Share

Kabanata 26

'Tanggalin? Natin?' Natatawa nalang si Ling Yiran sa sinabi ni Yi Jinli dahil sobrang imposible ng sinasabi nito. Xiao at Hao family, dalawa sa pinaka kilalang pamilya sa Shen City, ang nagpalagay ng mga ito kaya sino sila para tanggalin ang mga yun. Dahil sa pagtakip ni 'Jin' sakanyang mga mata, wala siyang makitang kahit ano, pero dahil dito, parang biglang kumalma ang puso niya.

Makalipas ang ilang segundo, dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Yi Jinli mula sa mga mata niya at tinignan ito. "Jin, salamat ha." Para sakanya, sinasabi lang ito ni Yi Jinli para hindi na siya malungkot dahil wala naman siyang ideya kung sino talaga 'tong taong nasa harap niya ngayon. "Tara, uwi na tayo. Magluluto ako ng masarap." Hinawakan niya ang kamay ni Yi Jinli at naglakad.

Samantalang si Yi Jinli naman ay sumilip pa ng isang beses sa billboard bago siya maglakad.

Pagkauwi nila, dumiretso si Ling Yiran sa police station para kunin ang pinadeliver niya - isang woolen sweater na binili
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status