Share

Kabanata 2

Auteur: Cool Breeze
Nang dumating ang umaga, binati ni Elias si Adele sa karaniwan niyang halik.

“Addie, nakaligtaan ko ang wedding anniversary natin kahapon. Hayaan mo akong bumawi ngayon, okay?”

“Punta tayo sa amusement park. Hindi ba't sabi mo gusto mong pumunta doon noon?”

Walang interes si Adele at tatanggi na sana, pero inihahanda na ni Elias ang lahat nang hindi man lang hinihintay ang sagot niya. Naghanda na ito ng isusuot niya.

Sa amusement park, pinapanood nito ang bawat ang galaw niya. Sa oras na tumikom ang labi niya, ilalapit nito ang tubig sa kaniyang bibig. Kapag nagtagal ang tingin niya sa stuffed toy mang ilang segundo, agad niya itong bibilhin.

Carousel rides, bumper cars, ang Ferris wheel—walang pakialam si Elias kung gaano ka-isip bata ang aktibidad. Basta masaya siya rito, masigla siyang nakikisama.

Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito, halos hindi bumitaw. Kahit na sinusubukan niyang kumawala, mas humihigpit lang ang hawak niya sa kamay nito, para bang natatakot siya na mawala ito.

Dumating sa punto na nagtali siya ng lobo sa bag ni Adele at tumawa. “Sa ganitong paraan, Addie, hindi ka na mawawala.”

Hindi mawawala…

Pero ang lugar na pupuntahan niya ay isang lugar na hindi siya kailaman mahahanap nito.

“Elias, matagal na akong nawala sa’yo,” Gusto itong sabihin sa kaniya ni Adele.

Ang hindi maitatanggi nilang chemistry at kaakit-akit na mga itsura ay umagaw ng atensyon ng ibang bisita. Hindi nagtagal nang magsimula ang bulungan at may nagturo sa kanila.

“Tingnan nito! Hindi ba't si Mr. Sterling at Mrs. Sterling ‘yon? Hindi ako makapaniwala na makikita ko sila sa personal! Ang lambing nila sa isa't isa!”

Masiglang gumalaw ang babae, halos tumalon-talon ang kaniyang paa habang hawak ang braso ng kaniyang boyfriend at hinila siya papunta kay Adele.

“Um… pwede ba kami magpa-picture sa inyo? Fan na fan niyo kami! Kayo ang paborito naming couple!”

Nang makita ang masiglang ekspresyon ng babae, hindi kaya ni Adele na tumanggi at tumango na lang.

Hindi mahilig si Elias na kumuha ng litrato pero handa siyang makisama kay Adele.

Tumunog ang camera at ngumiti sa saya ang couple. “Napaka perpekto niyong couple. Sobrang naiinggit kami. Please maging masaya kayo habambuhay!”

Ngumiti si Elias at magalang na tumango. Hindi niya napansin na tahimik lang na nakatayo sa gilid si Adele habang walang sinasabi. Siya lang ang nakakaalam ng katotohanan—walang “habambuhay” na naghihintay sa kanila.

Sa kanilang lunch break, patuloy na nakatingin si Elias sa kaniyang phone. Sa tuwing makikita niya ang tingin ni Adele, agad siyang humihingi ng tawad gamit ang mahinahon at malambing na tono.

“Addie, pasensya na. May trabaho ako na kailangan asikasuhin agad. Kumain ka na muna. Pangako babawi ako sa'yo mamaya, okay?”

Pero biglang, may imahe ng mamahalin na castle ang makikita sa kaniyang phone screen.

Hindi siya nagtatrabaho. Nanonood siya ng livestream.

Pilyo na ngumiti si Adele habang tahimik na binubuksan ang livestream sa sarili niyang cellphone.

Si Evelyn 'yon, isang hindi gaanong kilalang internet influencer na kamakailan lang ay pumirma sa ilalim ng kumpanya ni Elias. Hindi lang siya pumasok dito, ginawa pa siyang mukha ng "Adele," ang jewelry line na sinasabing alay ni Elias sa kanyang asawa.

Lahat ay nag-iisip kung paano nakakuha si Evelyn ng biglang pagkakataon sa mga mataas na posisyon. May mga usap-usapan na baka may malakas na tao na tumutulong sa kanya.

Tama sila. Ang tao na ‘yon ay si Elias. Sa oras na ‘yon, nakatayo si Evelyn sa entrance ng amusement park, naka-livestream sa kaniyang manonood. Mayabang niyang hawak ang kaniyang phone, nagyayabang sa mga viewers.

"Tingnan niyo, guys! Itong amusement park na 'to ay regalo ng boyfriend ko. Sabihin niyo lang ang pangalan ko para makakuha ng discount pag bumisita kayo. Tara, mag-enjoy tayo!"

Nang hawakan ni Adele ang cellphone niya, bigla itong naging sobrang lamig. Lalong tumigas ang hawak niya habang parang may malamig na hangin na dumaloy sa mga ugat niya.

“Itong amusement park… na pinagdalhan niya sa akin… ay regalo para sa kaniya?” iniisip ni Adele.

Puno ng pagtataka ang comment section ng livestream.

“Huwag ka na mag-sinungaling. Paanong ang maliit na influencer na tulad mo ay kayang bumili ng palaruan ng mga bilyonaryo?”

“Gusto lang niya makakuha ng atensyon. Nang walang patunay, kahit sino ay kayang tumayo sa harap ng park at sabihin na kanila ito.”

“Baliw ka na kung iniisip mo na maniniwala kami rito. May ideya ka ba kung ilang bilyon ang kailangan para magkaroon ng ganiyang lugar?”

Kinagat ni Evelyn ang labi niya, mukhang na-agrabyado. “Hindi ako nagsisinungaling! Tingnan niyo, hindi ba't nandito ang pangalan ko?”

Kinuha niya ang property deed mula sa kaniyang bag, itinutok niya ito sa camera. Malinaw pa sa araw, nakasulat mga ang pangalan niya sa black and white na dokumento.

Agad na naging maingay ang livestream, puno ng komento habang gulat at hindi makapaniwala ang reaksyon ng mga manonood.

“Binabawi ko na. Hindi pa ako nakakita nang ganiyang makapangyarihan na tao sa buhay ko.”

“Isang buong amusement park bilang regalo? Kakaibang pag-spoil na ‘to! Tatapat na ‘to sa pagmamahal ni Mr. Sterling para kay Mrs. Sterling!”

"Sabi nila, makikita mo ang pagmamahal ng isang lalaki kung saan napupunta ang pera niya. Bakit kaya hindi ako makatagpo ng ganitong perfect na lalaki?"

"Eh kasi, dalawa lang ang perfect na lalaki sa mundo: si Mr. Sterling, at yung misteryosong boyfriend ni Evelyn. So, sino sa tingin mo ang mas nagmamahal sa partner nila? Ang devotion ni Sterling kay Mrs. Sterling o yung pagmamahal ng boyfriend ni Evelyn sa kanya? I-press ang 1 para kay Mr. Sterling, 2 para kay Evelyn’s boyfriend!"

Ang comment section ay napuno ng mga "1". Syempre, kilala ang pagmamahal ni Elias kay Adele—hindi lang pera ang ginugol niya, halos buhay niya ay inalay niya para sa kanya.

Bigla na lang lumabas ang bagong account na "LovesEvelyn" at agad nagpadala ng 10,000 na luxury virtual gifts sa livestream ni Evelyn. Kumislap ang screen ng mga makulay na animation, kaya’t nagulat ang mga nanood.

Dahil sa flood ng mga gifts, tumaas ang bilang ng mga viewers sa livestream ni Evelyn mula sa daan-daang libo, naging mahigit sampung milyon!

Biglang, isang malaking mensahe ang lumabas sa screen: “Syempre, mas mahal ko si Evelyn.”

Agad na nagkagulo sa livestream.

“Dumating na ang boyfriend! Sobrang yaman! Napakayaman!”

“Kakaiba ito! Sobrang nakakagulat!”

Ngumiti si Evelyn na may mayabang na saya, puno ng kayabangan ang mata niya. “Nakita niyo na? Sinabi ko na sa inyo na mahal ako ng boyfriend ko.”

Nanginig ang kamay ni Adele habang hawak ang kaniyang phone. Nang tumingin siya ay naabutan niya ang bahagyang ngiti ni Elias, hindi maikakaila ang masayang mata niya.

Siya si “LovesEvelyn.”

Parang hiniwa ang puso niya, at ang sakit ay nanatili kahit matagal na nang binitiwan siya ng kamay na nagdulot nito.
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 27

    "Addie!" Nagising si Elias na parang sinilaban, tinawag ang pangalan ni Adele.Nasa tabi ng kama si Elliot, seryoso at madilim ang ekspresyon."Elias Sterling, simula ngayon, trabaho at pagpapagaling lang ang aasikasuhin mo. Huwag mo nang hanapin si Adele!”Malakas ang ubo ni Elias, halatang litong-lito at hindi makapaniwala. "Bakit? Asawa ko siya. Hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers, kaya kasal pa rin kami! Basta hindi ako susuko, ipapakita kong seryoso ako, mapapatawad niya rin ako balang araw!Mabait siya, madaling kausapin. Kapag nakita niya ang effort ko, babalik din siya sa akin…”"Tama na!" sigaw ni Elliot, tinigil agad ang sinasabi ni Elias.Kinuha niya ang cellphone at pinarinig kay Elias ang isang recorded call ng usapan nila ni Adele. Tahimik pero matibay ang boses ni Adele sa recording, bawat salita’y parang patalim na sumaksak sa puso ni Elias. Nang matapos ang call, dumagundong ang nakakabinging katahimikan.Matapos ang ilang sandali, mahina siyang bum

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 26

    "Pasensya na, pero ayokong pakasalan ka. Maghiwalay na tayo. Hindi na kita mahal."Sa panaginip, binawi ni Adele ang kanyang kamay at unti-unting lumayo."Addie! Hindi! Hindi mo ito pwedeng gawin! Pangau kong aalagaan kita. Mahilig ka sa cream puffs mula sa Eastland, di ba? Bibilhan kita araw-araw. Alahas, ari-arian, shares—lahat ng meron ako, ibibigay ko sa’yo. Basta, manatili ka lang sa akin, please!”Desperadong nakiusap si Elias, nanginginig ang tinig sa matinding emosyon.Ngunit hindi na lumingon si Adele. Wala man lang isang sulyap.Hinabol siya ni Elias nang buong lakas, pero hangin lamang ang kanyang naabutan. Maging ang dalawang engagement ring na hawak niya ay naglaho.Ayaw na sa kanya ni Addie. Hindi na niya gusto ang pagmamahal o anumang kayang ialok ni Elias."Addie... Addie..." Paulit-ulit na binanggit ni Elias ang pangalan ni Adele, mahigpit na nakapikit ang mga mata. Kumakatas ang malamig na pawis sa kanyang maputlang mukha, at may bakas ng dugo sa kanyang la

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 25

    Para ipaghiganti si Adele, walang awang pinabagsak ni Elias ang mga pamilya ng ilang "kaibigan" na nagsalita ng masama tungkol sa kanya noon. Ngayon na nagkaroon sila ng pagkakataong gumanti, hindi nila ito palalagpasin.Hindi naman inintindi ni Evelyn na nagagamit lang siya bilang pain. Ang mahalaga sa kanya, makaganti siya. Kung siya’y naghihirap, bakit dapat maging masaya si Elias?Pero hindi sapat ang simpleng pag-report kay Elias. Gumawa pa si Evelyn ng bagong social media account at nag-live stream, ibinunyag ang lahat ng detalye tungkol sa naging relasyon nila ni Elias.Sa loob lang ng maikling panahon, bumagsak muli ang reputasyon ng Sterling Corporation, kahit na kakasimula pa lang nitong bumangon. Pati si Elias, sunod-sunod ang tinamong batikos.Napilitan siyang bumalik sa bansa para harapin ang mga imbestigasyon, walang magawa si Elias kundi itigil muna ang paghahanap kay Adele.Doon, puro kaguluhan ang sumalubong sa kanya.May mga empleyadong nagtraydor, lalo pang n

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 24

    Saglit na natahimik si Elias bago siya pautal-utal na nagsimulang humingi ng tawad. “Addie, kasalanan ko lahat ‘to. Nagkamali ako. Hindi ko dapat pinasok ‘yung ibang babae sa buhay natin. Pinapunta ko na palayo si Evelyn, at… pinatigil ko ang pagbubuntis niya. Please, Addie, patawarin mo ako,” desperado niyang pakiusap.“Gagawin ko ang kahit ano, basta ‘wag mo lang akong iwan!” halos pabulong na niyang dagdag, parang takot na takot na tuluyan siyang mawala.Pero kalmado lang si Adele. Wala man lang bahid ng emosyon sa boses niya.Ngumiti siya, bahagyang malambing, pero may kung anong malamig sa likod ng mga mata niya.“Sige. Pinapatawad kita.”Nanlaki ang mata ni Elias, hindi makapaniwala sa narinig.“Talaga?” halos hindi siya makahinga sa kaba, hindi man lang niya napansin ang bahagyang pait sa tono ni Adele.Tumawa si Adele, isang malamig at mapanuyang tawa. “Hindi ba ‘yan ang gusto mong marinig? Sige, tapos na ‘yung nakaraan. Pinapatawad na kita. Masaya ka na? Kung oo, edi

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 23

    Punong-puno ng galit si Elias.Kung mabibigyan lang siya ng pagkakataong magsimula ulit, pipiliin niyang manatili sa totoong siya.Pero masyadong mapait ang buhay. Nakatayo siya sa isang di pamilyar na kalsada, pakiramdam niya'y parang batang hindi alam kung saan pupunta.Dapat pa ba siyang maghanap?Oo naman.Pero saan ba siya magsisimula?"Hello, asawa ko 'yung babaeng nasa litrato. Galit siya sa’kin at bigla na lang umalis. Sinusubukan ko siyang hanapin. Pwede mo ba akong bigyan ng contact info niya?" tanong ni Elias, seryoso ang tono.Matagal nag-alinlangan ang hotel clerk, halatang nag-iisip. Pero noong inilabas ni Elias ang isang makapal na pera, biglang lumiwanag ang mukha nito at dali-daling inabot ang contact info ni Adele.Agad niya itong tinawagan, pero walang sumagot.“Siguro nasa eroplano pa siya," pangungumbinsi niya sa sarili.Determinado siyang ipakita kay Adele na seryoso siya sa paghingi ng tawad at pag-amin sa kanyang mga pagkakamali. Kaya nag-post siya n

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 22

    Malakas na chime ng cellphone ang pumuno sa kwarto, halos walang tigil sa pagdagsa ng mga notifications, mga larawan, sightings mula sa mga netizen.Sa dami ng impormasyong natatanggap ni Elias, hindi na niya alam kung alin ang may silbi at alin ang wala. Napakaraming tao ang naghahabol sa reward, kaya lalong lumabo ang mga tunay na lead. Kahit may mga tauhan siyang tumutulong mag-filter ng impormasyon, hindi pa rin sapat.Sa puntong ito, pinagsisihan na niya ang desisyong ito.Pero ano pa bang magagawa niya? Kung wala ang collective effort ng mga tao sa internet o kung hindi mismo si Adele ang magpakita, wala siyang kahit anong paraan para hanapin siya.Nakaupo siya sa kama, unti-unting nilalamon ng kawalan ng pag-asa.Hanggang sa biglang may dumating na ilang bagong larawan mula sa kanyang mga tauhan."Mr. Sterling, may nagsabing nakita si Adele sa harap ng isang simbahan sa Bertin City, Ashford. Pinapunta na namin ang ilang tao para i-verify. Kailangan mong pumunta roon agad.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status