Share

Chapter 1

NAKALUHOD ako sa harap ng imahe ng holy family na wallpaper ko sa laptop. Idinowload ko ito no‘ng araw na pinagbantaan ako ni Shaun. Simula noon, routine ko na ang taimtim na manalangin at humingi ng guidance sa may kapal. Kung makapagbanta kasi ‘to si Shaun, akala mo kung sino! Hindi tuloy ako makatulog ng maayos.

Sinimulan ko na ang pagdarasal.“Jesus, Mama Mary, Papa Joseph, nawa'y gabayan niyo po ako sa paglabas ko ng bahay. Ilayo niyo po ako sa mga masasamang elemento lalo na sa taong nagngangalang Shaun. Nawa‘y matisod, mabagok at magka-amnesia siya, para makalimutan niya pangalan ko. Amen—ay, may pahabol pa po pala ako. Sana maraming pudding sa canteen ngayon. Amen ulit.” nag sign of the cross ako at tumayo na mula sa pagkakaluhod.

Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko, para magmukha akong tao sa first day of school. Muli kong naisip si Shaun. Kumusta na kaya ‘yon? Pinahanap niya kaya talaga ako? He’s suspiciously silent.

Tatlong araw na ang lumipas mula no’ng araw ng pagbabanta niya, pero wala akong napapansin na kahinahinala sa paligid ko. Tahimik ang cellphone ko dahil bi-nlock ko siya—siya lang nagpapaingay no’n. Hinanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na makikitawag siya o makikitext sa iba para guluhin ako, ngunit wala akong narinig sakanya. Hindi ko nalang din pinalitan ang number ko.

Napagod na siguro siya o di kaya’y bati na sila ng girlfriend niya. Napangiti ako sa ideyang ‘yon. Sana tama ang hinala ko. I shrugged my shoulders nonchalantly and continued brushing my hair.

Kahit nananahimik na siya, nag-aalala parin ako dahil alam n’ya ang full name ko. Pa’no kung mahanap niya talaga ako? Pa’no kung nasa tabi-tabi lang siya’t naghihintay ng tyempo. Oh, my God. Baka bukas nasa f******k na ang beauty ko na duguan. Nabura ang mga ngiti ko sa naisip.

No, hindi ako pweding mamatay ng gano’n!

Kinatok ko ng tatlong beses ang ulo ko na hindi napapagod kaka-overthink. Umiling-iling ako para burahin ang mga naisip. Kung ano man ang rason ng pananahimik niya, sana’y magpatuloy ‘yon. Isinilid ko sa bag ang isang taser na binili ko kahapon. Panangga kung sakaling umatake siya.

Nabawasan ang pangamba ko nang maalalang mali ang spelling ng Xenica na alam niya.

“I am not Cenica, I am Xenica with an X Montel.” taas noong sabi ko sa harap ng salamin, “Hindi lang ako ang nag iisang Xenica sa mundo. Goodluck nalang kamo sa pag hahanap niya.” confident na sabi ko. Matapos kong maipungko ang buhok ko, isinukbit ko na ang backpack sa likod ko at lumabas na ng silid.

***

PAGKARATING ko sa school, hindi ko maitago ang matamis kong ngiti. Sino ba naman ang hindi ma e-excite sa first day of school? Another year for crush hunt!

Nakakalungkot isipin na huling taon ko na ‘to sa Armani High. Senior year is real na talaga. Dahil huli na ‘to, sisiguraduhin ko na magiging memorable ang taon ko.

I swiped my ID para makapasok sa gate ng campus. Nilakad ko ang pathway at iginala ang mata sa paligid. Napahinto ako sa naisip.Pa’no kung school mate ko pala si Shaun o di kaya’y ka-klase?

Kinatok ko ang ulo ko para sitahin ang utak na ayaw mag paawat kakaisip ng kung ano-ano. Stop thinking what-ifs, brain.

I took a deep breath, until sweet air extinguished the burn of worries in me. I got interrupted by the familiar voices shouting in a distance.

“BALIW!” tawag nila. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap sila. “Lumingon ka sa likod mo.” utos nila. Sinunod ko ‘yon at nakita ko na nga ang hinahanap ko. Itinaas ko ang kamay ko at kinawayan sina Lex at Nisha, na nakatayo sa tapat ng seniors building.

They’re my close friends, whom I share the same mental disorder—kaya baliw tawagan namin. I run towards them in a frenzy.

“Kanina pa ba kayo?” bungad na tanong ko nang makalapit sa kanila,“Mas nauna ako ng sampung minuto sa’yo. Si Lex, magkasunod lang kayo ng dating.” sagot ni Nisha.

“Mas maaga pa sana ako kung ‘di lang na flat ang taxi na sinasakyan ko.” sabi ni Lex na nakatingala at pinagmamasdan ang kabuohan ng seniors building, “Oh, my gosh. Seniors na talaga tayo.” she added.

“Time flies so fast.”

Parang kahapon lang ‘yong unang araw na tumungtong ako sa school na‘to. Palihim akong napaismid nang maalala ang nangyaring sagutan namin ni papa noon, na nag-udyok sakanya para ipadala ako dito sa Santiago. Sariwa pa sa alaala ko ang naramdaman no’ng araw na ‘yon—my thirteen year old self felt devastated, empty and lonely.

Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko, na hanggang ngayo’y gutom parin sa kasagutan. Maraming bakit? I silently sighed bitterly.

My thoughts were interrupted when Nisha clung her arms on mine, “Sana klasmeyt na tayo this year.” she said shaking my arm.

“There’s only one way to find out.” Nginuso ni Lex ang bulletin board sa di kalayuan, na dinudumog ng mga studyante ng Armani.

Nagsilapit kami roon at agad ako sumuksok sa nagkukumpulang studyante,“Excuse me.” pasintabi ko. Nagsitabi nga sila pero hindi ‘yon dahil sa sinabi ko, kundi dahil sa reyna na pinagbigyan nila ng daan—si Lex.

Lex's crowning glory as a student was her being chosen as Armani’s queen; she’s the epitome of beauty and brains. Kaya marami ang humahanga sakanya. So much for that...

“Did you find our names?” Lex asked, scanning the list with her eyes. Umiling ako bilang tugon. “Nalista ba nila talaga tayo? Hindi ko makita ang pangalan natin. Mukhang nakaligtaan na tayo.” daing ko. Kunot-noong inulit ko ng tingin ang mga senior section, para masiguro.

“Tatlong section para sa HUMSS, pero wala ang mga pangalan natin.” nagtatakang tanong ni Nisha.

“Nasa planetang earth pa ba tayo? Kakaiba kasi. Feeling ko talaga nasa ibang mundo na tayo, at ang rason kung bakit wala ang mga pangalan natin sa listahan ay... ” napasinghap ako at napatakip ng bibig, “... we’re not supposed to be here—”

“Excuse me! Excuse me! May ididikit lang.”

Napaatras ako nang sumingit ang dalawang babaeng myembro ng student council, na may dala-dalang bondpapers. Isa-isa nila itong idinikit sa bulletin board, “Hindi kayo nakaligtaan. Naubusan lang kami ng ink kaya hindi namin agad na print ang iba.” anunsyo ng taga student coucil na tila sinagot ang tanong ko kanina.

“Kaya pala wala.” rinig kong sabi ng ilang studyante. Nang magsialis na ang student council members, narinig ko ang mapang asar na tawa nila Lex at Nisha.

“Tuwang tuwa kayo? Sige,tawa pa.” sarkastik na sabi ko sa kanilang dalawa. Di nila ako pinansin at ipinagpatuloy na nila ulit ang paghahanap sa mga pangalan namin mula sa mga bagong listahan na ipinaskil.“Kung ano-ano kasi ang sinasabi.” bulong ni Nisha na narinig ko naman.

“Baliw, tigilan mo na ang kakapanood ng k-drama.” Lex said, then they mockingly laughed at me again. I rolled my eyes heavenwards.

“Other world.” pang-aasar ni Lex. Itinaas ko ang kamay ko at inabot ang tagiliran ni Lex. Natatawang napahiyaw siya sa nang sundutin ko ito, “Stop it!” sita niya.

Natigilan kami sa pag haharutan nang marinig ang matinis na tili ni Nisha,“KYAAH! Classmates tayong tatlo!” she excitedly announced, “Weh? ‘Di nga?” ‘di kombinsidong tanong ko.

“Oo, nga. Look!” hinala niya palapit sa board. Dahil hindi ako katangkaran katulad nilang dalawa, tumingkayad ako para tingnan ang listahan.

“Finally!” Lex exclaimed. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ang mga pangalan namin sa iisang papel—nasa iisang section nga kami!

“KYAAAAH!” we let out an uncontainable squeal, and hopped like a toddler out of joy. Lahat napatingin sa amin, na tila nawi-wirdohan. Sa wakas, mag kaklase na ulit kami!

Grade 9 pa kami nong huli kaming naging magka-klase. ‘Yon ang panahon na nagsimula ang pagkakaibigan namin,“This will definitely be our year!” Lex exclaimed.

Napapalakpak ako na parang seal at sinabing, “Sana may ka klase tayong gwapo tapos makatabi ko—”

“Shaun, classmate tayo. Ayon pangalan natin oh, sa section Einstein.” sabi ng lalaki sa likod ko. Natigilan ako sa narinig na pangalan. SHAUN. SHAUN TALAGA ‘YONG NARINIG KO.

Ramdam ko ang panlalamig at rinig ko na rin ang nakakabinging tibok ng puso ko. Hindi ko na narinig ang paulit-ulit na pagtawag ni Lex sa pangalan ko nang tila nawala ako sa sarili.

“Hoy, earth to Xena? Nasa 'other world' mo ka ba?” iwinagayway ni Nisha ang kamay niya sa mukha kaya natauhan ako.

“H—Ha? May sinasabi ka.”

“Natatae ka ba?” walang prenong tanong ni Nisha.

“H—Hindi no!” tumingin ako sa pangalan ko sa listahan at tumikhim,“B—Binibilang ko lang ang mga paa ng langaw na dumapo sa pangalan ko.” pagsisinungaling ko.

“Nilalangaw na pangalan mo, baliw.” tumatawang sabi ni Nisha, “Atleast, ako pangalan lang nilalangaw. Eh Ikaw? Tatlo-tatlo langaw mo oh!” nginuso ko ang blouse niya na may langaw talaga. Nagsiliparan rin ito nang hipan ko. Nilibang ko ang sarili at nakipag kulitan sa dalawa.

Umalis na kami sa harap ng bulletin board. Habang abala sa pag kukwentuhan sina Lex at Nisha, palihim kong sinusulyapan ang dalawang lalaki na nag kukuwentuhan sa harap ng bulletin board. Isa sa kanila ay Shaun ang pangalan. ‘Yong simple guy ba o ‘yong naka glasses? They look harmless. Hindi ko namalayan na nasambit ko na ang tinatanong ko sa isip ko.

 

“Sino sa kanila si Shaun.”

Narinig ng mga baliw ang nasambit ko kaya sa akin nanaman nakatuon ang atensyon nila, “Oy, prospect mo ba ‘yong Shaun?” mabilis na tinakpan ko ang talapindas na bibig ni Nisha, at pinandilatan ko rin siya ng mata dahil sa sinabi, “Shuta ka. Bibig mo!”

“Nagdadalaga na siya!” sinundot sundot ako ni Lex sa tagiliran kaya nabitawan ko si Nisha. Napamura ako ng mahina nang sumali rin ito sa pagsundot sa tagiliran ko.

“T—Tantanan niyo nga ako!” sita ko sakanila. Hinihingal na ako kakatawa dahil sa ginawa nila, “Hindi kami titigil pag hindi ka aamin.” sabi ni Lex.

“Nagtatanong lang naman kasi ako.” paglilinaw ko sakanila, “Nerd pala tipo mo? ‘Yong naka glasses. Siya ‘yong Shaun.” sabi ni Nisha. Tinigilan na nila ang pangingiliti sa akin at pinagpatuloy ang paglalakad.

“Ikaw ata ang may crush ‘don, Nish. Ba’t kilala mo?” balik tanong ko sakanya, “Siyempre, magaling ako mang hula!” humagalpak pa siya ng tawa na ikinalingon ng damaan.

“Gagou.” nanggigigil na sabi ko.

“Pero tama ka Nish. Shaun nga pangalan niya. Nakasama ko siya sa Math decathlon nong grade 10.” pagkokompirma ni Lex sa sinabi ni Nish.

“See? Naniniwala ka na na magaling ako manghula?” proud pa sa sarili niya si Nisha. Tumango ako sa nalaman.

He looks harmless. Hindi siya tugma sa imagination ko na mala gangster na maraming tattoo. I took a deep breath and sighed. Inaatake nanaman ako ng paranoia ko. Maraming Shaun sa mundo, Xen, kaya kumalma ka!

“Wag na nga natin siya pag usapan. Baka matisod pa ‘yong tao. Hindi ko ‘yon crush, mga malisyosa. Kapangalan lang niya si Shaun...” huminto ako at napaisip. Wala nga pala silang alam sa kasalanan nagawa ko sa taong ‘yon.

“...‘Y—Yong si P’Shon ng crazy little thing called love?” palusot ko. Pinitik ni Nisha ang daliri niya at ngumisi ng malapad.“Ay gusto ko ang movie na‘yan!” she exclaimed.

“Hindi nakakasawa. Ang gwapo ni Mario Maurer!” may pahampas hampas pa sa braso ko si Lex dala ng nararamdamang kilig, “Aray ha.” alma ko.

Nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Gustohin ko mang i-share ‘yong fail prank ko, hindi ko na ginawa. Mas okay na siguro na hindi nila alam dahil paniguradong aasarin lang nila ako tungkol do’n. Mas madaling maibabaon sa limot ang isang pangyayari pag hindi na napaguusapan. Tama.

Dinala kami ng mga paa namin sa canteen kung saan ibinebenta ang favorite kong chocolate pudding. Nag order kami at umupo sa bakanteng table.

“Teka, groupie muna tayo para may ma i-my day ako.” itinaas ni Lex ang kamay niya na may hawak ng cellphone at kumuha ng picture. Ngiting-ngiti pa siya, tila satisfied sa itsura niya sa picture.

“Tag mo ko ah.” remind ni Nisha, “Of course. Kelan ko na kayo hindi iti-nag.” sagot ni Lex na nakatutuk ang mga mata sa screen ng phone niya.

Bahagyang kumunot ang noo ni Lex na tila may malaking problema,“Xen, ba’t hindi kita ma-tag?”

“Nag deactivate ako.” huli na nang mapagtanto ko ang naisagot. Nagsitigil silang dalawa sa mga ginagawa at tumitig sa’kin.

“Ano’ng tini-tingin tingin niyo? Nag deactivate ako dahil gusto ko ng—peace of mind.” nag iwas ako ng tingin at sumubo ng pudding.

“Wala. Naisip ko lang, baka may tinataguan kang tao.” nasamid ako sa sinabi ni Lex, “May utang ka nanaman ba?” dagdag tanong ni Nisha.

Dali dali akong uminom ng tubig at pinagtuturo silang dalawa,“M—Masyado niyong bini-big deal ang bagay na ganito. Walang problema at nag deactivate lang talaga ako para sa mental health ko. Masakit sa puso ang mga nakikitang kong mga masasamang balita sa social media kaya naisipan kong magpahinga muna.”

“Ahh~” tumango sila ng sabay at sabay ring sumubo ng pudding. “Pahiram ako ng cellphone mo, baliw.” inilahad ni Nisha ang palad niya’t inilagay ko roon ang hinihiram niyang phone.

“Aanhin mo?”

“Kunin ko lang ‘yong number ni Pedro.” sagot ni Nisha, “Ayie. Muling ibalik na ba kayo?” nakangising tanong ni Lex.

“Asa! May pakay lang ako sakanya. Hindi niya parin kasi isinasauli ‘yong singsing ko na hiniram niya noon.” may himig na pang gigigil na sabi ni Nisha, “It happened na nakita ko sa my day ng new girlfriend niya ‘yong sing-sing ko with a hashtag BESTBOYFRIENDEVER.”

“Oh, my gosh. Talaga?” hindi makapaniwalang sabi ni Lex, “Kapal ng mukha.” komento ko.

Pedro or Peter was Nisha’s ex-boyfriend, obviously. Naghiwalay sila dahil napakamanloloko ni Pedro. Naturingan paman din siyang kapangalan ng bantay sa langit. Gusto niya daw kasi ng babaeng nagsu-suot ng revealing clothes. Dahil hindi mahilig sa gano’n si Nish, naghanap siya ng iba. Tang’na niya kamo.

Maganda si Nisha at mas lalo ‘yang gaganda pag nag ayos. Napailing nalang ako sa naiisip at sumubo ng pudding. Napansin ko ang malalapad na ngiti ni Lex habang abala sa ka-chat niya.

“Sino nanaman ka chat mo?” nagtatakang tanong ko,“Aaron.” tipid na sagot niya at bi*lang umagik-i* na parang kinikili*.

“Bagong baby boy niya. Taga ibang school ‘yan.” kwento ni Nisha, “Ba’t ngayon ko lang ‘yan nalaman?”

“Malamang, nag deactivate ka. Topic namin yan sa group chat kagabi.” tumango ako bilang tugon sa sagot ni Nisha.

“Sa tingin mo, siya na ba ang 'the one' Lexi Park?” huminga ng malalim si Lex, inilapag ang phone at tumingin sakin bago sagutin ang tanong ko.

“Xen, boys are toys. Tandaan mo ‘yan. Walang the one.” umiling pa ito at sumubo ng pudding. Dinampot niya ulit ang cellphone niya nang tumunog ito.

“Bitter naman.” bulong ko.

Katulad ni Nisha, nabiktima rin si Lex ng isang lalaking manloloko. Partida, ang ganda na nga, niloko pa. Dahil sa trauma na gawa ng masakit na karanasan, tuluyan ng nagbago si Lex. Hindi na siya nag seseryoso sa relasyon at ayaw na niya commitment. Isang taon na rin pala ang lumipas simula no’n.

Sa mga nasaksihan ko sa buhay pag-ibig nila, natatakot na akong mag boyfriend. He-he!

“Binura mo ba ang number ng hudas na’yon?” tanong ni Nisha. Sinagot ko siya bago isubo ang huling kutsara ng pudding, “Nasa blocked list ko ang number niya. Check mo sa contact settings.” utos ko sakanya.

“Unblock ko ‘tong number ng hudas ha. Ayoko siyang i-text sa cellphone ko. Nandidiri ako. Block mo nalang siya ulit pagkatapos.” paalam ni Nisha. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Tumunog na ang bell, hudyat na mag sisimula na ang entrance ceremony. As if on cue, nagsitayo kaming lahat na nasa canteen. Iniabot ni Nisha pabalik sa’kin ang cellphone ko, “Bilis ah. Natext mo na?”

Umiling siya, “Na unblock ko na pero mamaya ko nalang i-tetext. Gusto ko muna mag focus sa entrance ceremony. Alam mo na, first day of school. Maraming bago. I don’t want to miss the new faces, lalo na ‘yong mga cute at gwapo!” Nisha said excitedly.

Isinilid ko sa bulsa ng palda ang cellphone at tumakbo ako palabas ng canteen para habulin ang dalawa na iniwan na pala ako. Muntik pa ako madapa—Buset!

Lakad-takbo ang ginawa ko para maabutan sila. Gusto ko silang unahan sa gym, kaya para magtagumpay sa binabalak, lumiko ako sa bahagi ng school na walang masyadong dumadaan. Walang traffic kaya pwedi ako tumakbo ng mabilis. Yumuko ako saglit para ayosin ang lock ng sapatos ko. Natigilan ako sa ginagawa nang maramdaman kong may nakamasid sa’kin. 

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, wala namang tao.  Pero di ko namalayan ang taong nakatayo sa likoran ko. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko nang may kamay na dumapo sa balikat ko.

“Saan ka pupunta?”

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status