Share

Kabanata 25

Habang naglalakad pauwi, biglang nagtanong si Ling Yiran, "Jin, kilala mo ba si Xiao Zigi?"

"Yung president ng Xiao Group?" Sagot ni Yi Jinli.

"Kilala mo pala siya... Sabagay nasa balita kasi siya palagi kasi ikakasal na sila ni Hao Yimeng. Siya kasi yung...."Ilang segundo rin siyang natigilan bago siya nag-aalangang nagpatuloy, "Ex ko."

Dahil dito, biglang napahinto si Yi Jinli sa paglalakad at tinitigan si Ling Yiran.

Siguro dahil wala siyang napaglalabasan at kinikimkim niya lang ang lahat, kaya noong naramdaman niya may taong handang makinig sakanya ay hindi niya na napigilan ang sarili niya. "Nakakatawa no, sobrang taas niyang tao pero kagaya ko lang ang naging girlfriend niya."

"Pagkatapos kong grumaduate at naging abogado na ako, akala ko talaga ikakasal na kami. Pero hindi ko naman akalain na masasangkot ako sa isang aksidente. Pinagbintangan nila akong nagdadrive ng lasing kaya raw ako nakapatay ng tao. Tapos noong mabalitaan niya 'yun, atat na atat siyang nakipag
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status