Share

Chapter 18

It's been three days after my master, Heins Cyan Xenia confessed his feelings for me.

Kinuha ko ang spare key na nasa kabinet at nagpaalam sa aking mga magulang. Ngayon kasi ang araw na mamamasyal kami ni Heins sa malayong lugar upang makapag relax ako.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyang relax dahil hindi ko maramdaman ang aking mukha tuwing nasisilayan ko siya. Paano ako marerelax no’n? Pakiramdam ko nga ay magiging bato ako tuwing hinahawakan niya ang kamay ko o kahit buhok ko lang.

Lumabas ako sa aming bahay at doon tumambad sa akin ang nakasandal na Heins sa kaniyang itim na kotse. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa aking direksyon, may mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. Kumaway ako sa kaniya at dahan-dahang naglakad papalapit.

“Hi!” bati ko sa kaniya. “Saan tayo ngayon?” Tanong ko pa at hinawakan ang slingbag na aking bitbit.

“Church.”

I titled my head. “Huh?” Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Inalis niya ang kaniyang pagkakasandal sa kotse at lumapit sa akin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status