, na dating punong-puno ng galit kapag nag-aaway kami sa opisina, ay may kakaibang dilim ngayon.Ito ba si Hunter Saviano? Ito ba ang totoong siya?!Nang humakbang siya papalapit sa akin, awtomatiko akong napaatras sa lupa, ginagamit ang mga siko ko para lumayo sa kaniya.“W-Wag kang lalapit...” nanginginig na utos ko, halos mawalan ng boses. “Wag mo akong hahawakan!”Huminto si Hunter dalawang hakbang mula sa akin. Umigting ang panga niya. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa tiyan ko, bago muling tumingin sa nanginginig kong mukha.“Rye,” paos na tawag niya.“P-pumatay ka...” naiiyak na sigaw ko, tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa pisngi ko dahil sa pinagsamang takot, gulat, at matinding pagod. “Sino ka ba talaga?! Ano bang klaseng tao ka?! Bakit mo ako ginagambala?! Bakit kailangang mangyari 'to?!”Lumuhod si Hunter sa harapan ko. Hindi s
THIRD PERSON’S POV“Get her alive,” utos ng boses sa radyo. “The young master died by Hunter’s hand four months ago. It's time Hunter Saviano pays the debt. If we hold his pregnant woman, he will crawl on his knees before we put a bullet through his head.”“Copy.”Pinatay ng lalaki ang radyo at lumabas ng sasakyan kasama ang dalawa pang armadong tauhan.Sa gitna ng makipot at tahimik na daan patungo sa simbahan, napahinto si Rye. Napaatras siya nang makitang nakaharang ang tatlong lalaki sa harap niya.“S-Sino kayo?” nanginginig na tanong ni Rye, habang pilit na itinataas ang duffel bag para gawing depensa.Isang nakakakilabot na ngisi ang ipinakita ng lalaking may sugat sa mukha. “Miss Alvarez. Sumama ka sa amin nang tahimik kung ayaw mong masaktan ang nasa loob ng tiyan mo.”Nanlamig ang buong katawan ni Rye. Alam nila ang tungkol sa pagbubuntis niya.“Hindi ko kayo kilala! Magsisisigaw ako rito! Tulong—”Bago pa man matapos ni Rye ang sigaw niya, mabilis na humakbang ang isa sa mga







