Share

Chapter 13

Grace Estrella-Lopez

KANINA KO PA hinahanap sina Blaze pero hindi ko sila makita. Natulog ako na katabi si Blaze ngunit nagising ako na nag-iisa na aking kama. Napangiti ako nang maalala ang naganap sa amin. Napakasarap sa pakiramdam ng yakap ni Blaze, ng aking nobyo. Mas lalong lumaki ang aking ngiti. Nobyo ko na siya. Napakasarap isipin.

Bumuntong-hininga ako at nangingiting tiningnan ang aking suot. Pinutol ni Blaze ang laylayan ng aking mga bestida, hanggang hita na ngayon ang haba nito at nasasanay na ako dahil ganito palagi ang aking suot.

Luminga ako sa paligid. Nasaan na kaya ang mga 'yon? Lumabas ako ng bahay at tumingin sa kalangitan, hapon na pala, marahil ay nasa dagat ang mga iyon.

Dali-dali akong naglakad papunta sa dagat. Natanaw ko naman sila kaagad sa dalampasigan. May hinahalungkat na itim na bagay si Blaze at Kevin, mukhang inanod na ng alon ang kanilang mga gamit papunt

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status