Share

Kabanata 2

Penulis: Simple Silence
Nakatitig si Elliot sa mamahaling chandelier na nakasabit sa kisame - isang titig na sobrang nakakatakot at nakakapanaas balahibo.

Nang sandaling makita ni Cole ang nangyari sa kalagitnaan ng kanyang pagdadrama, bigla siyang namutla at napaatras sa sobrang kaba.

“Avery…ah ang ibig kong sabihin, Auntie Avery… malalim na ang gabi kaya…kaya hindi ko na kayo iistorbohin pa ni Uncle Elliot. Mauuna na ako!”

Nangangatal at ga-butil ang pawis ni Cole habang nagsasalita at walang anu-ano, kumaripas siya ng takbo palabas ng silid.

Maging si Avery ay hindi rin alam kung anong gagawin niya - sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso at nanginginig ang kanyang buong katawan sa kaba.

Gi…gising si Elliot? Hindi ba… mamatay na siya?

Gusto sana ni Avery na kausapin si Elliot, pero hindi niya rin alam kung bakit walang boses na lumalabas mula sa lalamunan niya. Gustuhin niya mang lapitan ito para tignan kung totoo ba ang nakikita niya, pero hindi siya makagalaw.

Nangibabaw ang takot kay Avery kaya napakaripas siya ng takbo pababa ng hagdanan.

“Mrs. Cooper! Gising na si Elliot! Dumilat siya!” Sigaw ni Avery.

Nang sandaling marinig ni Mrs. Cooper ang sinabi ni Avery, walang anu-anong kumaripas siya ng takbo paakyat.

“Araw-araw na dumidilat si Master Elliot, MAdam, pero hindi ibig sabihin ‘nun ay gising na siya. Tignan mo, hindi pa rin siya nagrerespond sa kahit anong sabihin natin ngayon.” Magalang na paliwanag ni Mrs. Cooper. Huminga ito ng malalim at nagpatuloy, “Ang sabi ng mga doktor, sobrang liit nalang daw ng tyansa ng mga kagaya ni master na mala-gulay na magising pa.”

Pero sa kabila ng paliwanag ni Mrs. Cooper, nanatili pa rin ang kaba kay Avery kaya aligaga niyang sinabi, “Pwede bang matulog ako ng nakabukas ang ilaw? Natatakot kasi ako eh.”

“Oo naman,” Nakangiting sagot ni Mrs. Cooper. “Matulog ka rin kaagad. Kailangan mo pang bumisita sa mansyon bukas, gigisingin kita ng maaga.”

“Okay,” Sagot ni Avery.

Pagkalabas ni Mrs. Cooper, nagpalit lang si Avery sa kanyang pajamas at dumiretso na rin siya kaagad sa kama.

Nakaupo lang siya sa tabi ni Elliot habang tinitigan ang napaka gwapo nitong mukha. Hindi nagtagal, dahan-dahan niyang itinapat ang kamay niya at kumaway sa mata nito.

“Anong iniisip mo, Elliot?” Tanong ni Avery, pero kagaya ng inaasahan, walang sumagot sakanya.

Habang tinitigan ni Avery si Elliot, bigla siyang nakaramdam ng sobrang lungkot. Kumpara sa pinagdadaanan nito, walang-wala yung kanya.

“Sana magising ka na, Elliot kasi kung hindi ka magmamadali, makukuha sayo ni Cole ang lahat ng kayamanan mo. Paano ka matatahimik sa kabilang buhay kapag nangyari yun?”

Pagkatapos magsalita ni Avery, dahan-dahang pumikit si Elliot.

Muli, napatalon si Avery sa gulat nang makita ito at sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso niya.

‘Sa pagkakaalam ko, nakakarinig pa rin naman ang tao kahit na mala-gulay na ito. Ibig sabihin… narinig niya ang sinabi ko?’

Dahan-dahan siyang humiga sa tabi ni Elliot. Sobrang daming tumatakbo sa isip ni Avery kaya napabuntong hininga nalang siya.

Siya na si Mrs. Foster ngayon, at wala ng kahit sino ang pwedeng bumully sakanya - sa ngayon.

Pero sa oras na mamatay si Elliot, ano nalang ang gagawin sakanya ng mga Foster?

Biglang sumikip ang dibdib ni Avery habang iniisip ang mga posibilidad.

Kailangan niyang sulitin ang pagiging Mrs. Foster para mabawi ang lahat ng mga nawala sakanya habang nabubuhay pa ito!

Lahat ng mga taong umapak sakanya ay sisiguraduhin niyang magbabayad!

……

Eksakto alas-otso ng umaga kinabukasan, sinamahan ni Mrs. Cooper si Avery sa mansyon ng nanay nbi Elliot - si Rosalie Foster.

Ang buong Foster Family as naghihintay kay Avery sa sala, kaya isa-isa niyang binati ang mga ito at binigyan ng tsaa bilang pag’galang.

Masaya si Rosalie sa ugaling pinakita ni Avery - ang isang masunuring bata ay mas madaling kontrolin.

“Kamusta naman ang tulog mo kagabi, Avery?” Nakangiting tanong ni Rosalie.

“Okay naman po.” Nahihiyang sagot ni Avery.

“Kamusta naman si Elliot? Hindi ka naman niya naistorbo no?”

Naalala ni Avery ang napaga gwapo ngunit walang malay na mukha ni Elliot. “Hindi naman siya gumalaw kaya hindi niya ako naistorbo.”

Hindi man gumagalaw si Elliot, pero mainit pa rin ang katawan nito kaya noong malalim na ang tulog niya, hindi niya namalayan na nayakap niya ‘to, na parang unan.

Kaya sobrang nagulat siya noong oras na magising siya sa kalagitnaan ng gabi.

“Siya nga pala.. May regalo ako para sayo, Avery.” Nakangiting sabi ni Rosalie habang binubuksan ang isang gift box na kulay purple. Iniabot niya ito kay Avery at nagpatuloy, Bagay na bagay ang bracelet na ‘to sa skin tone mo. Nagustuhan mo ba?”

Walang intensyon si Avery na ipahiya ang matanda sa harap ng buong pamilya nito kaya agad-agad niyang tinaggap ang binibigay nito at nagpasalamat.

“Opo, nagustuhan ko. Salamat po!”

“Alam kong mahirap ang lahat sa ngayon para sayo, Avery. Sa sitwasyon ni Elliot ngayon, hindi niya magagawang maging asawa sayo. Pero wag kang mag’alala! May naisip akong magandang paraan… Alam naman nating kaunting oras nalang ang natitira kay Elliot, diba? Sobrang naging busy ng anak ko na yun sa pagtatrabaho kaya kahit kailan hindi pa siya nagkaka girlfriend… Ngayong naaksidente siya, nalungkot ako para sakanya na hindi na siya magkakaroon ng anak…”

Biglang natigilan si Avery nang marinig ang sinabi ni Rosalie.

Anak?

‘Tama ba ang pagkakaintindi ko na gusto niyang magkaanak kami ni Elliot?’

“Gusto ko sanang magkaroon si Elliot ng anak para hindi maputol ang lahi namin.”

Hindi nahanda ni Avery at ng lahat ang mga sarili nila sa mga sinabi ni Rosalie, kaya lahat sila ay gulat na gulat.”

“Ma! Ang tagal na ring walang malay ni Elliot, kaya posibleng baka nabaog na siya.” Nag-aalalang sabat ng kuya ni Elliot na si Henry Foster.

Hindi pa patay si Elliot, pero halos lahat ay naka pokus na sa mga iiwanan niya.

Natawa si Rosalie at sumagot, “Ano ka ba! Syempre magpapatulong ako sa mga doktor! Sa sitwasyon ni Elliot ngayon, sayang naman kung hindi siya magkaka anak. Ngayong nandito na si Avery, posibloe na ‘yun. Kahit pa babae ang maging anak nila, walang problema sakin.”

Noong oras na yun, lahat ng tao ay nakatingin lang kay Avery.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jenny Moral Merida-Taganas
proceed to kabanata 1334
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3177

    Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3176

    Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3175

    "Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3174

    Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3173

    Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3172

    Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status