Share

Nang Dahil Sa Prank Call
Nang Dahil Sa Prank Call
Author: ACEBUKO

Prologue

PROLOGUE

“CANCELLED? Sure na ba talaga ‘yan? Hindi fake news?” dismayadong tanong ko kay Lex na ngayo’y ka video call ko. “Definitely, not a hoax. Ready na sana ang swimsuit ko! Kainis talaga.” Lex whined like a child in dismay. Narinig ko pa ang mahihinang tunog ng nagdadabog niyang mga paa.

“Wala na talaga tayong magagawa. ” I uttered a sigh,“O, s’ya. Salamat sa masamang balita. Tawagan mo nalang ako ulit pag nag U-turn na ang bagyo.” she nodded and waved goodbye before ending the video call.

Sumilip ako sa bintana at nagmasid. Kasing kulimlim ng kili-kiling may kabag ang kalangitan. Hindi na talaga ‘to biro. Mukhang may mag i-emote na ulap mamaya. Bagyo is real na real.

Bago ko pa man murahin ang langit, isinara ko na ang kurtina. Initsa ko sa kama ang cellphone at dinampot ang travel backback na nakalapag sa sahig. Niyakap ko ito at pabagsak na humiga sa kama. I blankly stared at the ceiling and sighed. Now what?

Tatlong araw nalang at tapos na ang summer break. Ipinagkait pa talaga ng kalikasan ang most awaited beach outing namin. Sa dami ng araw sa kalendaryo, ngayon pa talaga naisipang magpapansin ng bagyo. Tuloy, na udlot ang aming huling hirit sa tag-init!

Why are you like that, storm? Screw you!

Kakatitig ko sa kisame, random thoughts rushed through my mind. Napapikit ako ng taimtim—those painful memories. Dumilat ako at umupo. I shook my head in attempt to erase those thoughts. Ayokong maalala ang bagay na ‘yon. Okay na ako.

Itinabi ko ang backback at dumapa sa kama. Inabot ko ang cellphone at nag hanap nalang ng mapagkakaabalahan. Naglaro ako ng games, pero agad rin akong nagsawa.

Naisipan kong buksan ang social media accounts ko. Walang ganang idinulas ko pataas ang hintuturo ko para makita ang ibang post ng friends ko sa f******k.

My phone is as interesting as watching the paint go dry; it made me bored stiff. Tinantanan ko na ang cellphone, umupo, at iginala ang tingin sa loob ng kwarto. Mula sa shelf ko na may limang pirasong libro, sa study table ko kung saan nakapatong ang laptop, at sa mga damit ko na nakatambay sa sofa, na hindi pa titiklop.

How can I possibly escape from this boredom?

There's lot of things to do, pero katamaran is waving.  I don't feel like doing anything.

Teka—kanta ‘yon, diba?

Itinuon ko ulit ang mga mata ko sa cellphone na hawak-hawak. Wala man lang nakaalala sa’kin. No chats. No text. No calls. Tila dinaanan rin ng anghel ang group chat namin. Hindi man lang nag-iingay ang mga baliw kong kaibigan. Ano-ano kaya ang mga pinag kakaabalahan ng mga ‘yon? Iti-text ko rin sana ang jowa ko—ay, wala nga pala ako no’n. He-he!

Kung ano-ano nalang ang pinagpipindot ko sa screen. Kaka-kalikot ko sa cellphone, napunta ako sa dialing pad. Sa loob ng ilang segundong pagtitig sa mga numero, isang kalokohan ang pumasok sa isip ko.

Mukhang masaya mag laro ng numero ngayon. Katuwaan lang naman. Gusto kong subukan ‘yong isa sa mga prank na ginawa ng favorite vlogger ko.

‘Yong PRANK CALL!

Rush of excitement sent a silly smile on my lips. Napakasulsul talaga ng nilalang na may sungay sa kaliwang balikat ko. Kahit kinakabahan sa binabalak, nag patuloy parin ang mga kamay ko sa pag dial ng numero.

Nakatuon ang hinlalaki ko sa call button, nagdadalawang isip. Go na ba? Pa’no kung si Duterte ang matawagan ko? Naku, di niya naman siguro ako ipapa tokhang?

Hindi na nga talaga nag paawat ang daliri ko’t pinindot na ang telephone icon. Pigil hiningang hinintay ko ang sunod na mangyayari. Nang nasagot, nataranta ako!

“H-Hello—”

“The number you dialed is either unattended or is outside of coverage area—” pinindot ko ang end button.

Nasayang lang ang kaba ko dahil network operator lang pala. Buset na ‘yan.

Okay, let's try again.

Nanghula ulit ako ng numero. Habang dina-dial ang pangalawang cellphone number na tatawagan, the gloomy nature has started shedding tears. Rinig ko ang mga patak ng ulan sa bubong. Nandito na si bagyong EPAL.

Walang patumpik tumpik na tinawagan ko ang pangalawang numero. Tila tumalon ang puso ko nang  mag ring sa kabilang linya. Jusmio, sino kaya ang may-ari ng number na’to?

Legit ang kaba ko. Pa’no kung si James Reid ‘tong  natawagan ko? Insert lunatic-kinikilig laugh here. Pero seryoso, walang sumagot. Tinawagan ko ulit ang numero, umaasang artista nga ang ma ko-contact ko—charot!

Napaismid ako kakahintay sa may-ari na sumagot. Pangit niya ka bonding. “Pick up the phone, please. Makisama ka naman.”

Kinakalikot ko ang puting bagay na sumuksuk sa kuko ko nang may sumagot. “Hello?”

Binabawi ko na ang sinabi ko na panget siya ka bonding. Ramdam ko ang marahas na kabog ng dibdib ko dala ng kaba at excitement. Let the crime begin.

Kinakabahan ma’y hindi pa rin ako iniwanan ng espirito ng kalokohan. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nakakalokong tawa.

“Hello? Sino po sila?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Lalaki siya pero hindi si James Reid!

I cleared my throat, and composed myself.“Hi! Ako nga pala ‘yong dating may-ari ng bahay na tinitirhan mo ngayon. Ginagambala pa rin ba kayo ni Anica?”

“Anica? Sino si Anica? Wrong number ba ‘to?”

“Siya ‘yong batang kaluluwa na nakatira sa bahay mo.” I lowered my voice to make it sound creepy.

“Siraulo ka ba? Pinagawa ko ang bahay na ‘to. Pinagsasabi mong multo? Kung may multo man, tiyak  nariyan ‘yan sa tabi mo. ” narinig ko ang mahihina niyang tawa, “Tang’na, prank call ba ‘to? Nawa’y multuhin ka ng Anica na sinasabi mo, ogags.” matapos niyang sabihin ‘yon, pinatay na niya ang tawag.

Pakenginangshet. Joke lang naman ‘yong Anica pero bakit kinilabutan ako? Ako nanakot pero ako ang natakot. Dumagdag pa sa mala horror movie effects ‘yong lamig ng panahon, tunog ng malakas na ulan, mangilan-ngilang kidlat at—“AAAH!” I screamed in horror when a loud thunderclap roared. Sino ba ang nag imbento ng kulog na’yan?

To distract my self from the creeping fear of being alone in a stormy afternoon, idi-nial ko ang numero ng sunod kong biktima, at kung sinuswerte ka nga naman, nag ring at agad sinagot ang tawag.

“Sino ‘to?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Piningot ko ang ilong ko para mag iba ang boses ko.

“Hindi mo ako kilala? Ako ang iyong konsensya!” pigil-tawa na sabi ko. What he said next cracked me up.

“Hoy. Kung wala kang magawa, pakamatay ka na. TSK!” ibinaba niya agad ang tawag. Hindi ko na natago ang mga halakhak ko. “Grabe ka sa‘kin kuya.”

So far, so good. Natatawa ako sa reaksyon at sagot nila. Nabura ang mga ngisi ko at napapitlag nang kumulog ulit ng kay lakas. Bakit pakiramdam ko, pinapagalitan ako ni Lord? Bawas puntos na ako sa langit, and impyerno is waving na talaga.

Ngayon lang naman. He—he.

Muli akong nag dial ng mga numero at walang patumpik-tumpik na tinawagan ito. Sino na naman kaya ang matatawagan ko?

In a blink of an eye, the call got answered, “Who is this?” tanong nito. Her voice was like raising a brow on me.

“Hello—” hindi na niya ako pinatapos. She interrupted me and raised her voice on me. “Who the btch are you? Ba’t ka tumawag kay Shaun?!”

Who the... what?!

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Did she just use the 'B' word on me?! Just wow. I know, pranking people is immaturely rude pero mas rude ata ‘yong sasabihan mo ng btch ang isang tao na hindi mo naman kilala. Very wrong!

Wala ng libre sa panahon ngayon. Maasar-talo nalang. Inilagay ko ulit sa tenga ang cellphone at taas kilay siyang kinausap. She called me a btch, then i'll show her one.

“Kaano-ano ka ba ni Shaun?” tanong ko. Imbes na sagutin ang tanong, inulit niya lang ang tanong niya kanina.

“Who the btch are you? Anong pakay mo sa boyfriend ko.”

Ahh, boyfriend pala ha. Maasar nga ‘to.

“Teka nga. I should be the one asking you that. Sino ka at bakit na sa‘yo ang cellphone ng boyfriend ko.” I tried to sound polite. Tinakpan ko ang bibig ko pagkatapos kong magsalita para itago ang mga nagsitakas kong tawa.

The girl mockingly laughed on the other line, but I know, what she heard driven her off the wall.

“Bingi ka ba? I said, Shaun’s my boyfriend. Sino pa ba ako sa tingin mo? I'm his girlfriend, obviously.”

“Hmm... I don’t think so. Ikaw lang ata ang nakakaalam na girlfriend ka niya. Ang tingin ko rin sa‘yo, ikaw 'yong taong hindi nakinig sa values education at kulang sa aruga ng magulang. Sobrang ill mannered.” I retorted.

“What did you say?” bakas na sa boses niya ang pang gigigil. Tumawa ako ng mapang-asar, “Gusto mo ba talagang ulitin ko at i-explain ko kung bakit?”

“How dare you call me ill mannered!”

“Totoo naman. Sa pag sagot mo sa tawag na hindi para sa‘yo, sa pag tawag mo sa‘kin ng btch kahit hindi mo ko personal na kilala, ‘di ba gawain‘yon ng ill mannered na tao?”

Natahimik siya. Kinuha ko ang oppurtunity na‘yon para mas asarin pa siya, “Back off, missy. Shaun is mine. Give him his phone back, and stay away from him bago ko pa mahila ‘yang buhok mo palayo sakanya. Capiché?”

Nailayo ko ulit ang cellphone ko nang marinig ko ang matinis niyang tili gawa ng inis na nadarama. Sumilay ang ngiting tagumpay sa labi ko, “Now were even.” I said.

“Sino ka ba!” asar na tanong niya. Ayoko nga magpakilala! Baka ipa-blotter pa ako ng babaeng ‘to. Basta ang importante, naturuan ko na siya ng leksyon. Tama na siguro ‘to.

“Sino ka?! Answer me!” ulit niya, “Sino ako? Ako si Wonder Xena at ako ang mag tatanggol sa buong mundo!” pagkatapos kong sabihin ang huling salita, agad kong pinatay ang tawag.

Humagalpak ako ng tawa. Oh, my. I’m really going to hell. Nagpagulong-gulong ako sa kama na parang kinikiliti ng kung ano. Jesus-Mary-Joseph, patawarin niyo po ako sa aking mga kasalanan. Ngayon lang naman.

Kahit papa’no, nawala ang boredom ko. Kumulo ang dugo ko sa babaeng ‘yon, jusmio. Nawa’y hindi mag tagpo ang landas namin. Tumayo ako at nag-unat. Naisipan kong tiklopin na lang ang mga inaamag na damit ko sa sofa to make use of time.

Limang minuto mula nang sinimulan ko ang pagtutupi, tumunog ang message tone ng cellphone ko. Nagtatakang dinampot ko ito. Minsan lang kasi ako makatanggap ng message kaya nakakapanibago na may nag text.

UNKNOWN NUMBER

Today 2:40pm

You know what?Sayong-sayo na si Shaun. I won’t hold on to a piece of cheating bastard sht. Magsama kayo!

That’s when I realized, my prank has gone too far. Napakagat kuko ako sa nabasa. Ibig sabihin ba nito, nakasira ako ng relasyon?! Oh, my God. Sa tono ng mensahe niya, parang gano’n na nga.

I didn’t see this one coming. Pa’no na? Anong gagawin ko? Nabibingi ako sa ingay ng konsensya ko. Ginawa ko ‘yon para turuan siya ng leksyon, hindi para manira ng relasyon.

Nakipag hiwalay ba talaga siya kay Shaun? Habit na ba talaga ng babaeng ‘to na mang husga without any proof? Kung nakipag hiwalay siya sa boyfriend niya dahil naniwala siya sa mga sinabi ko, aba‘y napakababaw no’n. Pinapamigay pa niya ang boyfriend niyang piece of sht. Jusmio.

Mabilis na nag type ako ng mensahe para i-reply sa kanya. Lilinawin ko sa babaeng ‘to na biro lang ang lahat—it’s just a prank. Matapos kong maisulat ang mala-MMK na kong paliwanag, I hit send. Napamura ako nang makita ang pulang exclamation mark katabi ng message ko.

Hindi nasend dahil naubusan na ako ng load pangtext! Putragis. Kung minamalas ka nga naman. Zero ang lumabas sa balance. Patay, buset! Hindi nakakatuwa.

Inilihis ko ang kurtina para silipin ang ganap sa labas, at sa kasamaang palad, zero visibility. Sobrang lakas ng ulan; kumukulog, kumikidlat, umiihip ang malakas na hangin at umakyat narin ang tubig sa baba ng apartment. Pwedi ko naman sagupain ang delobyong ‘yan pero takot talaga ako sa kidlat. Baka matangay pa ako ng baha, at hangin sa liit at payat ko.

Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatunganga’t nakatingin sa kawalan. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang pumasok sa isip ko ang isang katotohanan—hindi nga pala ako kilala ng mga ‘yon!

Natawa ako sa sarili ko. Wala naman talagang dapat ipag alala—ay, sht meron pa pala! Pwedi nila akong ma search sa f******k gamit ang number ko! Labag man sa kalooban, nagmamadaling dineactivate ko ang social media accounts ko na connected sa number ko.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mangilan-ngilang butil ng pawis, na kahit malamig ang panaho’y nagsilabasan sa noo ko. Legit ang kaba ko do’n. Woooh! Prank pa more.

Bumalik ako sa kama at ipinagpatuloy ang pagtitiklop ng damit. Dumaan ang sampung minuto, tumunog ulit ang cellphone ko. Kunot-noo kong binasa ang bagong mensahe mula parin sa unknown number o sa huling numero na natawagan ko—number ni Shaun.

UNKNOWN NUMBER

Today 3:01 pm

Whoever you are, I’ll find you. Don’t bother hiding. I have skills that makes me a nightmare for people like you. Kahit sa’n ka magtago, mahahanap parin kita, and sure as hell, I’m gonna make your life miserable for messing mine. Mark my word.

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat. My hands flew to my mouth to prevent my soul from leaving my body. Kasabay ng pagtama nito sa sahig ay ang malakas na dagundong ng kulog, making a horrific atmosphere. Lalong bumilis ang puso ko.

Seryoso ba ‘to? Hindi ko ipagkakailang natakot ako sa sinabi niya. Ano ‘yon? Ano ‘yong skill na tinutukoy niya? Myembro ba siya ng assassin?

Napalunok ako ng laway at ang mga pawis kong nakahimlay ay muling nagsitulo sa noo ko. I paced back and forth, anxious. Ano ba ‘tong ginawa ko?!

Pa’no kung panakot niya lang ‘yon sa’kin para bangungutin ako ngayong gabi? What if gaya ko, prankster lang din siya? Posible ‘yon.

Kaya niya ba talaga akong hanapin kahit deactivated na ang social media accounts ko? Would they be able to find me using my number? Pa’no kung makapangyarihan siya at maraming connections? Mukhang kailangan ko nang tigilan ang panunuod ng action k-drama. My imaginations are running wild again. Kung ano ano nalang ang iniisip.

Sa movies lang naman ‘yon nangyayari, ‘di ba? Pero hutang’na talaga, ano ba kasi ang isinumbong ng babaeng ‘yon at ganito nalang kung makapag banta ang Shaun niya? Dinampot ko ang cellphone ko at muli kong binasa ang mensahe.

'Make your life miserable'  daw. Miserable na nga ang buhay ko, dadagdagan pa niya. Awit!

Think positive, Xen. Hindi ka niya mahahanap. Mahal ang private investigator ngayon—pero pa’no kung afford niya? Hutang’na talaga.

Makabili nga ng pala bukas. Kailangan ko na atang maghukay hanggang sa gitna ng mundo or mag book ng flight, then tumalon sa bukana ng mayon volcano para cremate agad—charot lang.

Inhale... Exhale... Kalma ka lang, Xen. Hindi ka pag aaksayahan ng pera no’n.

Tumango-tango ako at huminga ng malalim. Sino ba naman ako para pag aksayahan ng pera? Tama. Pilit akong ngumiti ako at kinalma ang sarili. Imposible talaga lahat ng iniisip ko. Not in a million years.

Ipinagpatuloy ko ang hindi matapos tapos na pagtitiklop. After almost 30 minutes, natapos ko rin ang ginagawa ko. Humiga ako sa kama at napatitig ulit sa kisame. Kinuha ko ang kumot at ibinalot ang sarili ko.

I closed my eyes, breathed deeply, and calmed myself. Meditate. Meditate. Napadilat ako  nang marinig ang ringtone ng cellphone ko, palatandaan na may tumatawag. Nanlaki ang mga mata ko nang malamang tumatawag ‘yong number ni Shaun!

Taranta at pigil hiningang pinindot ko ang end button, ngunit muli nanaman itong tumawag. Buset na’yan! Kinan-cel ko ang tawag at initsa ang cellphone sa kama.

Napapitlag ako nang muli itong tumunog. Hindi ba siya titigil?! Muling dumagundong ang kulog. Feeling sound effects talaga.

Tinitigan ko ang cellphone ng ilang segundo. Mabuti pa siguro, kausapin ko nalang siya at mag sorry. Malay natin, sa gan’ong paraan, lumambot ang puso niya’t babawiin na ang pambabanta. Nice idea.

Dinampot ko ang cellphone at itinuon sa answer button ang hinlalaki ko. Sagutin ko na ba? As if in response to my question, another loud thunderclap roared. Oo, na. Sasagutin na!

Pinindot ko ang berdeng icon at hinay-hinay na inilapit sa tenga ko ang cellphone. I composed myself and said, “H-Hello?”

“I don’t care where on the fvckn earth you’re at. I’m gonna find you and I won’t let you get away to what you’ve done.” he sounded cold and unsympathetic.

Hindi ko maiwasang mamangha sa english niya, but now is not the time to appreciate that. Pinagbabantaan niya ako! Trumiple ang bilis ng tibok ng puso ko sa narinig. Muntik pa dumulas ‘yong cellphone sa mga kamay ko dahil sa pamamawis. Shuta, dumagdag pa ‘yong kulog na kina-career na talaga ang pagiging sound effect.

“H-Hindi naman kayo mabiro. P—Prank lang ‘yon. Joke lang.”

“So that was a joke. A prank?” tumawa siya ng mapakla, “Mind you, I've got dumped because of your fvckng joke.” paalala niya. Inilipat ko sa kabilang tenga ang cellphone ko gamit ang mga kamay ko na nangangatog.

“S—Sorry. Alam kong napaka immature ng ginawa ko, pero p—pwedi naman siguro natin ‘tong pag usapan ng maayos, ‘di ba?” lakas loob na sabi ko.

He let out a sardonic laugh. Gusto ko sana siya murahin pero ayoko ng dagdagan ang kasalanan ko.Inilayo ko sa tenga ang cellphone at inilapit sa bibig ko. “T—Text mo nalang po ako pag malamig na ang ulo niyo. Subukan mo muna na suyuin ang girlfriend mo, malay mo tumiklop. S—Sabihin mo na prank lang ‘yon and please send my apology to her. S—Sige, bye na!” mabilis na sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag.

Naiwan akong nanlalamig, namamawis at kinakabahan. “Sana sundin niya ang payo ko.” I heaved a sigh and slowly sat on the side of the bed. Napapitlag ako nang muling tumunog ang cellphone ko.

“Naman e!” I cried. Wala na akong balak sagutin ang tawag niya. Isinuksok ko sa ilalim ng unan ang cellphone ko at dinagan, “Tigilan mo na ako!” pagmamakaawa ko.

Nakipaghiwalay talaga ang babaeng ‘yon kay Shaun nang dahil lang sa prank ko. Napakakitid naman ng pang unawa niya!

Hoy, shuta ka. Wag ka na rumason. Kahit ano pa sabihin mo, hiwalay na sila ng dahil sa’yo.

Oh, my God. What have I done?

Hindi siguro aabot sa ganito kung nakapagpaliwanag ako agad kanina, pero lintik na load talaga’t nang aasar, ngayon pa naubos! Napa sign of the cross ako nang maalala ang banta niya. Seryoso ba talaga siya do’n?

Kaya niya ba talaga akong hanapin? Sa laki ng mundo, goodluck nalang sakanya. Pero pa’no kung pag aksayahan niya talaga ng pera ang pag papahanap sa’kin? Luh. Ipapakulong ba niya ako?

Wala pa naman ako sa legal age para makulong. Pumikit ako ang taimtim at muli kong sinubukang pakalmahin ang isip ko na kanina pa nag o-overthink.

Social media deactivated, check. Simcard? Baliin ko na ba at magpalit ng bago? Hindi niya naman siguro ako mahahanap gamit ‘to. But I won’t take any chances, may banta ako. Napagdesisyonan ko na pagkatapos ng bagyong ‘to, lalabas ako at bibili ng bagong simcard bago pa mahuli ang lahat.

Lesson learned, don’t do crazy things when bored. Napasabunot ako ng buhok sa nararamdamang pagkainis sa sarili. I shouldn’t have done that call. I should’ve listened to that thunderclap.

What if delikadong tao talaga ‘tong nakabangga ko? Mafia? A criminal? I felt a real crippling fear in me. Kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko.

Dali dali ko itong kinuha kong kinuha ang cellphone ko nang mapagtantong hindi na siya tumatawag. I turned the GPS off. I ba-block ko na sana ang number niya, pero hindi natuloy dahil sa muling paglabas ng number niya sa screen—tumatawag nanaman! As fast as a lightning bolt, I canceled his call, and blocked him immediately.

“There. Hindi mo na ako matatawagan.” I breathed deeply, smiled in relief while savoring the silence. Mas nakakatakot na tuloy ang ringtone ko kaysa sa ulan at kulog. Prank pa more.

Inilapat ko ang likod ko sa kama at tumitig sa kisame. Pumikit ako at huminga ng malalim, ngunit agad rin akong napadilat nang muling tumunog ang cellphone ko. Inangat ko ito at tiningnan ang mensaheng dumating.

ONE VOICEMAIL RECEIVED

Tila napaso ako sa hawak ko, naibalibag ko ang cellphone. Mabuti nalang, sa unan ito nag landing. Pero shutaness, NAG-IWAN SIYA NG VOICEMAIL!

Tumayo ako sa kama at umiiling na tinitigan ang cellphone.“No. No, way. Shuta. Kung nakapag iwan siya ng voicemail, paniguradong narinig niya ang greetings ko do’n. Patay na talaga.” napakagat ako ng kuko nang maalala ang greetings ko do’n.

For sure, alam na niya. Bakit ba kasi ‘yon pa ang naisip kong voicemail greetings? Kung alam ko lang na magkakaganito, sana pala inaba ko na ‘yon noon palang. Buset!

Napatingin ako sa cellphone nang muli itong tumunog. May new text message nanaman ako. Hinay hinay akong humakbang palapit sa kama at dinampot ang cellphone. Lakas loob na binuksan ko ito at binasa ang mensahe.

UNKNOWN NUMBER

Today 3:59 pm

Hindi pa tayo tapos Cenica Montel. Once I find you, I’ll surely take you to hell.

I froze for a second, staring at the message. Tila tinakasan ako ng kaluluwa ko at huminto ang tibok ng puso ko. Sabi ko na nga ba’t alam na niya. Alam na niya ang pangalan ko dahil ‘yon ang greetings ko sa voicemail!

Shuta. Patay kang bata ka.

Alam na niya pangalan ko. Magagamit niya ‘yon sa paghahanap sa’kin! Sisimulan ko na talaga ang paghuhukay—I AM A REAL DEAD MEAT!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status