Share

Nang Magmakaawa ang CEO
Nang Magmakaawa ang CEO
Author: Cool Breeze

Kabanata 1

Author: Cool Breeze
”Miss Summers, sigurado ba kayo na gusto niyong burahin ang lahat ng identity record niyo? Kapag binura ito, parang hindi kayo naging tunay at walang makakahanap sa inyo.”

Natigil si Adele nang sandali bago siguradong tumango. “Oo, ‘yan mismo ang gusto ko. Ayaw ko na may majhanap sa akin.”

May bakas ng gulat ang nasa kabilang linya pero agad itong sumagot, “Naiintindihan ko, Miss Summers. Matatapos ang proseso nang dalawang linggo. Maghintay lang kayo.”

Pagkatapos patayin ang tawag, ibinaba ni Adele ang phone niya at nag-book ng flight papuntang Florin, nakatakda itong umalis pagkatapos ng dalawang linggo.

Sa kanilang banda, pinapakita sa telebisyon ang nangyaring press conference ng Sterling Corporation.

Isang linggo na ang lumipas, si Elias Sterling, ang CEO ng Sterling Corporation ay nagpakita ng masterpiece na jewelry, gawa sa pinaka magandang diamond at gemstone sa mundo. Pinangalanan niya itong “Adele” mula sa kaniyang asawa, isang malaking pagpapakita ng pagmamahal rito sa buong mundo.

Nang maipakilalabang piece na ‘yon, naging sikat ito at naging trending topic sa iba't ibang platform. Hindi nawala ang ingay at masaya ang buong internet sa pag-uusap tungkol sa kanilang “fairytale romance.”

Kasunod ng press conference, lumipat ang broadcast sa mga clips ng reporter na nagtatanong sa mga dumaraan.

“Excuse me, sir, alam mo ba ang tungkol sa sikat na love story nina Mr. Sterling at Mrs. Sterling?”

Isang babae na nakasuot ng bulaklakin na damit, puno ng inggit ang mukha niya at masigla siyang sumagot, “Sinong hindi? Nitong nakaraan lang, naglabas si Mr. Sterling ng memoir na para lamang kay Mrs. Sterling.

“Doon, binanggit niya kung ganito nito kamahal ang cherry, kaya nagtanim siya ng isang buong lupain ng cherry tree sa villa nila! Sinabi ko sa asawa ko na matuto mula rito at sinabi niya, ‘Nag-iisa lang sa bawat milyon ang ganoong klase ng lalaki. Hindi ko kayang makipaglaban.’ Sa totoo lang, sapat na ‘yon para mabaliw ka sa inggit!”

Naglakad pa ang reporter para magtanong pa ng ibang tao.

Isang batang estudyante sa unibersidad ang tumayo sa harap ng mikropono, hawak ang mga kamay sa kanyang dibdib habang may kinikilig na ekspresyon sa mukha. "Parang romance novel na isinabuhay ang love story nila! Si Mr. Sterling, siya ang pinaka-romantikong asawa. Apat na taon na ang nakalipas, nagkaroon ng kidney failure si Mrs. Sterling at talagang kailangan ng transplant."

“Nang malaman na compatible donor si Mr. Sterling, hindi niya pinansin ang pagtanggi ng ina at agad na pumunta sa operating table sa araw na ‘yon para iligtas siya. Sinabi niya na buhay niya ito, at kung hindi siya mabubuhay ay hindi rin niya kayang mabuhay. Bakit ang perpekto niyang lalaki?”

Maraming tao ang tinanong mg mga reporter, at bawat isa sa kanila ay nagpakita ng paghanga sa love story ni Elias at Adele.

Paulit-ulit ang balita sa screen pero bahagyang kinurba ni Adele ang labi niya sa pangungutya sa sarili.

Laging nakakaagaw ng atensyon ang mukha niya at sa murang edad, napapalibutan siya ng tagahanga.

Pero, dahil lumaki siya sa divorce na magulang, walang paniniwala si Adele tungkol sa pag-ibig.

Tinanggihan niya ang lahat ng umaain sa kaniya gamit ang isang linya. “Sorry, hindi ako interesado sa pakikipag-date, at wala akong pakialam tungkol sa pag-ibig.”

Hanggang sa nakilala niya si Elias.

Hindi tulad ng iba, hindi siya nito tinigilan sa panliligaw sa loob ng taon. Kahit ilang beses pa niya itong tanggihan, mas lalo lang itong nagiging determinado.

Isang beses, para mapanalunan lang ang kwintas na gusto niya, sumali siya sa delikadong street race, halos mamatay siya sa proseso. ‘Yon ang pagkakataon na nabasag niya ang nakaharang sa kaniya.

Nang naging magkasintahan sila, hindi nawala ang pagmamahal niya. Sa halip, ibinigay nito ang lahat ng kaya niyang ibigay, hanggang sa natunaw na lang ang nag-iingat niyang puso.

Kahit nang mag-propose ito, hindi siya tumigil nang isang beses—limampu’t dalawang beses siyang nagtanong bago siya bumigay at pumayag na pakasalan siya.

Sa araw ng huling proposal niya, tiningnan ni Adele ang singsing sa kaniyang daliri, namumuo ang luha sa kaniyang mata at sinabi kay Elias, ‘Elias, gagawin ko ang lahat para maging asawa mo, sa kamatayan man, kayamanan o kahirapan, hindi kita iiwan.

“Pero may isang bagay lang na dapat mong maalala—hindi ako tatanggap ng kasinungalingan. Kapag niloko mo ako, mawawala ako sa mundo mo habambuhay.”

Three months ago, nalaman niya na nakikipagkita si Elias sa ibang babae. Kasama niya sa araw si Adele at ang babae naman na ‘yon sa gabi, nakahati sa dalawang babae ang puso niya.

Ito ang masakit na katotohanan sa kasabihang: ang mga nagmamahal nang matindi ay madalas na mabilis ding nauubos.

Mapait na tumawa si Adele, saka pinatay ang telebisyon at inilabas ang matagal na niyang inihandang divorce papers. Dinampot niya ang panulat at, sa bawat maingat na galaw, isa-isang isinulat ang kanyang pangalan.

Tila itinakda ng tadhana, nagkatotoo ang kanyang mga sinabi noon. Tutuparin niya ang pangako niyang mawala sa mundo nito magpakailanman.

Matapos pirmahan ang kanyang pangalan, maingat na inilagay ni Adele ang divorce papers sa isang eleganteng kahon ng regalo at maingat itong binalot.

Makalipas ang isang oras, pumasok si Elias sa pintuan.

Bago pa man niya matanggal ang kanyang sapatos, agad siyang lumapit kay Adele at niyakap siya nang mahigpit. Mahina siyang humingi ng tawad. “Sorry, Addie. Kinuha ko ang alahas ngayon, kaya ako natagalan at hindi umabot sa wedding anniversary natin. Please, huwag ka nang magalit, okay?”

Inilabas niya ang kahon na may lamang kwintas na may pangalang "Adele," umaasang mapapalubag ang kanyang loob.

Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng kanyang itim na shirt, naiwan ang unang butones na hindi nakasara. Habang yumuyuko siya, bumungad kay Adele ang mapupusyaw na bakas ng mga halik at mga gasgas sa balat sa ilalim ng kanyang kuwelyo—isang matalim na sibat na tumusok diretso sa kanyang puso.

Talaga bang kumuha lang siya ng alahas, o kasama niya si Evelyn Lowe buong gabi? Malamang, diretsong galing lang siya sa kama nito.

Walang kamalay-malay si Elias sa bagyong bumabagabag sa kanyang kalooban. Marahan niyang isinabit ang kwintas sa leeg ni Adele. Kumikinang ang mga hiyas sa ilalim ng ilaw, lalo pang pinalutang ang nakabibighaning kagandahan.

"Ang ganda-ganda mo, Addie," sabi niya nang taos-puso, puno ng paghanga ang kanyang mga mata.

Ngunit walang bakas ng tuwa sa mukha ni Adele. Namumula ang kanyang mga mata habang iniaabot kay Elias ang kahon ng regalo na naglalaman ng divorce papers. "Para sa'yo.”

Tumingin sa kanya si Elias, halatang naguguluhan. "Ano 'to?"

Kumurba ng bahagya ang labi ni Adele. “Regalo. May inihanda kang isang bagay para sa akin sa ating anibersaryo, kaya't nararapat lang na bigyan din kita ng isang bagay bilang kapalit.”

Nagliwanag sa tuwa ang mata ni Elias. Trinato niya ang kahon na parang kayamanan at agad na gumalaw para buksan ito.

Pero pinigilan siya ni Adele. “Buksan mo ‘yan pagkatapos ng dalawang linggo.”

“Bakit?” tanong niya, bahagyang nagtataka.

Sinadyang bagalan ni Adele ang mga bawat salita. “Kasi mas may kahulugan ang regalo na ‘to kapag binuksan mo pagkatapos ng dalawang linggo.”

Natigil sandali si Elias, tumango siya nang hindi na pinipilit ang mga bagay.

Sa halip, mahinahon niyang kinuha ang kamay nito at hinalikan nang bahagya.

“Masusunod ang kahit anong sabihin ng mahal ko. Maghihintay ang asawa mo para sa sorpresa na ito.”

Pagkatapos non, agad niyang kinuha ang sticky note, maingat itong sinulatan, at mahinahon na idinikit sa gift box. “Open in two weeks.”

Tahimik siyang pinanood ni Adele, mabigat ang mga iniisip niya. “Elias, sana kapag dumating ang oras na ‘yon, makikita mo ito bilang sorpresa.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 27

    "Addie!" Nagising si Elias na parang sinilaban, tinawag ang pangalan ni Adele.Nasa tabi ng kama si Elliot, seryoso at madilim ang ekspresyon."Elias Sterling, simula ngayon, trabaho at pagpapagaling lang ang aasikasuhin mo. Huwag mo nang hanapin si Adele!”Malakas ang ubo ni Elias, halatang litong-lito at hindi makapaniwala. "Bakit? Asawa ko siya. Hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers, kaya kasal pa rin kami! Basta hindi ako susuko, ipapakita kong seryoso ako, mapapatawad niya rin ako balang araw!Mabait siya, madaling kausapin. Kapag nakita niya ang effort ko, babalik din siya sa akin…”"Tama na!" sigaw ni Elliot, tinigil agad ang sinasabi ni Elias.Kinuha niya ang cellphone at pinarinig kay Elias ang isang recorded call ng usapan nila ni Adele. Tahimik pero matibay ang boses ni Adele sa recording, bawat salita’y parang patalim na sumaksak sa puso ni Elias. Nang matapos ang call, dumagundong ang nakakabinging katahimikan.Matapos ang ilang sandali, mahina siyang bum

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 26

    "Pasensya na, pero ayokong pakasalan ka. Maghiwalay na tayo. Hindi na kita mahal."Sa panaginip, binawi ni Adele ang kanyang kamay at unti-unting lumayo."Addie! Hindi! Hindi mo ito pwedeng gawin! Pangau kong aalagaan kita. Mahilig ka sa cream puffs mula sa Eastland, di ba? Bibilhan kita araw-araw. Alahas, ari-arian, shares—lahat ng meron ako, ibibigay ko sa’yo. Basta, manatili ka lang sa akin, please!”Desperadong nakiusap si Elias, nanginginig ang tinig sa matinding emosyon.Ngunit hindi na lumingon si Adele. Wala man lang isang sulyap.Hinabol siya ni Elias nang buong lakas, pero hangin lamang ang kanyang naabutan. Maging ang dalawang engagement ring na hawak niya ay naglaho.Ayaw na sa kanya ni Addie. Hindi na niya gusto ang pagmamahal o anumang kayang ialok ni Elias."Addie... Addie..." Paulit-ulit na binanggit ni Elias ang pangalan ni Adele, mahigpit na nakapikit ang mga mata. Kumakatas ang malamig na pawis sa kanyang maputlang mukha, at may bakas ng dugo sa kanyang la

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 25

    Para ipaghiganti si Adele, walang awang pinabagsak ni Elias ang mga pamilya ng ilang "kaibigan" na nagsalita ng masama tungkol sa kanya noon. Ngayon na nagkaroon sila ng pagkakataong gumanti, hindi nila ito palalagpasin.Hindi naman inintindi ni Evelyn na nagagamit lang siya bilang pain. Ang mahalaga sa kanya, makaganti siya. Kung siya’y naghihirap, bakit dapat maging masaya si Elias?Pero hindi sapat ang simpleng pag-report kay Elias. Gumawa pa si Evelyn ng bagong social media account at nag-live stream, ibinunyag ang lahat ng detalye tungkol sa naging relasyon nila ni Elias.Sa loob lang ng maikling panahon, bumagsak muli ang reputasyon ng Sterling Corporation, kahit na kakasimula pa lang nitong bumangon. Pati si Elias, sunod-sunod ang tinamong batikos.Napilitan siyang bumalik sa bansa para harapin ang mga imbestigasyon, walang magawa si Elias kundi itigil muna ang paghahanap kay Adele.Doon, puro kaguluhan ang sumalubong sa kanya.May mga empleyadong nagtraydor, lalo pang n

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 24

    Saglit na natahimik si Elias bago siya pautal-utal na nagsimulang humingi ng tawad. “Addie, kasalanan ko lahat ‘to. Nagkamali ako. Hindi ko dapat pinasok ‘yung ibang babae sa buhay natin. Pinapunta ko na palayo si Evelyn, at… pinatigil ko ang pagbubuntis niya. Please, Addie, patawarin mo ako,” desperado niyang pakiusap.“Gagawin ko ang kahit ano, basta ‘wag mo lang akong iwan!” halos pabulong na niyang dagdag, parang takot na takot na tuluyan siyang mawala.Pero kalmado lang si Adele. Wala man lang bahid ng emosyon sa boses niya.Ngumiti siya, bahagyang malambing, pero may kung anong malamig sa likod ng mga mata niya.“Sige. Pinapatawad kita.”Nanlaki ang mata ni Elias, hindi makapaniwala sa narinig.“Talaga?” halos hindi siya makahinga sa kaba, hindi man lang niya napansin ang bahagyang pait sa tono ni Adele.Tumawa si Adele, isang malamig at mapanuyang tawa. “Hindi ba ‘yan ang gusto mong marinig? Sige, tapos na ‘yung nakaraan. Pinapatawad na kita. Masaya ka na? Kung oo, edi

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 23

    Punong-puno ng galit si Elias.Kung mabibigyan lang siya ng pagkakataong magsimula ulit, pipiliin niyang manatili sa totoong siya.Pero masyadong mapait ang buhay. Nakatayo siya sa isang di pamilyar na kalsada, pakiramdam niya'y parang batang hindi alam kung saan pupunta.Dapat pa ba siyang maghanap?Oo naman.Pero saan ba siya magsisimula?"Hello, asawa ko 'yung babaeng nasa litrato. Galit siya sa’kin at bigla na lang umalis. Sinusubukan ko siyang hanapin. Pwede mo ba akong bigyan ng contact info niya?" tanong ni Elias, seryoso ang tono.Matagal nag-alinlangan ang hotel clerk, halatang nag-iisip. Pero noong inilabas ni Elias ang isang makapal na pera, biglang lumiwanag ang mukha nito at dali-daling inabot ang contact info ni Adele.Agad niya itong tinawagan, pero walang sumagot.“Siguro nasa eroplano pa siya," pangungumbinsi niya sa sarili.Determinado siyang ipakita kay Adele na seryoso siya sa paghingi ng tawad at pag-amin sa kanyang mga pagkakamali. Kaya nag-post siya n

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 22

    Malakas na chime ng cellphone ang pumuno sa kwarto, halos walang tigil sa pagdagsa ng mga notifications, mga larawan, sightings mula sa mga netizen.Sa dami ng impormasyong natatanggap ni Elias, hindi na niya alam kung alin ang may silbi at alin ang wala. Napakaraming tao ang naghahabol sa reward, kaya lalong lumabo ang mga tunay na lead. Kahit may mga tauhan siyang tumutulong mag-filter ng impormasyon, hindi pa rin sapat.Sa puntong ito, pinagsisihan na niya ang desisyong ito.Pero ano pa bang magagawa niya? Kung wala ang collective effort ng mga tao sa internet o kung hindi mismo si Adele ang magpakita, wala siyang kahit anong paraan para hanapin siya.Nakaupo siya sa kama, unti-unting nilalamon ng kawalan ng pag-asa.Hanggang sa biglang may dumating na ilang bagong larawan mula sa kanyang mga tauhan."Mr. Sterling, may nagsabing nakita si Adele sa harap ng isang simbahan sa Bertin City, Ashford. Pinapunta na namin ang ilang tao para i-verify. Kailangan mong pumunta roon agad.

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 21

    Ramdam na ramdam ni Elias ang kaba at pawis na malamig ang bumalot sa kanyang mga palad.Nakatayo lang siya roon, naghihintay, pero walang nagbukas ng pinto.Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya, at sa hindi maipaliwanag na takot, itinulak niya ang pinto. Ngunit sa kanyang pagkadismaya, nakalock ito, hindi man lang gumalaw.Napatingin siya sa isang maliit na blackboard malapit sa kanya.May nakasulat doon: "Closed today."Sa una, inakala niyang para sa kanya ang mensaheng iyon, na sinarado ni Adele ang inn para sa ibang bisita, para may pagkakataon silang mag-usap.Pero ngayon, malinaw na malinaw na ang totoong ibig sabihin nito: walang balak si Adele na makita siya. Doon siya natauhan.Pinaglaruan siya ni Adele.Wala talaga siyang intensyong makipagkita. Ito ang paraan niya ng pagtanggi kay Elias. Parang sumisigaw sa kanya ang bawat detalye, sobrang sakit at walang awang pinapaalala. “Sorry, hindi kita patatawarin.” Hindi makapaniwala na nakatigtig si Elias sa inn.

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 20

    Noong una, natawa lang ang mga tao sa nangyayari.May ilan na naiinggit sa pabuya kaya sinadya pang magbigay ng walang kwentang impormasyon at pekeng ebidensya. Pero habang tumatagal, unti-unting lumalabas ang mga totoong dahilan.Nang mapagtanto ng mga tao na totoo palang makukuha ang premyo, bigla na lang nagkagulo ang internet. Lahat biglang gustong sumali.Kahit si Adele ay nalaman ang tungkol sa balita. Ang dami nang sumusubok na hanapin siya, pero wala siyang kahit anong sayang nararamdaman sa ginagawa nila. Sa totoo lang, mas naiinis pa siya.Pinutol na niya ang dati niyang pagkatao—hindi ba sapat ‘yon para ipakita na iyon ang solusyon niya?Kilala ni Adele ang sarili niya. Hindi siya ang tipo na babalik pa sa iniwan niya.Simula’t sapul, hindi niya talaga balak na patawarin si Elias.Nang makita niya ang mensahe ni Elias na puno ng paghingi ng tawad, natawa lang siya.Kung alam niyang mali siya, bakit nagpapanggap siya dati na parang wala lang nangyari?Ilang be

  • Nang Magmakaawa ang CEO   Kabanata 19

    Huling regalo ni Adele kay Elias ang divorce agreement, iyon ang paraan niya para tuluyang putulin ang kanilang relasyon. Kabaliktaran, iyon na lang ang natitirang bagay na nagpapaalala kay sa kaniya tungkol kay Adele. Paulit-ulit niya itong binabasa, kaya pina-laminate pa niya para hindi agad mapunit."Addie, nasaan ka? Alam kong nagkamali ako… Hindi ko hinihinging patawarin mo ako. Gusto lang kitang makita, kahit isang beses lang…”"Addie, lahat ng taong nanakit sa’yo, pinaparusahan ko na. Pati ako—sa lahat ng posibleng paraan. Pwede ba, kahit isang beses lang?""Addie..."Walang nakakaalam kung gaano siya katagal na nagmumukmok bago siya tuluyang mawalan ng malay.Samantala, hindi naging madali ang pakikitungo sa pamilya ng mga dati niyang “kaibigan” tulad ng inaasahang mangyari ng pamilyang Sterling. Nang lumabas ang balitang hiwalay na sina Elias at Adele, maraming tao ang nalungkot sinasabi nila na parang nawala ang paniniwala nila sa pag-ibig. Dati, sila ang ideal coupl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status