Share

Kabanata 44

"Sa mata ng mga Hao, ako ang pumatay kay Hao Meiyu," Malungkot na sabi ni Ling Yiran matapos ang ilang minutong pananahimik. Kahit siya hindi niya rin inakala na ganun pala kasama si Hao Yimeng hanggang sa makita mismong ng dalawa niyang mga mata kung paano nito utusan ang kung sinu-sino para saktan siya.

"Sa tingin ko, gusto talaga ni Hao Yimeng na ikaw ang mamatay noong aksidente. Bakit ko nasabi? Tignan mo nga noong nakulong ka, diba naging sila kaagad ni Xiao Zigi? Sa ganun kabilis? Sa tingin mo ba Yiran, masusulot niya kaagad ang boyfriend mo kung wala hindi niya talaga plinano ang lahat?"Galit na galit na sabi ni Qin Lianyi.

"Kaya nga malaking kalokohan ang relasyon namin ni Xiao Zigi noon, pero buti na lang talaga at nakita ko ang tunay niyang kulay," Nakangiting sagot ni Ling Yiran.

"Tama ka jan. Hindi talaga dapat minamahal ang mga lalaking kagaya ng Xiao Zigi na yan." Nabalot ng ilang segundong katahimikan bago muling magsalita si Qin Lianyi, "Siya nga pala, kamusta na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status